LOHIKA [COMPLETED]

By sayonara_chinji

313K 12.6K 1.3K

Dahil hindi matanggap ni Jiwon Natividad ang unjust death ng kanyang ina, she secretly investigated the cold... More

Lohika [Disclaimer]
Fictional Trailer
Characters
Chapter I [Edited 2022] - That Girl Has a Secret
Chapter II [Edited 2022] - The Case of a Presumed Suicide
Chapter III [Edited 2022] - Yogurt Drink
Chapter IV [Edited 2022] - The Wrong Guy
Chapter V [Edited 2022] - The Case of a Presumed Suicide Part 2
Chapter VI [Edited 2022] - The Bracelet
Chapter VII [Edited 2022] - Black Coffee and a Slice of Mocha Cake
Chapter VIII [Edited 2022] - The Confession
Chapter IX [Edited 2022] - Stalking Resulted in Serial Killing
Chapter X [Edited 2022] - Birthday, Stalking, and Him
Chapter XI [Edited 2022] - Kung Ikaw ay Masaya
Chapter XII
Chapter XIII
Chapter XIV
Chapter XV
Chapter XVI
Chapter XVII
Chapter XVIII
Chapter XIX
Chapter XXI
Chapter XXII
Chapter XXIII
Chapter XXIV
Chapter XXV
Chapter XXVI
Chapter XXVII
Chapter XXVIII
Chapter XXIX
Chapter XXX
Chapter XXXI
Chapter XXXII
Chapter XXXIII
Chapter XXXIV
Chapter XXXV
Chapter XXXVI
Chapter XXXVII
Chapter XXXVIII
Chapter XXXIX
Chapter XL
Chapter XLI
Chapter XLII
Chapter XLIII
Chapter XLIV
Chapter XLV
Chapter XLVI
Chapter XLVII
Chapter XLVIII
Chapter XLIX
Chapter L
Chapter LI
Chapter LII
Chapter LIII
Chapter LIV
Chapter LV
Chapter LVI
Chapter LVII
Chapter LVIII
Chapter LIX
Chapter LX
Epilogue

Chapter XX

4.6K 222 27
By sayonara_chinji

"Anong ginagawa mo dito? Under investigation pa rin ang lugar na 'to. Hindi mo ba nakita 'yung police line sa labas?"

Nanatiling nakayuko si Jiwon sa harapan ni Lieutenant Lim. Alam niyang mali ang ginawa niyang pagtrespass sa crime scene. Pasimple rin niyang sinusulyapan ang braso ng binata na kinagat niya kanina. 'I'm sure... masakit 'yun.'

The young Lieutenant heaved a deep sigh. He's upset sa ginawa ng dalaga. He looked away bago ibinalik ang tingin kay Jiwon.

"I'm sorry. I know I shouldn't be here." She can't even look at him dahil sa kasalanang nagawa niya.

"Umuwi ka na. Sigurado akong hinahanap ka na ng Daddy mo. Kapag nalaman niyang sumusuot ka na naman sa gulo..."

'Hindi na niya ako palalabasin ng bahay or worse maghahire siya ng bodyguard na magbabantay sa bawat kilos ko.' She looked up. Nagtama ang mga mata nila.

For a second, he got lost at Jiwon's eyes. Kitang kita niya ang pureness at innocence ng dalaga through her eyes na nasisinagan ngayon ng buwan. Nasa tabi lamang kasi nila ang glass window kung saan tumatagos ang liwanag ng full moon. But he quickly came back to his own senses and he took one step forward palapit kay Jiwon. "kami ang mananagot."

She stepped back dahil sa paglapit ng binata. "What?"

He took another step forward. Hindi niya tinatanggal ang pagkakatitig sa mga mata ni Jiwon. "Hindi mo pa rin ba kilala ang Daddy mo? Kapag nalaman niyang hinayaan namin na makisawsaw ka sa kaso na 'to, kami ang pagbubuntunan niya ng galit." Isang hakbang muli palapit sa dalaga.

Jiwon reached the wall for her last step backward. Nakasandal na siya ngayon dito, while Lieutenant Lim is just inches away from her.

"Transfer sa Police Station o kung minamalas, suspension. Ikaw?" Itinuon niya ang kanang kamay sa pader, katabi lamang ng ulo ni Jiwon. "Anong makukuha mong parusa? Grounded? Puputulan ng internet connection?" He's telling the truth in annoying way.

She felt a sudden embarrassment. Napatungo siya dahil doon. 'I never thought about that. My careless action can bring harm to others. I should have been more careful.' "I'm sorry." She barely uttered the word 'sorry'. Nanatili siyang nakatingin sa baba.

The young lieutenant gasped. Inalis niya ang kamay na nakatuon sa pader at bahagyang lumayo sa nakatungong dalaga. Somehow, he felt the sincerity in her small voice. "Let's go. Ihahatid na kita." Tumalikod ito and was about to walk, but Jiwon stopped him.

Bahagyang nakahawak ang dalaga sa jacket ng Lieutenant.

The young man slowly looked back upang tingnan ang kamay ng dalaga na nakahawak sa jacket niya. Pagkatapos ay ibinaling niya ang tingin sa mukha nito. There's something at Jiwon's eyes that made him curious all of a sudden.

"Ah... kasi... I came here to find something." Awkward niyang tinanggal ang kamay niyang nakakapit sa jacket ng binata. "Since nandito na lang rin ako, p'wede ko bang hanapin muna 'yun?" Dali-dali niyang itinaas ang kanang kamay upang mangako. "I promise, pagkakuha ko nu'n hindi na ako babalik dito." She's now looking straight at his eyes. "Promise."

Nagsalubong ang makakapal na kilay ng batang Lieutenant. "Ano bang hinahanap mo dito?"

"'Yung favorite stuffed toy ni Gigi. She said naiwan niya 'yun dito." Then she remembered na hindi lang 'yun ang sinabi sa kanya ng bata. Medyo nawala ang sigla sa boses niya. "Although hindi siya sigurado na dito nga niya naiwan, pero sumama siya sa akin pababa ng tree house kasi sinabi ko sa kanya na hahanapin namin 'yun. Na sasamahan ko siya. I need to find that stuffed toy, ayokong paasahin 'yung bata."

"Sigurado ako madami naman siyang ibang laruan sa bahay ng magulang niya. Hindi na niya kailangan 'yun." Aktong tatalikod na ulit ito.

Jiwon quickly grabbed his arm. Nagmadali rin siyang pumwesto sa harapan nito at ibinaba ang kamay niya sa kamay ng batang Lieutenant. Mariin niya iyong pinisil at sinalubong ang mga mata nito. She look so desperate and vulnerable right now. "No! Kailangan niya! That stuffed toy... regalo sa kanya 'yun ng Lola Nenita niya. It's not just a mere toy for her. She really treasures it. Parati niyang dala 'yun kahit saan siya magpunta. She loves that toy. I'm pretty sure that child witnessed how her Lola was killed. Please, Lieutenant Lim. 'Yung stuffed toy na iyon na lang ang natitirang magandang alaala ng namatay niyang Lola. Ipagkakait mo ba 'yun sa bata?"

He can feel the desperateness in her angelic voice. He glanced at Jiwon's hands na nakahawak sa kamay niya. Ramdam niya rin ang init at higpit nito.

"Alam ko 'yung pakiramdam na mawalan ng isang bagay na sobrang halaga. 'Yung bagay na malaki ang koneksyon sa taong nawala sa buhay ko. That simple thing... na nakagawa ng maraming magagandang memories kasama 'yung taong 'yun. 'Yung bagay na dapat pinanghuhugutan ko ng lakas ng loob sa mga panahon na nasasaktan at nalulungkot ako." Tears are now starting to fall from Jiwon's eyes. "Regrets. Dumadagdag 'yung regrets na 'yun sa bigat ng nararamdaman ko. Lieutenant, ayokong maranasan ni Gigi ang nararamdaman ko araw-araw. I'm begging you, please."

