Run, While You Still Can

By BlackLily

12M 229K 21.3K

More

Run While You Still Can
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14.
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Epilogue

Chapter 30

205K 4.8K 589
By BlackLily

30

Kumukunot ang noo ko habang nakatitig sa cellphone ko. Then I imagined myself throwing it at Jayson’s face?

Pero hanggang imagination lang ako. Instead, I typed a reply.

“Why?” I waited for his reply. Hindi ako tumawag kahit na inip na inip na ako sa paghihintay ng reply niya.

“Aattend ako ng board meeting.” Napabuntong hininga ako. This is the third time na kinancel niya ang date namin dahil sa negosyo niya. Hindi ako dapat nagrereklamo pero hindi ko lang mapigilan. Minsan, naisip ko, hindi ba siya marunong mag manage ng time niya? O baka naman masyado mataas lang ang expectation ko kasi nasanay ako na palagi siyang may oras sa akin dati.  

Napabuntunghininga ulit ako. Yeah, I may I am just expecting too much. At isa pa, he already did mention that he’ll be busy these days.

Kinalma ko ang sarili ko at nagconcentrate na sa mga pasyente ko. Pero maya maya lang narinig ko ang text message sa cellphone ko.

Excited pa ako nung nakitang galing iyon kay Jayson pero hindi ko alam ang naramdaman ko nung mabasa ko ang message.

‘No, I can’t attend the meeting. I’m currently having a date, don’t disturb me. :D’

Nangunot ng todo ang noo ko. Akala ko ba aattend siya ng meeting? Nagsimulang mag form ang kung ano anong idea sa isip ko pero pilit kong inignore lahat. I don’t want to conclude based on a hunch. Kaya kahit namumuno na ang pagdududa ko sa isip ko pilit kong kinalma ang sarili ko and I dialled his number.

It took five rings before his phone was answered. And my breathing hitched when I heard the voice on the other line.

“Hello.” Came the voice of a woman.

Ilang seconds ata akong natulala. Still trying to ignore the truth.

“Hello.” Ulit ng sumagot.  And this time I am sure na si Marianne ang nasa kabilang line. Hindi ko alam kung bakit nasa kanya ang phone ng boyfriend ko and I am about to find out.

“Where is Jayson?” Malamig na sabi ko. I praised myself for the calmness in my voice despite the turmoil inside my heart. Gusto ko nang sigawan si Marianne. Gusto ko na siyang sugurin. Gusto kong hablutin ang cellphone sa kamay niya.

Hindi na din ako nagtanong kung bakit nasa kanya ang cellphone ni Jayson dahil takot akong marinig mula sa kanya ang bagay na kinatatakutan ko. And besides I wanted to hear it from Jayson. Ayaw kong maniwala sa mga sasabihin ni Marianne.

“Nasa CR.” Gusto kong itanong kung nasaan sila. Kung ano ang ginagawa nila. Kung  bakit magkasama sila. Pero ayaw kong si Marianne ang pagtanungan ng mga bagay na yun.  She’ll only makes things worst.

“Pakisabing tawagan ako pagdating niya.” And I hanged up.

Tulala akong nakatingin lang sa phone ko, pilit na inaalis ang pagdududa na namumuo sa isip ko. It can’t be. Hindi papatulan ni Jayson si Marianne. Sinabihan ko na siya. I’ve warned him.

Pero bakit magkasama sila? And that question is eating me up. Gusto ko ulit tawagan ang phone ni Jayson pero ayaw kong si Marianne ulit ang makausap. Baka hindi ko na ma-control ang sarili ko at masigawan ko siya sa phone.

Naghintay ako ng tawag ni Jayson pero inabot na ng isang oras, walang Jayson na tumatawag. Lalo akong naging agitated. And when I called after 2 hours, hindi na niya sinasagot ang phone. Nakailang tawag din ako bago ako nakatanggap ng text mula sa kanya.

“Rose,  nasa meeting ako.” Hindi na ulit ako tumawag pero pakiramdam ko naiiyak ako. Pinigilan ko lang ang sarili ko. Hanggang sa mag uwian na, hindi na siya ulit tumawag sa akin. Hindi na rin ako tumawag sa kanya.

Nakahiga lang ako sa kama at nag iisip. Sometimes, I stopped myself from thinking too much and I forced myself to be rational.

At the same time hinintay ko ang tawag o ang text niya hanggang sa makatulog ako. For the first time in our 8 months relationship, natulog akong masamang masama ang loob kay Jayson. My logical mind is telling me to talk to him at sabihin sa kanya ang hinanakit ko. Dahil yun ang makakabuti sa relasyon namin. I should be open dahil hindi naman niya malalaman na masama ang loob ko kung hindi ko sasabihin. The problem is, I don’t know how to tell him without sounding insecure. Na hindi niya iisipin na wala akong tiwala sa kanya.

He asked me to trust him at ngayon ito ako sasabihin sa kanya na pinaghihinalaan ko siya na may relasyon kay Marianne? And so I’ve decided to give him the benefit of the doubt.

Pagkagising ko sa umaga, nakita ko ang ilang missed calls niya at ilang messages. At papasok na sana ako sa  banyo nung magring ang phone ko.

“Hello.” Matamlay na sagot ko and I keep on reminding myself to be cheerful. Pero ang hirap pala maging cheerful.

“Hi beautiful, you had an early night? Hindi mo na nasagot ang tawag ko.” Masiglang sabi niya sa kabilang line. Tumawa ako ng mahina even if I don’t feel like laughing. Gusto ko nang sabunutan ang sarili ko.

“I slept at 11PM at hindi ko na namalayan ang mga tawag mo.” Although I’ve waited for it for hours. Pero hindi ko na nasabi yun.

 “Nagkayayaan pa kasi ang ibang board at nakakahiya naman na tumanggi ako. Hindi na ako nakatawag sa’yo.“

“It’s alright Jayson. You don’t have to tell me everything that you’re doing. Hindi mo naman ako asawa.” I snapped at him at napapikit ako.

“Are you alright?” Sabi niya after a while. Nagulat ata sa sinabi ko.

“Oo naman. May rason ba para hindi ako magiging okay?”

“You seemed off. Kakagising mo lang?”

“Oo. Teka, nasaan ka ba bat ang ingay?” May narinig kasi akong PA sa background.

“Sa airport. Pupunta akong HongKong. Kaya tumatawag ako kagabi kasi ako ang pupunta sa summit sa Hongkong. Tinanggap ko na ang position na inioffer sa akin kaya ako na ang ipinadala. It’s for five days.”

“Akala ko ba ayaw mo nang nag oopisina?” Ilang beses na kasi namin napag usapan ang offer sa kanya sa isang company kung saan isa siyang major stakeholder pero ayaw niyang tanggapin kasi daw ayaw niyang nakukulong sa opisina.

“Well…I’ve considered it and I’ve realized that you are right. At isa pa, nahiya naman ako sa track record ng mga naging ex mo. CEO, VP…samantalang akoisang hamak na mamumuhunan. Gusto kong dagdagan ang title ko.” Tumawa siya pero na touch ako sa sinabi niya. Pakiramdam ko tuloy natunaw nang kunti ang inis ko.

“Jayson…hindi mo namna kailangang gawin yun.”

“Hindi. Nagbibiro lang ako. Bakit naman ako makikipagkumpetensiya sa mga ex mo eh sa mukha  pa lang milya milya na ang lamang ko. Ang totoo, tama ka naman na kailangan kong malaman din ang mga nature ng negosyong pinaglalagakan ko ng aking mga salapi.” He laughed and I have to smile at that.

Nag usap pa kami saglit bago siya nagpaalam dahil tinatawag na ang flight niya. Naibsan na ang inis ko sa kanya. Pagdating talaga kay Jayson, hidni nagtatagal ang galit ko. It was so easy to forgive him. At lalo pang natunaw ang galit ko nung pagdating ko, may naghihintay sa akin na isang bouquet ng bulaklak. Kung ikaw ba naman may boyfriend na katulad niya, magtatagal kaya ang inis mo?

Ang nangyari tuloy buong linggo akong nakangiti at buong linggo din akong excited na dumating siya lalo na at nagsabi siya na lalabas kami pagdating niya.

Kaya naman the day before his arrival, nagshopping pa ako para bumili ng damit.

“For sure, Roselyn wouldn’t mind if you don’t have a gift for her.” Napatingin ako sa nagsalita na nasa kabilang bahagi ng rack kasi napakafamiliar ng boses. And my eyes grew wide when I saw Marianne and Jayson at the other side. Namimili din si Marianne ng damit. Hindi nila ako nakita kasi wall ang pagitan namin. Natulala ako saglit pero sa hindi ko alam na dahilan agad akong nagtago sa kabilang bahagi. Para ako ang may nagawang kasalanan dahil sa ginawa ko.

“I’m sure she’ll say it’s okay, pero magtatampo yun.” Sagot naman ni Jayson. Pinipigil ko pati ang paghinga ko.

“Oh well…look, bagay ba sa akin?” And I’ve just had enough. Nagpupuyos ang dibdib ko habang mabilis akong naglakad palayo sa kanila.

Five days in Hongkong?

Wow!

Supposedly bukas pa siya darating. Bakit andito na siya ngayon? At kasama pa si Marianne?

Ang totoo? Nag Hongkong ba talaga siya? May summit ba talaga?

Bawat hakbang ko, pakiramdam ko bumibigat din ang dibdib ko at may tumutusok sa dibdib ko. Nag iinit ang sulok ng mga mata ko pero pinigilan kong umiyak. Damn! I am at the mall for Christ’s sake. I need to get hold of myself.

Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa parking pero pagkaupo ko sa sasakyan ko, pakiramdam ko hapong hapo ako. At doon ko pa lang hinayaang tumulo ang mga luha ko.

I’ve tried to rationalize his previous action. Ang pagsagot ni Marianne ng phone niya. Ang ilang beses niyang pagcancel ng date namin. Pero ngayon, paano ko irarationalize ang mga nakita ko? Should I continue to deny the fact that our relationship is dwindling? Na nagkamali ako nung inakala kong nagbago na siya?

Napapikit ako at ewan ko kung masokista ako o baliw dahil nakuha ko pang itext siya at itanong sa kanya kung tuloy ba ang ‘uwi’ niya bukas.

‘Of course. Hindi pwedeng hindi, because I miss you already. Can’t wait to see you babe.’ I smiled a bitter smile upon reading his message. Hindi ako nagreply. Instead, kinalma ko ang sarili ko at nagdrive palabas ng parking lot ng mall pauwi sa bahay.

Pinilit ko ang sarili kong hindi mag isip. Pinilit ko ang sarili kong hindi umiyak kahit na napakahirap gawin ng bagay na yun. Pinilit ko ding hindi sisihin ang sarili ko dahil kung tutuusin kasalanan ko naman dahil nagpadala ako sa katangahan. I should have known better. I should have known that eventually he would lost interest in me at papalitan niya ako ng iba being the playboy that he is. Hindi na dapat ako umasa na magbabago siya.

Nag init ulit ang gilid ng mga mata ko dahil sa naisip ko but again, I tried to stop my tears from falling. Sinabi ko na hindi dapat ako nag iisip.

Pumunta ako sa laundry area at kinuha ko ang lahat ng labahan at inilagay sa batya. Hindi pa ako nakuntento sa dami, inalis ko pa ang bedsheet at lahat ng pillowcase at isinabay sa labahan kahit nung nakaraang araw ko lang pinalitan ang mga yun.

Pinalitan ko ang bedsheet at mga pillowcase at bumalik sa laundry at nagsimulang maglaba kahit na maggagabi na. Naglaba ako nang naglaba hanggang sa matapos ako, hanggang sa magkasugat sugat ang kamay ko. Hanggang sa wala na akong maisip kundi ang matulog dahil sa pagod.

No, I won’t allow myself to cry. I won’t allow myself to willow in pain. I won’t allow myself to grieve.

Kinaumagahan, maaga akong pumunta sa hospital to have my rounds. Sadya ko ding iniwan ang cellphone ko sa bahay. Hindi ako pumuntang clinic. Nagpasabi ako na may case ako which is true. Nagawa ko pang magvolunteer sa ER at madaling araw na ako umuwi.

And I dread going home. Kung dati pagkatapos ng operasyon wala na akong gustong gawin kundi ang umuwi at magpahinga, ngayon, halos umiwas ako sa pagpapahinga at halos ayaw kong umuwi.

At dapat nga sigurong hindi na lang ako umuwi dahil nakita ko kaagad ang kotse niya na nakapark sa harap ng bahay ko. Wala na akong magawa kundi ang tumuloy kasi nakita ko na siyang bumaba sa kotse niya. Siguro nakita niya ang kotse kong paparating. Ipinark ko sa likod ng kotse niya ang kotse ko at huminga muna ng malalim bago pinatay ang engine at bumaba ng kotse.

“Don’t I get a warm welcome?” Salubong niya sa akin.

“Hi.” Ngumiti ako ng tipid at pilit na pinipigil ang panginginig ng kamay ko na may hawak ng susi ng gate.

“Hi. That’s what I get after a week of being away? What a warm welcome Rose.” Puno ng hinanakit ang boses niya and I ignore it.

“I’m sorry. Pagod lang ako Jayson.”

“Galing ka pang hospital?”

“Oo. May case kasi ako.”

“Kaya pala nakalimutan mo ang date natin. You didn’t even answer my calls and my messages.” Hidni ako tumingin sa kanya. Instead, naglakad ako papuntang gate at binuksan ito. Naramdaman ko ang pagsunod niya sa akin.

“Nakalimutan ko ang phone ko sa pagmamadali ko kanina.”

“I see.” Tumigil ako sa harap ng pinto ng bahay at hindi ito binuksan. Usually, pag hinahatid niya ako, he always stayed for a couple of minutes or minsan dito siya natutulog. But now, I don’t see any reason para papasukin siya sa bahay ko.

Tumingala ako sa kanya. He is towering me and his closeness makes me uncomfortable. Langhap na langhap ko din ang manly scent niya. Nakapamulsa siya at nakatingin sa akin. Hindi ko alam ang iniisip niya. Ayaw kong isipin kung ano ang iniisip niya.

“You are dead tired. I guess, mas mabuti pang magpahinga ka na.” Tumango ako.

“Thank you.” And I want to slap myself. Bakit hindi ko na lang sabihin sa kanya ang lahat?

Hindi ko alam. Dahil siguro gusto kong sa kanya manggaling. Because I am giving him a chance to be honest to me? Because I want him to redeem himself to me kahit papaano? I really don’t know but I can’t bring myself to tell him what I really feel right now.

“Susunduin kita bukas. At bukas ko na din ibibigay ang pasalubong mo.” Ngumiti ulit ako at tumango. Hinawakan niya ang baba ko and tilted my chin. Hindi ako nagprotesta when he lowered his head  and gently kissed my lips. I let him kiss me but I didn’t kissed him back.

Hindi ko alam kung paano ko nagawang I block out ang emosyon ko habang hinahalikan niya ako. All I was thinking was, sana matapos na agad ang halik.

“You must be very tired.” Sabi niya pagkatapos niya akong halikan. Gusto ko nang umiyak at magwala at pagsasampalin niya. But where is my pride if I do that?

“Papasok na ako.” Hindi ko na hinintay ang sagot niya. Agad kong binuksan ang pinto at pumasok. I didn’t say goodbye. Dahil halos hindi na ako makapagsalita. Nanginginig ang buong kalamnan ko and I never knew that I possess such self control.

Kinabukasan, wala siyang nasundo. Maaga akong umalis para sumama sa medical mission sa Sagada. Nagsabi na lang ako sa kanya nung nasa byahe na kami. Hindi niya nagawang magalit dahil sinabi kong emergency na hindi makakasama ang isang doctor at kailangan ng replacement. What is a little lie compared to his infidelity?

Pero kahit na hindi siya nagalit, alam kong nagngingitngit siya. O baka naman hindi. Baka relieve pa nga siya. At dapat hindi ako nag iisip ng mga ganitong bagay.

Bumalik kami after 3 days  at nagulat pa ako nung pagbaba ko sa shuttle, nakita ko siyang naghihintay sa harap ng hospital. Hindi na ako nagtataka. Baka sinabi ng secretary ko kung kelan ang uwi namin dahil pinatay ko ang cellphone ko at binubuksan lang ito sa gabi. Hindi din ako nagreply sa mga messages niya. Sasabihin ko na lang na walang signal sa Sagada.

Pagkababa ko agad siyang lumapit at kinuha ang mga gamit ko. Hindi na ako nagmatigas at hindi na din tumanggi nung dumiretso siya sa kotse niya at nilagay ang mga yun sa loob.

Tinukso pa ako ng mga kasamahan ko pero binaliwala ko sila at nagpaalam na at sumunod sa kanya sa kotse. Pinagbuksan niya ako ng pinto at I silently climbed in. Tahimik din siyang umikot papuntang driver’s seat.

Tiningnan muna niya ako ng medyo matagal bago pinaandar ang kotse.

“I bet gusto mo nang umuwi?” Sabi niya habang nagdadrive.

“Yes. Thank you.” I saw him clenched his jaw and his knuckles turned white sa pagkahawak sa manibela. And just as I wished, dumiretso kami sa bahay ko.

“Gusto mo ba akong papasukin? Gusto mo bang mag usap tayo?” Malamig na tanong niya habang nakapark sa tapat ng bahay. Medyo matagal akong nakasagot.

“Sige.” Yeah, I guess It’s time. Nakapag isip na din naman ako habang nasa Sagada.

Nauna na akong bumaba at kukunin ko na sana ang mga gamit ko sa backseat nung nakita ko siyang nakatingin na sa akin ng masama. Bumaba na alng ako at binuksan ang gate pati ang bahay. Hinayaan kong bukas ang front door at hinintay siyang pumasok. Umupo ako sa sofa. Pagkapasok niya, inilapag niya ang mga dala ko sa center table at naupo sa harap ko.

Walang nagsalita ng mga ilang minuto. Nakatingin lang siya sa akin habang nakatungo ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Nakailang buntunghininga na siya pero sa huli hindi din siya nakatiis.

“What is happening Roselyn? Pumunta lang akong Hongkong, naging ganito na.” Tumingin ako sa kanya at matiim siyang nakatingin sa akin. Pumikit ako ng mariin at bumuntonghininga.

“The day before you went to Hongkong, nung kinancel mo ang date natin dahil may board meeting ka, I called your phone. Marianne answered it.” Mahinang sabi ko.

“Yan ang dahilan kung bakit…” Itinaas ko ang kamay ko para patigilin siya sa pagsasalita.

“Let me finish. The day before your supposed to be arrival from Hongkong, I saw you with Marianne at the mall. You are supposed to be in Hongkong. So I texted you asking kuyng nasaan ka. I hope you remember your reply. You said you’re in Hongkong but you’re just in that mall while I was on the parkign of that mall. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan mong magsinungaling.” Mag iinit ang sulok ng mga mata ko pero nagawako pang tumingin sa kanya. Nakita ko siyang namumutla.

“Let me explain…” Pero hindi ko siya pinagsalita. He could explain later pero gusto kong masabi ang laht ng gusto kong sabihin bago pa ako magbreakdown.

