Book1:Courting my Future Husb...

By crunchh

4.4M 75.3K 8.1K

Istorya kung saan babae ang nanliligaw sa lalaki. Goodluck to Mika Mendoza! More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11: ^___^V
TRIPPINGS
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21 to 22: ^___^
Chapter 23: Toothbrush
Chapter 24: Couple shirt
Chapter 25: Rebound
Chapter 26: I need a job
Chapter 27: Hindi kaya?
Chapter 28 part 2
Chapter 29: Kim, Clarisa, Christine
TRIPPINGS #2
Chapter 30
Chapter 31: Trust Nathan
Chapter 32: Diary
Chapter 33: Necklace
Chapter 34: It's MOO
Chapter 35 Oh no..
Chapter 36: Mag-lock
Chapter 37: The great Jonathan Smith
Chapter 38: Face Down
Chapter 39
Chapter 40: Tinuruan ako ni...
Chapter 41: Happy birthday
Chapter 42: Always and Forever
Chapter 43: Just one more step
Chapter 44: Tristan's girl
Chapter 45: CANADA baby
Chapter 46: Kiss
Chapter 47: One percent
Chapter 48: My jacket
Chapter 49: Why return?
Chapter 50: See me after class
Chapter 51: answer
Special Chapter part 1
Special Chapter part 2
Special Chapter part 3
EPILOGUE
Thank you
Thank You
Thank You
Thank You
Thank You
Thank you
Thank You
Thank You
Thank You
Accounts

Chapter 28 part 1: Surprised

59.7K 993 63
By crunchh

(Mika's P.O.V.)

Napaaga ata ang pasok ko ngayon. Tsk. Meron pang natitirang 40 minutes bago mag-start ang klase. Sa sobrang tagal ay kung anu-ano na ang mga naiisip ko katulad na lang ng magiging trabaho ko. Kaya ko kaya? Pero syempre dapat kayanin ko para kay mama.

Kapag ganito rin ang sitwasyon, hindi ko mapigilang hindi maisip si Papa at magalit sa kanya. Bakit ba basta na lang siyang nawala? Hindi na siya nagpakita sa 'min. Six years old ako nang huli ko siyang makita para mag-abroad. Nangako siyang babalik para sa amin pero sampung taon na ang nakakalipas pero hindi pa siya bumabalik.

Naghihirap na tuloy kami ni Mama dahil walang ama na dapat ay tumutulong sa 'min. Alam kong miss na miss na ni Mama si Papa pero hindi niya lang ito ipinapakita sa 'kin. Pero para sa 'kin, hindi ko na siya kailangan. Maayos na kami ni Mama kahit kaming dalawa lang.

Wala pa ang mga kaklase ko kaya naisipan kong i-text si Moo. Pinalitan ko ang contact name niya sa cellphone ko at ginawang Moo. Sigurado akong matutuwa si Nathan kapag nalaman niyang ginawa ko ito. Haha! Ano kaya ang pangalan ko sa cellphone niya?

Ako: Good morning, Moo! I super duper miss you to the highest level! Makikita na uli kita mamaya! *o*

*Beep!*

Nag-text na siya. Kinikilig na ako kahit hindi ko pa nababasa 'yung message niya.

Moo♥: Good morning! Kagigising ko lang. See you later. :*

Shocks! Kinikilig ako sa text niya. May kiss pa siya sa huli. 'Yung mga text kasi niya sa 'kin ay madalas na 'Ingat. Ok. Wait. Sige. Geh.'

Pero ano ito?! Medyo mahaba na 'yung text niya sa 'kin with kiss pa! Sa sobrang kilig ko ay tumatawa na pala akong mag-isa hanggang sa napansin ako ni Joshuang bading.

"Hoy, pangit! Anong nakakatawa?"

Lumapit sa 'kin si Joshuang bading. Nasa harap ko na siya ngayon kaya naman itinago ko muna ang cellphone ko at inayos nang kaunti ang buhok ko.

"Masama bang maging masaya?" bulong ko pero narinig niya iyon at hinampas ang arm desk ko.

"Hoy, Mendoza! Ang tagal ko nang nagtitimpi sa 'yo ha! Ano't kinabog ang beauty ko?! I-say mo nga, anong klaseng gayuma ang ginawa mo sa papabol kong si Nathan ha?!"

