Athena: The Goddess of Violen...

By foolishlaughter

2.2M 44.9K 4.7K

**COMPLETED*** /// WROTE THIS DURING MY THIRD YEAR IN HIGH SCHOOL SO PLEASE DO NOT JUDGE /// She was said to... More

PLEASE READ THIS
Prologue
Chapter One: Concealed Charm
Chapter Two: Water Doors
Chapter Three: The Jerk
Chapter Four: Cursed Eyes
Chapter Six: Epic Dares
Chapter Seven: Jokes For Trouble
Chapter Eight- Jed's Perplexing Encounter
Chapter Nine - Fan Girls Gone Insane
Chapter Ten - The Goddess is Revealed
Chapter Eleven - Lowering My Guard ( Who is 'she'? )
Chapter Twelve - Codename: Vio
Chapter Thirteen - Nerdy's Lost In The Night World
Chapter Fourteen - The Members of The Gang + Discovering 'Gray Eyes'
Chapter Fifteen - Letting Go Is Harder Than Moving On ( 'She' Chapter)
Chapter Sixteen - Don't Ask Me Why
Chapter Seventeen - Playful Fate
Chapter Eighteen - Ending It Where It Started
Chapter Nineteen - Doing It Vio's Way
Chapter Twenty - WHAT. THE. HELL.
Chapter Twenty One - Jedena VS. Kurthena
Chapter Twenty Two - Three Deadly Minutes
Chapter Twenty Three - Love Is In The Air
Chapter Twenty Four - He Came Back
Chapter Twenty Five - Suddenly He's Dangerous
Chapter Twenty Six - Hell Broke Loose
Chapter Twenty Seven - It's Just Beginning
Chapter Twenty Eight: Athena is Vio
Chapter Twenty Nine - Bitter Sweet Goodbyes
Chapter Thirty - Jedena
Chapter Thirty One - Alvarez Siblings
Chapter Thirty Two - Sabotaged School
Chapter Thirty Three - Eagles
Chapter Thirty Four - Vulnerability of Both Sides
Chapter Thirty Five - Do You Love Him?
Chapter Thirty Six - I am His
Chapter Thirty Seven - Kurt Learns About Everything
Chapter Thirty Eight - ABDUCTED Part I
Chapter Thirty Nine - ABDUCTED Part II
Chapter Forty - Hurting Still
Chapter Forty One - Truth Hurts
Chapter Forty Two - A Favor and a Choice
Author's Note (Edited Chapters)
Chapter Forty Three - Something New
Chapter Forty Four - Kurthena
Chapter Forty Five - We Meet Again
Chapter Forty Six - The Eye
Chapter Forty Seven - True Love
Chapter Forty Eight - I Love You
Chapter Forty Nine - The Goddess' Tale
Epilogue
Caught In A Scandal With Mr. Matinee Idol

Chapter Five: See What I Can Do

56.4K 1.2K 73
By foolishlaughter

Athena's POV

Could this day get any worse?

Bakit ba kasi pinipilit ng lalaking to na makita yung mga mata ko? Why of all places, dapat sa crowded na lugar pa talaga siya magiskandalo? Sobra na talaga akong napipikon to the point na gusto ko na talagang basagin yung pagmumukha niya. Can't he really see na ayokong manghimasok siya sa buhay ko? Hindi ba niya talaga naiintindihan na ayaw kong pinakikialaman ako?

"Ayoko nga, di ba? Bakit mo bang pinipilit na alisin ko to?" Naiinis ko nang sabi. Marahil sa tingin ng schoolmates namin ay nababaliw na ako. Paiba-iba kasi ang mood ko. What? I need to find a way para makawala sa lalaking to, kaya naman I had to try anything I could think of.

 Sinamaan niya ako ng tingin, "Kapag sinabi kong aalisin mo, aalisin mo."

 Mata lang, ang big deal na sakanya. I hate this guy!

  

Cynthia's POV

Bakit ba kasi hindi biniyayaan ng acting skills si Athena? Imbis na maawa ka sakanya e matatawa ka pa. Siguro tatawa ako kung hindi lang kami naiipit ngayon. Kung hindi lang sana siya nagpapanggap edi sana walang ganito.

Sabi niya magdidisguise siya para hindi siya mapatawan ng atensyon, e halata namang hindi nagwowork yung plano niya e. Oo, nerd siya. By her looks nga lang, pero yung ugali niya, ayun palaban parin. Unlike  the physical features kasi, ang personality hindi madaling baguhin. Lalo na kung hindi ka marunong umarte katulad ni Athena.

  

At eto namang si Kurt, sobrang big deal sakanya na malaman kung gray nga ba ang mga mata ni Thene. Nakakainis din naman kasi ang mga mata niya, bakit ba kasi kulay gray yan? E kung sana brown nalang din yan, di na nagkaproblema. Nanunuklaw kaya yang mga mata ng babaeng yan. Alam niyo yung nakakatakot yung mga mata niya, pero nakakaakit? Ganun talaga yung sakanya e. Tsaka tinatago niya, rason niya? Kasi daw ayaw niya sa malalanding lalaki.

Witness po ako sa mga lalaking sinubukan landiin si Athena sa New Jersey. Pero wala siyang niisang pinatulan. Well, pinatulan in terms of sinaktan niya sila physically, pwede pa. Hindi pa nga nagkakaboyfriend yang si Athena e.

Speaking of malalanding lalaki...

Napatingin ako kay Jiro.

Yan na ata ang pinakamalanding lalaki sa balat ng tinalupan. Lahat na siguro ng babae dito sa eskwelahang ito naging girlfriend na niya. Kaya nga yung iba paulit-ulit nalang, payag naman ang mga loka. Believe me, palagi nalang siyang may kasamang bagong babae almost everyweek. Hindi ko nga alam kung bakit pumapayag yung mga yon, e alam naman ng lahat na babaero si Jiro. Babaero since grade school yang lalaking yan. 

Magkaklase na kami simula palang nung grade two kami. Transferee siya noon kaya naman siya ang pinapansin ng lahat noon. Natatandaan ko pa non, ang dami-daming may crush sakanya. Basta ang alam ko lang nun, lahat ng slambook pangalan niya palagi ang sagot ng mga babae sa 'Who is your crush?' na tanong.

Nagising nalang ako sa realidad nang marinig kong sumigaw si Athena, "Ayoko nga sabi e!"

Narinig kong tumawa ng bahagya si Jiro. So akala niya nakakatuwa pa yung mga nangyayari ngayon? Palibhasa kasi, hindi niya alam na Athena wants to stay hidden for a reason. At sa ginagawa ng grupo nila ngayon, hindi sila nakakatulong para makuha ni Thene ang gusto niyang katahimikan.

Huminga ako ng malalim. I should do something. May times na sobrang out of control mag-isip ni Athena. Kaya bago pa may mangyaring ganon, I must do something. Baka lumala pa kasi ang sitwasyon e. I took a step forward, only to be tripped by a random foot.  Kaagad akong na-out of balance. Humanap kaagad ako ng makakapitan out of desperation na wag akong matumba. Pero instead na makatulong yung nahawakan ko, nakasama pa ito dahil imbis ako ang hilain niya, siya ang nahila ko at bumagsak kami sa sahig. 

 Hindi ako nakapagreact. Hindi ako kaagad nakapagreklamo.

Gustuhin ko man, I can't. 

Jiro's lips are blocking my lips for speaking. Nanlaki ang mga mata ko, to the point na feeling ko lalabas na sila. Bakit hindi siya umaalis?! Bakit hindi niya alisin yung lips niya sa lips ko? Ang daming nanonood oh my God!

Hindi na virgin yung lips ko! 

 Athena's POV

There was a moment of silence after kong sigawa si Kurt. Sobra na kasi siya. Pinipilit niyang gawin ko ang ayaw ko namang gawin. Tsaka wala naman kasi talaga akong aalisin in the first place, kaya hindi ko magawa yung pinapagawa niya. If ever tumagal to, bistado na ako for sure.

Ang kapal pa ng apog niya para hawakan ako. Swerte niya ah?

Tapos may biglang tunog ng pagbagsak. Kasunod noon ang mahabang katahimikan, pagkatapos ay ang tilian at sigawan. Hinanap ko ang source ng commotion. Only to see my bestfriend, kissing someone on the lips.

I therefore conclude na hindi lang certified gangster ang bestfriend ko kung hindi certified malandi narin.

Pati nga si Kurt hindi nakagalaw. Kaya naman I took the opportunity para kaagad na kumawala sakanya at puntahan ang maharot kong bestfriend. Kaagad kong sinipa paalis yung guy sa ibabaw ni Cynthia. (That sounded gross.) Tapos ay hinila ko patayo si Cynthia gamit ang tenga niya. Narinig kong tinawag pa ako ni Kurt, pero tumakbo nalang ako lalo ng mas mabilis para makalabas na ng school.

Hindi man nga lang nagreklamo si Cynthia e, she was too 'tulala' to speak. Hila-hila ko ngayon tong babaeng to gamit parin ang tenga niya. Hindi ko alam kung pasasalamatan ko ba siya o ano dahil naitakas niya ako mula doon sa kumag na yun e. O dapat, ako ang pasalamatan niya dahil nakanakaw siya ng halik dun sa kasamahan ni Yabang.  

Tumigil ako nung makalabas na kami ng building. Malayo sa mga tao, malayo kay Kurt. 

Hinarap ko siya saakin. "Explain."

"Explain? E-explain ang alin?" Namumula niyang tanong. Sarap sampalin ng bestfriend ko. Painosente pa talaga siya.

"Bukod sa pangre-rape mo sa kaibigan ni Kurt, ano pa ba?" Sarcastic kong tanong sakanya.

Lalo naman siyang namula sa sinabi kong iyon. "Wala yun! Sinave na nga kita tapos ganyan ka pa!" Sumbat niya. Linigtas pa pala niya ako ng lagay na yun e no? Pero kung sabagay.. kung hindi nga gumawa ng eksena si Cynthia, malamang hanggang ngayon nakakulong parin ako sa pagitan ng mga kamay ni Kurt.

Ew.

"Kiss talaga? Di ba pweding nagsisigaw ka nalang okaya nagkunwaring nahimatay?" Tanong ko. "Kailnagan dumampi talaga ang labi mo sa labi ng lalaking yun para matulungan ako?"

She glared at me, "Hindi ko naman sinasadya yun no! May nanapilok kaya sakin, kaya nagkaganon. Tsaka, isa pa. Hindi ko naman kasalanan na ang bantot bantot mo umarte no."

Sinabunutan ko siya ng mahina, "Ewan ko sayo! Pakalandi mo."

"Ouch." Natatawang sabi niya, nakahawak pa sa puso niya. 

  

"Tara na nga." Walang gana kong pag-aya sakanya.

"Ha? Saan?" Nagtatakang tanong naman niya saakin.

"May training grounds ba kayo sa HQ?" Tanong ko na naging dahilan ng paglaki ng mata ni Cynthia. Yung panlalaki ng matang iyon, hindi lang gulat ang makikita mo. Kasama rin doon ang matinding excitement niya.

Napapalakpak siya at napatalon, "Oo, meron! Meron!" Masaya niyang sigaw, konti nalang mapagkakamalan ko na siyang kapatid ni Budoy.

  

"Tara."

"Sa HQ?!" Di parin niya makapaniwalang tanong saakin. Ilang beses ko narin kasing tinanggihan ang mga offers niya saakin na pumunta sa HQ. Kaya di na nakakapagtaka na halos hindi siya makapaniwala na gusto kong pumunta doon.

"Ay hindi, balik tayo sa loob para matuloy yung liplock session mo. Mas masaya yun di ba?" Pang-aasar ko sakanya.

Namula nanaman siya sa narinig. Inirapan ko siya, "Harot mo talaga."

"Tse! E teka, ano nga bang naisipan mo at gusto mo biglang pumunta sa HQ? Akala ko bang ayaw mo dun kasi hindi ka pa pumapayag na maging member ng gang namin?" Nagtataka niyang tanong.

"Maglalabas ako ng sama ng loob."

 

 

Cynthia's POV

Tama ba ang aking narinig? Maglalabas daw ng sama ng loob? Si Athena? Si Athena raw maglalabas ng sama ng loob? Fck, lagot.

I saw Athena's version of "maglalabas ng sama ng loob" before and trust me, it's a scene you never wanna see. 

"Thene?" Nag-aalangan kong tawag sakanya. 

Napahinto siya sa paglalakad. "What?"


"Pwedeng sa ibang lugar na lang? Kase..." Di ko na natuloy ang sasabihin ko. In fear na baka magalit siya. Once ko palang nakitang maglabas ng sama ng loob si Thene, nine years old palang siya non. And what she did, scared the hell out of me. Take note, nine years old palang siya ng mga panahon na iyon. Who knows kung ano nang kaya niyang gawin after eight years ng training niya with different professionals na hinire ng uncle niya?

D*mn, baka naman magiba ang pinakamamahal naming HQ neto.

"Nevermind. Tara na?" Sabi ko nalang. Bagama't mukha siyang nagtaka sa pagbago ko ng mood, tumango nalang siya at nauna nang pumasok sa sasakyan.

Linabas ko phone ko naman ang cellphone ko para i-notify ang gang. Hindi naman ako lang ang may-ari ng HQ, kaya dapat informed sila kung may gagawin man ako sa loob, or should I say, kung may gagawin si Athena sa loob.

To: Resurrection (name of our gang)

Guys, pahiram ng HQ gagamit lang sandali ng training grounds. 

P.S. Kasama ko si Athena.

P.P.S. Sorry kung magiba ang HQ

P.P.P.S Sorry talaga

To be honest, I feel excited as well. And I'm sure na nagmamadali naring pumunta ang members ng gang sa HQ para masaksihan ang mga magaganap. They probably witnessed what happened earlier, but they do not know how Athena reacts.

She doesn't take such kind of things easily. Mas gusto ko nang mag-rant na siya ng mag-rant sa mga oras na ito, kaysa ipunin ang nararamdaman niya at ilabas ito mamaya.

Good luck nalang sa aming training grounds.

Kurt's POV

 


"Hayup ka, Jiro. Malapit na sana e." Inis na sabi ko. Nasa loob kami ng head quarters namin sa school sa mga oras na ito. It's a room especially made for me and my friends. 

"Ha?" Painosente pa tong ulul na to e. Kitang kita ko namang diniin pa niya yung labi niya sa kaibigan nung si Athena e. "Bro, it was an accident."

 Binatukan ko nga, "Accident, accident. Accident mo mukha mo, g*go. Nagniningning nga mga mata mo hanggang ngayon e."

"Di no!" Mariin niyang pagtatanggi. Nagmukha tuloy siyang guilty.

Nagsitawanan tuloy sina Sean at Blight sa nakikita at naririnig nila.

"Di ko makakalimutan mukha mo kanina, Pare. The best, parang first kiss mo lang e." Sabi ni Sean kay Jiro sabay patong ng rootbeer sa lamesa sa harap namin. Hindi man lang siya sinagot ni Jiro, tulala parin kasi siya.

"Rootbeer?" Tanong ni Blight na parang natatawa.

"Walang beer school pre. Ayaw ni Tito." Sagot ni Sean. Beer kasi hindi pa mapagbigyan ni Dad. Tsaka di rin ako marunong uminom. Nandidiri ako sa lasa. Wala akong paki kung nababaklaan kayo dun, pero hindi talaga ako umiinom ng alak. I despise beer. Bukod sa mapakla, wala rin namang nadudulot na maganda ang pag-inom.

"Dude, wag mong banggitin ang beer, umaasim ang mukha ni Kurt." Pang-aasar ni Blight. Ayan sila, pinagkakatuwaan ang pagka-ayaw ko sa beer. Ang bakla ko raw. Binata na ako, hindi parin marunong uminom. Mga siraulo, mas lalaki nga ako sakanila e. Hindi ko tinatakbuhan ang problema sa pamamagitan ng pag-inom ng alak. #boompanes

Sinamaan ko ng tingin si Blight at Sean. "Mga siraulo."

"Baka ikaw. Anong trip mo kanina dun sa nerd na transferee? Type mo?" Pang-aasar ni Sean.

"Paki niyo." Naiinis kong sagot ko. Kapag nalaman nilang may hinahanap akong babae tatawanan lang ako ng mga to e. Palibhasa sanay kaming hinahabol hindi kami yung naghahabol. Baka sabihin nilang wala na ang kamandag ko. Mahirap na.

