"Chalstine, Log In!" (Complet...

By sacchariferousdreams

104K 2.3K 1.2K

Hindi akalain ni Chalstine na ang mundo ng The Legendary Clash na isang online game ang magpapabago sa takbo... More

Prologue
Chapter 1: Just_Chals_96
Chapter 2: Ironic_Volvo
Chapter 3: Mr. Wax, Boy Dimple and Chinito
Chapter 4: A Change In Margarette's Life
Chapter 5: Virgo
Chapter 6: Ivan
Chapter 7: Evo
Chapter 8: Por Da Pers Taym
Chapter 9: Moody Volvo?
Chapter 10: Seriously Sweet Evo
Chapter 11: Gorgeous. Pretty. Beautiful.
Chapter 13: Cardigan's Owner
Chapter 14: The Legendary Clash Annual Meet Up
Chapter 15: Oo
Chapter 16: Special and First
Chapter 17: Virgo Lover. Ivan Stalker?
Chapter 18: Sumbrero, Jacket at Shades
Chapter 19: Chat and Fries Conversation
Chapter 20: Unlucky Or Lucky?
Chapter 21: Rain And Sacrifices
Chapter 22: Nurse Margarette And Patient Evo
Chapter 23: Who's Volvo?
Chapter 24: Hospital Confrontations
Chapter 25: Hatred and Forgiveness
Chapter 26: Stars Versus Hearts
Chapter 27: Goodbyes
Epilogue

Chapter 12: Superhero

3.5K 83 49
By sacchariferousdreams

Chapter 12: Superhero

“Aw!” napangiwi ako ng maramdaman ko ang lalong paghigpit ng kamay ni Virgo sa braso ko.

“Virgo! Nasasaktan si Margarette! Bitawan mo ‘yang kapatid ko!” tumayo si Kuya Dustin kasabay naman ang pagbitaw ni Virgo sa braso ko. Tila nabuhusan sya ng malamig na tubig sa katawan, natauhan sya bigla.

 

“Sorry Brad.” Napayuko sa hiya si Virgo.

Hinimas-himas ni Kuya D ang braso ko kung saan napahigpit ang hawak ni Virgo. Para bang minamassage nya ito para makadaloy ulit ng maayos ang dugo sa mga ugat ko. Hindi din naman nya kasi ako sinasaktan ng ganun kaya ayaw nyang may nananakit sa aking ibang tao. Mahal na mahal kaya ako ng Kuya Dustin ko.

“Huwag na huwag mong mahawak-hawakan si Margarette ng ganyan. Nanliligaw ka pa lang Brad, ni hindi nga ako dapat papayag eh. Pero kung igagaya mo lang si Margarette sa mga naging babae mo, pwes ngayon pa lang sinasabi ko na sa’yong itigil mo na ang pagporma mo sa kapatid ko.” pagdating talaga sa akin napakaprotective ni Kuya Dustin. Totoo ang sinabi nya na kahit pa kaibigan nya pwede nyang makaaway.

“Oh easy! Easy lang mga Brad! Igalang nyo naman yung bahay namin, maghohouse blessing pa lang kami bibinyagan nyo na ng away? Naman mga Brad oh. Tama na, naririnig na tayo ng mga ibang tao.” Pumagitna na si Kuya Ivan para pigilan ang mga kaibigan nya.

Dahil naman sa mga sinabi ni Kuya Ivan kumalma ang hitsura nina Kuya Evo, Virgo at Kuya Dustin. Hinarang ko na si Kuya D saka hinawakan ko na rin sya sa kanyang balikat para pakalmahin pa lalo. Tumango naman sya sa akin at sinabing okay na sya. Umupo na kaming dalawa at ganun na rin ang ginawa ng tatlo pa nyang kaibigan.

Nagsimula na ang program. May konting dasal lang na ginawa ang pari na inimbitahan nila saka binasbasan ang kabuuan ng bahay. Pagkatapos ay nagspeech lang din ng konti ang mga magulang ni Kuya Ivan. Inikot ko ang paningin ko sa paligid, puro may kaya at mayayaman ang mga bisita nila Kuya Ivan. Nababagay lang sa kanila na isa ring mayaman.

Sinamahan ako ni Kuya Dustin na kumuha ng makakain nung magsimula na ang hapunan. Nalula ako sa dami ng nakahanda sa isang mahabang lamesa. Sabi ni Kuya Dustin nagpacater daw sina Kuya Ivan sa isang restaurant para hindi na sila magabala pang magluto. Kaya pala may mga waiter na naglalagay ng pagkain sa pinggan namin. Ngayon ko lang kasi naranasan makakain ng ganito, yung may naglalagay sa pinggan ko. Sukat na sukat pa yung dami ng ilalagay.

Pagbalik namin sa mesa namin kumakain na sina Kuya Evo at Kuya Ivan. Tumabi ako kay Kuya Ivan at nasa kabila ko naman si Kuya Dustin, napapagitnaan nila ako. Habang nasa kabilang parte ni Kuya Dustin si Kuya Evo.

Isang pinggan na puno ng pagkain ang dala ni Virgo pagbalik nya sa amin. Dahil isang bakanteng upuan na lang ang natitira, wala na syang nagawa kundi pumagitna kina Kuya Ivan at Kuya Evo. Hindi pa rin sila nagpapansinan ni Kuya Evo. Walang nagsasalita, galit-galit lahat. Kapag nagkukulitan kami nila Steven dati, sinasabi nilang galit-galit muna kapag kumakain kami ng fishball sa kanto. Pero kulitan lang namin yun, samantalang dito sa party nila Kuya Ivan naging makatotohanan naman.

Walang balak magtagal si Kuya Dustin dito kina Kuya Ivan, malayo-layo din kasi ang bahay namin mula dito sa kanila. Dalawang sakay pa raw kami pauwi pero dahil hindi kami maihahatid ni Kuya Ivan, ipapakuha na lang daw nya kami ng taxi. Sya ang nagaya sa amin na pumunta sa kanila kaya responsibilidad daw nyang makabalik kami ng maayos sa bahay. Ayaw sana ni Kuya Dustin na sagutin ni Kuya Ivan ang pamasahe namin pero pinilit ng kaibigan nya. Magtatampo raw ito sa kanya.

Nang makakuha ng taxi ang guard nila Kuya Ivan, sumakay na kaming dalawa ni Kuya Dustin para makauwi. Nagpaalam na ako kay Kuya Ivan pero nais ko sanang magpaalam din sa dalawa pa nilang kaibigan pero wala na raw ang mga ito. Hindi na mahagilap sa loob ng bahay nila Kuya Ivan. Hinayaan na lang namin at umalis na kami ni Kuya D.

________________________

Hindi ako mapakali. Nakailang beses na akong paikot-ikot sa kama. Muntikan ko na ngang masipa si Justin na nasa may kabilang higaan.

Nararamdaman ko din ang sakit ng talampakan ko dahil sa sinuot kong sandals kanina sa party. Ang sarap sanang putulin ng paa ko dahil sa sakit kanina. Pagsakay ko nga ng taxi kanina agad kong tinggal ang sandals na suot ko eh, laking ginhawa nung nahubad ko.

Bakit kaya ganito ang mga nangyayari? Gustong-gusto ko ng magtanong kay Kuya D pero hindi ko magawa. Kasi naman siguradong hindi nya ako bibigyan ng sagot eh.

Nakatulog na lang ako na puno ng iniisip, nakatulog sa pagod buong araw.

Maaga akong nagising kinabukasan, pinagalitan kasi ako ni Nanay dahil gabi na raw kami umuwi ni Kuya Dustin. Puro na lang daw kami pasarap pero sya hirap na hirap na sa bahay. Kami daw nakakakain ng masarap samantalang sila kagabi Adobong Kangkong lang ang ulam.

Pati si Kuya Dustin wala ng nagawa sa panenermon ni Nanay. Sya ngayon ang maglalaba ng mga damit namin dahil si Nanay naman ay maglalaba sa pinaglalaba nya. Walang pasok ngayon si Kuya Dustin kahit na lunes, nakaleave daw kasi ang boss nya. Ako naman wala ding pasok dahil faculty meeting lang ngayon ng mga teachers ko.

Nadatnan ako ni Kuya D na nagwawalis sa sala ng kunin nya ang mga damit na labahan sa kwarto namin.

“Oh, bilisan mo dyan. ‘Wag kang lalabas ngayon araw na ito.” mukhang wala sya sa mood ngayong ang aga-aga.

“Kuya.. Malapit na yung annual meet up ng TLC. Pupunta ba kayo ng mga kaibigan mo?” dinala ko ang topic sa isa sa mga paboritong pagusapan ni Kuya D.

“Hindi ko alam sa kanila. Busy ako nun sa trabaho kaya hindi ko iniisip na pumunta dun, hindi naman importante.” Patuloy lang sya sa ginagawa nya ng hindi nakatingin sa akin.

 Hindi talaga maganda ang timpla ni Kuya D. Nakapagtataka talaga sya ngayon dahil hindi naman sya ganito umasta sa akin.

“’Wag ka ng maglalalapit kay Evo masyado Margarette. Hindi ba nanliligaw sa’yo si Virgo? Magaaway lang ang dalawang ‘yon kapag napalapit ka pa lalo kay Evo. Magkakalamat ang pagkakaibigan namin kapag nangyari ‘yon, at ayokong ikaw ang maging dahilan.” Tila nagkaintidihan kami ni Kuya Dustin sa lahat ng mga sinabi nya, napatango na lang ako bilang sagot.

Kahit naman hindi ko masyadong maramdaman ang panliligaw ni Virgo, yun pa rin ang pakay nya para sa akin. May punto si Kuya Dustin, kailangan ko na nga sigurong dumistansya kay Kuya Evo. Napapansin ko na rin ang tensyon sa pagitan nilang dalawa. Hindi ko rin naman kaya na ako ang maging dahilan para masira ang pagkakaibigan nila Kuya D at ng mga kaibigan nya.

 __________________

Kinaumagahan bago ako pumasok, sinabihan ako ni Kuya Dustin na susunduin daw ako ni Virgo sa eskwelahan paguwi ko. Humingi daw ito ng pahintulot sa kanya kaya pinagbigyan nya. Binigyan nya ito ng isa pang pagkakataon matapos ang naging eksena sa house blessing sa bahay ng mga magulang ni Kuya Ivan. Isa pa para din daw hindi na ako mapagod sa paglalakad pauwi.

Nang maguwian na, inasaahan ko na nasa gate na si Virgo pero wala naman akong nadatnan paglabas ko ng gate. Ni anino ng sasakyan nya wala rin akong nakita.

Napabuntong hininga na lang ako habang umuupo sa maliit na upuan sa labas ng eskwelahan. Napaisip tuloy ako kung kailangan ko pa bang hintayin si Virgo o hindi na? Ang hirap naman ng walang cellphone.

Mas pinairal ko na lang ang pagiging masunuring kapatid. Kung anong sinabi ni Kuya Dustin, yun na lang ang gagawin ko. Maaari namang malate lang si Virgo ng pagsundo sa akin, baka may dinaanan sya saglit o kaya naman papunta na. Tama, yun na lang ang iisipin ko.

Habang nananatili akong naniniwala na darating si Virgo, hindi ko napigilang hindi pansinin ang pagkulog sa kalangitan. Nagbabadya ang malakas na pagulan dahil dumidilim na rin kasi. Ang mga tao sa paligid nagsisipagmadali na upang makauwi sa kani-kanilang bahay. Yung ibang wala atang dalang panangga sa ulan, nagsisitakbo na paalis. Kapag ganito na ang nakikita mo, talagang mapapaisip ka na rin sa sarili mo kung paano ka na.

Naalala kong wala akong dalang payong. Hindi ko rin naman kasi ugali na magdala ng payong kahit na pinipilit ni Nanay na isaksak palagi iyon sa aking bag. Eh ang bigat-bigat kaya ng bag ko tapos lalagyan pa ng payong? Tsk!

Napatayo ako bigla, parang gusto ko ng umuwi. Ayokong madatnan ako ng ulan dito. Wala na akong ibang palda kaya hindi ako pwedeng mabasa ng ulan, may pasok pa bukas.

Atras, abante.

Pabalik-balik ako sa upuan ko at sa kalsada. Nahihirapan na akong magdesisyon kung uuwi na ba ako o maghihintay pa rin sa sundo ko raw. Kaso ang tagal nya, lagpas kinse minutos na syang late sa tamang oras ng uwi ko.

*Beep!*

*Beep!*

Napalingon ako sa biglang bumusina sa aking gilid. Bigla akong naliwanagan, ang sundo ko!

Napangiti na sana ako nung pinihit ko ang katawan ko pagtingin sa likuran, pero bigla ko ring nabawi ang ngiting yun ng iba ang nakita ko kumpara sa inaasahan ko.

Mali ako ng iniisip, si Virgo dapat. Pero bakit si Kuya Evo ang nandito sakay ng motor nya?

“Hi Margarette!” bati nya.

“Hi.” Hindi ako nakangiti ng tulad ng ngiti nya.

“Going home? Gusto mo ihatid na kita? Paulan na oh.” pinalo-palo ni Kuya Evo ang upuan nya sa banda likod.

Napatingala ako, mas dumilim na lalo. Parang gusto ko ng kumagat sa paanyaya ni Kuya Evo. Ilang sandali na lang pwede nang bumagsak ang ulan. Kaso hindi naman ako pwedeng sumabay kay Kuya Evo nito, baka dumating ang talagang sundo ko.

“Ha? Hindi na Kuya Evo.” Naiilang kung sabi.

Sinubukan ko muling iikot ang tingin ko sa paligid, baka sakaling dumating na si Virgo. Pero bigo pa rin ako dahil wala pa rin sya. Ang lalaking yun, alam ba talaga nya kung anong oras sya dapat nandito para sunduin ako? Sigurado ba si Kuya na susunduin ako ng kaibigan nya?

“Okay, sabi mo eh. Hindi na kita pipilitin. Be safe, Margarette.” Sinuot nyang muli ang helmet nya saka sinumulan ng paandarin ang motor nya.

Wala pang isang minuto, nakaalis na si Kuya Evo. Para akong sinakluban ng langit at lupa. Hindi ko mapigilan ng manghinayang sa paanyaya nyang ihatid ako pauwi. Ayun na yung pagkakataon, nasa harapan ko na. Kaso pinalagpas ko lang para hintayin ang isang taong kanina pa dapat ako nasundo. Tama nga ang kasabihan, nasa huli ang pagsisisi.

Napahawak ako ng mahigpit sa strap ng bag pack ko habang sige ang tingin sa kalsada. May panghihinayang pa rin akong nararamdaman. Imbes na nasa bahay na ako dapat ngayon kung pumayag lang akong magpahatid kay Kuya Evo. Sayang talaga oh.

Sampung minuto na naman ang lumipas pero bigo pa rin akong makita si Virgo. Malapit na akong umiyak, konting-konti na lang talaga.

“Ang ulan.. Ang ulan..” mahina kong bulong sa aking sarili.

Ilang beses ng walang tigil ang malakas na pagkulog. Masama ito, paniguradong uulan na talaga. Hindi ko na mahihintay pa si Virgo. Nanliligaw pa lang sya pero pinaghihintay na nya ako ng matagal. Masyado syang paasa, isusumbong ko sya kay Kuya Dustin. Paniguradong lagot sya dun, at mas malalagot pa sya pag umuwi akong basa ng ulan.

Limang minuto pa ulit ang lumipas, suko na ako. Uuwi na lang akong magisa. Ubos na ang pasensya kong maghintay. Hindi ko kayang hintayin na mamuti pa ang mga mata ko.

Sinimulan ko na ang mabilis na paglalakad. Nilakihan ko na ang mga yapak ko para lang mabilis na makarating sa bahay. Ilang minutong lakaran din ito, kung hindi ako magdodoble bilis sa lakad paniguradong wala pa ako sa kalahati aabutan na ako ng ulan.

“Margarette!” isang boses lalaki ang narinig kong tumawag sa pangalan ko. Pamilyar, parang karinig-rinig ko lang kanina.

Huminto ako sa paglalakad para lingunin ang lalaking tumawag sa akin, si Kuya Evo.

Bumalik sya? Binalikan nya ako?

 

“Kuya Evo..” mahina kong bigkas sa pangalan nya.

“Bakit naglalakad ka magisa? Akala ko ba may sundo ka? Nasaan sya?” mausisang tanong nya sa akin habang tumitingin sa paligid.

Mukhang hindi tama na sabihin kong ang kaibigan nyang si Virgo ang dapat na susundo sa akin. Baka may maging reaksyon pa sya dahil sa hindi nya nakikitang kasama ko iyon ngayon.

“Ah? Eh..” hindi ko alam kung anong dahilan ang sasabihin ko. Hindi ako tinuruan ni Kuya Dustin na magsinungaling, maging si Kuya Austin hindi rin matutuwa kapag ganun ang inasal ko. Hirap tuloy ako ngayon na magsabi ng dahilan kung bakit wala akong sundo.

“Hindi ka safe kung uuwi kang magisa lalo na’t pabagsak na ang ulan. Kita mo oh, dapat sumabay ka na sa akin. Umaambon na tuloy. Aabutan pa tayo ng ulan.” Binukas ko ang palad ko na parang sinasapo ang bumabagsak na tubig ulan mula sa langit, tama si Kuya Evo. Pumapatak na ang mahinang ulan.

Maiintindihan naman siguro ni Kuya D kung hindi ko na hihintayin ang kaibigan nya. Mauunawaan din naman siguro nya kung sasabay na ako kay Kuya Evo.

“May helmet ka pa, Kuya Evo?” nahihiya kong tanong.

“Eto, suotin mo.” nakangiti nyang inilahad sa akin ang isa pang helmet.

Marahan akong sumampa sa motor nya. Hindi ako sumasakay ng motor kaya medyo may takot ako. Ni hindi ko rin alam kung saan ako kakapit, natatakot pa naman akong mahulog.

Napansin siguro ni Kuya Evo na hindi ko alam ang gagawin ko. Nagulat na lang ako ng bigla nyang hawakan ang dalawa kong kamay at inilagay nya iyon sa kanyang bewang. Napalunok ako habang tinitignan ang dalawa kong kamay na hawak-hawak nya.

“Dito ka kumapit para hindi ka mahulog. Kahit humigpit pa ang hawak mo, okay lang. Bibilisan ko ng konti ang pagpapaandar ha, baka kasi abutan tayo ng ulan. Itim na itim na ang mga ulap.” Hindi ko nakitaan ng pagkailang sa boses ni Kuya Evo. Ako lang siguro ang nag-init ang mukha sa aming dalawa. Ako lang ang nakaramdam ng hiya.

“Sige Kuya Evo.” Pagsang-ayon ko sa kanya.

Nagsimula nang magdrive si Kuya Evo. Hindi naman sobrang bilis ng pagmamaneho nya pero sapat lang para madaliin nyang maihatid ako agad. Sa bawat paghampas ng hangin sa aming katawan, katumbas nun ang hangin na naamoy ko galing sa aking harapan. Ang mabangong amoy ni Kuya Evo.

Nakakaadik ang amoy ni Kuya Evo. Lalaking lalaki ang amoy nya pero hindi masakit sa ilong. Marahil mamahaling pabango ang gamit nya. Hindi ko mapigilang hindi mapapikit sa tuwing tatama sa ilong ko ang hanging galing sa leeg nya. Ang sarap-sarap talagang amuyin.

“Patay na.” bigla akong napadilat ng marinig ko syang magsalita.

Oo nga, patay na. Biglang bumuhos ang malakas na ulan. Ito na nga ba ang kinatatakot ko, ang abutan kami ng ulan sa daan. Sa tantya ko, ilang kanto na lang malapit na sa amin eh.

“Hinto muna tayo sa tindahan na ‘yun, Margarette.” Mabilis na tinungo ni Kuya Evo ang isang tindahan na may malaking silungan.

Bumaba kami agad sa motor nya at sumilong sa tindahan. Basa na ako sa katawan ko pero hindi naman yung tipong naligo na ako sa ulan. Maging ang bag ko, basa na rin. Sana lang hindi nabasa ang mga libro ko sa loob.

Tiningnan ko si Kuya Evo. Nakatingin sya sa langit, mukhang dismayado ang hitsura nya.

“Sorry Margarette ha? Naabutan tuloy tayo at nabasa ka ng ulan. Sana pala mas binilisan ko pa ang pagdrive.” Napasuklay si Kuya Evo ng buhok nya.

Wala naman syang kasalanan eh. Nagmabuting loob pa nga sya na ihatid ako pauwi. Ang dapat na nagsosorry ngayon ‘yung nagpaasang susunduin ako. Na mukhang nakalimutan pa ata nya. Paasa.

“Ayos lang Kuya Evo. Naabala rin naman kita, dapat nga nasa bahay ka na ngayon pero ito kasama mo akong nastranded sa kalsada at basa na ang katawan. Salamat ha?” higit pa sa pasasalamat ang dapat na matanggap nya. Masyadong mabait sa akin si Kuya Evo.

Hindi. Sinadya kong balikan ka. Gusto kong malaman kung nasundo ka na ba. Buti na lang pala binalikan kita, wala pa rin pala yung sundo mo kanina.” Napatingin ako sa kanya. Binalikan nya ako.. oh. Sya ang aking superhero ngayon.

Pigil sa pagngiti kong tiningnan ang langit. Ayaw humina ng pagbuhos ng ulan, imbes mas lalo pa itong lumakas. Napasapo na lang ako ng aking noo. Mukhang matatagalan pa kami ni Kuya Evo dito. Lumalamig na rin ang hangin na tumatama sa aking katawan, hindi ko napigilang hindi yakapin ang aking sarili.

Napansin ata ni Kuya Evo ang ginawa ko, bigla na lang syang nagsalita. “Teka lang ha.”

Tumakbo sya papunta sa kanyang motor at may kung anong kinukuha sa compartment nito.

“Kuya Evo! Ano bang ginagawa mo? Ang lakas-lakas ng ulan!” nilakasan ko ang boses ko sa pagtawag kay Kuya Evo para malabanan nito ang malakas na buhos ng ulan.

Mabilis syang bumalik sa akin habang yakap-yakap ang kung anong nakuha nya mula sa motor, iniwasan nyang mabasa ito.

“Halika, suotin mo ito.” isang cardigan ang pinasuot sa akin ni Kuya Evo.

Nakatitig lang ako sa kanya habang hinahayaan syang ipasok sa dalawa kong braso ang kanyang cardigan. Mas inuna pa nya ang kapakanan ko kahit na tumutulo na nga ang basa nyang buhok. Masyadong maalaga at maaalalahanin si Kuya Evo. Hinayaang nya lang ang isang bagay na masyado nyang iniingatan, ang buhok nya. Sa unang pagkakataon nakita ko si Kuya Evo na basa at bagsak ang buhok. Pero walang nagbago, gwapo pa rin sya.

 

“Pasensya ka na, ‘yan lang ang mayroon ako. Alam kong nilalamig ka na.” hinawakan ako sa balikat ni Kuya Evo.

“Hindi po! Sapat na ito Kuya.” umiwas ako ng tingin, pakiramdam ko kasi bigla na lang akong namula. Naginit ang pisngi ko dahil sa mga tingin nya sa akin. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bumilis bigla ang tibok ng puso ko.

Para akong kinukuryente sa hindi malamang dahilan. Unang una, pinasakay nya ako sa motor nya para ihatid pauwi sa bahay namin. Pangalawa, hinayaan nyang mabasa sya ng ulan para lang makakuha ng isusuot sa akin para makabawas sa lamig na nararamdaman ko. Bakit ganito kabait si Kuya Evo sa akin?

Nagsimulang magkwento si Kuya Evo. Kung anu-anong mga bagay lang ang kinuwento nya. Pati rin ako nagkwento sa kanya. Paminsan pa ay mga jokes na binitawan si Kuya Evo. At masasabi kong nakakatawa sya ng sobra. Masayang kausap si Kuya Evo. Seryoso sya pero sa tuwing kaming dalawa lang ang magkasama, palagi naman syang masaya.

Sinulyapan ko ang aking relos. Bente minutos din kaming nakatayo sa may tindahan saka lang tumigil ang ulan.

 

“Tara na, wala ng ulan.” Umalis na kami sa tindahan ni Kuya Evo at lumapit sa motor nya.

May kinuha muna syang pamunas saka nya pinunasan ang upuan ng motor nya. Binilisan nya lang ang ginawa nya para makauwi na kami.

Natapos na sya sa pagpunas at pwede na kaming umalis. Nakaalalay sya sa akin at hawak-hawak ang isa kogn kamay nung sasampa na ako sa motor. Pero bigla na lang may humintong sasakyan sa harapan namin.

“Margarette!” lumabas ng sasakyan si Virgo at humangos papalapit sa akin. Hindi nya pinansin na kasama ko si Kuya Evo.

Tila tumigil ang oras ng higitin nya ako papalapit sa kanya. Niyakap nya ako ng mahigpit. Natulala ako sa ginawa nya. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Yakap ako ni Virgo habang hawak ni Kuya Evo ang isa kong kamay.

Para akong nasa eksena ng isang pelikula. Parang walang ibang tao sa paligid. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. May kung anong naguunahan sa dibdib ko. Ano bang dapat kong gawin?

Hindi pa rin bumitaw sa pagkakayakap si Virgo. Tiningnan ko si Kuya Evo na nakahawak sa aking kamay. Nagtama ang mga tingin namin.  Tila nakapagisip na sya ng gagawin.

Bigla syang yumuko at naramdaman ko na dahan-dahang naghiwalay ng kamay naming dalawa.

Sinuot nya ang kanyang helmet at mabilis na pinaharurot ang kanyang motor. Hindi talaga ako pumikit. Tila gusto ko syang pigilan. Gusto kong sumigaw na 'wag syang umalis. Pero hindi ko nagawa. Kahit na parang may kung anong kurot ang naramdaman ko sa aking puso habang tinitingan ang pagalis nya, hinayaan ko lang sya hanggang sa hindi na sya abutin ng paningin ko.

Sa hindi malamang dahilan, nasaktan ako bigla. Nangilid ang luha sa aking mga mata. Nasaktan ako sa biglang pagalis ni Kuya Evo. Sa unang pagkakataon, nakaramdam ako ng ganito dahil sa isang lalaki.

*~~~~~

sacchariferousdream®

Continue Reading

You'll Also Like

107K 4.5K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...