'Itong babaeng 'to... anong mabigat na naranasan niya na hanggang ngayon dala-dala pa rin niya?' He looked away for a second. Nang ibalik niya ang tingin sa dalagang kaharap, dahan-dahan niyang tinanggal ang kamay nito na nakakapit sa kamay niya. Then he gently rub his hand sa top ng ulo ni Jiwon. "Tumahan ka na. Labag 'to sa batas pero... sige, hanapin mo na 'yung stuffed toy na 'yun. Ihahatid kita pauwi sa inyo after 10 minutes na hindi mo pa rin 'yun makita, maliwanag?"

Out of joy, napatango na lamang siya as an answer. Hindi na siya nagsayang ng oras pa. Sinimulan niya ang paghahanap sa kwarto ni Gigi, but it was not there. Sandali siyang napaisip. She stopped from moving at unaware na kagat-kagat na naman niya ang daliri niya sa kamay.

The young man noticed her. 'Anong ginagawa niya? Hindi ba siya naghahanap?' Nakasilip siya sa pinto ng kwarto.

Jiwon was gathering all her thoughts. 'That night, bandang 10 ko nakitang tumatakbo si Gigi. She was wearing pajama. Nakalugay na ang buhok at wala ang mga makukulay na hairclips na parati kong nakikita sa kanya. Wala rin siyang suot na pamaa. Ibig sabihin, nasa kama na siya at natutulog na nang dumating ang killer. Kung ganoon, maaaring itinabi na niya somewhere si Mimi. Wait! Knowing Gigi, masyado niyang tinetreasure ang stuffed toy na 'yun, so it is also possible na katabi niya ito sa pagtulog. Possible din na yakap-yakap niya 'yun. Kung nagising siya sa mga oras na nagkakagulo na sa hallway ng second floor, she will still be half awake. Dahan-dahan siyang bumangon at tumayo sa gilid ng kama. She was strictly trained by her Lola in a way na hindi siya naglalakad ng barefeet sa loob ng bahay, alam ko 'yun 'cause I've been here a couple of times na inanyayahan ako ng Lola niya na magdinner. Pero bakit nakayapak siya that night? I think I'm missing something.' Pinadaanan ni Jiwon ng liwanag ng flashlight ang buong paligid ng kama. At the side of the bed, natagpuan niyang maayos na nakahanda ang cashmere slippers ni Gigi. Itinapat naman niya sa mismong kama ang ilaw. 'The blanket is almost folded in half na parang may nagtanggal ng kumot kay Gigi. Kung si Gigi mismo ang nagtupi nito pagkagising niya, it shouldn't be like this. For a kid, basta na lamang niyang ilalabas ang katawan niya sa kumot at bababa ng kama. Maybe... hindi siya naglakad palabas ng kwarto. Maybe... she was carried!' Jiwon followed the invisible path na iniimagine niyang tinahak ng bumuhat kay Gigi.

Lieutenant Lim was puzzled. Nilagpasan siya ni Jiwon sa pinto na parang hindi siya nito nakikita. Ganu'n pa man ay hinayaan na lamang niya ito at tahimik na pinagmamasdan na lamang ang bawat galaw ng dalaga.

Jiwon stopped in the middle of the long hallway. Nasa tapat na siya ngayon ng lumang hagdan. 'Ang mga antique vase ay bubog na ngayon na nakakalat sa sahig, pero hindi ito accident lang na natabig. I'm pretty sure it's not, dahil malayo ang mga bubog sa side table na posibleng pinagpapatungan nito dati. It's possible na may naghagis nito papunta sa direksyon na kinatatayuan ko. The last room there na katapat lang ng table ay kwarto ni Lola Nenita. Maybe she was the one na naghagis ng mga vase dahil nakita niyang karga-karga ng ibang tao ang apo niya! Then nagising si Gigi dahil sa ingay. Nagwala siya.' Itinapat ni Jiwon ang ilaw sa walis tambo na nasa bingit na ngayon ng hagdan. Nakakalat sa paligid ni Jiwon ang mga parte ng nanlugon na walis tambo. 'Nakalapit si Lola Nenita at pinaghahampas niya ng walis tambo ang killer. Nakawala sa bisig ng killer si Gigi. Pinatakbo siya ng Lola niya palayo. Then the killer stabbed her. Pero bakit hindi na niya hinabol pa si Gigi? Nang makita ko siya sa bintana noong gabing 'yun, mabagal ang pagtakbo niya at palingon-lingon pa siya. Maaabutan siya ng killer kung hinabol pa siya nito. So it's possible na hindi na talaga siya hinabol ng killer pagkalabas niya ng bahay. Maybe the killer unintentionally killed her. Nagulat rin siya sa nagawa niya kaya mas pinili na lang niyang umalis at tumakas dahil nakapatay siya.'