Pero hindi ko hinahabol si Nerd. Yung babaeng nakita ko sa mall ang hinahanap ko. Nagtataka lang ako kung bakit gray yung mata ni Nerd at kung bakit suplada niya tapos biglang magpapaawa. Nagtataka ako kung bakit ang bilis magshift ng personality niya. Idagdag niyo pa yung kakaibang aura niya na parang may tinatago siya.

Tinaasan ako ng kilay ni Blight, "Do you like her? Yung tipong, like at first sight?" Nakangisi niyang tanong.

Nabuga ko yung iniinom kong rootbeer sa mga salitang binitawan ni Blight. "Are you serious, bro? Dun sa manang na yon? Syempre hindi! Not a chance. Panget lang nun e."  

Tinignan lang nila ako.

"What?!" Iritado kong tanong. Yung tingin kasi nila nang-aasar e. Yung bang parang hindi sila naniniwala sa mga sinabi ko.

"Pare wag na nating guluhin. May period." Sabi ni Blight.

Binato ko yung lata ng kauuubos ko lang na rootbeer kay Blight, sakto yun sa ulo niya. Tumunog pa nga ng malakas e. "Tang*na mo." Dagdag ko pa, na tinawanan lang nilang dalawa ni Sean.

Kung nagtataka kayo kung bakit Missing In Action (MIA) si Jiro sa ginagawa naming kalokohan nina Sean at Blight sa mga oras na ito ay dahil tulala pa siya. Malayo parin ang tanaw niya at para siyang walang naririnig na ingay o ano. Nasa ibang mundo na nga ata siya e. Hindi nalang namin siya pinansin.

"Nga pala bago ko makalimutan." Biglang sabi ni Blight. Tapos may nilapag sa mesa sa harap ko.

Tinignan ko yun at napangiti- okaya naman ay napangisi kaagad.

Tumango ako, "So it's this time of the year again." Sabik na sabik kong sabi. 

Mukha namang nabalik sa realidad si Jiro tapos napatingin siya sa isang folder sa harap ko. "Magsisimula na?"

"Oo, bro. Welcome back rin sayo." Hindi mapigilang pang-aasar ko sakanya. Binelat lang naman niya ako. Pero I don't mind. I'm too happy and excited to care.

"Kelan daw unang laban?" Tanong ko, tinatamad narin kasi akong buksan pa yung folder at basahin ang mga laman nito.

"Next week pa. Pero yung registrations this week na yung deadline. Pero syempre, hindi na natin kailangang magregister." Sabi ni Blight. Although ako yung leader, si Blight ang nag-aasikaso ng mga details ng mga ganitong bagay. Siya rin ang updated at well informed sa mga happenings at sa ibang requirements. Matalino kasi yan e.

  

Sumigaw si Sean, "Syempre! Champion tayo mga dude! Three consecutive years, mga pare!"

Napangisi naman ako. Three consecutive years. Big deal yun. Hindi lang basta-basta ang pinaguusapan namin. It's almost a matter of  life and death (though wala pa namang namamatay). 

Undefeated. Yan kami, and we'll keep it that way. Unlike other gangs, hindi kami nagsusuot ng disguises para sa event na ito. We do not hide our faces. Wala naman kaming paki kung may makakilala saamin, o kung may maglalaglag sa amin sa school. Dad ko ang may ari nito, kaya wala kaming kinatatakutan. Walang kahit sinong makakatalo saamin. 

Hindi pa lumilitaw ang taong may kakayanang talunin kami. I bet that he/she will never exist. 

Athena's POV

 

"Athena, tara na." Tawag saakin ni Cynthia. Nasa labas na siya ng sasakyan, and I'm still inside.

E leche ba naman kasi, bakit tuwing pupunta sa headquarters nila ay kailangang magbasa?! Wala bang ibang daan para makarating sa HQ nila? Kahit shortcut o hidden passage? Bakit ba kailangan pang magswimming para makarating dun?

Humahaakhak si Cynthia sa labas. She knows I don't like their method of going to their headquarters. "Thene, training rin kasi ang pags-swimming. Nakakatulong to samin." Explain niya. The idea of swimming as a way of training is brilliant but to swim to go to the head quarters is absolutely irritating,

Hinila niya ako palabas ng kotse. Pumunta siya sandali sa isang puno to retrieve a waterproof pouch at nilagay doon ang mga cellphones namin. Tapos ay tumalon na siya sa pool. "Tara na!" 