“Nagseselos ako at hindi ko yun kayang pigilan. I’ve tried to rationalize your actions but I cannot justify it. Hindi ko kayang pigilan ang doubt ko sayo and it is very unhealthy.Now tell me, What’s the score between you two?”

“It’s not what you’re thinking. Hindi kami. Kaya hindi ko agad sinabi sa’yo na umuwi na ako because I wanted to surprise you.”

“And I was surprised.”

“Marianne is my client!” Bulalas niya.

“Okay.” I said silently. At dahil yun na lang ang kaya kong sabihin. Dahan dahan akong tumayo pero pinigilan niya ang braso ko.

“Don’t say that it’s okay when it’s not.” Nakikita ko ang panic sa mga mata niya.  “Roselyn let me explain. Hindi kami ni Marianne. Kasama ko siya nung araw na yun dahil hinihingi ko ang advice niya on what to give you and she’d offered na sasamahan niya akong mamili kasi may bibilhin din siya.Hindi na ako nakatanggi” Of course he’ll give me a typical male excuse.  

“I’ve warned you about her. I told you to stay away from her. Pero bakit... why can’t you stay away from Marianne? Jayson, naturingan kang playboy. Hindi ka naman siguro tanga para hindi malaman kung nilalandi ka na ng babae. And I know that you knew that Marianne is flirting with you.” Lumuwag ang hawak niya sa braso ko. Tumulo ang luha ko and I stop myself from crying out loud.

“Anong gusto mo? Girlfriend mo ako tapos makikipaglandian ka pa rin kay Marianne? O baka naman gusto mo na dalawa kami ang girlfriend mo?”   

“Alam mong hindi ko gagawin yan.”

“Hindi ko alam. At hindi ko din alam kung bakit hindi mo siya pwedeng iwasan?”

“Nakakahiyang tumanggi.” I clenched my hand. Nakakahiya…eh..gag…

Pero kahit na anong pagpipigil ko, hindi ko pa diun nagawang kontrolion ang sarili at ang emosyon ko. Hinarap ko siya.

“Nakakahiya? At sa akin hindi ka nahihiya? Ayaw mong sumama ang loob niya pero ako okay lang na sumama ang loob ko? Magsisinungaling ka sa akin dahil nahihiya ka kay Marianne Jayson?Anong klaseng rason yan?” Akala ba niya ganyan ako katanga?   

“Kung dati okay lang sa mga girlfriends mo na pagsabayin mo sila, sa akin hindi. Kung okay lang sa kanila na makipagflirt ka, sa akin hindi. Ayaw ko ng ganitong relasyon.  I don’t even want to compare myself to your ex gf. I don’t want to wake up everyday thinking na baka pinagpalit mo na ako sa iba. I don’t want to be insecure.  Ayaw kong nagiging hysterical ako katulad ng ginagawa ko ngayon pero hindi ko mapigilan. And I hate this feeling. Jayson, let’s break up. Hindi kita kayang ipaglaban. I can’t fight for you kung ang kalaban ko ay ikaw mismo. Hindi na ako ang dating Roselyn na stalker mo Jayson. Kung dati hindi ko kayang I-give up ang obsession ko sayo. Ngayon nag mature na ako at alam ko na ang mga bagay na pwedeng kong hawakan at ang mga bagay na pwede kong  bitawan. And I choose to let go of you.”

Continue Reading

You'll Also Like

11.5M 251K 52
Story written by Pinkyjhewelii Copyrighted, 2014
1.1M 27.8K 30
Air Alcantara, the most famous rockstar in today's generation. He has this voice to die for and the killer skills with his guitar. But he's not just...
642 62 9
Synopsis: Angelica thought that her relationship with Noe already ended for good - not until they cross each other's paths again when they were both...
4.5K 714 185
Exploring the world from east to west can be hard for some people, but with only a little internet connection, one can go by meeting new people from...