Lieutenant Lim approached her. Nakalipas na kasi ang sampung minuto at nakatayo lang doon ang dalaga. Akala niya ay nagsasayang ito ng oras. "Bata?" Ipinatong niya ang kamay sa balikat ng dalaga to get her attention.

Jiwon quickly faced him with big eyes. "Abduction and unintentional killing! Kukuhanin niya sana si Gigi, pero hindi natuloy kasi napigilan siya ni Lola Nenita!"

Agad nagsalubong ang kilay ng batang lieutenant. "Anong sinasabi mo?"

Itinuro ni Jiwon ang mga nagkalat na bubog at parte ng walis tambo. "Ito! Itong mga 'to ang ebidensya!"

The young man smirked, thinking na walang katuturan ang sinasabi ng dalaga. "Tapos na ang sampung minuto mo, bata! Kung anu-ano pang sinasabi mo d'yan! Halika na, ihahatid na kita sa inyo."

"Pero..." Hindi na siya nakapalag dahil higit higit na siya ng binata sa hood ng jacket niyang suot. "Wait lang! Makinig ka kasi sa akin!"

"H'wag ka nang babalik dito. 'Pag natiyempuhan pa kita ulit na nagte-trespass sa crime scene, ako mismo ang magsusumbong kay Director Natividad!" Patuloy ito sa paghigit kay Jiwon pababa ng hagdan.

"Lieutenant Lim! I just need a minute! Ipapaliwanag ko sa'yo!"

Still, hindi niya pinakikinggan ang dalaga.

"Lieutenant Jiho Lim!"

Binuksan niya ang pinto at ilalabas na si Jiwon sa bahay.

"Jiho! Pakinggan mo naman ako, please!" The name 'Jiho' made a clear echo sa buong bahay.

That caught the young lieutenant's attention. Tumigil siya sa paghigit sa dalaga. Binitawan niya ang hood nito.

Jiwon was struggling to stand properly. Nang makatayo siya ng maayos, nagbitaw siya ng isang malalim na paghinga 'tsaka niya sinalubong ang nakakatunaw na tingin ng binatang kaharap niya. "Thank you! I'll talk in fast pace para hindi masayang ang oras mo."

"Hindi mo pa ba sinasayang ang oras ko?" He look so serious and annoyed.

"Of course not! I just want to help! Bumalik ka dito sa bahay para mag-investigate pa, right? It means hindi pa malinaw para sa'yo ang krimen na nangyari."

Mas lalong kumunot ang noo nito. "Kung para sa'yo laro lang ang trabaho namin, sa amin... buhay namin 'to."

"I know I'm being rude sa ginagawa ko, but trust me... I just want to say the things na gagambala sa akin 'pag hindi ko nasabi sa'yo ngayon. After this you're still the one who will decide kung all talk lang ako or... makakatulong."

He breathes loudly as a sign of defeat. "Iklian mo lang."

Jiwon smiled victoriously. "Bago ka dumating dito kanina, I've been roaming around the house for about twenty minutes. Walang sign of force entrance."

Napatingin si Lieutenant Lim sa bukas na pinto ng bahay.

"It means kusa siyang pinapasok sa loob. Kakilala or may sariling susi."

"Prime suspect si Gerald Clave, natural lang na makapasok siya dahil dito siya nakatira."

"Do you really think na siya ang pumatay sa sarili niyang ina? It's an attempted abduction case na nauwi sa manslaughter!"

"Abduction? Alam mo ba ang ibig sabihin ng mga sinasabi mo?"