"Anong gayuma? Duh? Na-in love siya sa akin. L-O-V-E," sabay irap sa kanya.

"Chaka 'daaaaay! In love your face! Sa dami ng mga naggagandahang Eva sa klaseng ito, kasama na ako, ikaw pa ang napansin! Gosh! Hindi ako magbe-believe. As in!"

"Edi 'wag kang maniwala. Hoy! Pwede ba Joshua, PANGALAN PA LANG, ADAN KA! 'Wag mo ngang ipilit ang sarili mo! Tsk. Nakakainis lang, pwede?! Kaya shupii!! Ka-text ko pa si Nathan ko! Shuu!!"

"Maghintay ka lang sa super revenge ko, Mendoza!"

"Whatever!"

Nakatingin sa 'min ang mga kaklase ko hanggang sa pag alis ni Joshua. Seriously, I don't hate gays. Bakit naman ako magagalit sa kanila? Sino ba ako? May mga bading na friendly, pero si Joshua?

NAPAKASAMA NG UGALI NIYA!

Dati naman ay hindi niya ako pinapansin. Sa iba lang siya mean, pero nang maging kami ni Nathan, ayan na siya.

Napa-crossed arms ako sa inis. Napansin ko namang nakatingin pa rin sa 'kin ang mga kaklase ko.

"Oh, anong tinitingin-tingin niyo dyan ha?!"

Lahat sila ay bumalik sa pagkukwentuhan nila.

"Girl! May dala uli akong magazines."

"Talaga?! Pahiram naman."

Napatingin ako sa mga kaklase kong nag-uusap sa likuran ko. Ang daming dalang magazines ni Shey. Siya 'yung kaklase kong sexy at cute mag-style sa buhok niya.

Napatingin sila sa 'kin.

"Oh, ano ring tinitingin-tingin mo?!" sabi ni Shey.

Nakita kong kinurot nung isa si Shey.

"Ano ka ba? Girlfriend ni Nathan 'yan. Gusto mo bang malagot kay Nathan?" Umirap si Shey sabay tingin sa 'kin at...

Nag-change ang expression ng mukha niya. Naging mabait.

"Ahhh, I mean.. Bakit ka natingin, Mika? Gusto mo rin bang humiram ng magazine? Here oh," sabay fake smile.

Halata namang pilit. Pero dahil nga gusto ko ring magbasa, tinanggap ko na 'yung magazine saka bumalik sa upuan ko.

"Nakakainis talaga ang babaeng 'yan! We're pretty, right? And she's just too plain. Ugh!" rinig kong sabi ni Shey.

"I know. 'Di ko rin alam kung ano ang nagustuhan ni Nathan dyan."

"Look at her hair. Nangingilabot ako kapag nakikita ko ang hairstyle niya."

Ang arte naman! Sapakin kita dyan eh! Tsk. 'Di ko na lang pinansin ang mga naririnig ko.

Nagsimula na akong i-browse ang magazine. Maganda at sexy ang babaeng nasa cover nito. Hmmm, tiningnan ko rin mga kaklase ko, ang gaganda at sexy nila!

Nakaka-insecure naman!

Binasa ko 'yung laman ng magazine. May mga tips kung paano ma-prevent ang pimple. May mga list din ng mga sexy women in the Philippines. Naaliw na ako sa pagbabasa nang...

"Ow. Em. Ji."

GUYS DESCRIBE THEIR BEST SEX EVER.

*Gulp*

Binasa ko...

Isinara ko 'yung magazine then tumingin sa paligid.

Wew!

Then, binuksan ko uli at itinuloy ang pagbabasa.

Shocks! Ano ba naman ang mga nakalagay dito!? Waaaah!

Habang padami nang padami ang mga nababasa ko ay palubog na ako nang palubog sa kinauupuan ko.

"So 'yan pala ang pinagkakaabalahan mo ngayon?"

"Ay kalabaw!"

Napatayo ako sa sobrang gulat. Nahulog pa 'yung magazine na hawak ko at mabilis ko itong pinulot. Nang tiningnan ko kung sino...

