•54•
Andrea's POV
[The subscriber cannot be reach please try your call later...]
“Ah! Breydon?” tanong ko sa sarili ko. New Year na New Year pinapa high blood niya ako ah! Kanina ko pa kasi siya tinatawagan at pang sampo na ata yung kanina kong tawag. May usapan kasi kami na susunduin niya ako para sa kitaan namin nila Mia sa Scherzy restaurant. Doon kami mag new-new year. Tinignan ko ang relo ko at 8 PM na.
Patay ka saking Boss ka pag nakita kita!
“Anak?” tumingin ako sa pinto nung pumasok si Mamsie. Ay oo nga pala, nasa Pilipinas na kami. Napag desisyunan kasi namin na dito na mag New Year.
“Ang ganda ng anak ko oh.” lumapit sa akin si Mamsie at pinaharap sa full length mirror. Napatingin tuloy ako sa suot ko. Naka white dress ako na hanggang tuhod. Naka sleeveless din at yung buhok ko naman ay nilugay ko ang buhok ko at nilabas ang bangs ko.
“Harap ka nga anak.” sabi ni Mamsie kaya humarap ako. “Ayan.” sabi niya ng ipitin niya yung sa may left side ng tenga ko ang buhok ko. I think kita na yung silver na hikaw ko.
“Perfect. Ang ganda ganda mo anak.” sabi ni Mamsie.
“19 years old ka lang pero parang matured na ang anak ko ah.” sabi ni Mamsie at napa ngiti naman ako. Nay malapit na kaya akong mag birthday! Sa Feb 28 hahaha.
“Oh baka ma late ka pa. Hindi ka ba susunduin ni Breydon?” ayan ayan nga.
“Hindi ko nga alam dun mamsie, hindi sinasagot ang tawag ko eh.” inis na sabi ko. Nagulat ako ng ngumiti si Mamsie.
“I'm so happy anak.” sabi nito. Kahit naguguluhan ay ngumiti ako. “Sige na mamsie alis na po ako ah. Happy new year po!” sabi ko kay Mamsie. Niyakap muna ako ni Mamsie bago ihatid palabas sa kwarto ko at palabas sa bahay.
“Bye mamsie!” sabi ko bago sumakay sa taxi na nakaparada na.
(Restaurant)
“Wow! Andrea ikaw ba yan?!” pagpasok ko pa lang sa Restau ay yan na agad ang narinig ko. Napatingin ako kung saan galing yun at nung makita ko sila Mia ay lumapit ako.
“Hi guys! Na miss ko kayo!” sabi ko. Hindi naman sila nag react at puro mga mukhang tanga lang. La? Anyare?
“W-wow! Sobrang ganda mo Andrea!” biglang sabi ni Mia. Napangiti naman ako. Enebe!
“Ikaw ba talaga yan Andrea? You're gorgeous!” sabi ni Charlie. Enebe geys teme ne!
“Omo! Andrea you're so beautiful!” sabi ni Aira.
“Ok, ok tama na. Hahahaha.” tawa ko. Sobra sobra na kasi ang papuri eh hehehe.
“Where's Breydon?” tanong ni Ian. To naman oh! Yan agad ang sabi! Malay ko sa Boss na 'yun!
“Hays.” umupo ako sa upuan at ininom yung tubig na nandito. “Malay ko nga dun. He's not answering his phone.” inis na sabi ko. Malaman laman ko lang talaga kung nasaa yun! Patay yun sa akin!
“Ows. Tara na kumain? I'm so hungry na!” sabi ni Mia. Hindi namin hihintayin si Breydon? Ah! Bahala nga siya. Ginigigil niya ako eh!
“Game, let's order.” sabi naman ni Charlie. So umupo na kami sa mga upuan namin at nag order na ng pagkain.
———
M
e:
Wala ka pa rin? O siya barabas! Bahala ka nga!
9:15PM
Inis na ako ah! Asan na ba 'yung Young Boss na 'yun!
“Hi guys!” tinago ko ang phone ko at napatingin sa babae at lalake na kararating lang.
Ow si Haley at Nyx.
“Ow hello Andrea. You're so beautiful tonight.” sabi sa akin ni Haley. W-woah? Ok na kami?
“Ikaw rin.” naka ngiti kong sabi. Nginitian naman ako ni Nyx.
“Where is Breydon?” tanong ni Haley. Hays 'yan nga tayo eh.
“Wala pa nga eh.” inis na sabi ko. Asan na ba kasi 'yun?
“Huh? I saw him kanina. Nasa taas nito? Sa bar? May kasamang—
Babae.”
“Ano?!” napatayo ako sa pagkaka upo sa sinabi ni Nyx. Anong sabi niya?! May ano? May kasama?!
“Yes. Tignan mo siya sa taas.” hindi ko na inantay ang sinabi niya. Tumaas na agad ako dito at pumasok sa bar.
“BREY—”
Napatigil ako sa pag sigaw ng makita kong walang tao at madilim sa loob. H-huh? Sarado ba ang bar ngayon?
“Breydon? Breydon!” sigaw ko. Kukunin ko sana ang phone ko para sa flashlight ng may marinig akong nagigitara.
“Naalala ko pa...
Nung pinapangarap pa lamang kita...
Dadalaw tuwing gabi...
Marinig ko lang ang mga himig mo...”
Kasabay ng boses ay ang pag bukas ng ilaw sa center stage.
Breydon.
Naka upo siya sa isang upuan at may hawak na gitara. May mga flowers na kulay—green? At nakapalibot sa kanya. Hugis—
Buko!
Namangha din ako dahil sa kinatatayuan ko may flowers na naka line sa magkabilang gilid at nasa gitna ako naka dugtong to sa buko kung nasaan siya naka upo. Nag simula akong maglakad papunta sa kanya.
“Hindi ko man alam kung nasaan ka...
Wala man tayong komunikasyon...
Mag hihintay sayo buong magdamag...
Dahil ikaw ang buhay ko...”
Kahit malayo ay kita kong nakatingin siya sa akin at naka ngiti habang nakanta.
“Kung inaakala mo...
Na ang pag ibig ko'y magbabago...
Itaga mo sa bato...
Dumaan man ang maraming pasko...”
Napangiti ako ng malapit na ako sa kanya. Oh god Breydon, what's this?
“Kahit na hindi mo na abot ang sahig...
Kahit na di mo na ako marinig...
Ikaw pa rin...”
And finally. Nasa harap niya na ako. Tumayo siya at lumapit sa akin.
“Ang Buhay Ko.”
Napahampas ako sa kanya sabay yakap! “A-ano 'to?” naiinis na natatawa kong tanong.
“My Buko.” sabi niya. Bumitaw ako sa yakap. Binaba niya muna yung gitara at nagulat ako ng—
Lumuhod siya sa akin!
O-oh my gosh!
“Andrea Zheon, My Buko, My Hero...” bulong niya. Hinawakan niya ang kamay ko.
“Will you marry me?”
Oh my god!
Hindi ko alam ang ire-react ko. Napangiti ako kasabay ng pag patak ng luha sa mata ko.
“O-oo naman!” sagot ko. Kita ko ang pag ngiti ng labi niya sabay tayo at yakap sa akin, binuhat pa ako!
“Yeeeeeeeesss!” sigaw niya. Napangiti naman ako kasabay ng pagbukas ng lahat ng ilaw at ang palakpakan sa likod at gilid namin.
W-what?
A-andito silang lahat! Andito ang mga friends, family namin!
“Brey—”
Hindi na ako nakapagsalita dahil hinila niya na ang bewang ko at hinalikan na ako.
Waaaaaaah!
Happy New Year!