•52•
Andrea's POV
“N Seoul Tower
Located on Namsan Mountain, the N Seoul Tower is Seoul’s second highest point, with a total height of 236m. Take in breathtaking views during the day, as well as at night from the tower. Couples also like to leave love locks up on the tower to signify the long-lasting promise of their relationship. Oh yan daw Mamsie, Papsie oh research ko sa N Seoul Tower.”
“Tss.” sabi ni Allen. Tsk! Bakit ba sinama pa 'tong Allen na to dito sa N Seoul Tower? Hmm! Hindi ko na lang siya pinansin at tinignan sila Mamsie.
“Mamsie sige gala na kayo nila Papsie. Gagala lang din kami ni Allen. Tara Allen.” hinila ko na si Allen palayo kila Mamsie. Habang naglalakad palayo ay hindi ko mapigilang mamangha sa N Seoul Tower. Ang ganda! Ang ganda promise!
Nung medyo malayo na kami ay kinuha ko ang phone ko at nag take ng mga pictures. Nag take din ako with N Seoul Tower and pinost ko sa Instagram at iba pang social media acc ko.
“Ate sinama mo ba ako dito para lang manood sayo?” tanong ni Allen.
“Hindi! Bakit kasi hindi ka mag gala din.” kunwaring inis na sabi ko sa kanya.
“Tss. I will buy lang.”
“Oy! Babalik ka ah!” sigaw ko sa kanya. Malapit lang naman ang pupuntahan niya eh. Binili ata siya ng—ano ba yun? Bahala siya muhahaha.
So ayun. Nag ikot ikot lang ako dito tapos napag isipan kong pumunta sa taas ng N Seoul Tower. Diba may mga padlock daw dun? Waaaah! Oo nga! Na excite naman ako at nag lakad na papunta doon.
Omooooooooooo!!
Ang ganda! Sobrang ganda sa taas! Waaaaaaaaah!
Kinuha ko ang phone ko at nag take ulit ng pictures. Pagkatapos ay nag tingin na ako ng mga pod lock dito. May mga nakalagay na pangalan kaso—puro korean! Hindi ko maintindihan huhuhu. Patuloy lang ako sa pag ikot ng may makita ako sa isang padlock.
A 💛 B
Bigla akong may naalala sa letter.
Andrea 💛 Breydon
A-ayts! Ano bayan Andrea! Naalala mo pa rin siya!
“Uy!”
“Ayy! Allen!” inis na sabi ko kay Allen. Mang gulat ba naman?
“What are you looking at?” tanong niya at saka tumabi sa akin at nag tingin tingin din ng mga pad locks.
“Andrea, Allen.” napaharap kami sa tumawag sa amin. “Oh Mamsie, Papsie tapos na kayo mag gala?” tanong ko. Sabay naman na tumango sila.
“Tara na mga anak. Pupunta tayo sa Namdaemun Market.”
“Huh? Saan yun Papsie?” tanong ko. Saka market?
“Sa 21 Namdaemunsijang 4-gil, Namchang-dong, Jung-ju yun anak, tara na mamimili kasi ang Mamsie mo para sa handa natin mamayang gabi sa Noche Buena.”
Ha? Hanudaw pero—Waaaaah! Oo nga. Na excite tuloy ako!
“Alright! Tara na Fam!” sabi ko. Natawa naman sila habang sabay sabay na kaming umaalis sa Tower. Pagbaba namin ay dumeretso kami sa kalsada para maghanap ng sasakyan, habang nag iintay ay humarap muna ulit ako sa N Seoul Tower para sana masilayan ulit kaso—
T-teka?
S-si B-breydon ba yun?
Kinuskos ko ang mata ko at tinignan ulit ang Tower kaso wala na yung nakita kong lalaki na naglalakad sa taas.
Hindi ako pede magkamali! Si Breydon yun! Alam na alam ko ang likod at itsura niya!
“A-ah Mamsie, Papsie mauna na po kayo susunod na lang po ako!” sabay takbo papunta ulit sa tower. Baka nga tama yung nakita ko! Andito nga siya!
Pagbalik ko sa tower ay tinignan ko ang lahat ng tao na nadaan at tinitignan ang suot nila. Naka black siya na coat, oo black coat.
Tinignan ko din dun sa may mga pad lock baka nagtitingin siya kaso—wala.
Napasandal ako sa may railings.
Miss na miss mo na ba siya kaya nag ha-halucinate ka na?
Nainis ako mismo sa sinabi ko. Tss, mukhang oo hays! Andrea naman oo!
“Sillyehabnida.” (excuse me)
Eh? Excuse me yun diba? Humarap ako sa nag excuse sa akin at—
“Hello, can you help me? This girl, (turo sa picture) she's my girlfriend and I'm finding—”
dug dug
dug dug
Napahawak ako sa puso ko kasabay ng pagka gulat ko sa taong nasa harap ko.
“B-breydon?”
“A-andrea!” nagulat ako ng yakapin niya ako.
Shet! Totoo ba 'to? N-nasa harapan ko siya?
“A-andrea! Thanks god I found you!” sabi niya habang mahigpit ang pagkaka yakap sa akin. T-teka lang paniginip ba 'to?
“W-wait! T-totoo ka ba? B-breydon?” tanong ko. Bigla na lang itong umalis sa yakap.
“Wait you know me? Y-you remembered me?”
Akala niya ba nakalimutan ko na siya?
“O-oo naman! Bakit naman kita makakalimutan?”
“Diba may amnesia ka?”
o_____________O
O_____________o
O_____________O
“H-huh?
Ha?
HUH?!” sunod sunod na sagot ko.
“Wala akong amnesia! Sinong may sabi sa'yo?!” tanong ko. May amnesia ba ako? Hiniling ko lang naman ah!
“W-what? Wala kang amnesia?! Sinabi sa akin ng Lionel na 'yun na meron kang amnesia!”
Ah! Iaaaaaaaaaaannn!
“Wala akong amnesia! Na aksidente lang ako pero wala akong amnesia!”
Ops! Napatakip ako sa bibig ko ng may masabi ako. Nasabi ko ba? Hala!
“You don't need to do that, I already know.” hinila niya ako sabay niyakap. G-god, andito nga siya!
“D*mn! I miss you so much!” niyakap niya ako ng mahigpit at nagtubig naman ang mga mata ko.
Andito na siya.
Andito na talaga siya!
“B-bakit ka nandito?” tanong ko sa kanya habang nakayakap siya sa akin.
“I realized something.” bumitaw siya sa yakap at hinawakan ang dalawang pisngi ko.
“Na realized ko na, mahal na mahal na mahal pala kita at—hindi ko kayang pakawalan ka Andrea.”
“B-breydon...” pinigilan ko ang luhang papatak. Andito na naman ba kami?
“Andrea, my Buko, my Hero. You don't need to sacrifice, everything is alright now. We, we can be free.”
“A-anong ibig mong sabihin?”
“Pinakawalan na ako ni Mom, and I think Dad will do the same.” ngumiti siya at hinalikan ako sa noo.
“E-eh paano si Hale—”
*tsup!*
“Hindi ako magpapakasal kay Haley.”
Wah! He kissed me! Ang daming tao dito eh!
“So... I think pede na tayo?” nilapit niya ang mukha niya sa akin.
“Saranghae.” (I love you) napangiti ako sa sinabi niya.
“Nado Saranghae.” (I love you too)
Hindi ko na inantay na halikan niya ako, pinulupot ko na ang kamay ko sa leeg niya at ako na ang humalik sa kanya. He encircled his hand on my waist in return.
“Whoaaaaaaaaaah!” rinig kong sigawan ng mga tao dito.
Pero hindi pa rin kami tumigil sa paghahalikan. Aba! One month ko 'tong na miss!
Humiwalay siya sa halik. “Buko...”
“Bak—” hindi ko na natapos dahil hinalikan niya na ako.
Waaaah! Breydon! Baka makasuhan tayo ng PDA!
•••
A/N: End na po—charoot!