AILWAG Book 3: Change Of Fate...

Av marielicious

49.8M 934K 306K

Theirs is a story that started all wrong. In fact, it's started with an accidental kiss with a gangster. Afte... Mer

AIWG Book 3: Change Of Fate [Completed]
[1] The New Start
[2] Who's This?
[3] Knockout
[4] Do It With Me
[5] Just Go Straight
[6] Liblib Na Lugar
[7] Sweet Dreams
[8] Buhay Probinsya
[9] Right Time
[10] Breakfast With His Family
[11] Dance Practice
[12] Campaign
[13] Just Chilling
[14] Open Space Party
[15] Motel
[16] TVC Shooting
[17] Favoritism
[18] Roommates
[19] Are You Jealous?
[20] Sorry Na
[21] Sudden Thought
[22] Surprise
[23] Starstruck
[24] Start Of Something New
[25] Again
[26] Anger
[27] New Life With A New Love
[28] Here Goes Miss Pugnacious
[29] A Night With Her
[30] Tattoo
[31] Regrets And Forgiveness
[32] Goodbye
[33] The Man In A Black Suit
[34] Mr. Professional
[35] Mr. Adviser
[36] Go Out With Me
[37] What's Wrong?
[38.1] Deep Sshh
[38.2] Deep Sshh
[39] Jealousy
[40] Secret Admirer
[41] Late
[42] Serious Talk
[43.1] Knowing Him Better
[43.2] Knowing Him Better
[44.1] Team Building
[44.2] Team Building
[44.3] Team Building
[45] Frappe And Roses
[46] Instant Reunion
[47] Mysterious Sender
[48] That's All
[49] Really Numb
[50] Marry Me
[51] Blunt
[52] Confused
[53] The Secretary
[54] Endearment
[55] Annoyed
[56] Shots Of Margarita
[57] Drunk
[58] You're Fired
[59] The Ring
[61] Paths Cross
[62] Tension
[63] To Go Or Not To Go?
[64] The Moment
[65] Back Hug
[66] Giving Up
[67] Christmas Eve
[68] Disappointment
[69] Shattered
[70] Memories
[71.1] It's Back
[71.2] It's Back
[72] The Pledge
[73] Stunned
[74] Best Wishes
[75] Stop
[76] Separate Lives
[77] Past Or Present?
[78] Cold Feet
[79] Farewell
[80] Fade
Epilogue
Frequently Asked Questions [Updated]
Special Chapter #1
Special Chapter #2
Special Chapter #3
Special Chapter #4
Special Chapter #5

[60] 60 Seconds

474K 9.4K 4.6K
Av marielicious

Pambawi sa matagal na update.

[60] 60 Seconds


KAYE ANNE'S POV

Kanina pa ako nagpapakawala ng buntong-hinga. Ang sikip ng dibdib ko. Parang gusto kong tumakbo dahil sa tensyon pero hawak-hawak ni Mommy ang kamay ko.

"Let's go. It's about time."

Waaaaah! Time? Pwedeng time first muna? Hindi pa ako ready. Iniisip ko pa lang na hindi na ako isa sa mga bride's maids katulad noon na pagkatapos maglakad sa red carpet papasok ng simbahan ay uupo na sa kanya-kanyang pwesto nila. Ugh, pero sa sitwasyon ko ngayon, iba na. Ako na mismo ang nakasuot ng wedding gown, at didiretso na ako sa altar kasama ng mga magulang ko sa magkabila kong gilid. Ibang-iba na sa ginagawa ko noon.

Ako na ang ikakasal.

Nabalik ako sa huwisyo nang pisilin ni Mommy ang kamay ko. "Tara na, Kaye. Nagbigay na ng sign ang coordinator."

"Pero Ma..."

"What?"

Bumuntong hininga ulit ako sabay tapik sa sarili kong pisngi. Nanginginig ang mga labi ko sa nerbyos. "5 minutes pa?"

Tinaasan niya ako ng kilay kaya napatikom ako ng bibig. Okay, Kaye. It's not the right time to play little miss brat. "Set aside your problems with your groom for now, young lady. Kung anuman yan, mamaya niyo na pag-usapan."

Wala na akong nagawa kundi ang ngumuso't sumimangot. If you only knew what had happened, Mom.

"... and besides, hindi kayo aabot ng apat na taon ni Nathan kung simpleng problema lang ay palalakihin niyo pa."

Dun na ako napatingin kay Mommy. Base sa paraan ng pananalita't pagngiti niya sa akin, parang may alam siya sa kung anumang problema namin ngayon ni pandak.

"Mom---"

Naputol ang pagsasalita ko nang may kumatok sa bintana sa side ni Mommy. Si Daddy, mukhang naiinip na sa labas.

"Oh, your dad's calling us already. Tara na. Patapos na yung entourage. Turn mo na."

Napakagat ako ng mariin sa labi nung lumabas na si Mommy ng bridal car, pagkatapos ay nilahad naman ni Dad yung kamay niya sa akin. Pagtingin ko sa mga mata niya, halo-halong emosyon ang nakabakas dito; masaya, malungkot, at... pag-aalala.

"Dad..."

He smiled, a genuine one. "Ang ganda ng bunso ko."

Napangiti na rin ako sa sinabi ni Dad. Simpleng salita, pero nakakataba ng puso.

"Dad talaga."

Mas lalong lumakas ang kaba ko nang tuluyan na akong nakalabas ng bridal car. Pumuwesto agad sa magkabilang tabi ko sina Mommy at Daddy. Sa kanan ay si Mommy at sa kaliwa naman ay si Daddy.

Habang paakyat kami sa staircase patungo sa simbahan ay nakadagdag sa kaba ko ang mga photographers at cameraman na nagdodocument ng kasal ko.

Kasal ko...

Waaahh! Kasal ko na nga talaga 'to. At ikakasal ako sa lalaking kinagagalitan ko ngayon.

Unti-unting bumukas ang malaking pinto ng simbahan. Sumalubong sa akin ang liwanag na nanggagaling sa loob, pero naagaw ang atensyon ko sa imahe ng lalaking nakatayo sa harapan ng altar.

'Say it's true

There's nothing like me and you

Not alone, tell me you feel it too'

Nagsimula nang manginig ang mga tuhod ko nung mapadako sa akin ang mga mata ng lahat ng tao. Parang gusto ko tuloy tanggalin ang heels ko right here right now at tumakbo at iwanan sila dito. Ohmayghaaaaaaad. Totoo na nga 'to.

'And I would runaway

I would runaway yeah

I would runaway

I would runaway with you...'

Bawat hakbang na tinatahak ko, nararamdaman ko ang paghigpit ng kapit ni Mommy sa kamay ko. As I turned to her, her sweet yet lonely set of eyes met mine. Then, she looked upfront of us. I followed what she's looking at.

Si Nathan...

Nakangiti siya sa akin. Ngingiti sana ako pero naalala ko yung kasalanan niya sa akin, kaya sinimangutan ko siya. Grr.

'Coz I have fallen' inlove with

No never ever

I'll never gonna stop fallin' inlove with you'

Ganunpaman, hindi ko inalis ang titig ko sa mga mata ng lalaking naghihintay sa akin sa altar. Ilang lunok na ang ginawa ko. Ngayon lang ako kinabahan ng ganito. Hindi ko alam pero kusang bumalik sa isip ko ang mga nangyari sa aming dalawa bago kami makarating sa puntong ito...

'Close the door

Lay down upon the floor'

Naalala ko, nung una ko siyang makita, wala akong espesyal na nakita sa kanya. Para sa akin, isa lang siyang lalaking bitin sa height na walang alam kundi ang magstroll gamit ang motorbike niya... Isang lalaking nagustuhan ng pinsan ko... na hindi nagtagal ay nagustuhan ko rin nang hindi ko namamalayan.

'And by candlelit

make love to me through the night'

Ginawa pa akong tulay ng pandak na yan sa panliligaw sa pinsan ko. Dahil dun, nagkaroon ako ng pagkakataon na makilala siya. Nagkamali ako ng naging impression ko sa kanya. Oo, pandak siya. Given fact na yun, pero hindi ko alam na mabait, gentleman, smart, thoughtful, sweet, caring. Halos lahat na yata ng katangian ng ideal man ko ay nasa kanya na.

'And I have runaway

I have runaway yeah

I have runaway, runaway

I have runaway with you...'

Napakarami na ng pinagdaanan namin. Sa sobrang dami nga nito ay 'di ko akalain na dito rin pala kami hahantong.

Sa altar ng simbahang ito...


'Coz I have fallen' inlove with

No never ever

I'll never gonna stop fallin' inlove with you'

My heart pounded crazily when we finally reached the aisle. Humarap sa akin si Mommy na ngayon ay naluluha na kaya pinunasan ko yun gamit ang daliri ko. Pero... Argh! Nakakainis! Pagkapunas ko naman ng luha niya ay siyang pagpatak naman ng luha ko.

"Don't cry, Kaye Anne."

Siya naman ang nagpunas sa mga luha ko. Pinipigilan ko ang sarili ko na mapahikbi, kaya ang resulta ay napapalabi ako. "Mom, 'wag ka rin kasing umiyak."

"Naiiyak lang ako. Isa-isa niyo na kaming iniiwan ng daddy mo," sabi niya sabay ngiti.

"Hindi naman po eh."

Yumakap naman sa akin si Daddy. Mahigpit na yakap na ngayon ko lang naramdaman mula sa kanya. "Be a good wife to Nathan. Mabait siya. 'Wag mong abusuhin," he whispered and then pulled away from the hug.

Napatawa tuloy ako sa sinabi ni daddy. Pinisil niya ang pisngi ko't sabay abot ng kaliwang kamay ko kay Nathan. Parang nanlamig tuloy ang palad ko pagkalapat sa palad niya.

Ngumiti siya sa akin, sabay galaw ng isa niyang kilay. Parang nagsasabing 'hi, long time no see'. Pfft.

"We entrust our daughter to you," Dad seriously said to him and then shook hands with him.

Pagkatapos humalik ni Nathan sa mommy ko ay humarap na siya sa akin. The music is still playing and all eyes are on us still.

His brow wiggled again while smiling. "Ganda ah..."

"Tss," sabay irap ko.

Sumimangot naman siya habang paakyat kami sa isang baitang papuntang altar. Kinilabutan ako sa kaba nung makita ko yung pari sa harap namin. This is it!

"Galit ka pa rin sa akin?" bulong niya habang inaalalayan ako sa harapan ng upuan ko. "Kulet, wala naman akong---"

"Ssshh..." Pinaningkitan ko siya ng mga mata. Ang ingay eh!

His brows formed a straight line and then turned to the priest standing infront of us. Ngumiti sa amin ang pari at tumikhim muna sa mic bago nagsalita.

"Good afternoon. We are gathered here today in the sight of God to celebrate one of life's greatest moments - The joining of two hearts."

Hindi ako makapagfocus! Panay ang sulyap sa akin ni Nathan, at kahit hindi ako nakatingin sa kanya ay nakikita ko siya sa sulok ng mga mata ko. He keeps on tilting his head to me every now and then. Aish!

"... In this ceremony today, we will witness the joining of groom and bride in marriage. If there is anyone present who has just 'cause why this couple should not be united, let them speak now or forever hold their peace."

As if on cue, this man beside me raised his right hand causing everyone to get puzzled. Miski ako ay nagtaka rin sa kanya. What the...?

"Father, wait lang ho ah. 1 minute lang," sabi ni Nathan dun sa pari. Tinignan ko siya at pinanlakihan ng mga mata. I don't mind the camera nor the people around us. Anong 1 minute? Time first, ganun?

"Magpapaliwanag muna ako," sabi ni Nathan sabay harap sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko. Pabulong ang bawat salita niya. "Kaye Anne, mali yung iniisip mo."

"Nathan, nakakahiya. Mamaya na yan," I hissed and then scanned the guests infront of us. Lahat ay nakatitig sa amin at nagbubulungan. Aish!

"Hindi. Ngayon na," matigas na sabi niya saka niya inilapit ang labi niya sa tenga ko. "Ibubulong ko para 'di nila marinig."

"Tsk!"

"Nag-CR ako nung gabing yun. Nakalimutan kong isarado ang zipper ko."

Napakurap ako at pasimple siyang tinulak. Ano ako, baliw para maniwala sa kanya?

"Hindi ka naniniwala?" Ngumiwi ako. "Totoo. Tanong mo pa sa kanila," sabay turo niya sa harapan, row ng mga lalaki, particularly ng X10. Wow, and he's pointing a finger! Naghahanap ng kakampi.

Pero nagpanic ako nung lumakas na ang bulungan ng mga tao sa harapan namin. Pati ang pari ay mukhang nagtataka na rin. Palipat-lipat ang tingin niya sa aming dalawa.

"... Kaye Anne, maniwala ka na sa akin," he pleaded. Napatitig ako sa mga mata niya. Hindi kumukurap. Does it mean he's sincere or... what?

Napakagat ako sa labi, at pasikreto siyang kinurot sa tagiliran niya dahilan para mapaigtad siya.

"Fine, fine." Kahit naman na nagloko siya nung gabing yun ay tatanggapin ko pa rin siya. Oo, sumama ang loob ko pero dahil yun sa... forget about it!

Sa wakas ay ngumiti siya at humarap na sa pari. Lumakas na naman ang tibok ng puso ko as usual tuwing nakikita ko ang ngiti niyang yun. Walang duda. Mahal na mahal ko ang lalaking ito.

"... Kahit naman na umatras ka, kasal pa rin naman tayo. Legally."

Kumunot ang noo ko sa huling sinabi niya. Err... How could I forget that?

"... Game na po, father."

Kasabay ng paghinga ng malalim ng pari ay siyang pagluwang ng dibdib ko. Ito na... Ito na talaga... Panibagong chapter na naman ng buhay ang aking papasukin kasama si Nathan.


GAIL'S POV

"... By the power vested in me, I now pronounce you man and wife... You may kiss the bride."

Napangiti nalang ako habang pinapanuod ko ang pagsiil ng halik ni Nathan kay Kaye Anne. Finally, settled na ang pinsan ko. I'm glad that she married a very nice man indeed.

Sa gitna ng nakakabinging palakpakan ay hindi nakaligtas sa pandinig ko ang paghikbi ng babae sa tabi ko. Si Chloe, kanina pa emosyonal.

"Chloe, ayos ka lang?" I asked thoughtfully. Pulampula na ang buong mukha niya sa kakaiyak at namamaga na rin ang mga mata niya.

"Mama, who made you cry?" tanong naman sa kanya ni Claine na isa sa mga flowergirls. Actually, partner niya si Axel sa entourage. They really looked cute together eventhough Axel is 2 years ahead of Claine.

"No, I'm fine. Natatouch lang ako kina Nathan at Kaye Anne. After so many years, finally, sila din ang nagkatuluyan," sabay hikbi na naman niya.

Nagkatinginan tuloy kami ni Claine at nagkangitian nalang. Yeah, she's weird but I understood her. Kahit naman ako ay natotouch din pero matibay na nga siguro talaga ang puso ko sa mga ganitong bagay.

Habang kinocomfort namin ni Claine si Chloe ay tinawag kami ng wedding coordinator. Kukuhanan daw kami ng picture kasama ang newly wed couple. No choice but to go infront together with the other groom's men and of course, the best man.

"Compress, everyone!" sigaw ng photographer.

Nag-init ang mukha ko nang may humawak sa kamay ko mula sa aking kaliwa. Pagtingin ko rito, si Kurt pala iyon. Ni hindi man lang siya tumitingin sa akin.

"Look at the camera," he murmured and so I did.

Camera flashes everywhere. Halos masilaw na ako sa mga flashes na 'yon pero nawawala ako sa huwisyo dahil sa mahigpit na hawak ni Kurt sa kamay ko.

"Guys, reception na! Nagugutom na ako," sigaw ng isang babae. At hindi ako pwedeng magkamali dahil boses yun ng pinsan ko.

Hindi pa rin inaalis ni Kurt ang hawak niya sa kamay ko at hinila ako palabas ng simbahan. Sa gilid kami dumaan, kung saan walang masyadong tao.

Unti-unting nag-sink in sa isip ko ang nangyayari. Si Kurt... Bakit niya hawak ang kamay ko?

"Wait, Kurt!"

Huminto siya at nilingon ako. Seryoso siyang nakatingin lang sa akin kaya nakaramdam ako ng pagkailang. Okay, inaamin ko, the more he looks decent, the better looking he is.

"What?" he asked.

"Where are you taking me?" I managed to ask despite the awkward atmosphere.

Ngumiti siya at ngumuso sa daan palabas ng simbahan. "Reception. You better ride with me because you're my partner."

Umiwas ako ng tingin. Ano raw?

"Partner. Tapos na yun. Sa entourage lang yun. Teka, hinahanap na ako ni Fifth," sabi ko habang hinihila ang kamay ko mula sa kanya pero sa isang hila lang niya ay napadikit ako sa katawan niya. "Ay!" impit na sigaw ko. "Ano ba, Kurt!"

"Dito ka lang sa akin, Crystal."

***


"Dito ka lang sa akin, Crystal."

"Dito ka lang sa akin, Crystal."

"Dito ka lang sa akin, Crystal."

Hanggang reception, yun lang ang tumatakbo sa isip ko. Ayaw niya akong mahiwalay sa kanya. Miski sa pagpunta ko sa powder room ay sumama pa siya hanggang sa labas. Pinaninindigan nga niya ang pagiging partner ko.

"Do you want anything else?" he asked, tilting his head to level to mine.

I shook my head as an answer and sipped my juice. For the nth time of this afternoon, I kept on wandering my eyes around the reception hall. Fifth... where is Fifth? Sinabi ko pa namang babalik na ako sa kanya sa reception pero hindi ko yun nagawa dahil kay Kurt. Great. Just great. I bet he's annoyed of me by now.

"Crystal."

Hindi ko siya nilingon o tinugon man lang. Natatakot ako sa mga susunod pang mangyayari kasama siya. Kanina lang, isinauli niya sa akin ang engagement ring ko. Ano bang nasa isip niya?

"... Misty kept on asking me how you're doing. So did my butler."

I can't help but to look at him again. He was smiling warmly to me. "Sina Misty at Butler? Nagtatrabaho pa rin sayo si Kuya Homer?"

"Yeah, he was sent back here from the States to manage the properties we sold."

"You're still selling your properties? Diba may trabaho ka na? Bakit nagbebenta pa kayo ng properties niyo?"

Humigop muna siya sa kanyang red wine bago siya sumagot. "We have to."

Hindi muna ako nakapagsalita ulit. Siguro, kinakapos pa rin sila sa pinansyal dahil sa pagpapagamot sa Daddy niya.

"How is Tito Lucas' condition?"

"He's fine although he's got a stroke."

"Crystal."

I'm starting to have a comfortable conversation with Kurt when a voice interrupted in. Nilingon ko ang tumawag sa pangalan ko. As expected, it's Fifth.

"I've been looking for you around. Nandito ka lang pala," matabang na sabi niya at hinawakan na ang kamay ko patayo. "Excuse us, Mr. Lee."

He pulled me away from Kurt right then. Hindi ko alam pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na lingunin muli si Kurt. He was still glancing at me and I had to look away to avoid his gaze. Dang! Ayoko na ng nangyayari.

"You told me you'll be with me after the wedding. What the heck happened now, Crystal?" he hissed.

Hinawi ko ang buhok ko at sinabayan na siya sa paglalakad. "Sorry, Fifth. Partner by partner daw eh."

Umiling lang siya at hinila na ako sa isang table kung saan nandun ang buong pamilya ko. Lumapit agad ako kina Mom at Dad para humalik saka ako tumabi kay Fifth. Gusto ko ng umuwi. Gusto ko ng magpahinga. Pakiramdam ko, nasa isang masikip na lugar ako. Hindi ako makahinga ng maayos.

"Crystal, what's with the frown?" Fifth murmured to me all of a sudden.

Yumuko ako at dinampian ng panyo ang mukha ko. "Galit ka ba? Hindi ko naman sinasadya na mapahiwalay sayo after the wedding."

Hinawakan niya ang pisngi ko at nginitian ako. "Don't worry about me. I was just pissed. I told you to stay away from him but I don't think it's inevitable since you're working together. I understand it though. Okay?"

Hindi na ako nakasagot pa. Napangiti nalang ako sa pagiging understanding ni Fifth. Nakatitig lang ako sa mga mata niya nang marinig ko si Mommy na nagsalita.

"Bagay na bagay talaga kayo."

"Ma naman," naiilang na saway ko kay Mom sabay sulyap kay Fifth. Napailing nalang siya't natawa ng mahina sa komento ni Mom. Oh geez, spare me from this scene. I am not comfortable being paired up with anyone, even to Fifth. I just can't.

Dad's baritone voice cut into my Mom's giggle. "Travis is a good man. Sabi nga sa akin ni Louis, hindi ka raw niya pinababayaan sa trabaho."

At dahil dun ay nalipat ang tingin ko kay kuya na may malaking ngisi sa labi nito. The nerve! Kung ano-ano palang ikinukuwento kina Mom!

"What? Totoo naman diba? You guys should move quickly. Napag-iiwanan na kayo eh," sabi ni Kuya Louis.

I just rolled my eyes and murmured 'Don't mind them' to Fifth. Nakakahiya. Bakit ba pinoprovoke nila ang boyfriend ko? Didn't they forget that it's been only months since we got into each other? Masyado pang mabilis para pag-usapan ang ganitong bagay.

Panay ang kantyaw ng pamilya ko sa aming dalawa ni Fifth during the reception ceremony. The reception went on and I was also called on infront to give a message to the newly wed couple. Buti nalang kahit wala na ako sa mood ay nakapagbigay pa ako ng matino at sincere na message kina Kaye Anne at Nathan. Kurt was also called by the emcee but he was nowhere to be found. I bet he went home already.

"Fifth," tawag ko sa kanya nung nagsisimula na akong makaramdam ng pagkabagot. Nilingon niya naman ako kaagad. "Let's get home. Matatapos na rin naman 'to. Tetext ko nalang si Kaye Anne na uuwi na tayo."

"Sige."

Pagkatayo namin ay nagpaalam na rin kami sa parents ko. Pinipigilan pa nga nila kami pero hindi na ako nagpaawat. I badly want to go home. Soon as I was about to get away from the table, I heard the emcee announced something.


"At this point, we would like to request all the single ladies to please come forward for the bouquet throw. We would also like to request the bride to come forward and take her place center."

Pagkarinig ko sa announcement ay nagmamadali kong hinila si Fifth para lumabas na pero nagulat ako nung may humila din sa akin palayo kay Fifth.

"Ate Gail, come! Let's join them!" Si Sandy.

"Oo nga, we are single ladies naman eh." Si Lovely.

Nagpupumiglas ako sa kanila pero hindi nila ako binitawan. Nilingon ko si Fifth at nakita kong nag-okay sign siya sa akin sabay ngiti which only means his approval. Wala na akong nagawa kundi ang sumali kahit wala na ako sa mood.

Nakakainis! Ayoko pa naman sa lahat ay yung ganito.

Inayos muna ang posisyon namin ng emcee saka siya muling nagsalita sa mic. Nanlamig ako nung makita ang maraming guests na nakatutok sa amin. This is... Argh!


"Ready when you are ladies. Let us now do the countdown. One... two... three and there it goes!"

Hinagis na ni Kaye Anne yung bouquet habang nakatalikod siya sa amin. Hindi ko alam pero sinundan ko ng tingin sa ere ang bulaklak. It was like in a slowmo picture and I was more than bewildered when I realized it landed on my hand.

Wait, it landed on my hands?!?

"Hala?" yun nalang ang nasabi ko habang nakatitig sa bulaklak sa kamay ko. Nawala na ako sa huwisyo pagkatapos nun. Ni hindi ko na nga namalayan na nakaupo na pala ako sa isang upuan paharap sa mga guests. WHAT THE?!?

"May I have your name please?" the emcee asked.

I blinked twice and cleared my throat to distract myself from my deep thoughts. "Uh... Crystal."

Teka, bakit Crystal ang nabanggit ko?!

"Okay. Let's give a big hand to Ms. Crystal. Please relax and sit back beside the bride and in a moment, we shall find your match in a garter toss."

Nung lumayo bahagya ang emcee mula sa amin ay naramdaman ko nalang na may yumuyugyog sa balikat ko. Pagkatingin ko sa kanan, si Kaye Anne pala.

"Eeeehh! Sinentro ko talaga sayo yun, Gail."

Sinimangutan ko siya. Kaya naman pala! "Ano ka ba. Bakit mo ginawa yun?"

"Wala. Mas bet kita eh. Ayos ba?" She wiggled her brows playfully and I just rolled my eyes.

Pagkatapos nun, hindi na namin pinansin yung garter toss dahil nagkuwento lang si Kaye Anne tungkol sa nangyari kanina sa simbahan. Kung bakit nag-time first si Nathan at kung ano pa.

"... Nakakakaba pala yung wedding church," sabi niya habang ngiting-ngiti pa. "Pero mas nakakakaba yung honeymoon."

I chuckled. "Saan ba honeymoon niyo?"

"Sa Pa---"


"Thank you, Mr. Travis. Friends let's give this gentleman a big hand."

Naagaw ang atensyon namin ni Kaye Anne ang sinabi ng emcee. Si Fifth ang nakakuha ng garter? For some reason, napatingin ako sa ibang lalaking nagsisibabaan na ng stage.

Isang back image ng lalaki ang sinundan ko ng tingin. Bagsak ang mga balikat niyang tinungo palabas ng hotel.

"Dapat si Kurt..."

Nilingon ko si Kaye Anne. Nakita kong nagsesenyasan sila ni Nathan. Mukhang naiinis si Kaye Anne kay Nathan ayon sa expression niya. Now I get it, mukhang pinagplanuhan nila ito pero pumalpak sila.

"Duling kasi. Sabi ng kay ano ipasa eh," Kaye Anne hissed annoyingly.

And the matchmaking ritual started. Sa totoo lang, sa kabila ng hiyawan at palakpakan ng mga guests habang isinusuot ni Fifth sa hita ko ang garter ay lumilipad ang utak ko kung saan. Nakatingin lang ako sa pintong nilabasan ni Kurt. Yeah, I'm sure it was Kurt. I knew him very well. Dang! I shouldn't feel this way but why do I?

"Again, thank you, Ms. Crystal and Mr. Travis for your participation. You may now return to your seats."

Pagkasabi nun ng emcee ay mabilis akong bumaba ng stage. Naramdaman ko nalang na pinigilan ako ni Fifth sa kamay kaya tumigil ako at nilingon siya.

"Where are you going?"

I paused briefly and glanced at the door. There's something pushing me to look for him.

"Powder room lang."

Totoong nagpunta ako sa powder room. Naghugas ako ng kamay at matagal na tinitigan ang sariling repleksyon sa salamin. Walang ibang tao sa powder room maliban sa akin.

"You're out of your mind again," I mumbled to myself.

No, I shouldn't be worrying about him. Matagal ko ng tinapos ang kung anumang meron kami. Itong singsing na ito, dapat nga ay itapon ko na dahil wala na rin namang halaga ito. Wala ng kami. Matagal na.

Hinawakan ko ang singsing at akmang huhubarin na ito pero nanlambot ang mga kamay ko, kaya naipukpok ko ang palad ko sa sink.

"Oh God, mali 'to eh."

Lumabas ako sa ng powder room ng lutang ang utak ko. Mahigpit ang hawak ko sa aking singsing habang naglalakad papunta kung saan dalhin ng sarili kong mga paa.

At dahil nasa top floor ang function hall ng reception ng kasal ay napunta ako sa viewing deck. Tumaas ang balahibo ko sa hangin na sumalubong sa akin. Palubog na ang araw at kitang-kita yun sa kinatatayuan ko.

The sunset and the back image of the man I've been with earlier...

Nakahilig siya sa railings habang pinapanuod ang paglubong ng araw mag-isa. Umatras ako ng isang hakbang pero dahil sa tunog ng heels ko ay napalingon siya sa akin. Nilingon niya ako pero saglit lang ay bumalik na siya sa panunuod ng sunset.

"I've never witnessed sunset before. Would you like to watch it with me?" he solemnly asked.

Huminga ako ng malalim bago siya tinabihan sa railings. The hotel was facing the bay that's why this is a perfect spot to watch the sunset.

"Is this also your first time to watch it?"

Yumuko ako at napangiti nalang. Kusang bumalik sa akin ang isang pangyayari na hindi ko makakalimutan.

"No, this isn't actually my first time. Honestly, I've watched it several times before, and one of those is watching sunset with you in Palawan."

Surprised, he tilted his head to me. He smiled sweetly and gave out a deep sigh. "I badly want my memories back."

For some reason, kumirot ang dibdib ko sa sinabi niya. He's desperate based on his voice.

"...Gustong-gusto ko ng makaalala. Gusto kong bumalik ang alaala ko, kahit yung mga panahong kasama lang kita."

Lumakas ang tibok ng puso ko nang kunin niya ang kaliwang kamay ko at ikinulong iyon sa palad niya. I am supposed to pull away but why can't I?

"This is my last shot, Crystal. If I really can't get you back, then I'd let you stay with that a-ss," saka siya tumawa ng mapakla habang nakatingin sa sunset. Pinagmasdan ko lang ang mukha niya. I know he's lonely and it's always because of me. "... That a-ss. I was really the one who caught that darn garter, but he snatched it away from me. Fvcking dirty player."

Hindi ko alam kung matatawa ako o kung maiinis sa kanya. Para siyang batang nagsusumbong dahil naagawan ng laruan.

"Edi sana kinuha mo. Sayo naman pala eh," biro ko.

"That garter was supposed to be mine but I chose not to smack that jerk's jaw off that stage. I don't wanna embarrass myself infront of your parents. They were watching us," he reasoned annoyingly and continued, "... And besides, I play fair. I am not like him who plays dirty."

Tinulak ko siya ng pabiro dahil pakiramdam ko ay sineseryoso na niya ang nangyari kanina. "C'mon, Kurt. Garter lang yun. No biggie."

"I'm not talking about the garter. I'm talking about you."

That made my jaw drop on the floor. Napalunok ako at napatingin nalang sa harapan. Sa kulay kahel na paligid na nasa harapan namin. Aatakihin yata ako sa puso sa mga sinasabi ni Kurt. Walang preno, dire-diretso.

"We better do the countdown," sabi niya.

"Huh?"

"60 seconds and the sun will set down. Game?"

Tumango ako at pinanuod na ang paglubog ng araw.

"1... 2... 3..."

Humihigpit ang hawak niya sa kamay ko dahilan para mapatigil ako sa pagbibilang.

"... 11... 12... 13... 14... 15..."

Kung kanina ay nababagot ako sa loob, ngayon ay parang ayaw ko ng matapos ang 60 seconds na ito.

"... 50... 51... 52..."

...pero may hangganan ang lahat ng bagay.

"... 57... 58... 59..."

Lumubog na ang araw. Hindi ko alam na mararanasan ko ulit ito kasama siya.

"...60."

"Crystal?"

Lumakas ang kaba sa dibdib ko. Ang boses na 'yon, ang nagmamay-ari nun... Nilingon ko siya, at sumalubong sa akin ang seryosong mga titig niya.

"F-Fifth..." kasabay ng pagbanggit ko sa pangalan niya ay ang pagkalas ko sa kamay ni Kurt.

His jaw clenched but he managed to turned his back on us and said, "Let's go home, baby love."


Fortsätt läs

Du kommer också att gilla

3.9M 133K 27
Isang misyon, isang hindi inaasahang pagtatagpo at isang pagkamamali na magiging dahilan ng pagbabago ng plano. Paano maitutuwid ang isang pagkakama...
43K 693 22
BOOK VERSION NOW AVAILABLE in BOOKSTORES NATIONWIDE!!! At kapag wala, toinks, kindly request the staff to update you once it's available in their sto...
49.5M 1.2M 81
I used to be the girl in his eyes. I used to be the girl who can make him laugh, I used to be the girl who can taste his lips. I used to be his ever...
1.8M 30K 14
Collection of my one-shot stories written from 2011-2016. Book cover by Taryn [@soundthealarm]