Falling for Mr. Bouncer - Pub...

By CeCeLib

4.1M 116K 5.6K

Gilen Ramirez is a happy-go-lucky- kind of woman. She always had a food in her bag. She doesn't care what oth... More

Falling for Mr. Bouncer
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17 - END

Chapter 12

185K 5.5K 173
By CeCeLib

CHAPTER 12

NAKANGITING lumapit sa kanya si Kaino. Bakas ang kasayahan sa mukha nito.

“Masaya ka yata.” Komento niya habang naka-indian sit sa buhangin at nakatingin sa papalubog na araw.

He sits next to her. “Yep. Makakalabas na bukas si Ethan sa Hospital.” Masayang balita nito sa kanya.

Nilukob ng kasayahan ang puso niya sa narinig. At least, kahit papaano, mababawasan ang guilt na nararamdaman niya.

“Mabuti naman kung ganoon.” Aniya sa masayang boses. “Natutuwa ako na makakalabas na siya sa Hospital.”

“Yeah, ako rin.” Sangayon nito at inakbayan siya. “Tayo kaya, kailan makakalabas sa islang ‘to?”

“Sana nga makabalik na tayo sa Manila. Miss ko na ang mga kaibigan ko.” Aniya na nakatingin sa malawak na karagatan.

“I know. Iyan palagi ang reklamo mo sakin.” Hinapit niya nito palapit dito. “May tanong ako, Gilen. Huwag kang magagalit ha? It just boggles my mind sometimes. Ayokong mag-assume at naiilang ako na magtanong sayo.”

“Sure. Ask away.”

Ilang segundo ang lumipas bago ito nagsalita.

“I always saw you in the Bachelor’s Bar, and we both know that their drinks are expensive.” Humugot ito ng isang malalim na hininga. “Saan ka kumukuha ng pera pambayad sa mga drinks mo?”

Hindi niya inaasahan ang tanong nito sa kanya. Hindi niya maiwasang isipin kung anong ang inisip nito bago ito magtanong sa kanya.

“Bago kita sagutin, gusto kong malaman ang nasa isip mo. I’m sure may naisip kang sagot sa tanong mo.”

Binasa nito ang mga labi at hinarap siya. “Honestly, wala akong maisip. Naaalala ko yung sinabi mo sa akin noon na inheritance mo iyon, pero sa mga nalaman ko ngayon tungkol sayo, alam kong hindi iyon inheritance. So…”

Ihinilig niya ang ulo sa matitipuno nitong balikat. “After the NBI Protection program released me, Luther Sr., hired tutors to teach me. Ayaw kung mag-aral kasi nga seventeen na ako, tapos elementary palang ako. Nakakahiya. Hindi naman ako nahirapan sa mga tutors ko kasi mabilis naman akong matuto at may tutors din ako nuong nasa poder pa ako ni Jaime. Kailangan kung matutong magbasa, magsulat at mag-english dahil tumatayo rin akong sekretarya niya. I was taught how to socialize, how to make myself look beautiful and many more. Kaya naman ng makaalis ako sa poder ni Jaime, hindi ako nahirapan.”

“And the money?”

“Totoo ang sinabi ko na inheritance yun. A year after I was release in Protection Program, I met my father. Buhay pa pala siya, pero patay na siya ngayon. May cancer siya at isang taon mula ng magkakilala kami, namatay siya. Actually, malaki ang dapat kung ipagpasalamat kay Luther Sr. Dahil sa kanya nakapag-aral ako sa collage at nakilala ko ang ama ko na MIA buong buhay ko. Nang mamatay ang ama ko, napunta sa akin ang lahat ng assets, stocks at pera niya. Wala siyang ibang relatives maliban sa akin. He told me that he met my mom on the bar and he didn’t know that my mom got pregnant with his child, nalaman lang niya nuong sinabi daw ni Luther Sr., pero siyempre nagpa-DNA test pa rin ako para sigurado and it turns out, he really is my father.”

“Kung mayaman siya, bakit nakatira ka sa isang simpling apartment at hindi sa isang mansiyon?”

Mapakla siyang tumawa. “Mansiyon nga pero wala naman akong kasama. Mas pinili kung ipagbili ang mansiyon at manirahan sa isang simpling apartment kasi roon, It felt like home. Isa lang naman ako so okay lang.”

Kaino nodded earnestly. “Sorry I had to ask.”

“It’s fine. I don’t mind.”

Namayani ang katahimikan sa kanilang dalawa habang nakatingin sila sa papalubog na araw. Kulay asul at ginto na ang dagat at napakaganda niyon tingnan. Ipinalibot niya ang braso sa bewang ni Kaino at naramdaman niyang natigilan ito sa ginawa niya. Kung titingnan, parang magkasintahan ang ayos nilang dalawa, pero ang totoo wala naman silang relasyon.

Yeah, they hug, cuddle and kiss but that’s it. Hindi niya alam kung anong tawag sa kanila. Hindi niya alam kung sila ba o hindi kasi hindi naman nila napag-usapan iyon. Siyempre siya gustong pagusapan ang bagay na iyon pero ayaw naman niyang pangunahan ang binata.

“Halika na.” Wika ni Kaino ng tuluyan ng lumubog ang araw.

“Okay.” Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa buhangin.

Hinawakan nito ang kamay niya at pinagsiklop iyon. Magkahawak kamay silang naglakad patungo sa cottage niya.

“Sana makulong na si Jaime.” Wala sa sariling sabi nito.

Hindi niya pinansin ang sinabi nito kasi alam niyang kailangan nito ang white book niya para mapakulong si Jaime.

“Ang daming buhay na ang nasira niya.” Wika ulit ni Kaino.

“Kung kailangan mo ang white book ko, all you have to do is ask.”

Mabilis na humarang ito sa dinaraanan niya, bakas sa mukha nito ang gulat.

“All I have to do is ask?” Hindi makapaniwalang sabi nito. “I know how much that book means to you, Gilen. Kung totoo yang sinasabi mo at ibibigay mo sa akin ang white book, mapupunta iyan sa maraming kamay, susuriin ang nakasulat doon. Mawawalay sayo ang white book na pinakamamahal mo. Hindi mo pa nga binibigay sa akin, nagi-guilty na ako.”

Nginitian niya ito. “Ibibigay ko sayo ang white book sa kadahilanang gusto ko ng matapos ito. Ayokong may madamay at masaktan sa mga taong mahalaga sa akin—”

“Kasama ba ako sa mga taong na mahahalaga sayo?”

Hindi niya pinansin ang sinabi nito at nagpatuloy sa pagsasalita. “Ibibigay ko sayo ang white book sa isang kondisyon.”

Kumunto ang nuo nito. “Ano naman yun?”

“Babalik ako sa manila, ako ang kukuha sa white book kung saan ko yun itinago. Gusto kong mahawakan man lang iyon bago ko ibigay sa NBI.”

“Sige, pero may isang kondisyon din ako bago pumayag diyan sa gusto mo.”

“Ano?”

“Sasamahan kita sa kung saan mo man itinago yun.”

“Kaino, hindi naman ako tatakbo. Ibibigay ko—”

“It’s not about you running away; it’s about me, worrying about you.” Sansala nito sa iba pa niyang sasabihin. “Ayokong ma heart attack sa batang edad, at iyon ang mangyayari sa akin kapag hindi kita sinamahan. Maha-heart attack ako sa sobrang pag-aalala sayo.”

“Bakit ka naman mag-aalala?”

“Siyempre, kasi importante ka sa akin at ayokong may mangyaring masama sa’yo.”

Nag-init ang pisngi niya sa sagot nito. “Ang cheesy mo.”

“You bring out the cheesiness in me, Gilen.” Seryusong sabi nito.

Hindi siya makatingin sa mga mata nito dahil pakiramdam niya makikita nito ang tinatago niyang damdamin para rito. Nakatungo lang siya at nakatingin sa paa niya na para bang naroon ang sagot sa problema niya.

“Sige, pumunta ka na sa cottage mo. Kakausapin ko ang superior ko tungkol sa sinabi mo. Sana pumayag siya.”

She rolled her eyes. “Papayag ‘yon. Si Luther Sr. pa. Matagal na niyang gustong makita ang white book.”

Tumawa ng mahina si Kaino. “I’m sure kapag napasakamay iyon ni Sir Luther, babasahin nun ang bawat page.”

She frowned at his words. “Teka, ano ba sa tingin mo ang laman ng white book at sinabi mong babasahin yun ni Luther Sr.?”

Kaino shrugged. “It could be your mother’s journal or the lists of Jaime’s illegal deeds. You know … those kinds of stuff.”

She chuckled at his answer. “Kaino, the white book is not my mom’s journal neither a lists of Jaime’s Illegal deeds, it’s a photo album.”

Umawang ang labi ng binata. “A what?”

“A photo album.”

Nagsalubong ang kilay nito habang iniisip kung ano ang maitutulong niyon para makulong si Jaime.

“A photo album? Anong magagawa nun para makulong si Jaime?”

She grinned at his bewildered face. “Surprise. Kaya tawagan mo na si Luther Sr., para malaman mo kung ano ang maitutulong ng photo album ni mama.”

He nodded, still confused. Kung hindi pa niya ito tinulak, hindi pa ito maglalakd papunta sa HQ para kausapin si Luther Sr. through radio. Siya naman, pumasok sa cottage niya para ayusin ang mga gamit niya. Alam niyang papayag si Luther Sr. sa gusto niyang mangyari.

Sana nga lang, tama ang gagawin ko. Ang photo album na iyon ni mama ang tanging bagay na nasa akin. Ibibigay ko yun sa NBI dahil sa mga kaibigan niya at kay Kaino. Gusto ko nang matapos ito at ayaw kong masaktan ang mga taong mahalaga sa akin, lalong-lalo na si Kaino.

Gilen won’t deny the fact that she’s doing this for Kaino. Hindi niya kakayanin kung masaktan si Kaino ng dahil sa kanya. Hindi niya hahayaang masaktan ang mga taong mahal niya, at mahal niya si Kaino.

Yes, mahal niya si Kaino. Kahit ayaw niyang magmahal, tumibok pa rin ang puso niya para sa binata. Love really hit you when you least expect it and cupid hit her hard. Sana nga lang may katugon ang nararamdaman niya. Hindi niya alam kung assuming lang siya o nararamdaman niyang may damdamin din para sa kanya si Kaino. Ayaw niyang mag-assume pero hindi naman niya iyon maiwasan. Babae siya at may pakiramdam. 

Pagkaayos niya ng gamit, hinintay niya si Kaino na dumating para sabihing aalis na sila. Pagkalipas ng ilang minutong paghihintay, pumasok si Kaino sa cottage niya na may dala-dalang backpack.

“Come on, babalik na tayo sa manila.” Anito na ikinangiti niya. “Papunta na rito ngayon ang Helicopter as we speak.”

“I told you papayag si Luther Sr.”

Hinawakan niya ang handle ng traveling bag kung saan nakalagay ang mga gamit niya. Sabay silang lumabas ng cottage ni Kaino pumunta sa clearing kung saan lalapag ang Helicopter na sasakyan nila pabalik sa manila.

ILANG oras din silang nakasakay sa Helicopter bago ito lumapag sa rooftop ng NBI Headquarters. Tinulungan siya ni Kaino na makababa sa Helicopter. Agad niyang nakita si Luther Sr. na nakatayo sa elevator door ng rooftop at nakangiti sa kanila ni Kaino.

Luther Sr. motioned them to enter the elevator. Nang makapasok sila sa loob, Luther Sr. patted her shoulder.

“Thank you in advance, Gilen.”

Tinabig niya ang kamay nito na nasa balikat niya. “I’m not doing this for NBI; I’m doing this for my friends and…” Lihim siyang tumingin kay Kaino. “And for someone who’s important to me.”

 Luther Sr. smiled at her, the kind of smile that says ‘I know something about you and Kaino’. It’s creepy.

“Whatever your reason is, still ibibigay mo sa amin ang white book. I can’t wait to see it. Curious talaga ako noon pa kung bakit tinawag iyon na white book. It sounds intriguing and mysterious.”

“Well, hate to burst your bubble but its called white book because it’s covered with white kartolina.”

Mahinang tumawa si Kaino.

Walang emosyon tiningnan ni Luther Sr. si Kaino. “Anong nakakatawa, Agent Garcia?”

Nawala ang ngiti sa mga labi ni Kaino. “Nothing, Sir.”

“Good.”

Nang makarating ang elevator sa floor kung nasaan ang Office of NBI Director, lumabas sila at naglakad patungo sa opisina ni Luther Sr.

“Nakausap mo pa ba ang anak ko? How’s he?” Tanong ni Luther Sr. sa kanya. “Hindi niya sinasagot ang mga tawag ko.”

“Ayos lang naman siya last time na nagkausap kami. Still doing things you don’t want to know.”

“Trust me, I know.” Anito at naunang naglakad sa kanila.

“What are you two talking about?” Usisa ni Kaino sa kanya.

“Ah, yon? Kinukumusta ang anak niyang si Luther. Junior niya yun pero ayaw naman ni Luther na maging junior ni Luther Sr. kaya naman pinatanggal niya ang JR sa pangalan niya.” Paliwanag niya. “Naging ka-klase ko si Luther nuong college ako. Naging close friend ko siya.”

“Oh.” Nawalan ng buhay ang boses nito. “Naging kayo ba?”

Nanunudyong tinitigan niya si Kaino. “Ano naman kung naging kami? Selos ka?”

Umingos ito. “Nope.”

“Asus, sige deny mo pa.”

“Ano naman ngayon kung nagseselos ako?”

Lihim siyang napangiti. “Wala naman. I was just asking.”

Tumigil ito sa paglalakad at hinarap niya. “Oo, nagseselos ako. Now could you please tell me na hindi naging kayo para matahimik na ang kalooban ko?”

Napatanga siya sa sinabi nito. “H-Hindi naging kami…”

“Good.”

Hinawakan nito ang kamay niya at hinila siya papasok sa opisina ni Luther Sr.

Continue Reading

You'll Also Like

123K 146 108
This story is not mine credits to the real owner. 🔞
208K 249 1
There's a time that I remember, when I did not know no pain When I believed in forever, and everything would stay the same Now my heart feel like Dec...
792K 40.8K 61
• NOW A PUBLISHED BOOK • Available in National Book Store and Fully Booked, also in Precious Pages Bookstore's Shopee, Lazada, and TikTok shop. • Fea...
1.5K 40 5
Vale Guevarra, also known as Valéria Guevarra behind the mask, was obliged to hide her true identity by her late mother. Valéria's father dreams of h...