Epilogue

709K 13.8K 12K
  • Dedicated kay Sa mga walang sawang sumuporta mula Book 1 up to 3, maging sa mga side stories..
                                    

[Epilogue]

It's been a couple of years since what happened to us...

Kahit ilang taon na ang nakalipas ay sariwang-sariwa pa rin sa isipan ko ang mga pangyayari. Syempre, hanggang ngayon ay nalulungkot pa rin ako, pero alam kong may hangganan ang lahat ng buhay kaya naman kahit mahirap ay tinanggap ko ito ng buong puso.

Hindi maalis ang maliit na ngiting nakapinta sa mga labi ko habang pinagmamasdan ang malaking picture portrait niya sa loob ng aking opisina. It may sound funny but I insisted to display the portrait over the wall eventhough everyone finds it so creepy. Patay na nga naman ang tao, pero mukhang buhay na buhay pa sa litrato.

"Pakibantayan si baby Kyra dyan ha, Lola Almira."

Matagal-tagal na rin nang pumanaw si Lola Almira. Nakakalungkot lang isipin na sa likod ng masiglang katawan niya noong panahong tinulungan niya kami sa kasal ni Kurt ay nakatago ang mga sakit na nararamdaman niya. She died of heart complication. Ganun pa man, natupad ko ang huli niyang kahilingan bago siya mamahinga ng tuluyan.

I snapped from my deep thoughts when I heard a knock at the door. Napaayos agad ako ng tindig bago nilingon ang kakapasok pa lang sa office ko na si Jade.

Jade has been working for a couple of years for the company. Nung mga panahong nangangailangan ako ng secretary ay isinakripisyo niya ang position niya sa Marketing department para lang bumalik sa pagiging secretary ko. Ganyan daw ako kahalaga sa kanya, at ganun din naman siya sa akin. Isa rin siya sa mahahalagang tao sa buhay ko.

"Gail, may appointment ka with the board of visitors, remember?" seryosong bungad niya sa akin. Wait, what? Kumunot ang noo ko.

Napansin niya siguro ang pagtataka ko kaya inunahan niya na ako ng sagot. "Today is Friday. Didn't I remind you about the meeting?" She stared at me intently. 'Yung tipong hinihintay niya kung maaalala ko 'yung appointment ko na 'yun.

Wait. Napatingin ako sa planner ko. OMG! Friday nga pala ngayon. "Friday na, right? Oh, you have to reschedule the meeting or better yet ipostpone mo nalang habang maaga pa."

"Pero Gail--"

I grabbed my purse and walked past her to the door. "Anong oras ba 'yan?" Nilingon ko siya.

"7:00 PM."

Pinaningkitan ko siya. Seriously? That's late. "Alright. Ngayon pa lang ay pakisabi sa kanila na postpone ang meeting. Today's Friday, Jade. Hanggang 5PM lang ang office."

"Hindi pwe---"

"Jade, do you understand me? I need to take a break," madiin na sabi ko sa kanya na siyang nagpatango sa ulo niya. "Good. See you on Monday."

I drove off and traced the road. Tumunog ang phone ko kaya naman sinagot ko ang tawag. Naka-handsfree naman kaya safe kahit nagdadrive. "Hello?"

["Hi, sissy!"]

Napangiti ako. Maraming taon na ang nakalipas at marami na ang nangyari pero ganun pa rin ang tawag niya sa amin. "Chloe? What's up?"

["Nandito kami ni Kaye Anne sa M Mall. Punta ka naman dito."]

"Magkikita naman tayo mamaya. I promised I'll be coming over your house for a BBQ party tonight right? So yeah, see you later anyway."

At least once or twice a week ay nagbobonding kami nina Chloe at Kaye Anne. Kung hindi man shopping ay naglalaro kami ng badminton. Minsan pa nga ay kasama namin sina Sandy at Lovely.

["Keribels lang 'yan. So, daan ka muna dito? Saglit lang naman. Nasa salon kami."]

["Gail, daan ka muna dito! Foot spa tayo!"]

AILWAG Book 3: Change Of Fate [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon