Garnet Academy: School of Eli...

By justcallmecai

28.4M 1M 785K

(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the s... More

Garnet Academy
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Last Chapter (Part 1)
Last Chapter (Part 2)
Epilogue
Book Announcement
Special Chapter
Bonus

Chapter 38

352K 13.3K 10.1K
By justcallmecai

Chapter 38

Tattoos

Nanigas ang buong katawan ko sa narinig. Ni hindi ko nagawang lumingon, hinayaan ko na lang na marinig ang papalapit niyang mga yapak.

Hindi ko alam kung bakit sobrang naninikip ang dibdib ko.

Nahulog siya sa patibong ni Stephanie? Kagagalitan niya ba ako? Aayawan niya na ba ako?

Nagulat ako nang biglang nasa harapan ko na si Kairon. He cuffed both of my cheeks. "Are you okay? Are you hurt?" alalang tanong niya.

Halos malunod ako roon. Anong nangyayari? Hindi ba galit siya sa akin? Sumigaw siya kanina, his voice was flamming mad. Bakit ngayon ay kay lambing na?

"Are you alright? Please, answer me." aniya. He even checked my body.

Nanatili akong tulala sa kanya. My heart suddenly melted and then water pooled my eyes.

Halos malimutan ko na si Stephanie na nakaupo roon sa sahig.

"Kai, ano ka ba?!" sigaw niya. "Bakit sa babaeng 'yan ka nag-aalala? Ako itong nasaktan! Ako itong nasa sahig! Are you out of your mind?!"

Hinawakan ni Kairon ang kamay ko, mainit at malambot ito. He then intertwined our fingers.

"Yes, I'm out of my mind. Kaya Steph, pwede ba? 'Wag ka nang manggulo. Tumigil ka na." Kairon's authoritative voice echoed.

Ako mismo'y matatakot doon.

Dahan-dahan akong hinila ni Kairon palayo roon. Nagpatiyanod naman ako.

Tahimik lang kaming dalawa hanggang sa makarating kami sa Flamma Building at sa tapat ng mga kwarto namin.

"Are you really okay? Hindi ka ba nasaktan?" Kai asked worriedly.

Umiling na lamang ako dahil sa mga iniisip.

"Pumasok ka na sa kwarto mo. Take a rest." aniya.

Saglit akong napatitig sa kanya.

"Hindi mo ba tatanungin kung anong nangyari?" I asked.

Hindi na kasi siya nagtanong o nag-usisa tungkol doon. Tila sapat na sa kanyang malaman na ayos lang ako.

Umiling siya. "I don't need to know... I trust you."

Ang kaninang nanigas na puso ko ay masyado nang malambot ngayon.

"P-paano kung totoo 'yun? Paano kong ginawa ko talaga 'yun? Paano kung sinaktan ko nga si Stephanie?" utas ko.

He smiled and ruffled my hair. "Kilala kita. Alam kong hindi mo 'yon magagawa."

"Pero paano kung nagawa ko kanina? Paano kung sinampal at tinulak ko nga siya?" tanong ko pa.

Why does Kairon trust me this much?

"Gaya ng sinabi ko, kilala kita. At kung nagawa mo man 'yun, alam kong may dahilan." aniya at ngumiti ulit. "Don't think about it too much. This isn't a math problem, baby. Cause whether its your fault or not, I will always be on your side."

His words touched the core of my heart.

"Wala na akong pakialam sa iba pag ikaw na ang pinag-uusapan." aniya sa halong matigas at malambot na tono.

Bakit lagi itong ginagawa ni Kairon sa akin? Hulog na hulog na ako sa kanya. Walang kawala. Walang pag-ahon.

Halos tumulo na ang kanina pang nanunubig na mata ko, napigilan ko lang ulit sila. Malakas ata ang guardian angel ko sa likod.

"Sige na. Magpahinga ka na." he then said.

Tumango ako kaya naman tumalikod na rin siya para pumunta sa kwarto niya.

Pipihitin ko na sana ang pintuan ko nang hindi ko na mapigilan ang bugso ng damdamin ko.

I turned around and ran to Kairon before he can even touch the knob of his door. I hugged him. I hugged him tight at the back.

"Thank you." I said and cried secretly on his back. "Akala ko galit ka sa'kin. You shouted and called my name."

"I said, 'Stop it. Paige.' not 'Stop it, Paige.' There's a difference. I want the scene to be stopped and then I called you. I did not asked you to stop."

Hinawakan niya ang mga braso kong nakapulupot sa kanya at wala nang mas peperpekto pa sa mga oras na iyon.

Ngayong panibagong araw ay siya na ring huling araw ng School Fair.