Do I have a choice? 

Ibang klase trip ng grupo nitong Cynthia na to e. Ngayon ko lang narealize na kaya pala waterproof yung ibang appliances nila sa loob ng HQ ay dahil nga mababasa ka muna bago ka makarating sa loob. Genius. Please, note the sarcasm.

  

"Guys!" Pagbukas ng pinto yan agad ang narinig ko. Hindi ko alam kung sinong nagsabi nun. But I was shocked to see people inside. Akala ko kami lang ang tao sa loob at kami lang dalawa ang pupunta sa HQ.

"Okay na yung training grounds. Baba nalang kayo." Sabi ni Jed, he sounded serious. It intrigued me though, kung bakit ang serious niya bigla. As far as I can remember, he was joking around last time we met.

Hahakbang na sana ako ng may biglang humarang sa dadaanan ko. "Pero syempre hindi pweding pumasok doon ng basa." Nakangiting sabi ni Suzy. 

Tinignan ko si Cynthia, umiwas naman siya ng tingin pero naka-smile siya. "Let me guess... sinadya mo to no?"

She smiled at me in return.

Kaya pala excited ang loka. Ibig sabihin magpapalit ako ng damit. Sh*t tong bestfriend ko, pinapahamak talaga ako e. 

"San ba ko magpapalit?" Tanong ko nalang, wala narin naman akong choice. Ayoko ring kumilos ng basa ang mga damit ko. So I guess, it's better than nothing.

"Dun! Dun sa wardrobe ko, suot mo yung mga damit na nakalapag sa may couch, may sapatos narin doon." Kaagad na sabi ni Cynthia, kumikinang pa ang mga mata niya at halos pumalakpak na yung tenga niya sa saya. Bwiset. Halatang ready ang loka-loka.

"Bahala nga kayo. "Irita kong sabi sakanila. Silang lahat kasi nakangiti.Well, except Jed na nagmamasid lang. Tapos pumasok na ko dun sa kwarto ni Cynthia at binalibag ko yung pinto. Tinignan ko yung couch na sinabi ni Cynthia.

"What the fck is this?" Pagmumura ko sa nakita. Hindi naman to damit e! Costume ata to ni Catwoman. Isama niyo pa yung leather boots sa tabi nito, knee-length pa. There's no way I'm gonna wear that. Cynthia went way too overboard with the clothes issue. Anong palagay niya sakin, action star? Wha the hell?

Hinalungkat ko nalang yung cabinet ni Cynthia, they were all locked. So I had to open it with a hairpin I found sa may accessories niya. I learned that by accident. Nung tinry kong sumama sa mga teenagers na nagnanakaw sa US. What? I wanted to experience the rush. It was worth it. I returned the amount we stole from the house ten times more than it really was. Kaya I don't feel guilty at all. 

I found a sweatpants and a loose shirt. Mas malaki kasi ang body figure ni Cynthia kaysa sakin kaya mas maluwang ng konti ang damit niya. I didn't bother wearing anything on my feet. Sagabal lang yun sa trainings ko. I prefer being bare-footed.

I even removed my wig and my glasses. Since nakalimutan kong isuot ang contacts ko, wala na akong iba pang tinanggal. Tinali ko rin ang buhok ko, in a high and tight bun.

"Bakit hindi mo sinuot?!" Reklamo agad ni Cynthia ang sumalubong saakin paglabas ko ng kwarto. Apparently nandun silang lahat sa harap ng pinto, waiting for me to come out.

Sumabat sa usapan si Krypton, "Woah. You look so different!"

"Cynthia was right, you are stunning afterall." Nakangiting sabi ni Paige.

"I agree." Sabi naman ni Yuri. Tumango naman si Chenoa at si Suzy, ayun parang wala lang sakanya. 

"Sus, baka naman hanggang ganda lang yan?" Biro ni Jed. 

Tinitigan ko lang siya ng pagkasama-sama.