"Moo naman eh! Ginulat mo ako!" He gave me a smirk.

"You're reading that?" Itinuro niya 'yung magazine.

"Ha?! Hindi talaga ako nagbabasa nito ha?! Nagkataon lang na ito 'yung ipinahiram sa akin ng mga 'yun!" Itinuro ko sina Shey at saka ngumuso. "Hindi ko naman alam na... na... na puro ganito ang laman nun!"

Humalakhak siya.

"Masyado kang defensive, Moo"

Hinawakan niya ang braso ko at hinila ako palapit sa kanya para mayakap.

"Better," sabi niya.

Medyo naiilang ako kaya umalis ako mula sa pagkakayakap niya. Pinagtitinginan kasi kami ng mga kaklase namin eh. Baka kung ano na naman ang sabihin nila sa akin lalo na ni Joshuang bading.

"Aish! Dito ka lang sa 'kin," sabi niya.

"Ha? Ah, eh... kasi..."

"Tatabi ka ba o hindi?"

Nag-straight face siya kaya tumabi na ako sa kanya. Hinawakan din niya ang kamay ko at tiningnan ito.

"Ang liit."

"At least cute."

"May sinabi ka?"

"Sabi ko, cute ang kamay ko."

"Okay."

Straight face pa rin ang mukha niya. Psh! Parang hindi siya sang-ayon sa sinabi kong cute ang kamay ko. Cute naman kaya! Hmp!

Hindi ko alam ang pakulo ni Nathan pero hawak niya ang kamay ko at nilalaro niya ang mga daliri ko. Ang nakakatuwa ay nakangiti siyang tine-trace ang mga lines sa kamay ko. Seeing him like that, napapa-smile na rin ako.

Hindi niya mabitawan ang kamay ko. Hinihila ko na nga kasi magta-time na. Eight minutes na lang at dadating na si Ma'am.

"Uhh, Nathan? Malapit nang mag-start ang class. Pumunta ka na rin sa class mo."

Nakasandal kami sa wall malapit sa may bintana at hawak pa rin niya ang kamay ko. Para ngang minamasahe niya eh. Kinukutkot niya minsan kahit wala namang makukutkot. Then, trace uli ng lines... then, iisa-isahin uli ang mga daliri ko. Haha!

"Ayoko pa."

"Eh magta-time na oh."

"Haaaay. Sige na nga."

Umayos na siya ng tayo. Akala ko bibitawan niya na ang kamay ko pero hindi pa rin pala. Lumabas na kami ng classroom namin.

"Hm, Nathan?"

"Pupunta na ako sa class namin." Nag-iwas siya ng tingin pero pansin kong namumula ang mukha niya. "Bye." Binitawan niya ang kamay ko at nakatungo na siyang naglakad palayo.

"Eh?" Nagulat ako nang pagbitaw ni Nathan sa kamay ko ay may naiwang necklace. OMG! Ito 'yung kwintas na nakita ko sa jewelry shop.

Tiningnan ko si Nathan na hanggang ngayon ay nakatungo pa rin na naglalakad papunta sa klase nila.

"I love you, Moo! I love you talaga! Salamat!" sigaw ko dahilan para magtinginan sa akin ang mga estudyanteng nakatambay sa corridor. Hindi siya tumitingin. Sus! Alam kong nahihiya lang siya! Hahaha!

Hindi man siya katulad ng ibang lalaki na isusuot 'yung necklace sa babae, super na-appreciate ko naman ito. Natuwa ako sa effort niya. Hindi ko nga alam na napansin niyang gusto ko pala 'yung kwintas dahil kamukha nung chain na bigay ko sa kanya.


Continue Reading

You'll Also Like

9.4K 186 14
Yes. She's a she. The girl who's the one courting. Pero may pag-asa kaya na sagutin sya ni Aaron kahit na she reminds him of his past? May happy ever...
476K 2.5K 9
Aeyzha Aviemorr Benevente made her biggest mistake when she accused her close friend for letting their company down. Hindi siya nagtiwala sa kaibigan...
71.7K 1.3K 27
"I will do everything it takes to win you back Justin. I will never lose hope that we will have our second chance. " -Ashley
21.5M 700K 46
Ingrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. However, her curiosity got the better of her...