Book1:Courting my Future Husb...

Oleh crunchh

4.4M 75.3K 8.1K

Istorya kung saan babae ang nanliligaw sa lalaki. Goodluck to Mika Mendoza! Lebih Banyak

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11: ^___^V
TRIPPINGS
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21 to 22: ^___^
Chapter 23: Toothbrush
Chapter 24: Couple shirt
Chapter 25: Rebound
Chapter 26: I need a job
Chapter 27: Hindi kaya?
Chapter 28 part 1: Surprised
Chapter 29: Kim, Clarisa, Christine
TRIPPINGS #2
Chapter 30
Chapter 31: Trust Nathan
Chapter 32: Diary
Chapter 33: Necklace
Chapter 34: It's MOO
Chapter 35 Oh no..
Chapter 36: Mag-lock
Chapter 37: The great Jonathan Smith
Chapter 38: Face Down
Chapter 39
Chapter 40: Tinuruan ako ni...
Chapter 41: Happy birthday
Chapter 42: Always and Forever
Chapter 43: Just one more step
Chapter 44: Tristan's girl
Chapter 45: CANADA baby
Chapter 46: Kiss
Chapter 47: One percent
Chapter 48: My jacket
Chapter 49: Why return?
Chapter 50: See me after class
Chapter 51: answer
Special Chapter part 1
Special Chapter part 2
Special Chapter part 3
EPILOGUE
Thank you
Thank You
Thank You
Thank You
Thank You
Thank you
Thank You
Thank You
Thank You
Accounts

Chapter 28 part 2

59.3K 939 162
Oleh crunchh

After class, pumunta kami nina Nathan at Arden sa J.S building. Magpa-practice na naman sila para sa gaganapin na Battle of the Bands. Mukhang sineseryoso talaga ni Nathan ang sinabi ni Drew kaya todo ang pagpa-practice nila. Ayaw rin niyang magpatalo sa kahit na sino at mas lalong hindi niya gustong matalo kay Drew pagkatapos ng mga nangyari.

Kanina pa kami dito sa music room pero wala pa rin si Tristan. Naiinip na sina Nathan at Arden dahil ang tagal niyang dumating. Hinihintay ko rin siya dahil sasamahan pa niya ako mamaya sa magiging trabaho ko.

"Tsk. Nasaan ba kasi si Tristan?" Ngumuso ako.

Tumingin sa akin si Nathan na may pagtataka.

"Anong kailangan mo sa kanya?" tanong niya.

"Hm... kasi tutulungan niya raw akong makapasok sa isang restaurant. Kailangan ko kasi ng trabaho."

"Trabaho?!"

"Aish! Huwag ka namang sumigaw, Moo!" Grabe na naman 'yung mukha niya. Parang hindi maipinta sa inis. "Oo. Trabaho. Kailangan ko ng pera. Mawawalan kami ng matutuluyan kapag hindi kami nakapagbayad sa Linggo. Nathan, malapit na 'yun. Gusto kong tulungan si Mama."

Bumuntong hininga ako.

"B-bakit hindi mo agad sinabi sa 'kin?"

"Sasabihin ko naman talaga eh. Kaso narinig ni Tristan kanina 'yung paghahanap ko ng tabaho kaya may inalok na agad siya sa 'kin."

"Bibigyan kita ng pera. Magkano ba?"

Makabigay naman! Hahaha! Kung katulad ako ng iba na huhuthutan siya ng pera, malamang siya na ang bangko ko. Pero syempre, hindi ako ganoong klase ng babae. Gusto ko 'yung pinaghirapan ko.

"Ganyan din ang sinabi sa 'kin ni Tristan kanina. Ay, hindi pala! Kasi siya, ang sabi niya, papahiramin daw niya ako. 'Yung sa 'yo, ibibigay. Hahaha! Ayoko nga! Gusto ko 'yung pinaghirapan ko!"

"Ang arte mo naman."

"Maarte na kung maarte basta ayoko."

"Tsk! Naman oh! Mahihirapan ka pa tuloy! F*ck! Bibigyan na lang kita ng pera!"

"Ayoko nga sabi! At saka isa pa, mas mahirap pa 'yung ginawa kong panliligaw sa 'yo noon. Kaya walang-wala ito compare dun!"

Tinawanan ko siya. Aba! Tunay naman! Ang hirap ng panliligaw ko sa kanya! Pero ngayon... Ehem! Officially mag-on na kami. Hehe! At 'yan, namumula si Nathan ko. Ang gwapo niya talaga! Nakakainis! Haha!

(Arden's P.O.V.)

Ang cheesy nung dalawa kaya umalis muna ako sa music room. Psh! Ang mabuti pa, hanapin ko na lang si Tristan. Langya, isa pa 'yun. May gusto ata siya kay amazona girl. Ta*gina, hindi ko pa nakikitang tumingin iyon ng gano'n sa isang babae.

Sh*t lang. Gulo ito kapag nalaman ni Nathan.

Nasa garden lang pala si Tristan. Tsk! Ang hindi ko inaasahan ay ang makita na kasama niya si Nicole. Na-bad trip ako nang makita si Nicole na tumatawa kasama ang kaibigan ko samantalang hindi na niya ako pinapansin.

"Nicole!"

Nagulat siya nang tawagin ko siya. 'Yung kaninang masayang mukha, nawala na. Ganun ba iyon? Nang makita niya ako, hindi na siya nakangiti. Ayaw niya na ba talaga sa 'kin?

Lumapit ako sa kanila. Tumingin ako kay Tristan.

"Nasa music room na kami kanina pa. Hinahanap ka rin ni Mika 'dun."

"Sige. Pupunta na ako. Oh ayan, mag-usap kayong dalawa, hindi 'yung pareho kayong nagiging emo."

Patawa-tawang umalis si Tristan at saka kami iniwan.

"Mag-usap tayo," sabi ko kay Nicole pero tumayo siya at akmang tatalikuran ako. Mabuti na lang at nakuha ko ang braso niya para maiharap siya sa akin.

"Bitawan mo nga ako!"

"Bakit nakikipag-usap ka kay Tristan pero kapag sa akin ayaw mo?! Ano 'yun, gusto mo na siya ngayon ha?!"

Nanlaki ang dalawa niyang mata. Sh*t! Gusto nga ba niya?!

"Ano bang pakialam mo ha?! 'Di ba wala na tayo? 'Di ba wala ng pakialamanan? Tapos na tayo. 'Di ba may Glei ka naman? Pwes dun ka! Pwede ba Arden, kung ayaw mo sa 'kin, utang na loob, layuan mo ako dahil nilalayuan na kita!"

"Nicole—"

"Nakakapagod din pala, nakakapagod magmukhang tanga! Umasa ako na mamahalin mo rin ako. Akala ko mangayayri 'yun. Pero wala, kasi kahit anong gawin ko, siya at siya pa rin!" Itinuro niya ang puso ko.

"Nicole, mag-usap tayo nang maayos, please?"

"Maayos? Paano ako magiging maayos pagkatapos ng lahat ng mga sinabi mo sa 'kin ha?" Umiyak na siya. "Arden, hindi ganun kadali. Masakit pa rin! Sobra. Kasi minahal kita eh, na sa kabila ng pagiging babaero mo, I took the risk! Naging syota mo ako! Tama... syota lang. Because I never became a girlfriend to you!"

Niyakap ko siya.

"Tama na... tama na.... huwag ka nang umiyak. Hindi ko sinasadya lahat ng mga nasabi ko sa 'yo noon. I'm really a fool not to see your worth noong nandyan ka pa. But believe me Nicole, I really missed you!"

"Ayan... ganyan lang namn ang alam mo eh! Ang ma-miss ako! Bakit? Kasi wala ng nakabuntot sa 'yo? Wala nang magseselos kapag natingin ka sa ibang babae? At higit sa lahat, wala nang nagpapakatanga sa 'yo?!"

"Mahalaga ka sa 'kin—"

"Mahalaga lang pero hindi mahal! Maaaring mahalaga ako pero hindi mo ako mahal eh! At dahil 'dun, masakit! Nasasaktan ako kasi mahal na mahal—"

Hindi ko na siya pinatapos. Hinawakan ko ang mukha niya at hinalikan siya.

"Mahal din kita. I may not be able to see your worth before. Pero nang nawala ka, saka ko nakita... na mahalaga ka... na mahal kita. Please Nicole, bumalik tayo sa dati."

"Mahal mo ako?" Halatang nagulat siya pero umiwas uli siya ng tingin pagkatapos ng ilang sandali. "Liar."

"Please believe me, love."

"I... I dont want to."

"Maniwala ka."

"Ayokong masaktan uli."

"Hindi na kita sasaktan."

Hinawakan ko ang mga kamay niya. Tumingin siya sa 'kin nang diretso.

"Then prove it!"

"Hindi pa tayo?"

"Hindi pa! Kapal ng mukha mo! Patunayan mo muna!"

"Sorry na nga, 'di ba?"

"Eh ano ngayon? So ayaw mo na!? Suko ka na!?"

"Hindi, ano! Sabi ko nga, bati na tayo eh." Niyakap ko siya.

"Chansing ka na!"

"Yes! Bati na kami! Pa-kiss nga, love."

Hahalikan ko na sana siya pero inilayo niya ang mukha ko.

"Ul*l! Dyan ka na ngang bakulaw ka!"

Umalis na siya at iniwan akong mag-isa. Naglakad na siya palayo sa akin. Akala ko hindi na niya ako lilingunin pero tumigil siya at tumingin sa akin.

"Patunayan mo ha! May sapak ka talaga sa 'kin kapag hindi mo napatunayan! Just prove it!"

Tuluyan na siyang umalis. Napangiti ako. Sa wakas, ayos na kami. Ang kailangan ko na lang ay maging kami uli.

(Tristan's P.O.V.)

Patawa-tawa kong iniwan sina Arden sa garden. Kung ako sa kanila, makikipag-ayos na ako. Aish! Bahala sila! Ang mahalaga ay napangiti ko si Nicole kasi nagiging emo na rin siya katulad ni Arden.

Pupunta na sana ako ng music room nang makita ko si Nicole na mag-isa sa garden. Malungkot siya kaya nilapitan ko siya para makipagkulitan.

Nalaman ko sa kanya na gustung-gusto pala talaga niya si Arden. Lintek na babaerong 'yun! Dapat gumaya siya sa 'kin!

Dating gwapo, ngayon pogi!

Joke lang, pero kasi... dati ganun din ako. Pero tumigil na ako dahil kay Mika. Mas gusto ko kasi ang company niya kaysa sa ibang babae. Mas warm sa pakiramdam at kahit magkasama lang kayo, okay na. Naghahanap ako ng katulad niya pero wala akong makitang ganun. Bad trip!

Kailangan ko ng distraction para makalimutan siya. Hindi naman pwedeng sa girlfriend pa ng kaibigan ko ako magkakagusto. Sh*t lang!

Nambabae uli ako. Pero kahit anong distraction ang gawin ko, hindi ko ma-enjoy 'yung katulad ng dati.

Nang makarating ako ng music room ay nakita kong naglalambingan sina Nathan at Mika. Pucha, edi kayo na! Ganda ng timing ko!

"Oh, nasaan si Arden?" tanong ni Nathan.

"Kanina, ikaw ang wala. Ngayon naman, si Arden. Ano ba naman kayo?" Tumawa si Mika.

"Papunta na rin siguro iyon dito. Nakausap ko siya kanina, hinahanap mo raw ako?"

"'Yung trabaho, remember?" sabi ni Mika.

"Ah, oo. Hindi ko nakakalimutan 'yun. May practice lang kami ngayon, makakapaghintay ka ba?"

"Oo naman."

"Huwag na muna tayong mag-practice. Mika needs that job," sabi ni Nathan.

"Ayun naman pala eh. Tara! Kailangan ng trabaho ng girlfriend mo. Haha!"

Pagkalabas namin ng music room ay may tumawag kay Nathan kaya natahimik siya. Ilang sandali ay ibinaba na niya ang cellphone niya.

"May iba akong pupuntahan. Kayo na lang muna ang pumunta. Just get me updated," bilin ni Nathan.

"Eh? Hindi ka sasama?" Nakita ko ang pagka-disappoint ni Mika.

"Si Tristan na lang muna ang bahala sa 'yo. Tristan, alam mo na."

Tumingin siya sa 'kin nang seryoso. Ngumiti ako sa kanya.

"Oo. Babantayan ko siya."

"Ang daya naman ehhhh!" pagmamaktol ni Mika nang umalis si Nathan. "Ano na naman ba pupuntahan niya? Dapat sumama na lang siya sa atin."

Ginulo ko na lang ang buhok niya.

"Kilala mo si Nathan. Siguro, mahalaga lang talaga 'yun." Ngumiti ako sa kanya pero malungkot pa rin siya.

"Mas mahalaga kaysa sa 'kin?" tanong niya. Kinurot ko na lang ang pisngi niya.

"Huwag ka na ngang magmaktol dyan. Magkikita naman kayo bukas." Tinawanan ko siya.

Nakasalubong namin si Arden. Mukhang masaya na ang g*go. Siguro, ayos na sila ni Nicole. At mas lalo siyang natuwa nang malaman na walang practice ngayon.

Sobrang kabado si Mika nang tumigil na kami sa tapat ng restaurant.

"Huwag kang kabahan," sabi ko.

Pumasok na kami sa loob at nagpalinga-linga siya sa paligid.

"Woah! Ang ganda rito! Mabuti kasi malapit ito sa bahay namin! Kaunting lakad lang!"

"So ano? Okay ba sa 'yo ito?"

"Oo naman, ano! Pero 'di pa ako natatanggap kaya huwag ka munang magsaya dyan."

Hahawakan ko sana ang buhok niya para guluhin pero umiwas siya.

"Huwag mo munang guluhin ang buhok ko ngayon. Baka hindi ako matanggap sa trabaho." Humalakhak ako dahil seryoso talaga siya nang sabihin iyon sa akin.

"Upo ka muna. Kailangan ko lang makausap 'yung kaibigan kong manager."

Sa akin ang restaurant na ito pero hindi ko sinabi kay Mika. Nakita ako ng mga tauhan ko. Babatiin sana nila ako pero sumenyas ako na huwag silang maingay. Mabuti at sumunod agad sila.

==

Facebook: Crunchh WP

Twitter: imericacruzat

PM me if you want to be a part of our group! :) "Crunchh Wattpad Stories"

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

158K 6.2K 14
Future Son Book 2 GirlxGirl Story
476K 23K 73
May chanak -- este bata na nahulog sa kanal ang naligaw sa bahay ko. Kinupkop ko, inalagaan, pinakain, basta lahat na ng pinaka mabuting bagay ginawa...
5.5K 304 29
Carly Elizalde is the new girl in Hillpointe University. With the help of her cousin and her friends, she planned to keep a lowkey profile and be as...
3.8M 177K 56
AUDITION GONE WRONG! Macey Ela Sandoval aspires to be a singer but instead ends up in The Search for 7 Wives- a harem reality game, designed by the i...