SAVE ME FROM HELL ( COMPLETED...

Por AiyanaMyrtle

5.4K 224 18

"Every step you make, every move you take devil is watching you. Entering his territory is suicidal." SAVE ME... M谩s

SAVE ME FROM HELL
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20

Chapter 8

204 9 1
Por AiyanaMyrtle


She's Back!

Chapter 8

Maaga pa lang nagkumpulan na ang mga tao sa hallway. Puro bulong-bulongan na sila lang ang nakakaalam. Naiwan na naman kasi ako nila Hera hindi ako nagising ng maaga. Dahan-dahan akong naglakad..

"Ano kaya magiging reaksyon ni Phoenix."

"Mali ka naman e. Hindi kay Phoenix na reaksyon ang intindihin mo kung hindi kay Sendy. Hindi ba napapabalitang lagi silang magkasama."

"Ay tama ka diyan girl. Ang sabi pa nga ng iba sekretong nagkikita ang dalawa sa likod ng ng school tuwing gabi."

Tumaas ang kilay ko sa narinig ko. Sa halip na patulan ang mga sinabi nila nagpatuloy nalang ako sa paglalakad papuntang Dinning Hall. Napayuko nalang ako para iwasan sila. Ayokong isipin nila na nakikinig ako sa usapan nila.

Sa lalim ng iniisip ko hindi ko agad napansin na mababangga ako. Napahawak tuloy ako sa ulo ko saka tumingala para tingnan kung sino ang nabangga ko..

Hindi ko inaasahan na siya ang mababangga ko."Ayos ka lang ba? Tumingin ka sa dinadaanan mo. Paano nalang kung hindi ako ang nakabangga mo? Paano kung ang mga gangster dito na hindi mo kilala e 'di napahamak ka pa." Pwede naman magsabi nalang nanenermon pa. Tss!

"Sige una na ako. Pasensya na!" Hindi ko na hinintay ang sagot niya nagmadali nalang akong naglakad.

-

Hindi paman ako nakapasok sa loob ng Dinning Hall nagkumpulan na naman ang mga estudyante.

Ano ba naman ang mga 'to. Wala na ba silang ibang magawa kung 'di ang magtsismisan kaysa atupagin ang pag-aaral.

Akma na akong papasok  nang may biglang humila sa'kin sisigaw na sana ako ng takpan niya ang bibig ko at dinala sa gilid ng dinning hall sa bandang kanan may maliit na daan doon patungong restroom.

Nagulat ako ng si Tyron pala ang humila sa'kin.

"Ano ba? Bitawan mo nga ako." Bulyaw mo sa kaniya.

"Pasalamat ka nga't niligtas kita doon. Alam mo bang balak kang dumugin ng mga taong nand'on kanina. Tatanungin ka nila kung ano na ang meron sa inyo ni Phoenix ngayong nakalabas na ng detention si Sabrina. Tingin ko naman ay may alam ka tungkol sa kanilang dalawa. Kung wala ay sasabihin ko sa'yo. Si Sabrina ang girlfriend ni Phoenix. Pero ayaw ni Phoenix sa kaniya. Napilitan lang si Nix dahil sa banta ng  Sabrina. Kilala ng pamilya ni Sabrina ang buong angkan nila Phoenix. Isang kilalang leader ng sindikato ang ama ni Sabrina sa labas. Tinapon nila si Sabrina singilin ang pagkaka-utang ng pamilya nila Nix sa tatay ni Sabrina at si Nix nga ang kabayaran ng pagkaka-utang na iyon. Labag man sa loob ni Nix  kailangan niyang pakisamahan si Sabrina sa ayaw niya o sa gusto. Dahil kapag nalaman ng ama ni Sab na hindi tumupad sa usapan ang pamilya ni Nix. Baka wala na silang babalikan kung sakali mang makalabas sila dito."

Hindi ko alam saan nakuha ni Tyron ang impormasyong iyon tungkol sa pamilya ni Phoenix at Sabrina.

"Bakit mo ba sinasabi sa'kin ang mga ito. Akala ko ba ay ayaw mo sa'kin?"

"Wala naman akong sinabing ayoko sa'yo. Ayoko lang kumausap ng isang tao hangga't wala akong nalalaman tungkol sa pagkatao niya. Ang balita ko ay pinsan ka ni Brenda."

Iyon lang ang dahilan niya masyado naman yata iyong mababaw.

"Alam kong may girlfriend si Phoenix dahil hindi naman ako bingi para 'di marinig ang balita. Hindi rin ako kasing tanga ng inaakala mo. Higit sa lahat hindi ako tulad ng ibang babae na akala mo ay papatol sa pagmamay-ari na ng iba. Hindi ko din naman hawak ang utak at puso ni Phoenix lalong nasa tama naman siyang pag-iisip para magdesisyon para sa sarili niya."

Ayoko talaga sa lahat iyong dinidiktahan ako.

"Binabalaan lang kita dahil kapag napahamak ka walang ibang tutulong sa'yo kundi sarili mo lang." Seryosong sabi at deritsong nakatitig sa mga mata ko.

"Salamat sa babala mo pero kaya ko ang sarili ko." Tinalikuran ko siya nang hindi nagpapaalam.

Nawalan na ako ng ganang kumain. Mamaya nalang ako kakain. Napag-desisyonan kong pumunta muna sa library. Buti naalala kong may assignment pala kami sa History.

Nasa pinakadulo ako ng library umupo. Iyong tagung-tago. Ayoko kasi ng istorbo lalong ayoko ng may ka-share sa upuan kapag nasa library ako nadidistract kasi ako.

Habang pumili ako ng libro may nakakuha ng atensyon ko. Agad ko namang kinuha ang librong iyon.

"ZOMBIES" iyan ang nakalagay sa title.

"Hanggang ngayon wala pa din sagot sa tanong, Wala pa din lunas sa kakaibang sakit na dumapo sa mga estudyante ng Helveria. Maraming buhay na ang nawala. Maraming buhay na ang nabago. Kailan kaya mabibigyan lunas ang sakit nila. May pag-asa pa ba na maging normal sila. Ang sabi ng isang doktor possibleng maging zombies ang mga iyon dahil unti-unti ng namamatay ang utak nila bumibigay natin ang puso. Pero ang katawan nila buhay na buhay pa. Isang lunas lang kailangan. Ngunit isang doctor lang ang may alam. Ayon sa iba matagal ng namayapa ang doctor na iyon. Hindi matukoy ang dahil. Ang sabi naman ng iba pinama niya ang galing sa anak nito. Walang may alam kung alin nga ba ang totoo. Ang mga Zombies ay kinulong nila sa madilim na bahagi ng Helveria. Pinapalabas lang nila ang mga ito tuwing may okasyon o kaya naman kapag may nagbukas ng pinto."

Hindi ko na tinuloy ang pagbabasa tila sumasakit ako ulo at para akong nahihilo. Masyadong malawak ang eskwelahang ito. Sa sobrang lawak ay bawat sulok nito may tinatagong sekreto. Ilan lang ang nakakaalam. Gaya ng nakasulat sa libro tingin ko ay may alam siya tungkol sa nangyari sa Helveria noon at sa mangyayari sa ngayon.

"Nandito ka lang pala kanina pa kita hinahanap. Halika baka mahuli ka sa klase mo. Kanina ka pa hinahanap nila Hera."

"Paano naman  nalaman na nandito ako."

"Naramdaman ko."

"How hanep! E 'di ikaw na. Mauna na ako huwag kang sasabay o didikit sa'kin. Mahirap na makita pa tayo ng girlfriend mo. Pero teka hindi ba dapat kasama ka niya kasi kababalik
lang niya." Salubong ang mga kilay kong humarap sa kaniya.

"Wala akong pakialam sa kaniya. Siya lang naman itong nag-iisip na mayroong kami. Bakit mo ba ako laging pinagtutulakan sa iba."

Oh? 'Di ba siya pa itong naiinis.

"Sinasabi ko lang na dapat siya ang kasama mo at hindi ako. Baka ano na naman isipin ng makakita sa atin."

Napabuntong-hininga na lamang siya at naglakad palayo.

Bago paman ako nakapasok sa room namin ay nakasalubong ko si Sabrina.

"Excuse me, Kung hindi ako nagkakamali ikaw si Sendy 'di ba?" Tanong niya.

Tahimik ko siyang tiningnan mula ulo hanggang paa. Malayong-malayo nga kaming dalawa. Tindig mayaman, pormang mayaman. Hindi maikakailang galing sa mayamang pamilya.

"Ako nga may kailangan ka ba sa'kin?"

"Tingin ko ay alam mo na sino ako. Do me a favor. Palayuan mo si Phoenix, hindi uso sa'kin ang salitang share your blessing. Ang akin ay akin." Bigla naman tumaasa ng kilay ko sa sinabi niyo.

Sarap ingudngod ng mukha nito sa putik. Tadyakan ko kaya bruhang 'to!

Tumawa ako ng konti. "Alam mo mali ang pagkakaintindi mo. Walang kami ni Phoenix kung sa'yo siya e 'di saksak mo sa baga mo. Pwede ba? Wala akong pakialam sa kung anong meron sa inyo dalawa. Kung ayaw mong maagaw siya sayo itali mo sa baywang mo." Inis ko siyang iniwan sa kinatatayuan niya.

"Oh? Ba't ganiyan ang itsura mo?" Tanong ni Fleigh pagka-upo ko.

"Wala pagod lang ako. Kanina pa ako sa library 'di ko pa tapos iyong assignment sa history." Pagdadahilan ko.

Hanggang sa bumalik kami sa dorm ay naiinis pa din ako nagkunwari nalang akong tulog dahil kinukulet nila akong kausapin si Phoenix na halos araw-araw dinadalaw ako dito sa dorm. Daig ko pa may sakit lagi niyang dinadalaw. Ba't 'di kaya iyong girlfriend niyang hilaw ang atupagin niya ng mabawasan naman ang pagka-stress ko sa kaniya.

Nang sumunod na araw. Tila nagiging weird na ang pakiramdam ko. Tuwing naglalakad ako ng mag-isa sa hallway parang may sumusunod sa'kin 'pag lumingon naman ako ay wala akong nakikita. Sa gabi naman bigla nalang akong nagiging kasi sobrang lamig kahit pinapapatay ko na ang aircon. Pakiramdam ko may katabi ako pero wala naman. Napaka-weird. Ilang gabi na akong hindi makatulog ng maayos. Tinatanong ako nila Fleigh bakit parang lagi akong puyat kahit na maaga naman kaming nagpapahinga.

Dinadahilan ko na lang na maaga akong nagigising. Kaya parang tingin nila puyat ako. Nauubusan na ako ng idadahilan tuwing tinatanong nila ako.

Araw ng sabado, Habang nasa klase ako kay bigla nalang akong nakaramdam ng isang napakalamig na hangin na para bang yumayakap sa'kin. Napahaplos ako sa akong braso.

"Ayos ka lang ba Sendy?" Tanong ni Hera.

"Ah-- Oo okay lang ako. Medyo nilalamig ako."

Binigay naman niya sa'kin ang jacket niya. Hanggang sa kalagitnaan ng klase ay bigla nalang sumama ang pakiramdam ko. Para akong nahihilo at sobrang lamig ng pakiramdam ko at bigla nalang nagdilim ang paningin ko.

"Hera? Anong nangyari?"

"Hindi namin alam bigla nalang siyang hinimatay. Ang sabi niya ay nilalamig siya kanina kaya binigay ko ang jacket ko. Tapos ayon na hinimatay na siya. Ang sabi ng nurse wala naman siyang sakit akala ko nga nilalagnat siya kasi nilalamig pero normal naman ang temperature niya."

Mga lang nila ang nakikinig ko. Hindi ko magawang imulat ang mga mata ko ni ang igalaw ang mga kamay at paa ko ay 'di ko magawa.

Anong nangyayari sa'kin. Gusto kong sumigaw pero naninigas ang buo kong katawan.



To be continued •••

Seguir leyendo

Tambi茅n te gustar谩n

695K 47.2K 44
Crime and murder podcaster Wren Lozarte is desperate to earn money for her ailing uncle so she accepts a strange but high-paying offer from a mysteri...