Unexpectedly (Ramontes Series...

By samicruzz

728K 27.1K 8K

Elise Kenzie Valenzuela is always the favorite target of the Ice Queen. Ngayong huling taon na nila sa paaral... More

Unexpectedly
Simula
Kabanata 01
Kabanata 02
Kabanata 03
Kabanata 04
Kabanata 05
Kabanata 06
Kabanata 07
Kabanata 08
Kabanata 09
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 20
Wakas

Kabanata 19

26.5K 1.1K 469
By samicruzz

In Your World



Mag-iisang linggo na nung umuwi si Paige galing New York. I left her tons of messages and I was just waiting for her reply. Sinubukan ko siyang puntahan sa mansyon nila but the guards told me that she wasn't there. Ilang araw na rin akong nababalisa kakaisip kung bakit parang ayaw niya akong kausapin. 

 

"Sweetheart, natutulala ka na naman, don't worry about her. My manager told me that Paige is quite busy with her tapings." Ani mama habang inilalagay ang ginawang sauce sa ibabaw ng pasta.


"Sorry po," Inalis ko agad ang nakapangalumbaba kong mukha sa mesa. "Nami-miss ko lang siya."


Ngumiti ng nakakaloko si mama. "I know anak, but enough about her. Ilang araw na natin siyang pinag-uusapan."


Simula nung kinompronta ako ni mama noon, naging open na ako sa kanya tungkol sa relationship namin ni Paige. Siya lagi ang updated tungkol sa lovelife ko bukod kay tita at sa mga kaibigan ko.


"Are you sure that you want to study here? Ayaw mo sa ibang bansa?" My mother asked for the nth time while serving me meatballs and spaghetti she just made.


"Dito lang po ako, nagtake na po kami dati ni Paige ng entrance exam hinihintay ko lang ang go signal niya kung kailan kami mag-e-enroll." