Falling for Mr. Bouncer - Pub...

By CeCeLib

4.1M 116K 5.6K

Gilen Ramirez is a happy-go-lucky- kind of woman. She always had a food in her bag. She doesn't care what oth... More

Falling for Mr. Bouncer
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16

Chapter 17 - END

301K 8.5K 561
By CeCeLib

CHAPTER 17 (END)

NAKASIMANGOT si Gilen habang naglalakad palapit sa bahay ni Kaino. Ang lalaking iyon talaga, tulog mantika! Nangako pa naman ito sa kanya na gigising ng maaga dahil pupunta ito sa bahay niya at sabay silang magja-jogging. Pero heto, alas nuwebe na ng umaga, tulog pa rin ang gago na yun. Ang sarap pisunin.

Kinuha niya mula sa bulsa ng denim short niya ang susi sa bahay ni Kaino bara buksan ang naka-lock nitong pintuan. Ibinigay nito iyon sa kanya ng binata ng sagutin niya ito, tatlong buwan na ang nakakaraan. Halos magtatalon ito sa tuwa ng umo-o siya. Siya naman, chill lang habang naka-upo pero sa loob naman ay parang nagtsu-tsunami. Mahal na mahal niya ang kasintahan kahit tulog mantika pa ito.

She’s so happy right now. After that night, hindi niya akalain na makakasama pa niya ang mga taong mahal niya. Buti nalang at naisipan niyang magsuot ng vest. She can’t express how much thankful she is to god for saving her. Kung noon hindi siya sumisimba, ngayon, palaging siyang nasa simbahan tuwing linggo. Marami siyang dapat na ipagpasalamat sa panginoon. Her life couldn’t get any better. Nakakulong na si Jaime Ramirez at ang mga tauhan nito. Walang piyansa ang kaso ni Jaime at dalawang buwan mula ng makulong ito, nahatulan ito ng guilty at habang buhay na pagka-kulong. He deserves it! Talagang nakatulong sa pagpapakulong kay Jaime ang white book.

Iyon ang nagsilbing ebidinsiya nila sa korte. Hindi lang pala drugs at pagnanakaw ng sasakyan ang illegal na Gawain ni Jaime. Marami pa itong illegal na aktibidad na ginagawa at lahat ng iyon ay nasa white book. Siya na yata ang pinakamasaya ng mahatulan ng guilty si Jaime. Wala ng mananakit sa mga taong mahal niya. Mapapanatag na ang kalooban niya. Nagpapasalamat siya kay Luther, dahil kung hindi nito tinawagan si Kaino para humingi ng tulong, baka namatay na siya. Thanks to that i-don’t-care-guy-Luther, she’s still alive and breathing.

Huminga siya ng malalim at tinawag ang pangalan ng kasintahan.

“Kaino! Kaino! Wake up!” She’s free to shout as loud as she can can. Sila lang naman ang tao rito sa bahay. Umuuwi ang mga katulong ni Kaino tuwing weekends. Parang day-off na rin nila. And it’s Saturday.

“Kaino! Come on. Wake up!” Sigaw niya habang umaakyat patungo sa second floor kung saan naroon ang silid ng kasintahan.

Napasimangot siya ng binuksan niya ang kuwarto ng binata at wala ito roon.

“Saan naman kaya nagsusuot ang lalaking yun?” Tanong niya sa sarili at isinara ang pintuan ng silid ni Kaino.

Naglakad siya patungo sa kusina. Nauuhaw na siya. Iinom muna siya ng tubig bago niya hanapin si Kaino. Medyo may kalakihan din ang bahay na ito. Ayaw niyang ma-dehydrate sa kasisigaw ng pangalan ng baliw niyang kasintahan.

Papasok palang siya sa kusina, agad na naamoy niya ang mabangong aroma ng pagkain. Mabilis siyang pumasok at nakita niya si Kaino na hubad-baro at nagluluto. Napanganga siya sa kakisigan nito mula sa likuran. Tanging faded jeans lang ang suot nito at wala itong sapin sa paa. Mula sa likuran, para itong model ng jeans.

Yum! Ang matso-matso talaga ng boyfriend ko. Puwede ng gawing agahan! Lihim siyang napalunok at nag-iwas ng tingin. Tamang-tama naman nilingon siya ni Kaino.

“Hey, chocolate.” Nakangiting bati nito sa kanya at nilapitan siya para halikan sa pisngi. “Good morning. How’s your day?”

Hindi siya nagpa-apekto sa napaka-yummy nitong abs at magandang ngiti. Inirapan siya ito.

“How’s my day? Terrible!” Pinandilatan niya ito. “You promise na gigising ka ng maaga at pupuntahan mo ako sa bahay para sabay tayong mag-jogging. I waited for an hour pero walang dumating kahit na anino mo.”

Kaino smiled at her na parang hindi ito apektado sa pagkainis niya. “Sorry, chocolate.” Dumukwang ito para halikan siya sa mga labi pero umiwas siya.

“No kiss. You broke your promise, Kaino.”

“What? Why?” Kaino pouted. “This is the first time I broke my promise. Puwede bang warning lang muna ngayon, saka na ang punishment? I haven’t seen you for eight hours! Come on, Chocolate. Cut me some slack.”

Itinirik niya ang mga mata. “Kaino, huwag kang OA. It’s just eight hours.”

Naglalambing na niyapos siya ng kasintahan. “Yun na nga e. Eight hours without you is like a day without water. Nanghihina ako.”

Tinampal niya ito sa dibdib. “Tama na iyang ka-cheesihan mo. Baka langgamin ka na.”

He grimaced. “Hindi ito ka-cheesihan. I’m just being sweet.” Niyakap siya nito.

Mabilis niya itong tinulak ng maramdaman niya ang matitigas nitong abs. parang may nagrambulang Jurassic sa loob ng puso. Pasimpli niyang pinahid ang malamig na pawis sa noo niya.

Kumunot ang nuo ni Kaino at pinahid nito ang pawis sa noo niya gamit ang palad nito. “Bakit ka pinagpapawisan? Ang aga-aga, pinagpapawisan ka na.”

Nag-baba siya ng tingin at napakagat-labi siya ng makita ang bas nito. Diyos ko naman! Maghunusdili kayo! Ayokong magkasala! Inosente pa po ako.

Nagtaas siya ng tingin at natama ang mata nila ni Kaino. Pinapahid pa rin nito ang pawis niya. Kahit anong pigil niya sa mata niya na hindi tumingin sa abs ng kasintahan, hindi talaga niya mapigilan. Panay ang sulyap niya sa abs nito at sa pagkainis. Mabilis na kinuha niya ang apron at isinuot iyon sa kasintahan.

“Hayan. All covered.” Aniya na nakangiti.

Kaino chuckled. “Ahh. Kaya pala hindi ka mapakali dahil sa matitigas kong abs. I’m so flattered, Gilen.”

Pinukol siya ito ng masamang tingin. “Huwag ka ngang mahangin!”

Tumawa ng mahina ang kasintahan. “Bakit ba nagagalit ka? Hindi ka pa nasanay sa’kin.” He gave her a sly smile. “You know, I can take off my jeans too. Just say the magic word and I’ll—”

“Heh!” Mainit ang pisngi na tumakbo siya palabas ng bahay ni Kaino. Narinig niya ang malakas ng tawa nito mula sa kusina.

Naiinis siya! Mula ng malaman nito na virgin siya, he keeps on teasing her. Kasalanan ba niya kung wala pa siyang karanasan sa bagay na iyon? Hmp! Masunog sana siya sa kusina!

Binuksan niya ang pintuan ng bahay ni Kaino at lumabas. Handa na siyang tumakbo patungo sa kotse niya ng mapatigil siya sa paglalakad. Natusok siya sa kinatatayuan habang nakatingin sa bagay na nasa harapan niya. What the heck…

Dahan-dahan niyang nilapitan ang life-size chocolate cake na nasa labas ng pintuan ng bahay ni Kaino. Nakaawang ang labi niya habang nilalapitan ang chocolate cake. Nagumpisa ng manubig ang bibig niya sa nakikita.

“Like it?”

Mabilis siyang napalingon kay Kaino na nagsalita sa likuran niya.

“Yeah. Sa’yo ‘to?”

Napailing ito. “Sa tingin mo naman kaya kung umobos ng ganyang kalaking cake? Hindi ako ikaw no.” Inakbayan siya nito at tinitigan ang cake. “I ordered Shay to make a life-size chocolate cake. Kailangan ko pang magsilbing waiter doon sa café niya para lang gawan niya ako.”

Naguguluhang tinitigan niya si Kaino. “Bakit ka naman magpapagawa ng ganitong kalaki na cake. Kaino, alam kong matakaw ako pero hindi ko naman kayang umubos ng ganitong kalaki na cake.”

Kaino chuckled. “Akala ko kaya mo.”

Kinurot niya ito sa tagiliran. “Ano naman ang tingin mo sa akin? Halimaw?”

“Well…” He trailed then looked at her.

She glared at Kaino. “Ano?”

Kaino chuckled again. “Nothing.”

Kinurot niya ulit ito at napasimangot. “Kaino naman e!” Pagmamaktol niya. “Hindi ako halimaw. Tao ako! Ako ang pinakmamahal mong girlfriend! Ako ang—”

“Ikaw ang babaeng mahal ko.” Putol nito sa iba pa niyang sasabihin at walang sere-seremonyang sinakop ang labi niya.

Gilen automatically opened her mouth to accept the kiss. Ipinulupot niya ang braso sa leeg ni Kaino at hinapit palapit ang binata sa katawan niya. Nasa gitna sila ng mainit na paghahalikan ng may tumikhim. Naghiwalay ang mga labi nila ni Kaino. Napatawa siya ng Makita ang hindi maipintang mukha ng kasintahan habang nakatingin kay Alexus, ang asawa ng kaibigan niyang si Clover.

“Hello! Stop kissing!” Tiningnan nito si Kaino. “Just do whatever you have to do para makakain na kami.”

Kunot ang nuong tiningnan niya si Alexus. Mas lalong lumalim ang gatla sa nuo niya ng Makita ang asawa nito, ang kaibigan niyang si Marj at ang asawa nitong si Marlon Aiken. Ang kambal na si Ramm at Rann na nakilala niya ng maging magkasintahan sila ni Kaino. Kasama ng mga ito ang kanya-kanyang asawa at mga anak. Nasa tabi naman ni Ramm ang kapatid nitong si Eizel at ang asawa nitong si Lancelott. Bakit nandito ang mga ito?

“Come on, Kaino. Just do it already.” Wika ni Marlon Aiken.

“Do it.” Segunda ni Ramm. “Stop being so coward.”

Tumango-tango si Rann. “Go for it, cousin. Kaya mo yan. It’s time for all of us to be officially taken.”

“Ano bang sinasabi ninyo?” Naguguluhang tanong niya sa mga ito na may mga ngiti sa mga labi habang nakatingin sa kanila ni Kaino. Binalingan niya si Marj. “What is this all about?”

Marj smiled. “It’s not for me to tell.”

Marlon Aiken grinned at her then looked at Kaino. “Do it, cousin.”

Kaino nodded and looked at her. Humugot ito ng isang malalim na hininga at hinawakan ang kamay niya. Naramdaman niyang nanlalamig ang kamay nito at pinagpapawisan. Bago pa niya matanung si Kaino kung ano ang nangyayari, nauna na itong magsalita sa kanya.

“Gilen, you know that I love you right?” Nanginginig ang kamay nito. “And, I know… that, ahm, you love me too. I ahm— just want to say that… I ahm, I love you so much… and I… I … I— love you. I—”

Ipiniksi niya ang kamay niya na hawak ng kasintahan at tinitigan si Kaino. “What is your problem? Bakit ba para kang ewan na nauutal. This is not you, Kaino. May nagawa ka ba? Kung may sasabihin ka sa akin, just tell me straight. At bakit ba tinatanong mo kung mahal kita? Oo naman, mahal na mahal kita. Bakit ba? Makikipaghiwalay ka ba sa akin? Iiwan mo ba ako? Magsabi ka lang kasi—”

Bigla nitong hinawakan ang kamay niya at lumuhod sa harapan niya. “Will you marry me?”

Napatanga siya sa sinabi ni Kaino. Hindi siya nakagalaw sa kinatatayuan niya. Nakatingin lang siya kay Kaino na nakatingin din sa kanya. Puno ng pagmamahal ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya.

“Kaino…”

Tumayo ito mula sa pagkakaluhod at sinapo ang pisngi niya. “When I saw you on the photo that Sir Luther showed me, nagandahan na ako sayo. Hindi ko akalain na mahuhulog ang loob ko sayo. Nang makilala kita, nagustuhan kaagad kita. Hindi naman kasi mhirap na magustuhan ka. You’re so different. Good different. Nuong nagpanggap ako na bouncer, masyado akong nagi-guilty. Alam ko kasing nagsisinungaling ako sayo. Pero sa lahat ng pagsisinungaling ko, I never lied about my feelings for you. In-denial lang ako, but I know, I can feel it. I’m falling in love with you. In the island, it was the best time of my life, being with you was amazing. Doon lubusang nahulog ang puso ko sayo. I never thought that by protecting you, my heart will be endangered. Endangered of falling in love with you.”

Kaino gave her a small smile that makes her heart beat erratically. “Gilen, I know I’m not worthy of you. Up until now, naiisip ko pa rin ang ginawa mo para lang makuha ang white book na yun. It angered me that I wasn’t there to protect you. Then I realized, you don’t need my protection at all. Kayang-kaya mo kasi ang sarili mo. You can take care of yourself. Pakiramdam ko napakawala kung kwenta. But then I realize, may gamit ako. I love you and that’s enough. Maybe you don’t need me to protect you, but I will protect you. I will protect your heart. I will love you as much as I can. I hope you accept the protection my heart is offering.”

“Gilen, I love you.” Hinawakan siya nito at iginiya palapit sa malaking cake.

Gilen gasped when she see what’s on the middle of the cake. It’s a diamond ring. And it’s so beautiful. Natutop niya ang bibig para pigilan ang sarili na humikbi. Naiiyak siya sa sobrang kaligayahan.

“Oh, Kaino…”

Niyakap siya ni Kaino mula sa likuran. “Will you please, marry me, Gilen Ramirez? Will you please be my wife?”

Hinarap niya si Kaino at sinakop ang labi nito. “Yes! Yes! I want to be your wife. I want to be Mrs. Gilen Garcia!”

Kaino grinned. “Good.”

Kinuha nito ang singsing na nasa cake at napatawa siya ng makitang may icing na nakadikit doon.

“Baka langgamin ako.” Aniya na natatawa.

Kaino chuckled and put the ring on her finger. “Gusto kong isuot sa daliri mo ang singsing na pinili ko para sayo, ants be dammed. Hugasan mo nalang mamaya, pero ngayon, suot mo muna.”

Tumawa siya ng malakas sa sinabi nito. “Ewan ko talaga sayo, Kaino. Baliw ka na.”

“Mapapangasawa mo ang baliw na ito.”

“I can still back out.” Nagbibiro niyang sabi.

Nawala ang ngiti sa mga labi nito at nagdilim ang mukha. “I won’t let you.”

Napailing-iling siya at hinalikan ang binata sa tungki ng ilong nito. “Kaino, kahit pa siguro mapunta ka pa sa mental, sasama pa rin ako sayo. Ganoon kita kamahal. Mild palang naman itong kabaliwan mo, kasi sa akin ka lang naman baliw.”

A smile broke into Kaino’s face. “Sino ngayon ang mahangin?”

Inirapan niya ito at ipinalibot ang braso sa leeg nito. “Nahawa na ako sa kahanginan mo.” Inilapit niya ang labi sa labi nito. “I love you Kaino Garcia, my very own Mr. Bouncer. Ang hot mo kaya nuong bouncer ka kasi yung suot mong t-shirt ay talagang bakat na bakat, lahat ng muscles at abs mo, nakikita.”

Ngumisi ito. “Sabi ko na nga ba, pinagnanasaan mo ang abs ko.”

Gilen smiled. “Oo naman saka magiging asawa mo na ako, kaya may karapatan akong pagnasaan iyang abs mo.”

Kaino laughed and captured her lips. “I love you so much, Gilen.”

“I love you too, Kaino—”

“That’s enough!” Pinaghiwalay sila ni Alexus. “Kumain na tayo.” Binalingan nito si Kaino. “May niluto ka na bang pagkain? Hindi pa ako nag-aagahan. Ang laki ng cake na pinadala mo. Napakabigat!” Reklamo nito.

 Binatukan ito ni Clover. “Hoy, Alexus. Huwag ka ngang epal, hindi lang ikaw ang nagbuhat ng cake na iyan. Tumulong din kami.”

Mabilis na niyapos ni Alexus ang asawa. “Flower naman, mahal naman kita e. Come on, gave me a kiss.” Inginuso nito ang labi na tinampal naman ni Clover.

“Ang halay mo!”

Hindi makapaniwalang napanganga si Alexus. “What? Halik lang mahalay na agad?” Tinuro sila ni Alexus. “Mas mahalay sila kasi kanina pa sila naghahalikan. Tapos ako itong pinag-iinitan mo.”

Binatukan na naman ito ulit ni Clover. “Exempted sila.”

Inungusan sila ni Alexus at pinangko nito si Clover na panay ang tili. “Ikaw nalang ang kakainin ko. Huwag niyo kaming isturbuhin, gagawa kami ng little Alexus and cutie Cinnamon Clover.”

“Don’t call me Cinnamon you dimwit!”

Tawa lang ang isinagot ni Alexus sa galit na boses ni Clover. Napailing-iling nalang siya. Mula ngayon, ang mga baliw na ito na ang pamilya niya. Masaya siya at kasama pa rin niya ang mga kaibigan niya.

Niyakap siya ni Kaino mula sa likuran. “Want to make little Kaino and cutie Gilen?”

She chuckled and leaned on his chest. “Hmm… why not?”

Kaino put his mouth over her ear and whispered. “Let’s go to my room. I’ll put my bouncer t-shirt. Diba gusto mo yun?”

Natatawang hinarap niya si Kaino ang pinisil ang ilong nito. “You are so kinky.”

“What? Don’t you like it. Well, we can do the normal position—”

“How about I’ll take off your bouncer t-shirt and then I’ll lick your abs? Like it?”

Kaino’s eyes were delated as he looked deep into her eyes. “Yeah, I will definitely, absolutely like it.”

I hope you enjoy reading Gilen and Kaino’s love story. Thank you and god bless – C.C.

Continue Reading

You'll Also Like

4.6M 127K 15
Kilala si Eizel Nicole San Diego bilang isa sa mga sikat na modelo sa buong mundo. Naparangalan na siya bilang isa sa may pinakamagandang mukha sa ba...
466 52 13
She strongly dislikes holidays which reminds her of a painful past, she's numbing her heart He's a loving, caring and gentle soul there's no reason f...
158K 5.2K 35
Sa taong 2030, isang hindi malamang sakit ang tumama sa buong mundo, kasama na ang Pilipinas. Ilang kabataan ang nakulong sa loob ng St. Padre Pio Ho...
5.3M 133K 17
Clover Cinnamon Perez is a Matchmaker. Because of what she does for a living, she knew a Playboy when she sees one. At malayong-malayo pa si Alexus E...