[10] Breakfast With His Family

586K 9.6K 839
                                    

[10] BREAKFAST WITH HIS FAMILY

 

KAYE ANNE'S POV

Maaga akong nagising ngayong araw. Actually, maaga naman talaga ako nakatulog kagabi. Masarap sanang matulog dito sa guest room kaso hindi ako sanay. Oo nga, may malambot na kama, aircon at TV, pero hindi talaga ako sanay... Feeling ko, may something dito na medyo creepy :3

Ayos naman ang pamamalagi ko dito sa bahay nila Nathan so far. Lagi nga lang busy ang mga tao dito dahil dun sa campaign ng Dad niya. Ni hindi nga namin nakasalo sa lunch at dinner ang parents ni Nathan kahapon. Medyo okay naman sa akin yun kasi naiilang ako sa Dad ni Nathan. Okay... Hindi lang talaga siguro ako nakaget over dun sa girlfriend thingy kahapon. -___-

I switched the TV channel repeatedly. Obviously, I'm watching TV right now. Puro cartoons naman ang palabas. :/

Tumayo na ako at nag-unat unat, "Haaaayy! Rise and shine~ Makaligo muna."

And so I did my morning rituals. I took a shower and made sure that I already look decent in the eyes of the people. Aba, mahirap na! Nasa ibang bahay ako eh. Buti nalang, pinahiram ako ng clothes ni Nathan. I mean, pinahiram niya sa akin yung clothes ng Ate niya.

Medyo nagdalawang isip pa ako kung lalabas na ba ako o hindi. Nakakahiya naman kung pupunta akong mag-isa sa baba. "Si Nathan kaya, gising na?" Tanong ko sa sarili ko habang nakahawak sa doorknob. Ipinilig ko ang ulo ko. "Naaah, baka tulog pa yun. Mamaya na nga lang ako bababa."

Babalik na sana ako sa kama ko nang marinig kong may kumakatok sa pinto. Agad-agad ko namang inayos ang buhok ko pati na rin ang suot kong white shirt with mickey mouse print on it and short jeans. At nang maassure kong maayos na ako, binuksan ko na ang pinto. Bumungad sa akin si Nathan na nakalahad ang phone sa akin... And it's ringing. And take note, fresh looking siya. *u*

"Oh, morning." Bati ko.

He smiled a little, "Good morning... Tawag ng tawag oh."

Kinuha ko ang phone mula sa kanya at nang makita kong mobile number yun ni Austin ay inend call ko kaagad. "Sinagot mo, Nathan?"

"Hindi. Sabi mo wag kong sagutin eh." Pumasok na siya sa loob ng kwarto at umupo sa couch, "Sino ba yan? Kahapon pa yan eh."

"Basta," nakangiwing binalik ko sa kanya ang phone at umupo na sa kama kaharap siya. "Magsasawa rin yan kakatawag. Basta wag mong sagutin ha?"

Hindi niya ako sinagot. Nakatingin lang si Nathan dun sa screen ng phone niya na parang may binabasa, "Naiinis na ako, Kaye Anne. Why are you not answering my calls?" He read the text message aloud and eyed me, "Sino ba ito, Kaye Anne? Oh, tumatawag na naman."

"Eeehh! Hayaan mo lang!"

"Sino nga 'to?"

"Tsk!" I crossed my arms across my chest. Ang kulit eh! "Si Austin yan... Ayaw ko muna siyang makausap, kaya please wag mong sagutin."

Natahimik siya. Maya-maya lang ay nagkibit-balikat si Nathan. "Kung naiinis na siya sayo, edi tigilan na niya ang pagtawag. Tss!" Nakita ko nalang na tinanggal niya ang sim card sa phone at inihagis sa labas ng bintana. Halaaaaaa!

"Oy, bat mo tinapon? Baka hanapin ng Dad mo?"

Iniling niya ang ulo niya, "Hindi yan. Binigay na sa akin yan ni Papa eh." He gave me a nod, "Tara na? Kain na tayo?"

Sa dining room, akala ko, magiging comfortable ako. Nung una kasi, kami dalawa lang ni Nathan ang nasa dining table. Pero eventually, dumating isa-isa ang parents ni Nathan pati na rin sina Ate Lie at ang asawa niyang si Kuya Darryl na mangyari namang kararating lang galing Maynila.

AILWAG Book 3: Change Of Fate [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon