Take me to your HEART (GxG) :...

By _AyEnNe_

626K 18K 1.8K

*** COMPLETED ❤❤❤ *** Sabi nila ang Quickie masarap daw.. lalo na pag mahal nyo ang isa't -isa. But how come... More

Chapter 1 : JUBEL
Chapter 2 : I Dare you! (SPG)
Chapter 3 : " Hired "
Chapter 4 : "Ignored"
Chapter 5 : Stop that!
Chapter 6 : Ang Daga bow!
Chapter 7 : " Green minded"
Chapter 8 : "I'm Sorry"
Chapter 9 : " Broken Promises "
Chapter 10 : " Salt or Sugar? "
Chapter 11 : Spell - " Kahihiyan "
Chapter 12 : Unfolding the PAST
Chapter 13 : Shattered
Chapter 14 : Don't Leave ME
Chapter 15 : Medyo SPG
Chapter 16 : Aftermath
Chapter 17 : My Agitated Heart
Chapter 18 : Surprise!
Chapter 19 : A Dear Friend?
Chapter 20 : Flowers for You
Chapter 21 : Officially Missing YOU
Chapter 22 : She Cares For YOU
Chapter 23 : Yearning Hearts
Chapter 24 : SPG
Chapter 25 : Cuddling Ms. Sungit
Chapter 26 : Uncontrolled Emotions
Chapter 27 : Emotion Revealed
Chapter 28 : Meetup
Chapter 29 : Clingy GF (SPG)
Chapter 30 : Unplanned
Chapter 31 : Spoiler
Chapter 32 : Her Past
Chapter 33 : Meet the Sandovals
Chapter 34 : A trick
Chapter 35 : Unexpected Visitor
Chapter 36
Chapter 37 : behave or else...
Chapter 38 : i'm sorry, but I love her
Chapter 39 : Ang Girlfriend kong timang
Chapter 40 : Kiss and make up
Chapter 41 : Imagine me & you
Chapter 42 : Flashlight
Chapter 43 : Why?
Chapter 44 : Drifting
Chapter 46 : are we done?
Chapter 47 : Payback time
Chapter 48 : Regret's
Chapter 49 : longing
Chapter 50 : She's not just a woman
Final Chapter

Chapter 45 : Awaken

5.3K 232 27
By _AyEnNe_


Sometimes the two people who are truly best for each other will have to face greater obstacles in order to be with each other.

____________________________

Louise (POV)

Hindi ko napigilan ang pagbalot ng kaba ng madampot ang bagay na iyon. Radyo iyon ni Gabby at hindi ako pwedeng magkamali. Dahil nakadikit ang personalize sticker na may initial ng panagalan nya. 

MGS

Nanlalaki ang mata ko ng mapagtanto ang lahat.

Nandito sya?

Nabalutan ako ng takot at wala sa sariling napatingala sa palapag na pinanggalingan ko.

Hindi kaya nya kami natunghayan sa isang kompormisong sitwasyon?

Pero... pero kung sakali mang nakita nya kami, bakit hindi ko sya napansin?

Bakit hindi sya lumapit?

Bakit nandito ang radio nya na animo hindi nya napansing na nahulog?

Bakit....

Marami pang bakit ang naglaro sa isipan ko pero hindi ko na iyon pinagtuunan ng pansin dahil sinalubong ako ng kakaibang nerbyos na kanina pa nagkukumawala.

oh god! Wag naman sana magkatotoo ang hinala ko. Kinakabahan kong daing.

At kung magkatotoo man iyong iniisip ko sa tingin ko ay kailangan ko syang makita para makausap tungkol sa ginawa ng kaibigan nya sa akin.

Ayokong isipin at ayokong sanang i-entertain ang negatibong pakiramdam na iyon pero pilit iyong nagsusumiksik kung kaya dali-dali akong bumaba para hagilapin ang katipan.

Hindi ko malaman ng mga oras na iyon kung saan ko sya hahanapin hanggang awtomatiko akong dinala ng mga paa sa parking lot.

Lumilinga-linga ako sa paligid at duon ko nakita ang taong hinahanap.

Nagmamadali ang mga kilos nito patungo sa direksyon ng kanyang sasakyan ng dagliang mapatigil ng tawagin ko.

She paused for a while pero muling naglakad palayo.

Napanganga ako sa ginawa nitong pagbalewala habang pilit pa ring isinasantabi ang pagkalabog ng sariling puso.

Oh god! Please don't.

Nagmamadali akong sumunod dito hanggang sa maabutan ko ito at harangin.

"b-baby" usal ko sa mababang tinig habang nakatitig sa mga mata nito.

Tumigil ito at tumitig sa akin, nakita ko pa kung paano nagsimulang mag-apoy ang mga mata nyang iyon. Patunay lamang na totoo ang aking hinala na may natukalasan ito ng mga oras na  iyon.

I sighed sharply.

"b-babe, w-whatever it is na n-nakita mo ay hayaan mo akong m-magpaliwanag" malumanay iyon sa nagmamakaawang tinig.

Guilty i maybe. Pero wala na akong pakialam sa kung anu pa man. Ang gusto ko lamang ay direktang sabihin dito ang totoong nangyari.

Lumapit ako sa kaharap ng bahagya at akmang hahawakan ang braso nito. Nang papiksi itong umatras "get out of my way" pautos iyon at hindi pakiusap na kakabakasan ng malamig na tono.

I taken aback but i manage to response after a while.

"n-no" umiiling na tugon ko. I wanted to respond to her the same way she did pero kataka-takang pati tinig ko ay nanghihina na rin.

Gabby didn't react at akmang maglalakad papalayo ng muli akong kumibo.

"h-hindi ako aalis dito n-nang hindi mo ako kinakausap, nang hindi TAYO naguusap" matigas kong pagtanggi habang nagsisimulang mamuo ang mga luha na pakiramdam ko ay anumang oras ay tutulo na din.

"wala tayong dapat pag-usapan..Louise" mariing pagbigkas nya sa pangalan ko na animo estranghero iyong lumabas sa labi nya.

Natigilan ako pansumandali dahil sa pakitungo na ginawa nya.

Gumuhit ang sakit sa aking puso at hindi ko na napigilan ang mga luhang naguunahang kumawala sa aking mga mata.

Naiiling akong lumapit sa kaharap at niyakap ito habang umiiyak na nakikiusap "Gabby, p-please don't do this to me "

" please.... " humihikbing pakiusap ko. Pero animo tuod lang ang kaharap na nakatingin sa kawalan habang nagtatagis ang mga bagang.

Hindi ito kumibo at hindi rin natinag.

Bahagya kong inilayo ang katawan, hinawakan ang magkabilang pisngi nito at pilit iniharap sa akin. "b-babe, look at me please " pilit kong hinuhuli ang tingin nito pero ni hindi man lang ito magawang lumingon.

Ilang sandali pa akong nakiusap pero animo hangin na hindi man lang ako nakikita.

Matigas pa rin ang leeg nitong nakatingin sa kawalan. 

Hanggang sa nanlulumo akong napayakap sa kanya.

Mahigpit na mahigpit. Na tila ipinapabatid ang isang mensahe ng pagpapaliwanag na ayaw nyang pakinggan.

Im clinging into her as if im clinging into mylife.

And she is indeed.

My Life.

Patuloy ang pag-iyak ko  when she grab me and push me away slowly.

"n-no,,, noooo baby please d-don't.... " pakiusap ko pero animo bingi ito at hindi nagpatinag sa ginagawa "makinig ka naman sa akin, please.. pag-usapan natin ito parang awa mo na" hinaing ko habang  hilam na ng luha.

"wala na tayong dapat pag-usapan pa " galit na tugon nito ng mailayo ang sarili nya sa akin.

"no!! bakit ba ayaw mo akong magpaliwanag?!!" paghiyaw ko habang umiiyak.

"dahil ayokong marinig ang kasinungalingan mo!!! " bulyaw nito. "sapat na sa akin ang lahat ng nakita ko"

"H-hindi mo naiintindihan!! Mali ang inaa-" angil ko na kaagad naputol.

"huh?! Really?!And now it's my fault??? ...Kaya ngayon ay ako na ang may mali at hindi ikaw???! "

"at iyong ginawa mo duon ay tama??? tama ba  na makipaghalikan ka sa kaibigan ko??!

"hindi ganuon iyon!!! "

"nakita ko ang nakita ko! wag mo akong gawing tanga!"

"h-hindi mo naiintindihan"

"talagang hindi ko maintindihan"

" hindi ko maintindihan kung bakit mo nagawa iyon! "

"Tss!" Singhal nito habang nagtataas baba ang dibdib sa sobrang galit.

Dumiretso ito ng tayo at namaywang. "may gusto ka rin pala duon sa gunggong na iyon, eh di sana ay sinabi mo sa akin para lumayo ako ng hindi naging malalim ang nararamdaman kong ito para sayo"  sumbat nya.

Disbelief surely registered all over my face ng marinig ko ang sinabi nya.

Tumitig ako sa kanya, pilit na hinahanap sa mga mata nito ang titig na dati ay punong-puno ng pagmamahal. Pero nabigo ako dahil purong galit ang mga nanduon.

" ganyan na ba talaga ang tingin mo sa akin ? " sita ko sa naghihirap na tinig.

Bahagya pa akong napabuntong hininga ng sumirit ang kirot na iyon.

Hindi matanggap ng buong sistema ko na pinagsasalitaan ako ngayon ng taong ni sa panaginip ay hindi ko inakalang pag-iisapan ako ng ganito.

Dumiretso ako ng tayo "tsss" padaskol na pinahid ang luhang muling umagos.

Tinitigan ko ang kaharap na bagamat nakita kong natigilan ay dagli ring nanumbalik ang nagliliyab nitong tingin.

Kasunod nuon ay nakita ko kung paanong may lumatag na hinanakit sa mga titig nito.

Sa sobrang sakit nuon ay naramdaman ko iyong gumuhit sa aking dibdib.

Hanggang napansin kong may namuong luha sa mga mata nya. Yumuko pa ito para itago pero huli na dahil nakita ko kung paano  iyon unti-unting tumulo.  

Napatigil ako.

Oh god! she's crying.

Tila binibiyak ang puso ko sa tinutunghayan kong reaction nya.

Gustong-gusto ko pawiin lahat ng nararamdaman nyang iyon pero hindi ko alam kung paano.

Tama na baby, please.

"you know what?" narinig kong usal nya habang nakayuko. " I really thought that your different. But I was wrong---" dugtong pa nito na puno ng hinanakit.

Nag-angat ito ng paningin at tumitig sa akin ng umiiyak.

Nalilito akong napatingin dito "b-babe, you ---"

"I was wrong!!! Dahil kagaya ka rin ni Jena!! Pareho kayong manloloko!!!" bulyaw nito. 

"fuck no!!! don't you even dare to compare me to her! Dahil hindi ako katulad nya!" ganting sigaw ko ng mag-umalpas ang galit buhat sa paratang na nang-galing mismo sa kanya.

"And do you expect me to believe that?? Tangina!!  sigaw nito.

" tell me! anong ipinagkaiba mo sa kanya? kung pareho lang naman kayong maland--!!"

PAAAKKK!!!

Nanlaki ang mga mata ko sa kagyat na naging reaction.

Nasampal ko sya ng malakas na nagpabiling sa mukha nito. Ang kaninang namumula nyang pisngi dahil sa  di' mapigil na emosyon ay lalong lumala dahil sa ginawa ko.

"i-imm s-sorry, babe! H-hindi ko sinasadya---" nauutal kong paumanhin at akmang lalapitan but she motioned me to stop by raising her arm.

Madilim ang mukhang nilingon ako nito.

She's throwing me her death glare.

Nagtatagis ang mga bagang at walang kibo na tinalikuran ako.

Mabilis itong lumakad patungo sa sariling sasakyan.

Hindi naman ako nagpatumpik-tumpik at sinundan ko ito " Gab... Gab... please.. listen to me...." Habol ko dito sa kabila ng sunod sunod na pagtulo ng sariling luha.

Hindi ako nito pinansin at animo nagmadali pang lumakad palayo sa akin .

Muli ko itong hinabol at ng maabutan ay hinawakan ang braso " b-baby.... "

"wag' mo akong hawakan" anito matapos huminto sa malalim at malamig na tinig.

Kinilabutan ako sa pamilyar na tonong iyon. that was the same intonation na ginamit nya sa akin when we first met sa isang bar.

Malamig at walang buhay.

Pinagmasdan ko ang kabuuan nyang nakatalikod at kitang-kita ko kung paanong nagtaas-baba ang balikat nito habang nakakuyom ang mga kamao.

"b-baby... let's ---" Sa pangalawang pagkakataon ay sinubukan ko ulit itong hawakan pero....

"take your filthy hands off me!!! " sigaw nito na ikinaigtad ko. Pumiksi sya buhat sa pagkakahawak ko at galit na lumingon sa akin. Napalunok ako ng makita kung paano nagtagis ang bagang nito pero hindi ko iyon inalintana at muling nagsalita sa hirap na tinig.

"w-wag namang ganito, Gab... please " pagmamakaawa ko habang umiiyak.

Namamaos na ako sa pakiusap pero balewala lang sa kanya.

Hindi ito nagsalita at nanatili sa ganoon ayos. Habang tinatapunan ako ng nagbabagang tingin.

Nasasaktan ako babe.. makinig ka naman sana. 

"kung ano man ang nakita mo ay nagkakama---"

"I don't want to hear any explanation from you. And I don't want to see your face e-v-e-r again" putol nito. Bawat kataga ay tumagos sa puso ko. 

Nanlalambot akong napatingin sa kanya. Animo tinakasan ako ng kahit na anong lakas ng dahil sa mga sinabi nya. Pero lalo ako nalugmok ng marinig ang huli nyang tinuran.

"....we're done"

Yun lang at dali-dali na itong tumalikod.

Napatigalgal ako at hindi ko nakuhang humabol. Pakiramdam ko ay hindi ko na kaya pang lumakad dahil anumang oras ay bibigay ang tuhod ko.

Tutop ang bibig at ang tanging nagawa ko na lamang ay tanawin ang taong minamahal.

"mahal kita, Gabby! " ang tanging naisigaw ko bago ito tuluyang pumasok sa sasakyan. Umaasang ito'y hihinto at hindi ako iiwan pero bumigay ang mga tuhod ng tuluyan itong umalis matapos mapahinto pansumandali.

mahal na mahal kita. Bulong ko kasunod ng mga hikbi at walang habas na pagluha.

Wala na akong nagawa pa kundi ang tanawin na lang humaharurot nitong sasakyan.

Napaupo ako ng tuluyan habang patuloy na umiiyak.

Kasalukuyan kong iniinda ang sakit na hindi ko maipaliwanag ng marinig ko ang isang pamilyar na tinig.

"Louise!"

Nang dahil duon ay animo nakakuha ako ng kakampi kung kaya't ang impit na pag-iyak ay tuluyang nauwe sa paghagulgol.

"jusko! ano bang nangyayare?" anito sabay kabig sa akin ng tuluyang makalapit.

"tahan na..." pag-alo nito habang hinahagod ang likuran ko.

Puro hikbi lang ang naisagot ko sa sunod-sunod nyang pagtatanong habang yakap-yakap ako nito at inaalo.

God, bakit naman ganito. Bakit ang sakit-sakit.

Baby, bumalik ka please. Wag' mo akong iwan.  piping bulong ko habang umiiyak.

Pilit na pinapaniwala ang sarili na ito ay isang masamang panaginip lamang.

Isang panaginip na anumang oras ay mawawala dahil pagmulat ng mga mata ko ay matutunghayan ang taong minamahal na syang nasa tabi ko.

Pero pilitin ko mang lokohin ang sarili ay ipinagkakanulo ako ng nararamdaman. Sa sobrang sakit na bumabalot sa puso ko ay iniinda ko iyon hanggang sa kaibuturan ng pagkatao ko.

Isang bagay na nagpapatunay lamang na hindi panaginip ang lahat ng nangyare.

********

Gabby's (POV)

"here's your drinks Ma'am" pukaw ni Drei sa akin matapos ilapag ang inorder kong inumin.

Nagpasalamat ako dito at kapagtapos ay iginala ang paningin sa paligid at pasarkastikong ngumiti.

Akalain mong babalikan pa rin pala kita. 

For less than a year I thought hindi na ako makakabalik sa lugar na ito.

Ito ang naging tambayan ko nuong panahon na lugmok ako ng dahil kay Jena. Ang naging kaulayaw ko sa mga gabing hindi ko maintindihan kung bakit pinagkaitan ako ng tadhanang maging masaya.

Dito ang safe haven ko before at mukhang magpahanggang ngayon.

Ngayon na sugatan na naman ang puso ng dahil sa isang babae.

Wala sa sariling napatingin ako sa back door ng lugar na iyon.

I sighed.

Binalot ng kung anong emosyon ang dibdib ko ng tuksong bumalik sa balintataw ko ang isang eksena.

Kung papaanong iniahon ng isang babae ang puso kong sugatan sa kumunoy ng kalungkutan.

Dahil sa nakasisilaw nitong ngiti at mala-anghel na boses ay tuluyan nitong napukaw ang atensyon ko na ilang beses kong ipinagkait sa mga taong gustong makapasok sa buhay ko ng gabing iyon.

Dito kami pinagtagpo ng tadhana.

Dito sa eksaktong kinakaupuan ko, dito ako binulabog ni Louise.

At simula nuon ay binulabog na rin nya ang aking mundo.

Mapait akong ngumiti.

Sino ang makakalimot sa gabing iyon kung saan walang inhibisyon nyang naibigay ang sarili sa akin. Binuhay nya ang dugo ko na matagal ng hindi dumadaloy ng higit pa sa normal, kagaya ng pagbuhay nya ng mumunting pag-asa sa akin.

Pag-asa at pag-asam na muli kong mararanasan kung gaano kasarap ang magmahal at mahalin sa kabila ng sakit na naidudulot nuon paminsan.

Totoo nga yata ang sabi nila.

Kung gaano mo daw kamahal ang isang tao ay ganuon din ang katumbas na sakit na mararanasan mo.

Pero bakit ba nga ba palaging magka-lebel ang pagmamahal at sakit? Bakit ba hindi na lang puro pagmamahal na walang hatid na sakit? Tanong ng innerself ko na tinugon ng kabilang panig.

Siguro ay malaki ang parte ng sakit kapag nagmamahal. Maaaring nagiging isa ito sa dahilan para ma-realized mo kung gaano mo kamahal ang isang tao.

Minsan rin, kapag nasasaktan tayo sa isang bagay ay nagsisilbi iyong aral para wag' na muling danasin ang ganuong sitwasyon.

In that case, alin sa dalawa ang akma sa akin. Sa sitwasyon namin.

My otherside didn't response.

I sighed sharply at pinagsiklop ang dalawang kamay habang pilit hinahanapan ng sagot ang gumugulo sa isipan.

I was in my deep thought when I felt a hand on my shoulder.

"Gab" pukaw ng isang tinig kasabay ng pagtapik sa balikat ko.

Bumaling ako sa pinanggalingan ng tinig na iyon at bumungad sa akin ang seryosong mukha ni Rowan.

Mapakla ko itong tinapunan ng isang ngiti na sinagot lang nya ng pagtango.

Tinawagan ko ito matapos umalis sa site at hiniling na damayan ako ngayong gabi.

I partially told her what happened earlier which is the reason kung kaya't hindi na ito tuluyang nakatanggi sa request ko.

"are you okay, buddy?" puna nito matapos umorder ng inumin at umupo sa katabi kong upuan.

"do I look like okay?" I said sarcastically sabay tungga sa iniinom.

"tsss!" napapailing na anas nito kapagdaka'y iniikot ang inuupuang stool bar at humarap sa akin.

" ano ba talaga ang nangyare?" seryoso nitong tanong na nakapag-pailang sa akin.

Lumingon ako sa gawi nito.

Sa tagal na naming magkaibigan bibihira ko ito kakitaan ng pagiging seryoso. Sa tuwina ay sya ang pinakamagulo at pinaka-hyper sa aming dalawa.

Walang araw na hindi nito ginagawang biro ang lahat-lahat. Minsan kahit seryoso na ang sitwasyon ay nakukuha pa rin nitong makipaglokohan. The Happy-go-lucky type of friend.  Iyon bang tipo ng taong hindi mo mapapansin na may pinagdadaanan (kung meron man). Maaaring magaling lang sya magtago ng nararamdaman dahil maka-ilang beses ko lang sya nakitang problemado at iyon ay sa isang babae lang.

Kaya naman ang makita syang ganito katino ay talagang nakakapanibago.  

"pinapunta mo lang ba ko dito para pagnasaan? huh?" pukaw nito sa akin at pinanlakihan pa ako ng mata.

Sinamaan ko sya ng tingin. "tss! gago! " komento ko sabay tungga ng iniinom.

"alam kong gwapo ako, okay? pero pwede bang magkwento ka na lang and stop checking me out" pagde-demand nito na bagamat pabiro ang unang sinabi ay hindi ko iyon ikinatuwa. 

Napa-buntong hininga ako at mataman na pinagmasdan ang kausap. Pero muli kong ibinaling ang tingin sa kawalan bago nagsimulang magkwento sa kaibigan.

Inumpisahan ko sa pagkukwento kung gaano kagusto ni Fermin si Louise at kung gaano nito ipinaramdam na pursigidong makuha ang huli. Hindi ko rin itinago ang tungkol sa mga naging balak gawin ni Fermin para mapormahan lang ang katipan.

At kagaya ng naging reaction ko dati ay nairita din ito. Napapa-palatak pa ito habang umiiling kasabay ng ilang pagkomento.

Mabigat ang kalooban na nagtuloy ako sa pagkwento na mataman nitong pinakinggan hanggang tuluyan ng napamura when I went to the latter part of the story kung saan ay nakita ko sila Fermin sa isang unit at naghahalikan.

Wala akong hindi sinabi sa kaharap at sa pagitan ng pag-inom namin ay inilahad ko ang lahat-lahat sa kanya.

Sa naghihirap na kalooban at naninikip na dibdib ay na-ibida ko din ang naging pagtatalo namin ni Louise nuong hapon ding iyon. Ultimo ang mga masasakit na salita at akusa na ibinato ko sa katipan ay inilahad ko dito.

At duon na nagsimulang magkomento at magtanong ang kausap.

"alam mo? bullshit ka!" inis na sabi nito. 

I know.  I said to myself matapos bumuntong-hininga. Muli na namang binalot iyon ng sakit na hindi matanto.

"paano mo napagsalitaan ang girlfriend mo ng ganuon?" sita nito ng nakakunot ang noo.

"I was mad. what do you expect me to do?" kagyat kong tugon dito. 

"kahit na" salag nito.

Sarcastic akong ngumiti dito at iiling-iling ng maramdaman kong ako pa ang sinisisi nito.

"It was my initial reaction, Row. Galit na galit ako. Pakiramdam ko bumalik lahat ng nakaraan ko nuong makita ko sila.. lahat lahat ng sakit, Row. Lahat iyon umusbong" daing ko habang pinapakiramdaman ang pamilyar na pagkirot ng dibdib ko.

"tsk! pero hindi pa rin tama iyong pananakit mo sa girlfriend mo" reklamo ng katabi.

Napalingon ako dito at napadiretso sa pag-upo.

Tumaas ang isang kilay ko at binato ko ito ng nang-uuyam na tingin.

"oh wow! coming from you?" I said sarcastically kasabay ng pag-head to foot dito.

"what?!" kunot-noong tanong nito.

"eh ano nga bang ipinagkaiba ng pananakit mo sa mga babaeng pinapaasa mo sa nagawa ko sa girlfriend ko?" naiirita kong sita dito.

Kung makapagmalinis naman akala mo santo.

"excuse me lang ha? kahit kailan ni isa sa mga naging girlfriends ko ay hindi ko pinagsalitaan ng mga masasakit na salita dahil kahit ganito ako, marunong naman ako maging sensitive sa mga salitang binibitawan ko. Hindi kagaya mo. salita nga lang iyon para saiyo pero nakaka-torture ng emotion iyon. Engot ka ba?"

"tsss"

Yeah right! eh iyon bang  pakikipag-break nya sa mga iyon ng walang ibang dahilan kundi sa nagsasawa na sya ay hindi ba nakakasakit?

Hinaing ng isang panig ko na pinili na lang na hindi isatinig.

Inirapan ko ito at tinungga ang ini-inom.

Sa totoo lang, gulong-gulo ang isip ko matapos naming mag-usap ni Louise kanina. At mag-pahanggang ngayon ay hindi ko talaga alam ang gagawin ko.

Oo nagagalit pa din ako, pero humupa na iyon ng bahagya. At sa aminin ko at hindi, umuusbong na duon ang kunsensya na hindi ko naman naramdaman kanina.

Eh kasi nga galit ka, Gabby. galit na galit ka!

Napailing ako ng bahagya.

Wala sa sariling nai-angat ko ulit ang iniinom at tuluyan iyong sinaid.

Bumaling ako kay Drei at humingi pa ng isang round ng muling kumibo ang katabi.

"wala akong nakikitang dahilan para awayin mo si Louise ng ganuon"

"seryoso ka ba jan? hindi pa ba malinaw na dahilan iyong nakita ko" salubong ang kilay na pagsita ko dito, ang akma kong pagdampot ng pulutan ay nabinbin.

And I thought she is my friend? pero bakit kung sitahin nya ako ay ganuon na lamang.

"ok! " she sighed at iniangat pa sa ere ang dalawang kamay na animo sumusuko.

Mariin itong tumitig sa akin at inilapit ng bahagya ang mukha.

" Ipagpalagay na nakita mo nga sila sa ganuong sitwasyon. Sa tingin mo ba ay ginusto ni Louise iyon?" tanong nito.

At ako'y napaisip.

Natigilan ako sa sinabi nito pero hindi ko iyon ipinahalata sa kaibigan.

"basta! nakita ko ang nakita ko" pag-pupumilit ko.

" tanga ka pala eh" komento nito at iiling-iling na uminom.

Tinapunan ko naman ito ng masamang tingin dahil sa sinabi. Lumingon ulit ito sa akin while tilting her head then smile sarcastically.

"pinakinggan mo ba ang paliwanag ng girlfriend mo?or... should I say hinayaan mo man lang bang magpaliwanag sa'iyo iyong tao?"

"why should I ?" kagyat kong sagot. "galit ako and It doesn't matter what explanation she has. Sarado ang isip ko at hindi nuon tatanggapin lahat ng sasabihin nya."

"eksakto!" sigaw nito kasabay ng pagliwanag ng mukha nito.

"see... saiyo na mismo nanggaling. Sarado ang utak mo para makinig ng kahit na anong paliwanag kaya pati nararamdaman nya ay wala kang pakialam, hindi ba?"

Hindi ako kumibo.

I sighed and toyed with my glass.

Ano bang pinupunto nitong kumag na ito?

"paano kasi, pina-iral mo na naman yang pagiging impulsive mo." untag ng katabi when she didn't get any response from me.

"paano kung lahat ng nakita mo ay kabaligtaran lahat ng naisip ng makitid mong utak aber?! "

I paused for a while at kagyat na dinalahuyong ng guilty ang puso ko. Hindi ko maipaliwanag ang biglaang pagbangon ng isang emosyon duon.

Napalunok pa ako ng rumehistro sa akin ang nag-mamakaawang mukha ng katipan.

Parang pinipiga ang puso ko ng sumalit sa balintataw ko kung paano sya umiyak at nakiusap para lamang pakinggan ang  mga paliwanag nya. Pero hindi ko iyon pinansin.

"don't try to defend yourself, buddy. dahil sa pagkakataong ito ay ikaw ang mali at hindi si Louise"  muling pukaw ng katabi malumanay iyon pero lahat ay tumitimo sa puso at isip ko.

Kasalanan ko nga ba ?

"hindi sapat ang dahilan na galit ka para hindi pakinggan ang paliwanag niya, dahil sigurado ako kung hinayaan mo lang sya magsalita, malamang wala ka dito at wala ako para magbigay ng payo saiyo" 

Damn, it hit me!

Wala sa sariling napapikit ako. Nanduon pa din iyong sakit pero naramdaman ko ang  unti-unting paghupa. 

Natahimik naman ang katabi na animo pinapakiramdaman ako.

"how much do you love her?" untag nito in most serious tone.

Napahilamos ako sa sariling mukha ng marinig ko ang tanong nyang iyon.

"o hindi mo na mahal? " kaagad na dugtong nito na nakapagpa-biling sa akin.

I creased my eyebrow and throw her with my death glare.

"of course, I love her. Ano bang klaseng tanong yan?" iritado kong bwelta dito.

"ano din bang klaseng pagmamahal iyan kung hinatulan mo kaagad ang girlfriend mo ng ganun-ganun lang?" balik nito.

And again, it hit me.

Masakit man pakinggan pero totoo ang sinabi nya.

God, what did I do. Bakit ba nasaktan ko ang babaeng minamahal?

Nangilid ang luha ko ng makunsensya at parang echo na nagpaulit ulit sa akin lahat ng paratang ko sa kanya.

Mga paratang na hindi nya worth it na matanggap buhat sa akin dahil ang totoo ay naging impulsive naman talaga ako. Hindi ako nag-isip at hinayaang pangunahan ng galit na syang ibinato ko sa kanya dahil sa sobrang sakit na naramdaman.

I clasped my hands and close my eyes ng sumirit ang sakit. I breath heavily when the familiar pain strike my heart, only this time nasasaktan ako dahil naalala ko ang itsura ni Louise kanina, yung malulungkot nyang mata iyong kagustuhan nyang magpaliwanag sa akin, ang pagpupumilit nyang humabol sa akin and shit!....

...Iyong pag-iyak nya, ang paghagulgol nya.

Nasa ganuon akong pag-iisip when I felt a tear drops started to roll down my face. I tried to supress it pero huli na because the next thing I know, nagsimula na akong humikbi.

Im sorry babe...

Yumuko ako at dumukdok sa kinaroroonan when Rowan tap me on my shoulders na animo inaamo ako.

Maya-maya lamang ay naramdaman ko itong lumapit sa akin at tuluyan ng umakbay.

"kausapin mo sya. Hindi dahil na-guilty ka na . Pakinggan mo kung anong explanation nya because she deserved it, wag' mong ipagdamot na ibahagi nya ang parte nya dahil maski ang isang kriminal ay binibigyan ng pagkakataong magpaliwanag at ipagtanggol ang sarili kahit lahat ng ebidensya ay itinuturo na sya.hindi ba?"

Nanatili akong tahimik pero nag-angat ng mukha at pinunasan ang mga luha.

"Everybody deserved to be heard their side of the story." dugtong ng katabi.

"what if she doesn't want to talk to me because of what I did?" tanong ko matapos bumaling sa kanya.

Napadiretso ito ng tayo and smile at me sarcastically. "tsss!"

"I can't believe it. Ang isang Gabby Sandoval ay natatakot sa isang bagay na sya rin naman ang may kagagawan?"  pang-aalaska nito.

She shook her head in frustration pero natigilan ng makita kung gaano ako kaseryoso.

Then she sighed.

"look, Gab. you must try, okay?"

"you did bad things and for me, you are in charge and take responsible for all that actions. At kahit na ano pang  consequences mayroon iyan, dapat harapin mo" prangka nitong sinabi na tumagos sa puso ko.

I think she's right. Ako nga talaga ang may pinaka-malaking kasalanan sa sitwasyon namin ngayon ni Louise.

Kung hindi ako nagpa-dalos-dalos ng reaction ko, kung hindi ko hinayaang pangi-babawan ako ng galit ay hindi ko naman mapagsasalitaan ng masakit ang girlfriend ko.

Napa-buntong hininga ako. Inilabas ang hangin na nagpapabigat sa dibdib at bumaling sa katabi.

"thank you Row."

Napangiti ito at mahina akong binira sa braso ko. " walang anuman"

Naiiling ito bago uminom. Sinaid nito ang laman nuon at pagkatapos ay tumingin sa sariling wristwatch.

Napakunot-noo pa ito at mahinang napamura bago bumaling sa akin.

"errr" usal nito habang marahang napakamot sa sintido. Animo may gustong sabihin.

"I t-think I should be going, okay lang ba?" dugtong pa.

Nangiti naman ako dito at napatango ng kaagad na makuha ang nais nitong iparating.

"im sorry I cant stay, mayroon kasi a---"

"okay nga lang, ano ka ba" sawata ko dito.

Sapat naman na ang oras na inilagi nito at nagpapasalamat ako dahil  sa mga payong ibinigay nya.

Maybe It looks small for her pero para sa akin ay malaki ng bagay dahil nagawa nitong ipa-realized ang mga mali kong nagawa. 

Tumayo na ang katabi at akmang dudukot ng wallet ng bawalin ko ito.

"don't bother, Row. it's on me. Thanks for your time" pagtataboy ko dito ng mahalata na aligaga itong makaalis.

"no problem, Gab. Basta ikaw" narinig kong tugon nito.

"dont drink too much okay?" bilin pa habang inaayos ang nagusot na polo.

Hindi ko ito sinagot at umiiling lang na sumimsim ng inumin.

"Drei" tawag nito sa bartender ng matapos sa ginagawa " no more alcohol for this woman, that would be her last shot okay?" turo pa sa akin.

Drei just nodded at naiilang na tumitig sa akin.

Nag-kibit balikat na lamang ako dahil plano ko na ring umalis any moment now.

"see you when I see you, buddy" tapik nito at tumalikod na. Pero ni hindi pa ito nakakahakbang ng biglang bumaling sa akin at napatitig.

"huwag mo ng hayaang pangibabawan ka ng ganyang pakiramdam sa susunod dahil baka magsisisi ka sa bandang huli" makahulugan nitong payo bago tuluyang tumalikod at umalis.

Kataka-takang nakinig ako sa sinabi nung ugok na yun. Pero bakit nga ba hindi kung nakita ko naman na seryoso ito sa mga binitawang salita at ipamukha lanh naman sa akin big time na ako ang may diperensya.

Nasasaktan pa rin ako, pero tama si Rowan. I need to talk to her and clarify things.

Makalipas ang sandali na maka-alis ang kaibigan ay hindi na ako nagpa-tumpik tumpik ng kilos.

I quickly dialled for Jamie's number .

Sya ang unang pumasok sa isipan ko para malaman kung nasaan si Louise. Because if there's someone na  pwedeng maging takbuhan ngayon ng katipan ay sya iyon at wala ng iba.

"Jamie" usal ko ng sumagot ang nasa kabilang linya.

"oh my god, Gabby! nasaan ka ba?"

"alam mo ba kung nasaan si Louise?" malumanay kong tanong disregarding her question. 

Sandaling tumahimik ang kausap pero kaagad ding kumibo " kasama ko sya, nandito pa kami sa site"

Nasa site pa?

I confusingly check on my wristwatch ng marinig ko ang sinabi ng kausap.

Gabi na ah. Bakit nanduon pa?

Sa kabila ng pag-aalinlangan ay nabuhayan ako kaagad ng loob.

Aaminin ko, gustuhin ko mang kausapin ang katipan ay alam kong mahihirapan akong hanapin ito and worse ay baka pagtaguan ako nito at layuan dahil sa mga masasakit na salitang ibinato ko sa kanya.

"Gabby? nandyaan ka pa ba? " pukaw ng kausap.

"yeah, still here. Pupuntahan ko kayo dyaan. Gusto ko syang makausap"

"you really should dahil pinaiyak mo ng sobra ang kaibigan ko" asik nito.

I sighed when I noticed a slight irritation on her voice. Wala sa sariling napatango ako kahit hindi naman nakikita ng kausap. "yes. We need to talk"

"ayusin nyong dalawa ang problema nyo."

"paalis na ako dito. ill be there soon "

"okay good" narinig ko pang napabuntong hininga ito. "ingat sa biyahe"

"I will" I reply

"and Jamie....." I paused

"thank you for keeping her company " i said sincerely.

"I owe you one"

"sus! Ang arte nito.. o sya punta na dito aba!"

Gumaan ang loob ko ng mahimigan ko ang pagbibiro nito.

Wala na akong inaksayang panahon and stormed out of the bar.

Continue Reading

You'll Also Like

216K 4.9K 65
Samantha Jimenez. Happy go lucky. Hopeless Romantic. Naniniwala sa true love, kung saan saan niya ito hinahanap. Pero palagi na lang siyang bigo...
114K 5.1K 25
Mahirap mag Move On pero mas mahirap mag Hold On sa taong binitawan ka na. Naka Move on na ako noh. Gusto nyo ako pa mag kasal sa kanila eh. Pakingga...
194K 5.9K 28
Si Charline Victoria ay isang sikat na actress, singer, and dancer. Halos lahat ng katangian na hinahanap mo sa artista ay nasa kanya na. Hinahangaan...
380K 7.2K 37
What if mainlove ka sa oh so hot mong teacher? At mafall ka sa pang aakit nito sayo? Pipigilin mo ba dahil alam mong bawal? Kakayanin mo kaya? Handa...