Take me to your HEART (GxG) :...

By _AyEnNe_

624K 18K 1.8K

*** COMPLETED ❤❤❤ *** Sabi nila ang Quickie masarap daw.. lalo na pag mahal nyo ang isa't -isa. But how come... More

Chapter 1 : JUBEL
Chapter 2 : I Dare you! (SPG)
Chapter 3 : " Hired "
Chapter 4 : "Ignored"
Chapter 5 : Stop that!
Chapter 6 : Ang Daga bow!
Chapter 7 : " Green minded"
Chapter 8 : "I'm Sorry"
Chapter 9 : " Broken Promises "
Chapter 10 : " Salt or Sugar? "
Chapter 11 : Spell - " Kahihiyan "
Chapter 12 : Unfolding the PAST
Chapter 13 : Shattered
Chapter 14 : Don't Leave ME
Chapter 15 : Medyo SPG
Chapter 16 : Aftermath
Chapter 17 : My Agitated Heart
Chapter 18 : Surprise!
Chapter 19 : A Dear Friend?
Chapter 20 : Flowers for You
Chapter 21 : Officially Missing YOU
Chapter 22 : She Cares For YOU
Chapter 23 : Yearning Hearts
Chapter 24 : SPG
Chapter 25 : Cuddling Ms. Sungit
Chapter 26 : Uncontrolled Emotions
Chapter 27 : Emotion Revealed
Chapter 28 : Meetup
Chapter 29 : Clingy GF (SPG)
Chapter 30 : Unplanned
Chapter 31 : Spoiler
Chapter 32 : Her Past
Chapter 33 : Meet the Sandovals
Chapter 34 : A trick
Chapter 35 : Unexpected Visitor
Chapter 36
Chapter 37 : behave or else...
Chapter 38 : i'm sorry, but I love her
Chapter 39 : Ang Girlfriend kong timang
Chapter 40 : Kiss and make up
Chapter 41 : Imagine me & you
Chapter 42 : Flashlight
Chapter 43 : Why?
Chapter 45 : Awaken
Chapter 46 : are we done?
Chapter 47 : Payback time
Chapter 48 : Regret's
Chapter 49 : longing
Chapter 50 : She's not just a woman
Final Chapter

Chapter 44 : Drifting

5.4K 174 27
By _AyEnNe_

"Pain changes people. It makes them trust less, overthink more and shut people out"
                     ____________________

Gabby's (POV)

"Cha, ask Gary to report to me now" utos ko sa sariling TA thru the intercom at kagyat iyong ibinaba, didn't even bother to wait for her response.

I sighed heavily na sinundan ng pagtutop sa sariling ulo at kapagdakay pabalyang isinandal ang likod sa swivel chair.

Naiinis akong iniikot ang kina-uupuan paharap sa curtain wall at malayang pinagmasdan ang city skyline ng nakakunot ang noo.

For the past weeks ay nagsimula na akong mairita over some problems which started nuong pauwe na kami ni Louise dito sa Maynila.

Gary reported that Mr. Gonzaga is keep on calling him at panay ang pag-follow-up tungkol sa updates of Macro Wall partition.

Simula nuon, hindi na lumilipas ang isang linggo na hindi tumatawag ang secretary ni Mr. Gonzaga para mangulit. But this morning ay isinagad nito ang pagiging iritado ko ng makisabay ito sa iniisip kong problema tungkol sa safety matters na ipinapaasikaso kila Safety Ralph.

It turned out na may mga incident report na namang vandalism sa ilang floors with the same graphics kagaya sa mga nauna naming nakita. It goes the same scenario with pornographic drawing na nakasulat na naman ang pangalan ni Louise.

Tangina! Malaman ko lang kung sino ang hayop na iyon ay talagang makakatikim sa akin ng hindi maganda!

Nakakapunyeta lang talaga, dahil hindi pa nabibigyang linaw ang naunang insidente ay heto at nasundan na naman ng panibago.

Halos pumutok ang ugat ko kanina sa sobrang galit ng malaman ang balitang iyon.

Gusto kong sumugod sa site ora mismo pero hindi ko iyon basta magawa. Bukod kasi na sa nasa ibang bansa ang sariling ama para kamustahin ang ilan naming negosyo ay hindi rin ako pwede umalis dahil sa pakiusap nitong asikasuhin ang lahat ng mga importanteng papeles.

Lalong nag-init ang ulo ko ng maalalang up until now ay walang makuhang lead ang mga safety officers ko duon sa taong may kagagawan ng lintik na insidenteng iyon. 

Naubos ang oras ko sa pagpapagalit at pagbibigay ng instructions kay Ralph ng buong umaga iyon when Cha – my TA informed me na tumawag muli ang secretary ni Mr. Gonzaga upang mag-folow up. 

Bullshit!! Hinaing ko kasunod na marahas ng pag-buntong hininga.

Ilang buwan pa lang naman magbuhat ng mag-contract signing kami for their coming project pero heto ngayon at miriting-miriting malaman ng kabilang kampo ang desisyon ko over the interior partition issues na iyon. 

Ramdam ko kung gaano nila kagusto na mai-award ang proyektong ito kila Nick base sa tahasang pag-instruct sa akin to check the proposal during our contract signing. Pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit kina-kailangan nilang magmadali kung nakasaad naman sa kontrata na may mahabang panahon pa kami para ma-review ang mga plano at mga materyales na dapat gamitin.

Somehow, I felt kung gaano kalakas ang kapit ng mga Santileces kila Mr. Gonazaga at hindi ko itatangging isa iyon sa ipinagpuputok ng butsi ko. 

I am doing delaying tactics I know pero animo natutunugan nila ito kaya they keep on pushing in the issue. 

I sighed sharply on the thought while trying to calm myself pero nag-umalpas pa rin ang pagiging iritado ng maalala ang isa pang problemang nagpapagulo sa isip ko.

A while ago ay nalaman ko din na may kasalukuyang problema sa manpower ng Little Giants.

Ang ka-partnering namin sa pagsusupply at pagiinstall ng mga partition wall.  At sya ring kumpanyang aking ipinag-mamalaki comparing to Macro Walls.

All along I thought ay nagawan na nila ng paraan ang pagiging delayed nito sa Site by providing additional manpower at pagpapa-implement ng shifting schedule para sa mga tauhan nito, but my insider told me na kasalukuyang hindi makahabol sa schedule ang subcontractor dahil sa nag-sisialis na ang mga trabahante nito.

Ang main reason.

Kinukulang sila ng pagpapasahod which is hindi na saklaw ng aming kumpanya  dahil sa internal isyu na nila iyon.

I sighed.

Kung ganitong may iniinda ako sa current subcontractor , pakiramdam ko ay mahihirapan akong hindi papasukin ang Macro walls sa aming kumpanya.

Sa isiping iyon muli na naman akong napa-buntong hininga ng marahas kasunod ng pag-masahe sa sariling sintido upang pakalmahin ang sarili.

Parang sasabog ang utak ko sa kakaisip kung paanong magagawan ng paraan na hindi mai-push ang lintek na Macro Wall na iyon pero mukhang sa pagkakataong ito ay kinakatigan sila ng tadhana.

Nakakainis at nakaka-frustrate pero kailangan kong magfocus at gumawa ng paraan para tuluyan silang mawala sa sistema ko.

"Ma'am" pukaw sa akin ng taong ipinatawag matapos kumatok ng makatlong beses.

"come in" ang tugon ko ng hindi lumilingon.

Matapos ang isang bumuntong-hininga.

Pilit kong pinakalma ang sarile. Iniikot ang inuupuan at tinunghayan ang isang payat at matangkad na lalaki.

Seryoso akong tumitig dito and then I motioned him to sitdown.

Hindi pa ito nakakaupo ng maayos ay agad na akong nagsalita. 

"we have a current problem here with this Little Giants" panimula ko. "hindi na sila nagpapadala ng tao sa site simula pa kahapon. Ang sabi ng Operation Head nila ay kaagad nilang gagawan ng paraan. But.... apparently, they are requesting for reconciliation for the labor escalation bago sila mag-resume sa pagtatrabaho. Do you know about this issue, Gary?" diretso kong tanong with a small hint of irritation over my voice.

Hindi kaagad nakasagot ang kaharap sa tahasan kong pagtatanong pero dagli din itong kumibo when he noticed that I am impatiently waiting for his answer with creasing eyebrow.

"I-im not aware Ma'am, a-ang alam ko lng po. the budget t-that we a-agreed inside the contract ay nasa standard wage naman..."

"...And.. as far as I remember ay sinang-ayunan n-naman nila ang lahat ng presyong nakapaloob sa kontratang iyon bago tayo nagc-contract signing" sagot nito sa kabila ng medyo pautal-utal ng mapansing nakatitig ako ng mariin  sa kanya. 

Halatadong naiintimidate ang kaharap kung kaya naman ay bahagya akong nag-laylow sa inaasta.

I sighed at sumandal sa kinauupuan habang pilit na kinikimkim ang galit at inis na nagsisimula na namang sumibol.

"it s-seems na ibinabalik lang sa atin ni Little Giants ang problema, Ma'am ... but I think the main issue here ay ang hindi nila pagpapasahod sa mga tauhan nila base sa report ng mga QS natin sa site." pukaw ng kaharap.

Tumitig ako dito "iyan din ang tingin ko, Gary. " tatango-tango kong sang-ayon sa kanya.

Buhat duon ay animo nakahinga ito ng maluwag ng sang ayunan ko ang naisip nya.

Confident ako na wala namang problem sa side namin kagaya ng idi-nedemand ng nasabing kumpanya.

Naging segurista lang akong itanong dito sa kaharap ang tungkol sa problema ng Little Giants dahil mukhang kakainin ko ang sariling salita buhat  sa pag-aangat ko sa kanila during our meeting with Mr. Gonzaga.

"Well anyway" baling ko sa kausap matapos bumuntong-hininga " were not going to give them what they want. Hindi natin ibibigay ang demand nila na i-adjust ang labor cost natin dahil alam kong hindi naman iyan ang problema. Kindly advise all the projects QS na i-hold ang billing nila Little Giants at baka mapasubo tayo sa bandang huli." Instruction ko.

"ok po Ma'am noted" mabilis na sagot nito at nagkukumahog ng tumayo.

"and one thing more, Gary" pukaw ko na ikinatigil nya sa akmang paghakbang "maghanap kayo ng ibang subcontractor with the same profile with Macro wall, I don't care kung medyo mas mataas ang quote basta make sure na matatapatan nila ang product ng Macro wall. Report to me once may prospect na, okay?""

"y-yes po"

"contact all the possible suppliers because I don't want to engage business with Santileces, malinaw ba?" madiin kong instruction na halatang ikinataranta ng kaharap. Nakita ko pa kung paano ito napalunok buhat sa sinabi kong iyon.

Tatango-tango itong sumang-ayon at nagmamadaling tumalikod paalis.

Nang makalabas ang kausap ay muli akong sumandal sa kinauupuan at pumikit.

Pinilit na ni-relax ang isipan.

Parang kelan lang ay stress free akong nakikigulo sa mga kamag-anak ko at Stress free na nakikipag-lambingan sa girlfriend ko. Pero makalipas lang ng ilang linggo buhat ng makabalik kami dito sa Maynila ay inatasan ako ng sariling ama na mag-report muna dito sa headoffice to personally assist and monitor all the line up Project na for close-out.

Ang alam ko ay kay Kuya Adam naka-assign ang ganitong trabaho pero dahil nag-extend sila ng honeymoon sa Europa ay ako ang pansamantalang inilagay ng Ama.

Hindi naman umubra ang suhestyon kong si Kuya Gael na lang ang humalinhin dahil anya ay abala rin ang nakakatandang kapatid sa mga Project ng kumpanya  sa gawing South Area.

Akala ko ay ilang araw lang ang ilalagi ko para sa request ng Ama pero hindi pala.

Everyday ay samu't saring problema ang idinudulog sa akin ng aming mga tauhan  bukod pa duon, ang isangkaterbang papeles na kinakailangan kong reviewhin at pirmahan. Idagdag pa ang kaliwat-kanang meeting na kina-kailangan daluhan para masiguro lang na magiging smooth ang pag-teturnover ng mga patapos na Project.

Im quiet busy i know and this is the main reason kung kaya't hindi ko na nabibigyan ng sapat na oras ang katipan.

I sighed and suddenly straightened ng maalala si Louise.

Ang kaninang galit na lumukob sa akin ay dagliang humupa ng maalala ang katipan. Animo may humaplos na mainit na bagay sa aking puso ng makita ko sa aking balintataw ang nakangiting mukha ng girlfriend ko.

Namimiss na kita babe, sana lang ay nandito ka ngayon para paglubagin ang emosyon ko. Piping dalangin ko kasunod ng malalim na pagbuntong-hininga.

I badly miss her, at alam kong nagtatampo na ito dahil sa kawalan ko ng oras sa kanya. Nararamdaman ko iyon sa kabila ng malawak na pag-intindi na ipinapakita nya sa akin. Nababasa ko iyon sa mga malamlam nyang mga mata at nakikita ko iyon sa mga tipid na pagngiti nya.

Nababanaagan ko iyan lahat sa kabila ng pagkukubli nya na okay ang lahat. At sa tuwina ay parang kinukurot ang puso ko sa tuwing mare-realize ko kung ano ang ilang pagkukulang ko.

Don't worry baby, konting tiis na lang. matatapos din itong tina-trabaho ko dito. Wait for me. Babalik ako sa piling mo. Piping pangako ko.

Nalulungkot akong iniikot ang kinauupuan at muling humarap sa city skyline na nanduon. Pilit na pinapakalma ang naghalo-halong emosyon na nararamdaman.

I closed my eyes at hinayaang maglakbay iyon hanggang unti-unting sumilay duon ang babaeng pinakamamahal.

How I wish she's here with me right now.

I know everything will be easy kung alam kong nasa paligid ko lang sya. Ang matanaw lang ang maganda nyang mukha kahit na hindi ako makausap ay napakalaking bagay na sa akin. Marinig ko lang ang masigla nyang pagtawa ay napapangiti na din ako dahil totoong kaka-iba ang dulot na relief nuon sa aking katawan. Dahil minsan kahit sabihin pang pagal ako sa maghapong pagta-trabaho ay kagyat akong nabubuhayan ng dugo sa oras na marinig ko ang masigla nyang pagtawa.

Sa tuwina ay hindi ko napipigilan ang kakaibang damdaming na kagyat na bumabalot sa akin kapag nanjaan sya sa paligid ko. Na para bang lahat ng himay-may ng kalooban-looban ko ay kusang nabubuhay at nagiging hyper.

Para akong uminom ng kape sa katanghaliang tapat kung saan madalas umaatake ang hindi mapigilang pagkaantok na dagliang din nawawala sa oras na masayaran ng likidong pampabuhay ng dugo. 

Pati iyong kahali-halinang scent nya. Iyong natural na bango na siguradong mapapakalma kahit na kaliit-liitang himaymay ng katawan ko. 

Sa mga ganitong panahon ko namimiss ang pagsiksik sa pagitan ng kanyang balikat at leeg dahil iyon para sa akin ay ang pinaka-komportableng lugar ng mga kagaya kong naghahanap ng panandaliang katahimikan.

Pansumandali niyong napapatigil ang mundo ko na nakapagpapawala ng pakialam sa paligid dahil kuntento akong nakapwesto duon sa piling nya while cherishing and listening to every beat of her heart.

I'll never get tired of this feeling, Louise. Pagsasawaan ko ang ibang bagay na importante sa akin pero hindi ang ganitong pakiramdam na naidudulot mo sa akin.

Mahal na mahal kita. Hinaing ng puso ko na sinundan ng pagbuntong-hininga.

God! Nasasabik na akong yakapin ka ng mahigpit.

Namimiss ko iyong yumayakap ako sa kanya from behind habang inaasikaso ang pagluluto ng pagkain namin na kadalasan ay ginagantihan nya ng marahang paghaplos sa aking braso. Animo ipinaparating niyon ang piping mensahe kung gaano nya ako lubusang minamahal.

Minsan kahit walang salitang namamagitan sa amin ay hindi iyon nagiging hadlang para i-express ang nararamdaman sa isa't-isa. Dahil minsan hindi rin sapat ang mga salita para maipaalam kung gaano namin kamahal ang isa't-isa.

Hindi ko ide-deny that we tend to express our emotion in the most intimate way. At isa iyon sa mga bagay na palagi kong kinasasabikan. Kagaya ngayon na namimis ko ang lahat lahat sa kanya.

Namimiss ko ang mga halik nya, ang bawat pagdantay ng malambot  nyang labi sa anumang parte ng mukha ko sa tuwing pang-gigigilan ako nito.

Even her wild kisses which never failed to wake up all my senses na awtomatikong nakakapagpabuhay ng kalooban ko.

At pati ang malambot at makinis nyang katawan na naglalabas ng kakaibang init sa tuwing yayakapin ko ay hindi nakaligtas sa akin.

Lahat ng iyan ay nakakapagpawala ng wisyo ko.

Wala sa sariling napalunok ako sa huling isipin. 

Kagyat kong naidilat ang mga mata at umayos ng pagkakaupo kasunod ng pagbuntong-hininga.

I badly miss everything about you baby, and your making me crazy.

Daing ko na pinutol ng isang pagtunog. 

My telephone is ringing but I didn't even bother to look at it.

Naiinis akong napapikit, napa-buntong hininga at muling sumandal.

Not this time please lang.

Piping dalangin ko sa kagustuhang maituloy ang pagmumuni sanhi ng pangungulila sa sariling katipan.

Pero bigo ako sa nais dahil naramdaman kong pumasok ang aking TA na si Cha.

"M-miss, Mr. Rahman c-called and he wanted to talk to you, do you want me to put him on the line para--- "

"no" putol ko dito ng hindi man lang dumidilat.

Nanahimik naman ang kausap pero muli itong nagsalita ng may pag-aalala sa tinig.

"a-re y-you okay , M-Miss? "

Tssss! Hindi ako okay, because you disturbed me.

"d-do you want anything? a coffee? Or – "

"I want my girlfriend" putol ko sa anumang iaalok nya. 

Saglit itong natahimik pero alam kong nalilito ito ngayon dahil sa sinabi ko.

Kahit hindi ako lumingon ay nakikini-kinita ko ang reaction nito.

"o-okay, Miss .. errr.." nauutal nitong usal  "d-do you want me to call her and –"

"no, Cha "then sighed at mabilis ang mga kilos na iniikot ang kinauupuan. Hindi ko nilingon ang kausap at pinagtuunang damputin ang mga personal na gamit.

I put it all inside my bag ng hindi pa din kumikibo.

Cha just stare at me confusingly.

Nagtatanong na mga mata ang sumalubong sa akin ng ibaling ko ang paningin dito. 

"cancel all my appointments for the rest of the day..." utos ko dito ".. hanggang bukas.. " dugtong ko na syang ikina-laki ng mga mata nito.

"but M-miss, you h-have---"

"or ipa-re-schedule mo sa ibang araw" putol ko sa anumang sasabihin nito kasunod ng pagtayo.

'—pero M-miss, there's this one---" natataranta nitong usal na nakapag-pairita sa akin.

"just do as I say!!" hiyaw ko ng daglian umalpas ang iritasyon, pero kagyat ko iyong pinigilan ng  mapansing naghatid iyon ng takot sa kaharap.

Tila nakukunsensya akong bumuntong hininga at dumiretso sa pagkakatayo "..please" malumanay kong utos kasabay ng mariin kong pagtitig dito.

Tsss! Alin ba  kasi sa mga salitang binitawan ko ang hindi nya naintindihan!!

Nag-aalangan itong tumango habang naiilang na nakatitig sa akin " y-yes M-miss" mahina at nauutal nitong nasabi.

"thank's" malamig na tugon ko at nagmamadaling lumabas sa kuwartong iyon.

Nakita ko pang nag-usyoso ang ilan sa mga empleyado namin dahil nadinig nila ang pagsusungit kong iyon.

Matalim ang mga matang tinapunan ko ng masamang tingin ang mga iyon na nagdulot ng pagkataranta sa kanila.

Nagkukumahog ang mga ito na bumalik sa kani-kanilang area at kapagdaka'y kunwareng nagsipagtuon sa kani-kanilang trabaho.

Tsss! Mga usisera!

Naiiling akong naglakad ng walang lingon-lingon habang isinusuot ang shades na taban-taban.

********

Kalmado akong nagmaneho at sa mabilis na pagpapatakbo ay agad kong narating ang destinasyon. Muntikan pa akong mapaaway kanina ng makipag-karera sa akin ang isang SUV. Animo nagalit and driver nito ng maovertaken ko ng alanganin sa bandang EDSA.

Hindi ito nagpatalo, hinabol ako at maangas na naki-pag habulan.

At kagaya ng ilang gagong driver ay pilit ako nitong pino-provoke by throwing dirty gestures sa akin ng mapalingon ako dito ng minsang magtapat ang aming sinasakyan.

Hindi pa ito nakuntento at binuksan ang bintana at pinagsalitaan ako ng mga foul words.

Tsss! Bakla yata ang gago.

Iiling-iling akong ngumisi ng nakakaloko at iningusan kasunod ng pagpapaharurot sa sariling sportscar na syang naging dahilan kung bakit tuluyan na akong nakalayo sa kanya.

Stupid!

********

Makalipas ang ilang sandali ay nakapasok na ako sa temporary parking lot ng Aspen Heights at pabalag-bag na ipinarada ang sinasakyan.

Sandaling pinakalma ang sarili at nag-ayos.

Nang maging okay ang pakiramdam ay umibis ako sa sasakyan at naglakad papanhik.

Nakasalubong ko ang ilang Engineer's na halatang nagulat ng makita ako.

They greeted me na hindi ko naman pinag-aksayang ng oras na gantihan .

Habang paakyat, i glance at my wristwatch at duon ko lang napansin na oras na pala ng uwian. Kaya naman hindi na ako nagtaka pa ng muling makasalubong ang ilan pang kasamahan sa may bandang hagdanan, kagaya ng mga nauna ay nagulat din ang mga ito ng makita ako, lahat sila ay nagsipag-bigay galang sa akin pero muli ko lang iyong dinedma.

Dire-diretso akong pumanhik dahil sa pananabik na makita ang kaisa-isang taong isinadya. 

Lihim akong napangiti.

I know you'll be surprise to see me here, baby.

Naaimagine ko na ang magiging reaction nito sa oras na makita nya ako. Manlalaki panigurado ang magaganda nitong mga mata lalo pa at ang alam naman nya ay abala ako sa opisina na syang dahilan kung bakit parati akong ginagabi ng pag-uwe.

I told you that I'll make it up to you at heto na iyon.

Just for this day, I want to take a break sa mga iniisip ko at tanging gusto ko lang gawin ay makasama ang taong nakakapag-pakalma sa akin. Hindi ko na maintay na maikulong sya sa mga bisig ko at maramdaman ang init ng katawan nyang iyon. I just want to be with her for the rest of the day dahil kung hindi ay baka ikabaliw ko na ang mga iniindang alalahanin.

Gustong-gusto kong ma-relax na kasama sya. Kaya naman i planned to take her to somewhere.

Somewhere kung saan malayo sa lahat ng stress na nakapalibot sa aming dalawa. Sa lugar kung saan makakalimutan ko pansumandali ang lahat ng isipin. Na ang tanging aalalahanin ko lamang ay mapagsilbihan ang taong minamahal upang makabawi sa mga pagkukulang ko nitong mga nagdaang linggo dahil sa kawalan ko ng oras sa kanya. Sa aming dalawa.  

I walk towards the HR office ng tuluyan na akong makapanik.

I knocked 3 times at diretsong pumasok sa loob at kinausap si Joffrey. 

Ipinag-paalam ko ang katipan na hindi mag-oovertime at hindi makakapasok kinabukasan.

Panay tango lang naman ang naging tugon ng kausap habang halata ang pagiging confused.

Alam kong nagtataka ito pero hindi ko na iyon pinansin at walang paa-paalam akong tumalikod at lumabas matapos makapagbigay ng instruction. Naiwan si Joffrey na puno ng pagtatanong ang mga mata pero wala akong pakialam. 

Kung tutuusin ay pwede ko namang hindi na  magpaalam pa at gawin na lang ang syang naisin dahil alam kong wala naman silang karapatang umangal. Pero dahil ayoko namang maging unproffesional sa paningin nila kaya nagpatianod na lang sa protocol na mayroon ang kumpanya.

Pagkalabas ko ng HR ay marahan akong naglakad papasok sa loob ng opisina. Gusto kong gulatin ang katipan sa biglaan kong pagsulpot na iyon. Pero tila ako ang nagulat ng mapansing wala ni isa mang tao sa area nila.

Tinanggal ko ang suot-suot na shades at nagtatakang iniikot ang paningin sa kabuuan ng lugar na iyon.

Duon ko lang napansin na wala na halos ang mga empleyado.

Sumilip rin ako sa office namin ni Fermin pero wala rin iyong laman.

Kunot-noo kong dinukot ang sariling cellphone at idi-nial ang numero ni Louise.

Ilang saglit pa akong nag-antay ng pagsagot nya pero....

*the number you have dial is either un attended or out of coveragae area ..

Muli ko iyong idi-nial pero tila ganuon pa rin.

Ngunit hindi ako sumuko at sa pangatlong pagkakataon ay muli ko itong tinawagan. Kagaya kanina ay bigo nanaman ako ng tanging operator lang ang muling sumagot.

Naiinis kong itinigil ang ginagawa at kunot-noong nag scroll papunta sa write message.

What the hell... nasaan ba ang babaeng iyon. Inis na hinaing ko habang nag-cocompose ng message.

"babe, wer are u? "---- send

Kunot-noo akong nag-iintay sa sagot nito ng biglang may pumukaw sa akin.

"Gabby?" tawag ng isang familiar na boses sa akin na syang ikina-lingon ko.

Lumiwanag ang mukha ko ng makita ang gulat pero nakangiting mukha ni Jamie. Papalapit ito sa akin habang pinupunasan ng panyo ang mga kamay.

Mukhang galing ito sa Pantry.

"akala ko busy ka sa head office?" pagtatanong nito ng tuluyang makalapit.

"ah yeah, pero nag-undertime ako" tipid na sagot ko tsaka bumaling sa table ni Louise. Nanduon pa din ang body bag nya senyales na hindi pa ito nakakauwe.

Tsss! saan kaya nagsuot iyong babae na iyon?

"susunduin mo ?" pukaw ng kaharap ng mapansin kung saan ako nakatingin. Bumaling ako sa kanya at nakita ko ang nanunukso nitong tingin habang inaantay ang sagot ko.

"oo sana eh, nasaan ba?" I calmly replied. Sa kabila ng naguumalpas ng inis.

Minsan na nga lang i-surprise, tsk! Wala pa dito. badtrip!

"naku nasa itaas pa, nanduon sa mock-up floor at nagwo-walthru"  sagot ng kausap na ikina-kunot ko ng ulo.

Lumakad ito papasok sa cubicle nila Louise at nagsimulang imisin ang kagamitan.

"huh?? at this hour? eh uwian na ah?" nagugulumihan kong tanong matapos ito sundan ng tingin.

Lumingon ito sa akin buhat sa ginagawa at tumango.

Natitigilan naman akong nag-isip kasabay ng pag-kunot ng noo at pagsukbit ng shades sa suot na damit.

The fuck! anong walkthrough? Eh Nakasalubong ko na ang ilang subcon sa ibaba na paalis na ah.

"sinong kasama nya? " usisa ko.

"naku, eh may nag-radio kanina nuong nasa itaas kami at pinababa sya duon sa mock-up at magiikot daw... hindi ko lang alam kung sino-sino ang mga kasama nya" tugon nito habang isa-isang inayos ang gamit sa lamesa at animo naghahanda na rin para umuwe.

Hindi ko alam pero kinabahan ako ng marinig ang sinabi nyang iyon. Sinalakay ako ng kagyat na pagdududa kasabay ng paghihinala kung sino ang maaari nitong makasama sa walkthrough na iyon.

Nagsimulang lumikot ang utak ko pero napukaw iyon ng muling magsalita si Jamie. 

"why don't you call her? siguradong matutuwa i--- " suhestyon ng kaharap sa masayang tinig pero hindi na iyon naituloy ng biglaan akong naglakad papasok sa sariling opisina.

Marahas akong lumingon sa table ni Fermin at tila nakompirma ang hinalang lumukob sa akin ng makitang nanduon pa rin ang mga gamit nito. 

Bumaling ako sa direksyon ni Jamie at kunot-noong nagtanong "where's Fermin!?" hindi alintana na pasigaw iyon na nakapag palito sa kausap.

"e-ewan ko" bakas sa mukha nito ang pagtatanong " pag' baba ko k-kanina ay hindi ko na napansin diyaan eh, bakit" dugtong nito.

Great! This is fucking great!!

I shook my head in frustration at muling tumungo sa sariling lamesa. Padarag kong dinampot ang radyong nasa ibabaw nuon.

Nanggigigil akong binuksan iyon at hinanap ang aming frequency.

Ano na naman kaya ang balak ng gagong iyon! hinaing ko.

"Fermin, Fermin" pagra-radyo ko. Pero walang nagresponse.

Makailang beses kong inulit iyon at maging ang pangalan ng kasintahan ay tinawag na din pero wala pa ring sumasagot.

"Damn it!" bulyaw ko kasabay ng pagbagsak sa taban-tabang radio ng maubusan ng pasensya.

"hey! kalma lang okay" puna sa akin ni Jamie matapos makalapit. Nakita ko pang napaigtad ito sa ginawa ko kung kaya ngayon ay pinupukol ako ng nagtatanong na tingin.

Tinapunan ko lang sya ng matiim na titig kasabay ng muling pagkontak kila Fermin pero wala pa ring nag-response.

Hindi na ako nag-isip pa at mabilis ang kilos na lumabas buhat sa kinaroroonan.

Walang lingon-lingon akong nagtungo sa main door habang bitbit ang sariling radio.

"Gabby wait!" paghabol ni Jamie na hindi ko inalinta at nang-gagalaiting nag tuloy sa paglakad.

Nagdudumali akong pumanik kung nasaan sila Fermin. Habang panay naman ang kalabog ng aking dibdib ng mga oras na iyon. Animo may nagkukumawala at gustong lumabas sa kinalalagyan niyon na kahit anong pilit kong pagpapakalma sa sarili ay hindi ko magawa.

Tuluyan akong pinangibabawan ng galit.

Pakiramdam ko ay mauubusan ako ng hangin sa baga sanhi ng sunod-sunod kong paghinga dahil sa sobrang inis na nararamdaman.

Masama ang kutob ko pero sana .... sana lang ay nagkakamali ako. 

Dahil tangina! subukan lang nyang muling guluhin si Louise at sisiguruduhin kong may kalalagyan sya!

Alimpuyo ng damdamin ko.

I don't care if you are my friend Fermin. Ilang beses kong pinalagpas ang mga pagtatangka mong makalapit sa girlfriend ko pero mukhang hindi ka lulubay hanggat hindi mo nakikita ang hinahanap mo! Lintek ka!

Habang paakyat ay nagngingitngit ang kalooban ko.

Pinipilit ko pa rin silang kontakin sa pamamagitan ng radio pero lalo lamang akong nabadtrip ng biglaan iyong mag-dead battery.

"shit!! " daing ko at halos maibalibag ang hawak kong iyon pero ako'y nagtimpi.

Nagkumahog akong pumanhik sa palapag na kinaroroonan nila at nang marating ko iyon ay hinihingal akong nagpalinga-linga habang isa-isang sinusuyod ang mga units na nanduon.

I wanted to scream for my girlfriend's name para makuha ang atensyon nito pero may isang bahagi sa akin ang pumipigil.

Naglakad pa ako patungo sa dulong bahagi ng palapag na iyon ng biglang dinaluhuyong ng sobrang kaba ang dibdib ko matapos mapagawi ang paningin sa kanang parte ng hallway na iyon.

Tumigil ako pansumandali sa paglakad trying to stabilized my breath pero bigo ako dahil hindi man lang iyon kumalma, nagpatuloy ako sa paglakad hanggang makarating sa tapat ng unit na iyon. at nang nagawa kong lumingon sa gawi nuon ay halos panawat ako ng ulirat sa nakita.

Louise...

Animo tumigil ang aking mundo habang napatulala.

Hindi ko nakuhang magsalita ng makita ko ang kaibigan ko at si Louise na naghahalikan!

Hindi!!

No!! no!! this can't be true!

Unti-unti akong napaatras kasabay ng halos pagdaklot sa sariling dibdib ng maramdaman ang panandalian pagtigil ng pagtibok nuon. Nanlamig ang buo kong katawan kasabay ng pagsalakay ng hindi maipaliwanag na sakit.

Ni hindi ko malaman kung saan iyon nagmumula. 

Bawat paghinga ko ay lalong nadagdagan ang sakit na animo ilang libong punyal ang bumabaon duon sa tuwing tatangkain kong humugot ng hininga. Sa sobrang sakit na nararamdaman ay tumulay iyon at nagpupumilit na kumawala sa aking mga mata. Bawat diin ng imbisibol na punyal na iyon ay katumbas ng ilang libong sakit.

Hanggang nag-unahang tumulo ang luha sa aking mga mata.

Nagpatuloy ako sa marahang paglayo sa lugar na iyon kasabay ng biglaang pagkabingi.

Pansumandali akong tumigil at kapag-daka'y nagtatakbo sa kabila ng pangani-nganing panginginig ng mga tuhod.

Wala sarili akong bumaba ng hagdanan.

Mabibilis ang mga yabag at hindi alintana ang pagod dahil ang tanging gusto ko lamang ay tuluyang makalayo sa mga taong nanakit sa akin ng mga oras na iyon.

Buhat duon ay napatigil ako at pilit pinunasan ang muling naglandas na mga luha. Pumikit ako at pilit na huminga ng normal para pigilan ang pagdaloy ng mga iyon pero ako'y nabigo dahil tuksong sumalit sa balintataw ko ang tagpong aking natunghayan kani-kanina lang.

Kitang-kita ko kung anong posisyon nila.

Si Louise na nakasandal sa dingding habang nakatukod ang magkabilang kamay sa dibdib ng kaharap. At si Fermin na nakahawak sa magkabilang balikat nito habang hinahalikan si Louise.

Paano mo nagawa sa akin ito.

Muli akong umiyak kasabay ng pagdalahuyong ng isang katerbang sakit sa dibdib hanggang hindi ko na napigilang balikan ang nakaraan.

Sa ganitong sitwasyon ko rin natagpuan ang taong minahal ko nuon kaulayaw ang taong pinagkatiwalaan ko ng buong-buo.

Si Jena at si Nick.

Muling kumirot ang puso ko.

Hindi ko maiwasan pero nanumbalik ang lahat ng sakit. Ang halo-halong emosyon na unang nagpaguho ng mundo ko.

Sa ikalawang pagkakataon ay ininda ko estrangherong pakiramdam na iyon na inakala kong tuluyan na akong nilisan ng makilala ko si Louise.

I thought everything is okay pero bakit nagkaganito?

Ano bang klaseng paglalaro ng tadhana ito.

Hangang kailan ba ako babatuhin ng ganito kasakit na biro?!

Bakit ba palaging may kapalit na sakit sa tuwing nagmamahal ako ng totoo?!

Tangina! Ano bang kasalanan ko para parusahan ako ng ganito?!

Sunod-sunod na hinaing ko kasabay ng impit na pag-iyak ng muling rumagasa ang sakit.

Lumilipad ang aking isipan at hindi malaman kung paanong papalisin lahat ng negatibong nararamdaman.

Paano nga ba mawawala ito? If the only person that can take away all of this ay siya ring dahilan ng mga ipinagkakaganito ko.

Wala ni isa man sa hinagap ko na kaya nyang gawin ang bagay na ito. At nasasaktan ako.

Ng sobra sobra.

Napapikit ako at unti-unti kong naramdaman ang pagkuyom ng mga kamao.

I thought you were different, Louise. Pero nagkamali ako.

Animo namanhid ang buo kong katawan at wala sa loob na nagpatuloy sa pagbaba mula sa kinaroroonan habang nagsimulang dumaloy ang nakaraan.

FLASHBACK

"see you tonight, yeah?"

"I can't promise anything, Sam. titignan ko kung makasunod kami ni Jena" tugon ko habang nagkukumahog na tanggalin ang seatbelt na nakakabit.

"easy couz!, masyado kang nagmamadali " natatawa nitong sawata sa akin.

Nang tuluyan ko ng makalas ang bagay na iyon ay nanginginig ko namang iniabot ang isang kumpol na bulaklak sa gawing likuran ng sasakyan. Muntikan pa iyong mahulog bago ko tuluyang makuha ng kumibo ang katabi.

"hey!" tapik nya sa akin habang nakatingin sa gawi ko."your nervous" puna nito na hindi ko nagawang kibuin dahil sa sobrang tense na nararamdaman.

"tsss...look at me Gabby" Utos nito ng hindi makatiis at pilit ako nitong pinaharap.

Napalunok ako.. natahimik at hindi malaman kung paano sasawatin ang sarili sa kaba dahil sa sobrang excitement.

Lumingon ako sa kanya. 

"she will accept it. Okay" anya ng kaharap. Halatang pinapalakas ang kalooban ko ng mga sandaling iyon.

Humugot ako ng malalim na paghinga at nagpakawala ng naiilang na pagngiti. And then I nodded at her.

"are you sure, hindi mo ka-kailanganin ng tulong ko?" tanong pa ulit nito.

Ninenerbyos akong umiling. "I can do this, Sam" at muling humugot ng malalim na paghinga.

Napangiti naman ang kaharap at tinapik pa ang balikat ko " goodluck then, buddy. you can make it"

"balitaan mo ko kaagad, yeah?" hirit pa .

"I w-will" tugon ko at umibis ng sasakyan, bitbit ang isang kumpol na bulaklak habang kapa-kapa ang isang maliit na bagay sa bulsa ng suot suot na jacket.

"mauna na ako" paalam ng pinsan ko as soon as I closed the passenger door.

Tinanguan ko ito " thank's for dropping me by, couz . Ingat ka sa pagbiyahe" bilin ko kasabay ng isang pilit na pagngiti.

She nodded at me at pinatakbo ang sinasakyan.

Sinundan ko pa iyon ng tingin hanggang sa tuluyan makalayo.

Humarap lang ako sa tapat ng building na aking kinaroroonan ng mawala na paningin ko ang sasakyan ng pinsan.

Dumiretso ako ng pagtayo  at tumingala pa muna sa ituktok na bahagi ng building na iyon atsaka nagbitaw ng isang malalim na buntong hininga.

This is it.

Nagsimula akong humakbang patungo duon habang pilit sinasawata ang unti-unting nerbyos na umaahon.

Napapangiti pa ako habang pinapansin ang maaliwalas na kapaligiran.

Lahat ng mahagip ng aking mga mata ay animo ka-aya-aya sa aking paningin. Ultimo ang puno na nasa gilid ng pathwalk na dating hindi ko naman pinapansin ay na-appreciate ko bigla.

Tumingala pa ako duon ng mapadaan sa ilalim at nakangiting pinagmasdan ang mga iilang ibong nagliliparan sa paligid nuon. Animo masaya ang mga iyon na humuhuni na tila musika sa pandinig ko.

Nag-uumapaw ang saya sa puso ko kahit kaakibat nuon ay nangingibabaw ang hindi maipaliwang na nerbyos dahil sa sobrang excitement.

Bawat taong masalubong ko ay nginingitian ako lalo pa at nakikita nila ang isang bouquet ng rosas na aking dala-dala.

Feeling ko ay masaya sila lahat para sa akin.

"Aww... flowers.. ang ganda naman... "

"Oo at ang maganda rin ang may dala-dala"

"ibinigay kaya ng boyfriend nya ? "

Nakangiti akong napapailing.

"Shocks! Ang swerte naman naman nuong guy. ang ganda-ganda ni ati! "

Ako ang maswerte ate. Bulong ng isip ko kasabay ng pagngiti

Masuwerte ako sa girlfriend ko. Dugtong ng isang panig ko.

"Di ba sya iyong magandang babae duon sa penthouse? Gahd! Ang ganda-ganda nya talaga! Celebrity ba yan? "

"Hon, gusto ko rin ng ganun" isa pang komento na narinig kong bulong ng babae dun sa kaabrisyete nyang lalaki habang nakatingin sa bulaklak na dala-dala ko.

Naiilang man ako sa mga naririnig ko ay hindi ko mapigilan ang mapangiti.

At aaminin ko ang mga papuring iyon ay naka-dagdag sa kumpiyansa kong animo tinatakasan ako sa tuwing maalala ang gagawin sa mga susunod na oras na iyon.

Nang makarating sa bukana ng building na iyon ay tuluyan akong pumasok.

Binati pa muna ako ng receptionist na ginantihan ko naman ng simpleng pagngiti at tango bago tuluyang pumanhik sa sariling penthouse.

Habang sakay ng elevator ay unti-unti akong binalot ng hindi maipaliwanag na kaba. Ilang beses kong pinilit kumalma at animo pin-raktis pa ang ilang sasabihin hanggang huminto ang sinasakyan sa aking destinasyon.

Excited akong lumabas at dahan-dahang lumapit sa double door na nanduon. I paused for a while still trying to calm myself hanggang dukutin ko ang spare keycard na nasa aking jacket.

Marahan ko pang nasagi ang isang bagay na nanduon din sa bulsang iyon na syang nakapag-pangiti sa akin.

Dahan-dahan kong binuksan ang pintuang iyon kaakibat ang isang malawak na ngiti na unti-unting ring nawala matapos makita ang dalawang familiar na taong iyon na nasa aming sofa.

Jena....

End of Flashback
********

Continue Reading

You'll Also Like

205K 8.2K 64
The great Lien Naeree Abueva ang babaing hinahangaan ng lahat dahil sa galing nito sa pagmomodelo, her life was almost been perfect kung 'di n'ya lan...
16.4K 278 6
Si Arman ay matagal ng iniwan ng kaniyang asawa. Ang anak nalang nila na si James ang nagpaiwan. Masakit para kay Arman na ipagpalit sa ibang lalaki...
430K 9.6K 43
basta gxg, di ako magaling sa description. basahin mo nalang
829K 28.4K 73
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.