Revenge of the Gangster's Twin

By ceikret

912K 17.6K 390

Winter is my name. Killing is my game. Known as Poison in Mafia and gangster world. Kinatatakutang assassin... More

Revenge of Gangster's Twin
one**
two**
three**
four**
five**
six**
seven**
eight**
nine**
ten**
eleven**
twelve**
thirteen **
fourteen **
fifteen**
sixteen **
seventeen**
eighteen **
nineteen **
twenty **
twenty one**
twenty two**
twenty three **
twenty four**
twenty five**
twenty six**
twenty seven**
twenty eight**
twenty nine**
thirty **
thirty one**
thirty two**
thirty three**
thirty four**
thirty five**
thirty six**
thirty seven**
thirty eight **
thirty nine**
fourty**
fourty one**
fourty two**
fourty three**
fourty four**
not an update**
fourty five**
fourty six**
fourty seven**
fourty eight**
fourty nine**
fifty**
annyeong!!
fifty one**
fifty three**
fifty four**
fifty five**
fifty six**
fifty seven**
fifty eight**
fifty nine** Part 1
fifty nine** Part 2
annyeong!!^___^
sixty**
sixty one**
sixty two**
Ceikret's note..
sixty three**
sixty four**
What If God's Like One of Us**
last chapter** part one
last chapter** part two
EPILOGUE **part one
EPILOGUE **part two
EPILOGUE **last part
When a Gangster Fall**
Yiiieeeey
an::
special chapter 1.1**
special chapter 1.2**
special chapter request **
notice**
Special Chapter 1
Book two^___^
happy anniversary **
My Almost Happy Ending

fifty two**

7.7K 173 3
By ceikret

(third person POV)

Tatlong araw na ang lumipas pero hindi pa din mahanap ng shadow ang mga kaibigan nilang nawawala. Abala si Leo at si Kevin sa paghahanap kay Elise. Habang si Nathan at Sky naman ay nasa States pa din at abala sa paghahanap kay Mimi. Si Ryuu naman ay sinamahan na ni Glen sa paghahanap kay Yeolum. Habang si Winter at Kai naman ay kay Iki. Tinulungan naman ni Thunder si Rhon para sa pagtrack ng kailangan nilang informations. Habang ang limang natitira ay pinoprotektahan ang hindi mga miyembro ng shadow.

Nagdududa na din si Rhon sa system ng shadow ngunit di niya pinapahalata sa mga kasama. Tanging siya at si Winter lang ang may alam nito. Nag umpisa na siyang magduda sa mga kasama sa bahay. Ngunit sino sa kanila?? Di niya magawang magbintang sa shadow members dahil matagal na niyang kakilala ang mga ito ngunit ang mga members lang ang nakakaalam ng password ng system. Wala namang kahina hinala sa hindi mga members kaya hindi na niya alam kung sino ba ang gustong magpahamak sa kanila. Sigurado na siyang hindi si Winter at Kai. Hindi din si Sky at Nathan. Sigurado na din siya na hindi si Leo, Ryuu at Thunder. Nahihirapan na siyang timbangin ang trabaho niya sa mga kaibigan niya. Paano kung isa palang shadow ang ahas? Ano ng mangyayari sa grupo nila. Pero paano kung hindi naman isa sa miyembro?

Paano kung isa pala ito sa lima na kasama nila sa bahay ngayon. Ngunit bakit naman sila tatraydurin ng mga ito kung pati ang mga buhay nila ay nanganganib din. Lahat naman sila magkakaibigan ngunit bakit may isa sa kanila na gustong magdala sa mga buhay nila sa panganib.

Isang linggo na ang makalipas ngunit wala pa ding progress ang lahat ng pagsisikap nila. Absent sa uni ng isang linggo ang mga wala sa bansa. Lahat sila ay sinabing ginawang exchange student para na din hindi magtaka ang mga studyante.

Ngunit isang bisita ang dumating na hindi inaasahan ng lahat. Dumating ang kapatid ni Roo galing sa Italy. Matagal na ding kakilala nila Raikoo, Ren at Ralph ito. Isa ito sa mga naging kaibigan nila. Kaya tila ba nabawasan ang problema nila pagkakita dito. Pinakiusapan nila si Rhon at Thunder na kung maaari ay doon na tumira ang kapatid ni Roo. Kahit na nagdadalawang isip pumayag na din ang dalawa dahil baka masama ito sa gulo at makuha din ng kalaban.

Nagsimula namang gumawa ng system si Rhon na lingid sa kaalaman ng lahat. Sa ngayon wala siyang tiwala sa mga tao sa paligid niya. Silang dalawa lang ni Winter ang nakakaalam nito. Naipaalam na din niya kay Winter ang pagtira ng kapatid ni Roo sa bahay niya. Katulad niya may masama na ding kutob si Winter sa bagong dating pero sinarili ito ni Winter dahil hindi pa naman niya ito nakikita at nakikilala.

Dalawang linggo na ang nakakaraan pero wala pa din silang balita sa nga nawawalang kaibigan. Isang balita ang gumimbal kay Rhon. Kilala na ng mga kalaban ang shadow. Nahack niya ang isang site ng black hawk clan gamit ang bagong system na ginawa niya at ito ang bumungad sa kanya. Dali dali niya itong ipinaalam kay Winter para na din magawan na nila ng paraan. Natukoy na din niya kung nasan ang mga nawawalang kaibigan ngunit binilinan siya ni Winter na wag munang ipaalam sa iba dahil na din sa may spy silang kasama. Napauwi na wala sa oras ang mga shadow members dahil na din sa utos ng pinuno nila.

Nang makarating ang lahat sa bahay ni Rhon isang babaeng hindi nila kakilala ang bumungad sa kanila. Naningkit naman ang mga mata ni Winter ng makitang lagi itong nakaligkis sa braso ni Raikoo. Mabuti na lang at napakalma siya ni Tim kundi nasugod na sana niya ang babae.

"guys siya nga pala si Cassey. Kapatid siya ni Roo at dito na muna siya pansamantala." ang sabi ni Thunder sa mga bagong dating.

Irap lang ang ginanti ng shadow dito dahil nararamdaman nilang hindi ito dapat pagkatiwalaan. Ngunit lahat sila ay naging tahimik at nakatingin lang kay Winter na anumang oras ay maaari ng masugod si Cassey at Raikoo. Bago pa mag init ang ulo ni Winter ay agad niyang pinapasok sa meeting room ang shadow para na din mapag usapan ang plano nila.

"So kamusta na kayo long time no see. Mukha na kayo lahat zombie. Pwede ba ayusin niyo ang sarili niyo. Sigurado ako tuwang tuwa ang kalaban dahil na din sa nakikita nilang depress kayo." sabi ni Winter na nagpabalik ng lakas ng loob ng lahat. Ngunit nanatili pa din silang tahimik.

"Tiwala ako sa inyo pero ito ang itatanong ko. May gumalaw ba sa inyo ng computer ni Rhon hyung?" iling lang ang isinagot ng lahat. Alam nilang mainit ang ulo ni Winter ngayon at ayaw nilang makisabay dito dahil magkakagulo.

"May nakakaalam ba sa inyo na maaaring gumalaw ng gamit ni hyung?" Tulad kanina iling lang din ang isinagot nila.

"Alam kong wala isa sa inyo ang maglalaglag sa grupo. Matagal ko na kayong kasama at kilala ko na kayo. Alam kong ang shadow ay itinuring na ninyong pamilya. Ang problema lang nanganganib tayo dahil alam na ng kalaban kung sino ba talaga tayo. At alam ko kung paano nila nalaman." seryosong sabi ni Winter sa lahat.

"Papaano dongsaeng??"- di mapigilang itanong ni Sean.

"May ahas tayong inalagaan. Noong una pinagdudahan namin ni Rhon hyung ang lahat pero dahil na din sa ginawa kong pagreresearch nalaman ko na kung sino siya. At wala siya sa inyo kaya sasabihin ko na ito. May gumalaw sa system natin kaya hindi magawang makatrack ng info ni Rhon hyung. Yun na din ang dahilan kung bakit kilala na nila tayo. Napagdesisyonan ni Rhon hyung na gumawa ng bagong system na hindi alam ng lahat para na din hindi makarating sa spy ng kalaban. Ngayon alam na namin kung nasan ang mga kaibigan natin pero humihingi ako sa inyo ng dalawang linggo. Dalawang linggo bago tayo susugod dahil kailangan nating magplanong mabuti lalo na at may ahas tayong kasama sa bahay. Hindi ko sasabihin sa inyo kung sino siya dahil hindi pa ako ganun kasigurado at baka mapatay niyo lang siya. Sa ngayon isa lang ang iiutos ko sa inyo. Act normal yung para bang walang nangyari."

"You've mean hindi muna tayo susugod kahit alam na natin kung nasan sila??" medyo may diin na sabi ni Nathan. Halatang nagpipigil ng galit.

"Exactly dahil kung susugod tayo marereport agad ng spy sa kalaban at agad na maiaalis ang mga kaibigan natin doon. Mababaliwala ang isang linggong pinaghirapan natin dahil sa gagawin natin. At by that time sigurado ako na mas mahihirapan tayong mahanap sila ulit."

"May point ka Winter pero paano kung patayin sila?"- sabi ni Glen kaya tiningnan siya ng masama ng mga nawalan.

"Hindi sila papatayin dahil alam nila na ang mga hawak nila ang paraan para mapasakamay nila tayo. Tulad ni Mika Unnie itatago din nila ito pero sorry to say kailangan muna nating mag act ng normal tulad ng walang nangyari para hindi nila malaman." sabi ni Winter kaya naman napatango na lang sila. May tiwala sila dito at hindi pa sila napahamak sa desisyon nito.

"Pero sino sa kanila ang spy ng kalaban?" tanong sa kanya ni Thunder kaya naman napatingin sa kanya ang lahat.

"Hindi ko sasabihin kung sino siya pero wag kayong magtiwala sa kanilang lahat sa ngayon. Isa pa masama ang kutob ko dun sa babae." sabi ni Winter at napatango naman ang lahat. Ibig sabihin maging sila ay may ibang kutob dito.

Natapos ang meeting ng shadow at ang sumalubong sa kanila ay si Cassey at Raikoo na naghaharutan sa sala. Agad na dinala ni Tim si Winter sa kusina dahil baka anytime sumabog ang galit nito at masugod ang dalawa. Nalaman din niya na doon pala natutulog sa kwarto nila ni Raikoo ang babae kaya nakabuo siya ng desisyon para na din sa kabutihan ng lahat.

Pagkatapos kumain ay dire diretso si Winter sa sala kung nasan ang mga bagahe . Ang akala naman ng lahat ay iaakyat niya ang ito sa kwarto niya.

"Tulungan na kita." sabi ni Thunder sa kapatid ngunit umiling lang ang dalaga.

"Aalis ako." sabi ni Winter at doon nakuha ang atensyon ni Raikoo.

"Saan ka pupunta?" tanong niya dito.

"Ano bang paki mo? Doon ka na nga makipaglandian ka na lang sa mukhang pugita na yan." sabi ni Winter kaya napatahimik ang lahat. Napatayo naman sa kinauupuan niya si Cassey at susugurin sana si Winter pero pinigilan siya ng kapatid.

"Wahahahaha. Nice dongsaeng nakakatawa yung joke mo." pambasag ni Glen sa katahimikan. Tila ba pinapagaan ang atmosphere sa loob ng bahay.

"Aalis na ako baka makapatay pa ako ng wala sa oras dito." pabulong na sabi ni Winter.

"Ano yun dongsaeng?" tanong sa kanya ni Thunder.

"Doon muna ako sa mansion. Miss ko na si Nana ikaw na lang muna bahala dito." sabi ni Winter sabay alis. Wala ng nagawa ang shadow para pigilan pa ito.

*arrgh bakit ba ang sakit ng puso ko nung nakita ko sila. Ano ba itong mararamdaman ko kaasar naman eh. Stress ka lang Winter wala yan.* ang sabi ni Winter sa sarili bago tuluyang sumakay sa sports car nito at mabilis na pinatakbo.

Pagdating niya sa mansion agad siyang pumunta sa kwarto niya at binuksan ang laptop niya. Binuksan niya ang file ng kalaban at bumungad sa kanya ang spy ng kalaban na itinuring nilang kaibigan.

"Bakit mo nagawa samin ito? Ano bang atraso ko sayo at pati sila dinamay mo? Tinuring ka naman naming isa sa pamilya. Pinrotektahan at hindi pinabayaang mamatay. Nagtrain ka pa sa amin tapos kalaban ka pala. Sh*t bakit ba hindi ko nahalata na spy ka pala nila. Bakit ang galing mong magpanggap." sabi niya habang nakitingin sa profile nito na may Picture.

"Kung spy ka malamang pati ang kapatid mo spy din. Pero bakit mo nagawa samin ito. Sana pala hindi na ako nagtiwala sa inyo noong una pa lang. Sabagay history repeat itself. Nagawa niyo na dating magtraydor kay Raikoo di na ako magtataka kung nagawa mo ulit yun."

Hindi napigilan ni Winter ang galit at naibato na lang niya lang laptop niya sa pader. Punong puno na ang isip niya ng mga kaganapan na hindi niya inaasahan. Isama pa ang nakita niyang pagiging malapit ni Raikoo kay Cassey.

"Akala ko ba ako mahal niya. Putek pala siya eh. Nawala lang ako ng dalawang linggo may pinalit na siya. Bakit dahil ba hindi ko siya pinayagan manligaw kaya naghanap na siya ng bago. Pwes magsama sila ng pusit na yun. Siya din magsisisi dahil pinalit niya sa isang dyosa ay isang pugita." sabi ni Winter sabay talukbong ng kumot niya sa sarili sabay padyak ng mga paa dahil sa frustration. Lingid sa kaalaman niya narinig pala ng Nana niya ang huling sinabi niya.

an:: Si Nana ay ang yaya nila Winter at Autumn noong mga bata pa sila.

_____________________________________

ceikret

**edited**

ai wo

Continue Reading

You'll Also Like

1K 191 34
How's the life having gangster brother and nerd sister, did they treat each other well or they just treat each other like a nothing. Would they risk...
606K 16.7K 51
Angela Nicole Lopez isang Teacher sa umaga, Gangster sa gabi. She rules the top Gang in the Underground Society, and is the infamous Queen of Gangste...
636K 20.2K 76
There are four girls na mayaman, maganda, sexy, fashionista and. . . GANGSTERS They are the most powerful gangsters, they are known for their strengt...
1M 33.6K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...