"Walang empty slot sa knife stand. There's a possibility na hindi galing sa bahay na 'to ang kutsilyo na ginamit."

"Hindi pa nga nakukuha ang weapon na ginamit pero may nakuhang dugo ng biktima sa damit na pinagpalitan ni Gerald."

"Natural lang na yakapin mo ang mahal mo sa buhay na natagpuan mong patay."

"Bakit mo ba ipinagtatanggol ang Gerald Clave na 'yun? Close ba kayo? Boyfriend mo siguro 'yun 'no?" Lumalakas ang volume ng boses niya.

Jiwon gasped. "Are you crazy? Hindi ko siya boyfriend! At isa pa adik ang lalaking 'yun!"

The young lieutenant was surprised sa sinabi ng dalaga. "Adik?"

"Oo! Gumagamit siya ng drugs! Hindi mo ba nahalata sa itsura niya? Hindi n'yo ba nakita 'yung hide-out niya? Ano ba naman kayong mga pulis! Hinalughog ni'yo ba talaga 'tong bahay?"

Lieutenant Lim was confused sa mga sinasabi sa kanya ni Jiwon. Bigla na lamang siyang hinawakan ng dalaga sa braso at hinigit pabalik sa living room.

Huminto sila sa harapan ng gilid ng malaki at lumang hagdan. Then Jiwon suddenly screamed. Takot na takot ito to the point that she unconsciously jumped into Lieutenant Jiho Lim's arms. Now, she's hugging the young man tightly.

On the other hand, the young lieutenant was flabbergasted sa quick and unexpected action ng dalaga.

Nakalipas ang isang minuto bago natauhan si Jiwon. She awkwardly let go of him.

Lieutenant Lim also felt the awkwardness between them, pero hindi niya naiwasang mapangisi nang tapatan niya ng flashlight ang bagay na ikinagulat ng dalaga. It was the stuffed toy na kanina pa nito hinahanap. Nakapatong iyon sa edge ng likuran ng tv at nahulog sa paa ni Jiwon dahil nadali ito. He picked it up.

"That's the stuffed toy!" Agad iyong inagaw ni Jiwon. "Maybe it fell from stairs nang tumatakbo pababa si Gigi. Tapos kinabukasan napulot 'to ni Gerald Clave at basta na lang ipinatong sa likuran ng tv. Look at this--" She was pushing the wall, dahilan para mapisil niya ang right hand ng stuffed toy and the recorded clip played.

'Tumakbo ka na apo! (sound of glass breaking) (loud tapping sounds) (fast small sound of footsteps) (a sudden silence) (heavy fast footsteps) (cough and loud sniff) (door slammed)'

Nagkatinginan sina Jiwon at Lieutenant Lim. Sabay rin silang napatingin sa nagbukas na ngayong wall ng ilalim ng hagdan. A loud sound of rock music escaped the room.

Tinapatan ni Lieutenant Lim ng ilaw ang loob ng kwarto. There he saw different drugs and paraphernalia na nakapatong sa isang lamesita.

"Hindi niya narinig ang krimen dahil sound proof ang kwarto. Kung gumamit siya that night, based sa kind ng drugs na nakikita natin ngayon, he was barely conscious ng mangyari ang pagpatay." Jiwon looked at the young lieutenant. "These are the reasons kung bakit sinasabi kong hindi si Gerald Clave ang pumatay kay Lola Nenita."

OOO

Continue Reading

You'll Also Like

3.5K 279 32
As the game progressed, the girls realized they weren't the only six playing inside the facility. Can they make it to the end? ***** Honey, Kazianna...
7.4M 377K 89
Ten missing teenagers. One house. One hundred cameras. A strange live broadcast suddenly went viral in all social media websites. What makes it stran...
25.3M 849K 53
Crimes. Mystery. Clues. Detectives. Deductions. Love story. Detective Files. File 1 Written by: ShinichiLaaaabs (FILE 1 of 3)
8.5K 446 60
STATUS: COMPLETED This story is UNDER MAJOR REVISION. Maria Katalina Gomez is a cold-hearted woman. Just a simple command, everyone will follow. A t...