Dean's Lists (COMPLETE)

By iamnards

184K 2.5K 408

Top Students. One list. One Night. One Tragedy. Mysteries & deaths will follow. More

Foreword
The Lists
Alice
Dean's Office
Biyahe
The Arrival
Presinto
Morge
Over 'da Bakod
The Ward
Ebidensya
Shiela
Confessions
Confessions Part II
Si Mr. San Carlos!
Hit and Run
Hitch
MAINIT NA KAPE pt 1.
MAINIT NA KAPE pt 2.
MCM 666 pt 2
Highway
MATA sa PATALIM
ANG PAGSAGIP
KILLER, REVEALED!
Selfie na, wackie pa!
The Truth
The Truth pt 2
The Truth pt 3
Ang Pagwawakas
Author's Note

MCM 666 pt 1

4.4K 55 3
By iamnards

Nagulat sila sa hindi nila inaasahang makita. Ang pagkalason ng mga tao sa presinto.

Nagmadali si Inspektor na puntahan ang isang naghihingalong officer at sinubukang kausapin.

Ngunit bigo itong makapag-bitiw ng kahit anumang salita at nalagutan na ng hininga.

Nagmasid si Inspektor sa kalunos-lunos na pangyayari.

Bawat sulok ng presinto ay ang mga nakahandusay na katawan. Walang buhay. Ang ilan ay nanginginig habang pilit na nilalabanan ang epekto ng lason na unti-unting sumasakop sa kanilang nanghihinang katawan.

Biglang pumasok sa isip ni Inspketor ang mga pangyayari, ilang minuto ang lumipas…

Isang police officer ang lumabas mula sa pantry dala ang isang trey ng coffee na isa-isang ibinibigay sa kasamahan.

Kinuha ni Inspektor ang isang tasang kape. Ngunit bago pa man ito inumin, isang officer ang pumasok sa presinto at ini-ulat ang natagpuang sasakyan at hindi makilalang bangkay sa sasakyan ni Janus  dulot ng pagkasunog.

Matapos ay ibinaba nito ang kape at saka pumasok sa isang kwarto.

Bago pa iyon, naalala rin ni Inspektor ang naabutan nito sa pantry kung saan naroon sina Mary at Mr. San Carlos, at ang isang trey ng coffee sa isang table.

“This is f*cking crazy!”, ani ni Inspektor.

Hindi pa rin tumitigil sa paghagulgol si Alice habang yakap-yakap ni Janus.

Ilang saglit, isang boses ang kanilang narinig.

“Aaahhhh… aahh… A-l-i-c-e…..”

Bahagyang huminahon si Alice at hinanap ang pinanggagalingan ng tinig.

“Mary…”, nangingiyak na tawag ni Alice.

Sumunod sina Inspektor at Janus sa kinalalagyan ni Alice at tumambad sa kanila ang isang naghihingalong si Mary.

Walang tigil sa pagluha ang mga mata ni Mary habang pilit na nagbibitiw ng salita. At sa bawat paghbalo nito ng hininga ay ang patuloy na pagbula ng kanyang bibig dulot ng pagkalason.

“Ssii…. M-r. Sss-a-n Cccc-a-r-l-o-s…”, ito ang mga huling salita na binitiwan ni Mary.

Nawalan ng buhay si Mary ng nakadilat ang mga mata. Bakas sa mukha nito ang naramdamang dusa sa sinapit na mapait kamatayan.

Lumapit si Janus sa katawan ni Mary at isinara ang mga mata. Matapos ay niyakap ang nagdadalamhating si Alice.

Lumapit si Inspektor sa Information Corner at inabot ang telepono.

Bago pa mai-dial ni Inspektor ang mga numero…

Isang liwanag ang sumakop sa pintuan ng presinto.

Napukaw nito ang kanilang pansin.

Tumayo sina Janus at Alice. Ibinaba ni Inspektor ang telepono.

Habang tumatagal, lalong lumalakas ang liwanag na unti-unti naring kinakain ang entrance ng presinto.

Pinagmasdan muli ni Inspektor ang pinanggagalingan ng malakas na liwanag.

At bumungad dito ang isang rumaragasang sasakyan.

Nang mapansin ni Inspektor na tila hindi nagbabago ng direksyon ang matuling na sasakyan, nagmadali nitong itinulak sina Janus at Alice upang makalayo sa may pintuan ng presinto.

At…

(Booom!)

Bumangga ang sasakyan sa presinto.

Nawasak ang pintuan na gawa sa salamin. Nagkalat sa sahig ang mga piraso nito.

Nakahandusay sa sahig ang mga katawan nila Janus, Alice at Inspektor.

Nang makabawi na ng lakas si Janus mula sa pagkabugbog ng katawan dulot ng pagbagsak, unti-unti itong tumayo at pinagmasdan ang sasakyan…

Nandulat ang mga mata nito nang makita ang plate no. nito…

“MCM 666”

Ito ang plate no. ng sasakyan ni Mr. San Carlos, ito rin ang sasakyan na humahabol sa kanila mula sa campus hanggang sa ma-aksidente sila.

Lalo pa itong nangilabot nang makita kung sino ang sakay ng sasakyan…

Dali-dali nitong ini-angat ang nanghihinang katawan ni Alice.

Nang makatayo na si Alice…

Nabalot ito ng labis na pagkatakot nang makita ang driver ng sasakyan…

Si Mr. San Carlos.

Nagmadali sila na tulungang makatayo si Inspektor.

Nang subukang tumayo si Inspektor, tila nakaramdam ito ng matinding pananakit ng kanang binti.

At nang kanya itong tingnan, isang bubog ang nakita nito na nakatarak dito.

Bakas sa mukha ni Inspektor ang sakit na nararamdaman habang unti-unting hinuhugot ang nakatarak na bubog sa kanyang binti.

Nang hindi nila inaasahan na marinig ang pag-andar ng makina ng sasakyan, nagmadali ng hinugot ni Inspektor ang bubog sa kanyang binti.

Napabuntong hininga na lamang si Inspektor nang makita ang haba ng bubog na nakuha sa kanyang binti.

Continue Reading

You'll Also Like

40.1K 875 34
CASE 1 is now CLOSED! - Student in the Hallway Kung sayo ba hihinging tulong ang isang kaluluwa na hanapin ang kanyang katawan tutulungan mo? 'Oo' la...
110K 2.8K 105
More on action fight scenes, missions, solvings, armies, terrorist, most wanted, killing, historical, mystery/thriller, science and superhuman ficti...
7.8K 5.1K 59
Writer Miss Loreen also known as Queen_Loreen as her pen name, writes a story about fantasy fused with romance genre but what if something magical ha...
666K 3K 6
Rank # 15 in FANTASY category as of 02/12/17 STRICTLY NO PLAGIARISM! PLAGIARISM IS A CRIME. -missfries