Pinuntahan ko si Lia sa canteen dahil nagtext siya na kailangan niya raw ng kaibigan. She's being weird!

"Lia!" tawag ko at mabilis siyang pinuntahan.

Nakapangalumbaba siya sa lamesa at nakatulala.

"Huy!" I even shaked her shoulders.

"Ano ba..." reklamo niya.

"Ano ba kasing problema mo at para kang nagcecelebrate ng araw ng patay diyan?" tanong ko tapos ay naupo na sa tabi niya.

"Oo! Dahil kung sino man 'yong nagpalista ng pangalan ko roon sa Prison Booth na 'yon, paglalamayan siya!" ani Lia.

Halos mabilaukan ako sa narinig.

"Ah, eh... Hehe. Bakit ba? Ano bang nangyari?" halos mapakamot ako ng ulo.

Nagsapakan ba talaga sila ni Kuya Mac at ganito makapagreact itong si Lia? Ako ang kinakabahan, eh!

"Hindi ka ba nasayahan?" tanong ko pa.

Muntik ko nang masabunutan ang sarili. Ano ba namang tanong iyan, Paige? Nakakaloka ka!

Tinakpan ni Lia ang kanyang mukha gamit ang dalawang kamay niya. "Iyon na nga ang problema, Paige. Nasayahan ako!"

Nanlaki ang mga mata ko. "A-ano? Oh my go-"

Napigil ang sigaw ko nang takpan ni Lia ang bibig ko. "Sshh!"

Tumango ako para alisin niya ang kamay niya.

"Nabigla lang ako! Sino bang hindi? Ano ba kasing nangyari?" excited kong tanong.

Kung alam ko lang, nagpatayo na ako ng Prison Booth noon pa lang! Shocks!

"Hindi ko alam. Nahihibang na ata ako." aniya at sumabunot sa sariling buhok. "Bigla bigla na lang nagkaroon ng sparks! Hayop na sparks 'yan!"

Muntik na naman akong mapatili dahil sa kilig!

"OMG!" mahinang sigaw ko. "Lia, magkaka-love life ka na!"

"No way!" bawi naman niya.

Ngiting-ngiti ako habang binubuyo si Lia. "Ano ka ba? Si Kuya Mac... mabait, tahimik, responsable at guwapo pa! Saan ka pa, 'di ba?"

"Argh!" aniya sabay takip sa dalawang tainga.

"Ganyan talaga... Alam mo, hindi sa lahat ng tao mararamdaman mo ang sparks. Tanging sa espesyal na tao lang!" gatong ko pa.

"Hindi pwede 'to. Hindi. Hindi!" aniya habang umiiling pa.

Habang namomoblema ang kaibigan, ako naman ay sektretong natutuwa. My ship is freaking sailing!

"Samahan mo na nga lang akong bumili ng ice cream pampawala ng stress!" aniya.

Grabe! Nakakastress bang magustuhan si Kuya Mac? Ang cute kaya.

Sinamahan ko si Lia na bumili ng ice cream sa may field. Marami rin kasi tinayong iba't-ibang food stalls doon para sa fair.

Malaking cup ang binili ni Lia. Iba't-iba rin ang flavors na pinascoop niya. May chocolate, cookies and cream, coffee crumble, double dutch, strawberry and vanilla. Nakakaloka! Ganyan siya kastress?!

"Hindi ka bibili?" tanong ni Lia habang lumalantak na ng ice cream.

Umiling na lang ako.

Lalakad na sana kami nang biglang dumating si Lancer.

"Kumusta?" tanong niya sa amin ni Lia. "Are you guys busy? Last day na ng fair."

Hindi sumagot si Lia. Nanatili lang siyang lumalantak ng ice cream.

"Okay lang naman, hindi naman ganoon kabusy. Sinamahan ko si Lia na bumili ng ice cream." sagot ko kay Lancer.

"Ah, ganoon ba. Sabagay, hindi rin masyadong busy sa Sports Club." he said and laughed a bit. "Kaya nga pupunta ako sa Art Booth ngayon. Magpapa-sticker tattoo ako. Trip lang."

"Talaga?" Mukha ngang nakakatuwa iyon at parang nais ko rin na subukan. "Sama kami! Gusto ko ring masubukan."

"Tara." ani Lancer at naglakad na.

Nilingon ko naman si Lia para mahatak na pero bigla na lang siyang naupo sa isang bench malapit. "Kayo na lang. Wala ako sa mood."

Natawa na lang ako at napailing kay Lia tapos ay sumunod na rin ako kay Lancer.

"Anong ipapa-tatto mo?" tanong ko kay Lancer habang naghahanap kami ng design sa isang makapal na album.

"Hmm..." at patuloy siyang nagflip ng pages sa album. "I guess I'll be getting this one."

He said and showed me the design of the sticker tattoo. It's a broken heart, though the line that cuts it is straight and horizontal.

Seryoso akong napatingin sa kanya. "Bakit naman ganyan ang napili mo?"

Broken hearted ba si Lancer? Wait... Umamin na kaya siya roon sa babaeng gusto niya?

He chuckled a bit. "This is for the girl who keeps on breaking my heart."

Hala! Baka umamin nga siya tapos nabasted!

"Kung nasasaktan ka niya, bakit naman iyan pa ang ipapa-tattoo mo? You'll just keep on thinking about her if you do that." Nalulungkot ako at nai-stress at the same time kay Lancer.

Nagkibit balikat lamang siya.

"You should forget the pain, Lance." I took a deep breath. "Forget the past that makes you sad and focus on the present that makes you smile."

Natawa siya at umiling. "What if the person who makes me sad, is also the person who makes me smile?"

Halos malukot ang puso ko sa sinabi niya. That's so sad! Damn it! Sino ba kasi iyang babae na iyan? Nakakainis! Sumakit sana ang tiyan niya!

"Don't worry about it... Nabubura naman 'tong sticker. At saka hindi ko naman 'to napili para maalala ko siya. I chose this to remind me of my limits." ani Lancer.

Mariin akong napatingin sa kanta. "Limits?"

"Yeah... Alam mo namang gago rin ako. Gusto ko lang matandaan ang limitasyon ko. Baka hindi ako makapagpigil at bigla ko siyang mahalikan, ma-kick out pa ako."

"Huh?" nagtaka naman ako. At bakit naman siya makikick out? Don't tell me isa sa mga professors ang bet niya kaya bawal?! Jusmiyo!

Natawa siya at ibinigay sa akin iyong album. "Pumili ka na nga lang diyan."

Nagpunta ako roon sa may label na 'text'. Gusto ko kasing word ang ipatattoo kesa sa symbol.

I continued flipping pages nang natigil ako sa letter C.

Commander

Iyon ang magandang text na nakita ko. Ang lettering niya ay parang iyong sa typewritter, simple and classic. Maarte ako sa sa mga styles pero gusto ko rin ng minimal kung minsan.

"Ito ang gusto ko!" sabi ko kay Lancer at ipinakita sa kanya iyong text na gusto ko.

Nag-iba saglit ang ekspresyon ni Lance pero tumawa rin siya. "Wala na. Finish na."

"Ano?" tanong ko dahil hindi ko siya masyadong narinig.

"Wala. Ang loyal mo kako." aniya.

"Ha? H-hindi, ah! Maganda lang kasi iyong lettering. Issue 'to!" giit ko kay Lancer.

Hindi ko naman pwedeng ibulgar na lang ang relasyon namin ni Kairon. Teka nga... masyado na bang halata ang relasyon namin?!

Nilalagyan na ng tattoo si Lancer ngayon. Mauuna dapat ako sa kanya pero bigla na lang sumakit ang tiyan ko. Kumain naman ako kanina, ah?!

Pagkatapos ni Lancer ay ako naman. Nang natapos ako ay nanatili kaming nakaupo para magpatuyo saglit. Sa wrist nagpalagay si Lancer. At ako naman, nagpalagay ako sa gilid ng ring finger ko.

"Ang ganda." sabi ko habang tinitignan iyon.

"Yeah... That Kairon guy is so lucky to have you."

"Hindi lang ako lucky, pre. I'm blessed." umalingawngaw ang maangas na boses ni Kairon sa likuran namin ni Lance.

"Kai! Anong ginagawa mo rito?" tanong ko dahil nagulat ako sa biglaan niyang paglitaw.

"I'm finding you." aniya sa mahinang tono.

Tumikhim si Lancer kaya naman bumaling na naman ang atensyon ni Kairon sa kanya.

Inayos ni Kai ang kuwelyo niya tapos ay mariing tumingin kay Lancer. "Totoo pala 'yong kasabihan, 'no? If the cat is away, the mice will play."

Tumayo si Lance at hinarap si Kai. Pareho silang nag-iinit at parang magsusuntukan na. Damn it! What the hell is happening with these two?!

Continue Reading

You'll Also Like

503 78 35
Sabi nila, kapag daw nasa fifteen below ang edad mo ay crush lang ang lahat, paghanga lang kumbaga. Pero kay Reia bakit parang hindi? She fell in lov...
63.6K 6.6K 163
KF BOOK 1: AN EPISTOLARY Date Published: April 8, 2021
185K 5.3K 103
wherein jisoo, the literary editor of their school's student publication, gets into a heated argument with taehyung, their news writer, after making...
24.7M 558K 156
This is not a love story. This is a story about LOVE.