Falling for Mr. Bouncer - Pub...

Af CeCeLib

4.1M 116K 5.6K

Gilen Ramirez is a happy-go-lucky- kind of woman. She always had a food in her bag. She doesn't care what oth... Mere

Falling for Mr. Bouncer
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17 - END

Chapter 6

178K 5.7K 156
Af CeCeLib

CHAPTER 6

NASA teresa si Kaino at nagpapahangin ng makita niya si Gilen na lumabas ng bahay at naglakad patungo sa gate. He narrowed his eyes on her. May dala itong bag at naka-all black ito.

Saan siya pupunta?

Mabilis niyang kinuha ang cell phone at sinundan ang dalaga. Nagtago siya sa likod ng malaking halaman ng makita niyang tumigil ito sa harap ng gate at tinitigan ang malaking padlock ng gate.

Napanganga siya nang simulan nitong akyatin ang gate. What the hell? Paano niya nagawa ‘yon? Mas namangha siya ng bigla itong tumalon mula sa itaas ng gate pababa sa semento, she landed smoothly like jumping a three feet tall was just a piece of cake. Tuluyan na itong nakalabas at tumakbo palayo sa bahay niya.

Kinuha niya ang cell phone sa bulsa at tinawagan si Ethan. Naka-ilang ring din bago ito sumagot.

“Yes?” Anito sa kabilang linya.

“Lumabas si Gilen sa bahay ko. Hindi ko alam kung saan siya pupunta? Naka-all black siya at may dalang bag. Ethan, baka kung ano ang mangyari sa kanya.” Pilit niyang itinago ang pag-aalala na nararamdaman para sa dalaga.

“Sundan mo siya. Tapos tawagan mo ako kung saan siya pumunta, okay? Mag-uusap tayo bukas.” Wika ni Ethan. “Nasa labas ako ng bahay ngayon ni Gilen, may mga kalalakihan sa loob ng bahay. Mukhang hinahalughug na naman nila ang bahay ni Gilen.”

Huminga siya ng malalim. “Okay. Susundan ko siya.”

Tinapos na niya ang tawag at sinundan ang dalaga gamit ang Ducati niya. Hindi niya puwedeng gamitin ang Aston Martin niya baka makilala iyon ni Gilen.

Naabutan niya ang dalaga na nasa labas nang gate ng subdivision. Nang may dumaan na taxi, pinara nito niyon. Sinundan niya ang sinasakyan nito. Tamang-tama lang ang destansiya ng motorsiklo niya at taxi na kinalululanan nito para hindi nito mahalata na may sumusunod dito. Nang tumigil ang taxi sa harap ng isang sikat at mamahaling restaurant, naguluhan siya.

Is she meeting someone? Parang may kumurot sa puso niya sa isiping baka lalaki ang katagpo nito. Pero kung makikipagkita lang ito sa isang lalaki, bakit kailangan pa nitong tumakas? Bakit hindi ito nagpaalam sa kanya?

Nakita niyang bumaba si Gilen sa taxi at ipinalibot ang paningin sa kabuunan ng parking lot. Mabilis itong naglakad palapit sa isang kulay itim na Ferrari at umuklo na para bang nagtatago mula sa mga mata ng publiko. Ipinarada niya ang motorsiklo hindi kalayuan sa kinaroroonan ng dalaga at dahan-dahang nilapitan ito.

Nanlaki ang mga mata niya ng makita ang ginagawa nito.

“YES!” Gilen whispered in triumphant when she heard a click. Binuksan niya ang pinto ng sasakyan at madali iyong bumukas. “Thanks god.”

“Anong ginagawa mo?”

Nabitawan ni Gilen ang hawak niyang auto-lock car opener na ginamit niya para buksan ang Ferrari na gustong ipanakaw sa kanya ni Luther. Mariin niyang ipinikit ang mga mata ng marinig ang boses ni Kaino.

Why is he here, for Pete’s sake!

Nag-aalangang nilingon niya ito at nakita niyang madilim ang mukha nito habang nakatingin sa kanya.

“Kaino…” She whispered his name.

“Ano bang ginagawa mo?” Hinaklit nito ang braso niya at sapilitan siyang itinayo. “Ninanakaw mo ba ang sasakyan na iyan?”

Hindi siya naka-imik sa tanong nito at tinitigan ang semento na para bang naroon ang sagot sa problema ng buong mundo.

“Sagutin mo ako, Gilen. Are you trying to steal this car?”

Kinagat niya ang pang-ibabang labi. “N-No.”

“Really?” Umuklo ito at may pinulot. “So, ano ito?”

Lihim siyang napalunok ng makita niya ang auto-lock car opener na ginamit niya kanina para buksan ang pintuan ng sasakyan. “Ahm… n-nahulog ko.”

Hinawakan siya ni Kaino sa baba at pinilit siyang tumingin dito. Nang magtama ang mga mata nila, nakita niya ang walang emosyong mukha ng binata.

“Kaino—”

“I can’t believe you, Gilen. Bakit mo ba nanakawin ang sasakyan na ‘to? Kung gusto mo ng sasakyan, sana sinabi mo sa akin. Puwede ko naman iyong gawan ng paraan.”

“Kaino—”

“Hindi ko akalain na kaya mo itong gawin. Ito ba ang dahilan kung bakit ka tumakas sa bahay at hindi nagpaalam sa akin?” Tumawa ito ng mapakla. “This is bullshit!”

Hinawakan nito ang kamay niya at akmang hihilain siya papunta kung saan ng may narinig silang nagsalita.

“Sino kayo? Bakit bukas ang pintuan ng sasakyan ko? Magnanakaw kayo no?” Anang boses ng isang lalaki.

Sabay nilang nilingon ni Kaino ang pinanggalingan ng boses. There, stood Senator Lowe Herrera, the owner of the Ferrari she wanted to steal. Napahawak siya sa kamay ni Kaino. Bakit ba nangyayari ito? Gusto lang naman niyang protektahan ang sarili niya. Dahil sa ginawa niya, mukhang pati si Kaino mapapahamak nang dahil sa kanya. 

Nababahalang tumingin siya kay Kaino. “Anong gagawin ko?”

Sa halip na sagutin, binitawan ni Kaino ang kamay niya. Parang may kung anong sumuntok sa puso niya sa ginawa nito. Ikinuyom niya ang kamao at inihanda ang sarili sa mangyayari sa kanya. Shit! Mauulit na naman ang nangyari sa kanya dati.

“Ikaw.” Wika ni Lowe Herrero sabay turo sa kanya. “Nakita kitang umaaligid sa sasakyan ko. Balak mo bang nakawin ang kotse ko?” Galit ang boses nito.

“S-Sir—”

“At itong lalaking ‘to.” Tinuro nito si Kaino. “Kakutsaba mo siya ano—”

“No! Wala siyang alam sa—” Napatigil siya sa pagsasalita ng hawakan ni Kaino ang kamay niya at pinagsiklop  iyon.

“Shut up.” Bulong nito sa kanya at hinarap si Senator Herrera. “Good evening, Senator. My name is Kaino Garcia.” Inilabas nito ang pitaka mula sa bulsa at may ipinakita sa Senator. “I’m an NBI Agent. My partner and I were just guarding your car. May narinig kasi kami na may balak daw magnakaw ng sasakyan niyo. Pasensya na kung binuksan ko ang sasakyan niyo, it’s to draw the thief’s attention. Patawad po, Senator kung hindi kami nagpaalam sa inyo bago namin binuksan ang sasakyan niyo. It was my fault.”

“Oh, it’s okay.” Biglang huminahon ang boses ni Lowe Herrera. “Thanks for guarding my car. I appreciate it.” Anito at sumakay sa kotse nito at iniwan sila ni Kaino sa parking lot.

Mabilis na inagaw ni Gilen ang wallet na hawak-hawak nito at tiningnan ang ipinakita nito sa Senador. Walang buhay siyang tumawa.

“God, I’m such an idiot.” Bakas sa mukha niya ang sakit na nararamdaman. “Bakit ba hindi ko napansin. Ang bobo ko talaga.” Tumingin siya sa kalangitan para pigilan ang luha na gustong kumawala sa mga mata niya. “Bakit nagsinungaling ka sa akin?”

She heard him exhaled loudly. “Gilen, I can explain.”

Nang maramdamang kalmado na ang mata niya, ibinalik niya ang tingin kay Kaino. “Sure, hindi naman makitid ang utak ko para hindi pakinggan ang paliwanag mo. But I have one question to ask before I let you explain yourself.”

“Okay. Ask away.”

“’Yong pagkagusto mo sa akin, totoo ba ‘yon o kasinungalingan lang?”

Nang mag-iwas ito ng tingin, alam na niya ang sagot nito.

“Don’t answer me.” Aniya. “Alam ko na ang sagot mo.”

“I’m sorry, Gilen. It’s my job to protect you and—”

“Parti ba nang panloloko mo sa akin ang pag-protekta mo?” Itinapon niya rito ang wallet at tumama sa dibdib nito. “Kaino naman… Wala naman sa akin kung sinabi mo sa akin na NBI ka at binabantayan mo ako. Pero ang ilihim mo iyon at magpanggap na may gusto sa akin? Gago ka e!”

Naglakad siya palayo rito. Hindi pa siya nakakatatlong hakbang nag marinig niyang magsalita si Kaino.

“Akala ko pakikinggan mo ang paliwanag ko.” Anito sa mahinang boses.

Nakapamaywang na hinarap niya ito. “Ano pa ba ang ipapaliwanag mo sa akin, Kaino?”

“Marami, pero umuwi muna tayo sa bahay. Doon ako magpapaliwanag. It’s not safe here.”

Nanguuyam siyang tumawa. “Really? Ini-expect mo pa na babalik ako sa bahay ng pinsan—” Tumigil siya sa pagsasalita at napailing-iling ng may maisip. “Bahay nga ba ‘yon ng pinsan mo? Yong kotse na ginamit mo, sa pinsan mo ba talaga iyon?”

“I own the car but the house is owned by my parents.”

Hindi makapaniwalang tinitigan niya ito. “Why did you lie to me?”

“I will explain, but please, let’s go home.”

“Hindi ako sasama sa bahay mo. I rather live in the street—”

“And let Jaime Ramirez men take you? ‘Yon ba ang gusto mo? Ang mahuli ka nila at pahirapan para ibigay mo sa kanila ang pinakamamahal mong white book.”

Bahagyang nanlaki ang mga mata niya. “Alam mo ang tungkol sa white book?” Mahina ang boses na tanong niya rito. Paano nito nalaman iyon?

Tumango ito at sinalubong ang titig niya. “Hindi ka puwedeng bumalik sa bahay mo, sabi ni Ethan may mga kalalakihan ngayon sa bahay mo. Hindi ka puwedeng tumira sa bahay ni Marj o Clover kasi madadamay sila. Ang choice mo nalang ngayon ay ang bahay ko.”

Nakapag-isip siya at tama ang sinabi nito. Wala siyang ibang choice.

“Fine. Babalik ako sa bahay mo sa isang kondisyon.”

“Ano ‘yon?”

“Iharap mo ako bukas sa superior mo. Gusto ko siyang makausap ng personal.”

“Deal.” Inilahad nito ang kamay. “Umuwi na tayo.”

Tinabig niya ang kamay nito. “Galit ako sayo.”

Iniwan niya si Kaino at akmang tatawag ng taxi nang may humawak sa kamay niya. Nang tingnan niya kuing sino iyon, si Kaino lang pala.

“You’re going to ride in my motorcycle with me.” Anito at hinila siya patungo sa nakaparadang Ducati.

Napailing-iling siya. “Let me guess, pag-aari ng pinsan mo?”

Tiningnan nito ang Ducati ang binalingan siya. “No. Pag-aari ko ‘to.”

“Truth, one point. Lies, too many to mention.”

Nagpanggap si Kaino na walang narinig. Huminga ito ng malalim at sumakay sa Motorsiklo nito. “Sakay na.”

Walang pag-aalangang sumakay siya. Dumikit ang dibdib niya sa likod nito at napalunok siya ng may maramdamang kakaibang sensasyon.

“Okay ka na ba riyan sa likod?” Tanong sa kanya ni Kaino.

“O-Oo.” Nauutal na sagot niya.

Pinaharurot na nito ang motorsiklo palayo sa parking lot kung saan napurnada ang plano niya. Nililipad ang mahaba niyang buhok dahil sa malakas na hangin at wala siyang helmet na suot.

Nang biglang lumiko ang motorsiklo, humawak siya sa bewang nito para hindi siya mahulog. Naramdaman niyang natigilan si Kaino nang ipalibot niya ang braso sa bewang nito.

“Sabihin mo lang kung hindi mo gusto na nakahawak ako sayo.” Sabi niya sa malakas na boses.

Mas pinabilis pa nito ang pagpapatakbo sa motorsiklo. “Hold me tight and don’t let go!” Sigaw nito.

“What?”

“Someone is following us! Mas bibilisan ko pa ang pagpapatakbo para hindi nila tayo masundan.” Malakas ang boses na sabi nito.

Tumingin siya sa review mirror at napansin ang kulay itim na sasakyan sa likod nila. Napakunot ang nuo niya nang lumiko sila ay lumiko rin ito. Halatang sinusundan sila.

“Sino ba ang mga ‘yon?” Tanong niya.

“I don’t know. Hold on tight, Chocolate.”

Napamulagat siya. “What did you call me?”

He chuckled. “Chocolate. You like chocolate right? Mula ngayon ‘yon na ang tawag ko sayo. Chocolate, it sounds cute. Like you.”

Tinampal niya ang tiyan nito. “Gago! Galit pa rin ako sayo kaya walang epekto iyang mga hirit mo.”

Tumawa ito ng malakas. “So, kapag hindi ka na galit, e-epekto na iyon?”

“Not in this lifetime.”

“Come on, Chocolate. Alam ko namang na-apektuhan ka sa hirit ko e.”

“Tigilan mo ako, Kaino. Baka mabatukan kita.”

“Titigil na po basta sabihin mo munang guwapo ako.”

“Asa ka pa!”

“Chocolate, ang ganda mo.”

Hindi niya napigilan ang sarili at binatukan niya ito. “Alam kong maganda ako. Hindi ko kailangan ang salita mo para malaman iyon.”

Itinigil nito ang motorsiklo at nilingon siya. “Wala na sila.”

“Ha?”

“’Yong humahabol sa atin. Wala na.”

Mabilis siyang lumingon at wala na nga ang itim na kotse. Napansin din niyang nasa harap na sila ng bahay nito.

“Anong—”

“I don’t want you to be scared. Kaya naman nilibang kita sa pamamagitan ng pagkulit sayo.” Tinulungan siya nitong makababa sa motorsiklo.

Napatitig siya sa binata. Nilibang siya nito para hindi siya matakot? Bakit nito ginawa ‘yon?

“Thanks.” Aniya kahit naguguluhan siya kung bakit ginawa nito iyon.

“No problem.” Sagot nito at binuksan ang gate pagkatapos ay pinapasok siya sa loob.

Hinintay niyang maipasok nito sa loob ang motorsiklo at sabay silang pumasok sa bahay. Katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa habang nakatayo at nakaharap sa isa’t-isa.

“So, ahm… magpapahinga na ako.” Aniya.

“Paano ang pagpapaliwanag ko?”

“It can wait tomorrow.” Sagot niya at nag-umpisa ng maglakad patungo sa second floor.

Nasa kalagitnaan na siya ng hagdan ng magsalita si Kaino.

“For the record, I wasn’t just saying things to get your mind off the car that was tailing us. When I said you’re cute, I wasn’t lying.”

Napatigil siya sa pag-akyat sa hagdanan at hinarap ang binata. “Nung sinabi kong gago ka, I mean it. At hindi pa rin nagbabago ang tingin ko sayo. Kahit pa nilibang mo ako para hindi ako matakot, gago ka pa rin.”

Pagkasabi ‘non ay nagpatuloy siya sa paglalakad papunto sa silid niya. 

Fortsæt med at læse

You'll Also Like

4.6M 127K 15
Kilala si Eizel Nicole San Diego bilang isa sa mga sikat na modelo sa buong mundo. Naparangalan na siya bilang isa sa may pinakamagandang mukha sa ba...
3.7K 223 90
Isang pagmamahalan ang mabubuo sa pagitan ng dalawang tao na may magkaibang pakahulugan sa pag-ibig. Unti-unti silang nahuhulog sa isa't isa ng hindi...
798K 41K 61
• NOW A PUBLISHED BOOK • Available in National Book Store and Fully Booked, also in Precious Pages Bookstore's Shopee, Lazada, and TikTok shop. • Fea...
371M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...