Agad niyang binawi ang tingin niya. Itong Jed na to kala ko hindi patitinag e. Kaso mata ko palang taob na. He's the leader of the gang di ba? E bakit simpleng eye to eye contact lang, hindi niya matagalan? Pakiramdam ko awkward saakin si Jed e. Based on my observations lang. He looks at me kasi na parang he knows me for long already. And I wonder why hindi niya ako matignan ng direstso sa mata?

"Asan na ba yung training grounds niyo?" Tanong ko nalang pagkatapos ng isang mahabang katahimikan.Tinuro ni Chenoa yung isang hagdan pababa. Syempre bumaba ako, alangan namang pababa yung hagdan tapos aakyat ako puntang training grounds?

  

Pagkabukas ko ng pinto doon sa sinasabi nilang training grounds... 

ang dilim.

"For god's sake, Cynthia! Bumaba ka nga dito!" Sigaw ko sakanya. Narinig ko naman yung footsteps niya na pababa nga siya.

She looks irritated. "Bakit?! Magbibihis din kami, magt-training din kami no." 

"Ang dilim!" Sabi ko nalang sabay turo sa loob.

Tinawanan lang niya ako. "G*ga, anong silbi ng switch kung hindi gagamitin?" Sarksatiko pa niyang tanong sakin.Tapos may narinig akong nagclick sa may side ng entrance na kinatatayuan ko at biglang sumindi ang mga ilaw.

I looked at the "training grounds" na ipinagmamalaki nila.

I nodded in approval. 

"That's it? Tumango ka lang? Bwiset, hindi man lang bumilib." Dismayadong sabi niya. "Sige akyat na ko." Paalam niya tapos umakyat na siya. Habang ako tinitigan muna tong nasa loob.

***

Infairness, malaki siya. Hindi ko nalang ipinahalata kay Cynthia na bumilib ako ng konti at baka lumaki ang ulo niya o magka-wrong impression pa siya na payag na akong sumali sa gang nila. It consists of three floors. Kita mo lahat mula sa kinatatayuan ko. Pa-square yung shape niya, at may space sa gitna sa bawat floor na pasquare din ang shape kaya kita mo ang mga upper floors.

Sa 1st floor mga punching bags at iba pang training equipment para sa physical combat. Meron ding apat na ring. Sa 2nd floor naman, shooting range ata. May mga baril, daggers, at may bow and arrow pa. 

Sa 3rd floor naman ay mga gym equipments. Pang work out yung iba, yung iba pampalakas narin siguro.

Una kong nilapitan ang mga punching bags. Kinapa ko muna ito para masiguradong hindi na siya decoration lang at hindi na ito basta-basta masisira sa isang simpleng suntok o sipa lamang. Nung nasigurado ko nang matibay siya, I gave it a kick napalayo yung punching bag nang halos three freet mula sakin sa impact.

I remember when I first used a punching bag. I was ten years old back then. Unang suntok ko, umiyak ako sa sakit. Wala akong ideya kung papaano sumuntok ng tama sa panahong iyon. Matigas kasi ang punching bag. Buhangin yan sa loob. But now, I don't feel anything anymore. I wear bandages at a precaution, but I never wear boxing gloves. Para sakin hindi need it, kasi in real life battles naman hindi naman nakasuot ng gloves kapag nakikipag-away e.

I got bored of the punching bags easily.

Lalo na't nakikita ko yung shooting range sa second floor. I prefer shooting with guns more than anything else. I love the sound of a gunshot. I love it because I hate it.

Ironic, hindi ba?

I love it because I hate it. Gustung-gusto kong naririnig ang pagputok ng baril because it reminds me of that night. Yung gabing pinatay ang mga magulang ko. Why do I love it? It's because whenever I hear gunshots, nagigising muli ako sa katotohanan. I re-focus myself everyt time I hear it. Parang nagigising ako sa reality. It drives me to remember the reason why I am doing this in the first place. 

Kaya naman bawat tira ko, bull's eye. I never miss. Eto yung pinaka-pinaglaanan ko ng oras na pag-aralan. I trained for this for almost half of my life. Maraming ras ang ginugol ko para maperfect to. Hindi lang isa ang nagtrain saakin. Eto talaga ang pinakasineryoso ko. 

