Garnet Academy: School of Eli...

By justcallmecai

28.3M 1M 784K

(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the s... More

Garnet Academy
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Last Chapter (Part 1)
Last Chapter (Part 2)
Epilogue
Book Announcement
Special Chapter
Bonus

Chapter 41

333K 12.5K 18K
By justcallmecai

Chapter 41

Shot

Nang makasakay na ang lahat sa van ay umalis na rin kami.

Si Kairon ang nasa kaliwa ko at si Lia naman ang sa kanan. Nasa harapan namin si Ate Thea, Stephanie at Andy. Solo flight naman si Kuya Mac sa likod.

Ang ibang body guards ay nasa pinaka likuran at ang iba ay nasa separate van.

We found a fencing class near where Kuya has been confined. Everything was carefully planned kaya naman wala dapat mangyaring masama. Hindi kami pwedeng mahuli ng head mistress!

Tanghali nang makarating kami sa lugar kung saan kami magtatake ng fencing lessons. Alam naman na namin halos kaya kaunting preview lang tapos tryout.

Malaki at maganda ang lugar na pinuntahan namin. We'll also need to take pictures that we're here as a proof.

Saglit lang ang orientation tapos ay pinagbihis na rin kami ng proper attire. White jacket, underarm protector, two body and mask cords, knee high socks, glove, knickers and chest protector for women.

We have to pick a training partner. Luckily, ang coach namin ang namili. At kami ni Stephanie pa ang nagkapartner! The irony!

"Hay... Lagi na lang tayo ang magkamatch. Maybe the universe really want Kairon to see that I'm a better choice than you." anito at kinuha na ang foil niya bilang weapon sa match namin.

"Or maybe it's another way around. Baka gusto ng universe na makita ni Kai na tamang ako ang napili niya." sabi ko at kinuha na rin ang sword ko.

"Everyone, line up!" sigaw ng coach namin.

Lahat kami ay luminya na. Dalawang pila iyon, kaharap ang mga kamatch namin.

Si Kai at Kuya Mac, ako at si Stephapnie, si Ate Thea at Lia. Tapos si Andy at si coach ang nagpartner bilang kulang kami ng isa.

Nagpakita ng iilang technique si Coach tapos ay ginaya naman namin iyon.

"Coach, easyhan mo lang po ha. Professional Coach ka, bakla ako." ani Andy.

Natawa naman kaming lahat kay Ands dahil si Coach ang partner niya! Gusto pa niyang makipagpalit pero bawal na.

Pagkatapos ng isang oras ay oras na rin ng training match.

"You got this." ani Kairon.

I smiled at him and raised my two thumbs.

Una kami ni Stephanie kaya naman nong nagtungo na kami sa gitna ay nagpatunog na ang coach namin hudyat na magsimula na.

Unang umatake si Stephanie pero agad ko rin namang tinabla ang mga iyon.

Habang umaatake ay naalala ko lang iyong una naming laban sa ring. Hindi ko maaaring ipakita ang kakayahan ko sa unang parte ng laban kaya napuruhan ako. Ngayong wala nang kahit anong hadlang ay lalabanan ko talaga ang babaeng ito!

Nakakuha na ako ng isang puntos. Ramdam ko na gustong-gusto ni Stephanie na kumuha rin ng puntos kaya naman mas bumilis siya, kaya lang kung saan-saan tumatama ang weapon niya! Stephanie keeps on hitting me at the legs!

Nagpatunog muli ang coach namin kaya agad din kaming tumigil nang marinig iyon. Hingal kong inalis ang suot na mask.

In foil, the valid target area includes the torso and the groin. The head, arms, and legs are considered off target! Touches made off target do not count for points, but do stop the play!

Kaya siguro ay itinigil ni Coach ang match dahil sa panay na pagtama ni Stephanie ng foil sa binti ko.

"Are we clear about the rules?" ani Coach.

"Yes, Coach. I just lose sight kaya mali ang natatamaan ko." ani Stephanie.

Si Lia at Ate Thea ang sumunod kaya naupo na ako sa tabi ni Kairon.

Nakaigting ang kanyang panga paglapit ko.

"Anong problema?" tanong ko dahil batid kong nag-iba ang mood niya. He looks mad and irritated!

"Nag-aalala ako para kay Stephanie." ani Kairon.

Umawang ang bibig ko dahil sa pagkagulat. What does he mean by that? Bigla na lang may kumurot sa dibdib ko.

"P-para kay Stephanie?" hindi makapaniwalang tanong ko. Pakiramdam ko'y ano mang minuto ngayon, bibigay ang mga tuhod ko.

Bumuntong hininga si Kairon. "Oo. Kasi baka masaktan ka niya, papatulan ko siya, baby girl."

Ang panandaliang hapdi ay mabilis na humilom. Damn this guy! How the hell can he sent the whole zoo in my stomach?!!

Pakiramdam ko'y pulang pula na ang mukha ko ngayon. "Kinabahan ako ro'n." I told him as I pinched his arm.

Tumawa lang siya ng tumawa.

"Go, Li!" nagulat kaming lahat sa sigaw ni Kuya Mac kaya naman bumaling ang tingin namin sa kanya.

Namilog ang mga mata ko. What is the meaning of this Kuya Mackenzee?!

"G-go, Thea..." pahabol ni Kuya Mac sabay kamot ng ulo.

Dios mio! Kinikilig ako! Palusot ka pa Kuya Mac, ah!

Sa katiting na sandali, si Lia lang pala ang babasag ng katahimikan ng isang De Guzman.

Si Kai at Kuya Mac ang huling maglalaban. This one will be different. Tuwing may mga match kasi sa GA, laging si Kai at Shawn ang partner tapos si Kuya Beau at Kuya Mac naman.

Halos magkasinglaki lang ang dalawa. Both of them are also a bit bulky, hindi payatot.

"Go, Kai!" halos sabay na sabay ang sigaw namin ni Stephanie!

Sobrang awkward lang bigla at mababaliw ako sa katahimikan pagtapos.

Tumikhim si Lia. "Duh! Let the girlfriend do the cheering."

Nilingon kami ni Stephanie. "Wala pa namang official girlfriend so..." anito sabay irap.

"Whatever!" utas ni Lia tapos ay bumaling na lamang doon sa match. "Galingan mo, Kenzee!"

Nawindang na naman ako. Halos malaglag ang panga ko dahil kay Lia!

"At ano 'yon?!" hindi makapaniwalang tanong ko.

"W-walang nagchecheer sa kanya, eh." giit ni Lia.

Talaga lang ha! Itong dalawang ito talaga!

Nang matapos ang lahat sa training match ay muling nagpicture taking. Pagkatapos ay mabilis din naming nakuha ang certificate.

Everything went according to plan. Saktong alastres ng hapon ay natapos na kami. Now, we're getting ready to see Kuya.

"Excited ka na ba, Ate Thea?" I asked habang nagbibihis kami.

"Sobra... And I'm also very nervous." aniya.

I held her soft hand. "Kuya Beau will be happy to see you. I feel it!"

I'm very positive about it. Kuya obviously likes her! They freaking like each other!

Pagkatapos magbihis ay kumain muna kami bago tuluyang lisanin ang lugar.

Naglalakad na kami patungo sa van ng mapatid ako dahil sa bato. Muntik na akong bumagsak sa lupa! Damn! Buti't katabi ko si Kairon kaya naman agad din niya akong naalalayan. He held me on my waist.

"Muntik ka na ro'n." bulong niya sa aking tainga.

"Kaya nga, eh. Thank you." sabi ko tapos ay umayos na ng tayo.

Hinawakan niya ang pisngi ko. Hindi inalinta ang mga kasamang naglalakad sa harapan namin.

"Be careful. I still want to walk with you until we're old." he said huskily.

I was left there, speechless... Ganyan siya lagi! May kakayahan siyang patigilin ang mundo ko at pabilisin ang tibok ng puso ko.

How can I not love him? He's the most precious!

Nakasakay na kami sa van. Thirty minutes lang ang estimated time para makarating kami sa ospital.

Sa short cut na sinuggest ni Stephanie kami dumaan para mas mabilis at walang traffic.

Tinahak iyon ng aming van. Medyo liblib ang lugar kaya talagang malayo ito sa traffic.

I'm almost asleep when I suddenly heard a loud gun shot and the next thing I knew, our van lose its control and stopped!

Halos ngumud-ngod kami sa mga kaharap na upuan dahil sa sobrang lakas ng paghinto!

Sunod-sunod pa ang mga putok ng baril. Halos mabingi ako roon. Agad nagpanic ang lahat. Napuno ng sigawan ang buong van.

"Guards, protect the students!" sigaw ng driver. "Ayaw na umandar ng van, lumabas na kayo at tumakas! Dalian ninyo!"

Mabilis ang kabog ng dibdib ko ni hindi ako makapagsalita.

We were trained for this, but right now, I don't know what to do!

Ang heads up sa amin ay unang lalabas ang tatlong guards.

"Susunod na kami. Mauuna na kaming lumabas ni Andy. We're both a Terra anyway." nanginginig na sabi ni Lia. "Mag-iingat kayo. Paige, ingat."

Tumango ang iba pero hindi pumayag si Kuya Mac sa plano ng dalawa.

"Sabay-sabay tayo. This is not some kind of a game anymore, Lia! We'll protect each other no matter what!" ani Kuya Mac.

Everyone agrees with him.

Kairon instantly locked his arms around me. "'Wag kang lalayo sa akin." he commanded.

Naluluha akong tumango. What the hell is happening?! Is this an ambush?!

Agad na inakbayan ni Kuya Mac si Lia at si Stephanie. Si Ate Thea naman ay kayakap si Andy.

Nauna nang lumabas ang unang tatlong guwardiya tapos ay sumunod na kaming lahat.

"Yuko! Yumuko kayo!" sigaw no'ng apat na guards sa likod namin.

Agad naman namin iyong ginawa habang mabilis na tumatakbo. Magulo at mabilis ang mga pangyayari.

Takot na takot na ako. Parang binibiyak ang puso ko!

"Kai, I'm scared." sabi ko habang panay pa rin ang takbo.

"I'm here, Pie. I'm here." aniya at hinigpitan ang hawak sa akin.

Palapit nang palapit ang mga pamamaril na hindi namin alam kung saan nagmumula.

"Kairon! Andy! Mac!" sigaw no'ng head security at binigyan ng kanya kanyang baril ang tatlo. "Iputok kung kinakailangan! Takbo na! Bilis!"

"Ay, jusmiyo marimar! Cardo na ang peg ko!" biro pa ni Andy kahit naiiyak na siya sa sitwasyon.

"No time for jokes, Andy! Mamamatay tayo kaya please! Gamitin mong maigi!" bulyaw naman ni Ate Thea.

Ilang saglit pa at may mga nasa pito o higit pang naka maskarang mga lalaki ang humahabol na sa amin at nagpapaputok ng baril! Oh my God!

Pigil na pigil ang sigaw ko.

Nakikipagpalitan ng bala ang mga body guards namin. Kami naman ay panay ang pagtakbo at pagcover sa sarili.

"This is bullshit!" sigaw ni Kuya Mac at nagpakawala na ng bala sa mga kalaban. Si Lia na lang ang nakakapit sa kanya ngayon.

Bigla pang lumakas ang ulan. Everything is getting blurry!

Hingal na hingal na ako at nagkahiwalay hiwalay na kami. Hindi ko na makita kung nasaan sila Kuya Mac. Sila Ate Thea naman ay namataan kong nagtago roon sa malayong concrete wall.

"Kai! Help!" sigaw ni Stephanie.

Lumingon ako at nakitang nakaupo na sa sahig si Stephanie at hindi na makatakbo. Lubos din akong nag-alala para rito. Maaabutan siya roon!

"Fuck!" Kairon cursed and loaded his gun. "Stay here and cover, I'll get her."

Sinapo ko ang ulo ko at si Kairon naman ay tumakbo na pabalik kay Stephanie. Nakita kong inalalayan niya ito tapos ay tumayo na sila.

Bumagsak ang mga mata ni Kai kung nasaan ako at hindi ko alam kung bakit biglang nag-iba ang mga mata niya. Nag-iba ang itsura niya! Tila ba handa siyang pumatay!

Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang biglang itinapat ni Kairon sa akin iyong baril. Isang putok ang narinig ko at nang may tumama sa akin ay mabilis kong naramdaman ang halong hapdi at pamamanhid. Ilang saglit pa ay nandilim na ang buong paligid.

Continue Reading

You'll Also Like

245K 9.1K 26
From behavioral disorder to mental disorder, Third's condition became worst to the point that he reached a severe disorder and becomes a psychopath. ...
62.9K 6.6K 163
KF BOOK 1: AN EPISTOLARY Date Published: April 8, 2021
723K 24.4K 43
Status: COMPLETED Start: December 21, 2020 End: February 27, 2021 Will it still had the chance to escape a tradition that was already mark on the la...
108K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...