The End Of Our Love ( Aya's S...

By TheLostMemoryOfLove

46.2K 1.1K 112

Aya's Story~ More

Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
EPILOGUE

Chapter 05

2.3K 81 2
By TheLostMemoryOfLove

Problema

Dumaan ang araw, linggo, buwan at taon. Hindi pa rin nagsa-sawa si Peter na dalhan ako nang bulaklak.

Pati nga si Mommy ay bini-bigyan niya na lagi at si daddy naman, nagiging close niya na dahil nag-uusap sila lagi dito sa bahay kapag kami ni Mommy ay nasa kusina para mag-handa nang meryenda.

"Alam mo, hindi ko akalain na magda-dalawang taon na tayo." sambit ko at sumandal sa balikat ni Peter

"Ako din. Akala ko nga ka-tulad noong ibang may relasyon, buwan lang ang li-lipas maghi-hiwalay din." aniya at hinalikan ang tuktok nang ulo ko

"Kung sakaling may sumira sa'tin, pa-payag ka bang iwan kita?" tanong ko sa kanya

Ilang sandali siyang tumahimik kaya agad kong inangat ang ulo ko at tiningnan siyang mabuti.

"Hindi ako pa-payag. Hindi ko ha-hayaang iwan mo ako dahil lang sa may gustong sumira sa'tin. Hinding-hindi ko ha-hayaang mawala ka sa'kin, Aya." aniya na may lungkot sa mata

Ngumiti naman ako sa kanya.

"Hindi naman ako mawa-wala sa'yo e. Kung sino man 'yong may balak na sumira sa'tin, su-suntukin ko talaga." sambit ko at tumawa

Tipid naman siyang ngumiti kaya agad akong napa-titig sa kanya.

"Tandaan mo Peter, kahit anong mangyari, mahal na mahal kita." sambit ko

"I love you more, Aya." aniya at hinalikan ang noo ko

Matamis ko siyang nginitian. Buti nalang at nandiyan siya lagi sa tabi ko.

Kina-gabihan ay nasa kuwarto ako nang bigla akong naka-rinig nang kalabog sa kuwarto nina Mommy. Agad na napa-bangon ako at lumabas nang kuwarto para sumilip.

"Hindi puwede! Bigay ni Papa ang mansyon na 'yon kaya hindi mo 'yon puwedeng i-benta nalang basta-basta!" sigaw ni mommy

Bakit naman ibe-benta ni daddy ang bahay na galing kay lolo?

Ano na bang nangyayari?

"Kapag hindi natin ginawa 'yon, baka bumagsak tayo lalo at baka ma-baon pa tayo sa utang!" si daddy

Mas lalong napa-kunot ang noo ko. Bumabagsak na ang kompanya? Maba-baon kami sa utang?

Ano bang nangyayari?

"Kahit na, hindi natin puwedeng i-benta nalang ang nag-iisang bagay na ipapa-mana natin sa anak natin. Wala akong pakialam kung bumagsak man ang kompanya. O kung ma-baon man tayo sa utang, basta 'wag lang nating i-benta ang mansyon. Alam mo naman kung gaano ka importante ang mansyon na 'yon sa pamilya namin. Please, 'wag.." nagma-makaawang sabi ni Mommy kay Daddy habang umi-iyak

Napa-takip nalang ako nang bibig ko para pigilan ang hikbi.

Napa-balik nalang ako sa kuwarto ko at doon na umiyak.

Bakit nangyayari 'to sa buhay namin?Bakit buma-bagsak na ang kompanya? Parang noon lang isa sa pinaka-malaking kompanya ang amin.

Tapos ngayon bumagsak nalang kami bigla?

Sigurado akong pakana ito nang kalaban nina Daddy sa negosyo.

At kung 'yon nga ang dahilan, hindi puwedeng matuloy ang plano nila. Mala-lampasan namin ang problema namin. Tu-tulungan ko sina Mommy.

Continue Reading

You'll Also Like

3.2M 76K 34
Famous delinquent Demon Lewisham saw the love of his life Devi Parker die right before his eyes five years ago, but he still believes she's alive. Wh...
442K 16.4K 35
"If someday, when you realize that I could somehow be a part of your life , I'll always be your shooting star." Santi X Martee
29.8M 609K 64
Published under Pop Fiction. Available at bookstores/convenience stores nationwide for 195php. Taglish. Completed. Two kindred hearts from two differ...
48.2K 199 8
Dalawang lalaki ang makikipag agawan sa dalagang kanilang inalagaan. Si Arthur, ay ang Ama ni Celia. Minahal at inaruga niya ang dalaga hanggang sa t...