Kasi when the time comes na kailangan ko nang iputok ang baril ng paghihiganti ko sa mga hayop na iyon, gusto ko sigurado. Gusto ko swak na swak. Gusto ko, bull's eye rin.

Humablot agad ako ng isang pistol, I was never a gun enthusiast kaya hindi ko alam kung ano ang exact model nito. One thing I know though, I know how to use any kind of gun. Iba-iba lang ang itsura nila. Pero pare-pareho lang naman sila kapag ginamit muna. Mag-aadjust ka nalang sa haba at sa bigat ng mga ito.

Hindi rin ako nag-abalang magsuot ng headphones o kahit earplugs man lang. Bingi na ako. Bingi na ako sa tunog ng pagputok nito. Nine years old palang nabingi na ako sa kadilimang dulot ng baril. I don't need those kinds of things. 

Kinasa ko yon at agad na tinutok sa isang target at walang alinlangan na pinindot ang gatilyo noon. Sumakto yon sa gitna. Binaba ko muna tapos kinasa ko ulit, tapos tinutok ulit sa bagong target ko.

Yung tornilyo sa shelf ng mga pana. Mas maliit kasi iyon kumapara sa pinaka-gitna ng target board. I shoot. Tinamaan ko yung una, kaya naman nahulog ang mga pana sa pinakababang shelf. Tapos I started shooting pataas, in three seconds, lahat ng mga pana sa isang six-layered shelf ay nagsisipagbagsakan na sa sahig.

 But I did not feel satisfied. Kulang pa iyon para malabas ang sama ng loob ko. Kulang parin iyon para mailabas ko ang galit sa ginawang pagpapahiya saakin nung kumag na yon kanina. Kulang pa yon sa pagkainis sa mga kaklase kong maanghusga at mapanlait. 

"Sabi ko na dapat binilisan natin!" I heard someone shout. Tumingin ako sa likod ko at nakita doon si Cynthia kasama yung anim. Si Cynthia mukhang pagod, habang ang anim gulat sa nakitang kalat sa sahig. Nagkalat kasi ang mga panang nahulog mula sa shelf kanina.

Nginitian ko sila. Yung ngiting walang saya. Yung ngiting walang laman. "Wag kang mag-alala, Cynthia. The fun had just begun." Muli kong kinasa ang baril na hawak ko pagkasabi ko noon.

Nanlaki ang mga mata niya kasabay ng pamumutla niya. Habang ang mga kasama niya nanatiling nakatingin lang sakin nagtataka at the same time namamangha. I know that she knows what I can do. Alam niyang hindi ako magaatubiling gawin ang gusto ko kahit hindi ko teritoryo ito. 

"Sh*t, sa baba nalang tayo." Sabi niya agad tapos dali-dali siyang bumaba na iniwan yung mga nagtatakang kasama niya na nakatingin parin saakin. 

Nakangisi akong tumingin kay Jed. Our eyes met. At this point, wala na akong paki kung weird ang mga kilos niya. Gusto ko lang ipaalam sakanya na I'm about to do anything I want to do at hindi ko kailangang humingi ng permission mula sakanya, na leader ng gang nila. I'm stubborn and siga like that.

It's just that, I am unstoppable whenever I am angry.

Tapos narinig ko sumigaw si Cynthia mula sa baba, na naging dahilan ng pagbaba din ng mga kasama niya.

"Guys, mahal ko kayo. Kaya kung gusto niyo pang mabuhay, lumayo kayo sa galit na Athena!"




Twitter: #ATGOV


Continue Reading

You'll Also Like

2.6M 66.5K 50
Chandria Bryzz Monteron is an average commoner that one could tell is called a 'Nerd'. Despite her appearance from the outside, she possess all of th...
31.1K 678 30
In the eyes of everyone, Arzi has the perfect family that everyone dreamed of. Despite the wealth and power that her Family has, she never feels so h...
140K 3.6K 64
Akala ko ligtas na ako nang lumipat ako sa Monte Carlo High School. Hindi pala. NOTE: Not a paranormal story. [EDITING FOR MANUSCRIPT SUBMISSION]
797K 18K 72
One day Fate will bring them again. -Everything has Changed. But, is she willing to change back? ** Mystery/Thriller #15! <333 7/5/15 - #8 in M...