[33] The Man In A Black Suit

529K 9.4K 3.4K
                                    

[33] THE MAN IN A BLACK SUIT


*** 4 YEARS LATER


KAYE ANNE'S POV

Haaayyy... Sunday na naman. Ito lang ang araw ng pamamahinga ko. Well, sige, isama na rin natin si Nathan. Rest day namin ngayon. Uhm, ganun talaga kapag nagtatrabaho na. Naks, nagtatrabaho na nga ako. Hahaha! Four years na rin akong Marketing Manager ng hotel ng pamilya ko, samantalang si Nathan, syempre, isa siya sa mga head chef. Kapartner niya si Kuya Sean.

"Kulet..."

"Oh?" Istorbo. Nagseselfie pa naman ako dito. Nakaka-bore naman kasi ang pinapanuod namin.

"Bakit hindi ka nanunuod? Ayaw mo ba ng DVD na yan?" He asked and I just frowned. Inilapag ko ang aking phone sa center table saka ko siya tinignan. 

"Mag-mall nalang kasi tayo. Dun nalang tayo manuod ng TV," suggest ko. Actually, kanina ko pa yan sinasuggest. Ewan ko ba dito sa pandak na ito! Ayaw akong pagbigyan. Dito lang naman niya ako dinala sa home theater sa bahay nila.

"'Wag na. Gastos lang yun."

Mas lalo ko siyang sinimangutan. "Bakit ang kuripot mo, pandak? Gasino lang yung movie ticket tapos kaunting kain lang---"

Pinutol niya ang sasabihin ko. "Ano'ng kaunti? Kaunti ba yung three cups of rice?"

Hinampas ko siya sa braso at ang loko, tumawa lang. Kasalanan ko ba kung mapapasarap ang kain ko? "Pandak naman! Hindi ako nagjojoke. Nabobore ako dito!!"

"Ssshhh," he hushed me and then placed his arm across my shoulders. Pinasandal niya ang ulo ko sa balikat niya. "Baka marinig ka nila Mama."

Eeehh!! Ayoko ng DVD na nakasalang. Napanuod ko na yan eh! Walang kamatayang Insideous 1 lang naman yan. Ni hindi na nga ako tinatablan ng takot nyan ngayon eh.

"Nathan--"

"Manuod ka nalang."

I sighed in irritation. Siya naman itong busy sa paghaplos ng buhok ko. Bakit kaya ganito si Nathan? Sa apat na taon naming mag-BF/GF, napakakuripot niyang nilalang. Isang beses lang kami nag-out of town. Libre pa ni Kuya Sean yun dahil birthday niya. Samantalang sina Lovely at Sandy, nakailang beses ng nag-out-of-the country escapade with their boyfriends. Jusme!! Malling lang, hindi pa ako pagbigyan ng boyfriend ko.

"Nathan..."

"Hmm?"

Sumubo muna ako ng popcorn bago ako nagsalita. Masarap ang popcorn, ma-cheese. Haha! "Out of town naman tayo next week? Magpaalam tayo kay Kuya Sean na maglileave tayo ng ilang araw."

"'Wag na. Sa December nalang," sagot niya sabay sabing, "Potek! Nakita mo yun, kulet? Yung bata, nasa likod niya!"

WHATEVER!!! Pakialam ko sa batang nasa movie na yan? Hinila-hila ko ang sleeve niya. "Nathan, sige na! Kahit sa Tagaytay lang... Minsan lang naman eh," with matching puppy face pa yan para effective!

"Sa susunod nalang."

Dun na ako natahimik. I was like WHAT THE CHOCOLATE FUDGE!!! Huhuhu... Nakakainis na siya. Hindi ko tuloy napigilan ang sarili ko na hindi mapabangon.

"Uy, saan ka pupunta?" Hawak-hawak niya ang kamay ko para pigilan ako. Tinaasan ko nga ng kilay.

"Pupunta ako sa Tagaytay mag-isa."

"Oh? Kaya mong magdrive?" Tanong niya na alam kong sarcastic naman. Geez! Fine, ako na ang hindi marunong magdrive. So what?! "Umupo ka na nga..."

Sapilitan niya akong pinaupo. Ako naman itong si obedient, umupo sa tabi niya. Akala ko, tapos na, pero hindi pa pala dahil pinahiga niya ako at pinaunan ang ulo ko sa lap niya. Ayan na naman ang mga daliri niyang minamassage ang scalp ko. Shiz!! Ito talaga ang gusto ko eh...

AILWAG Book 3: Change Of Fate [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon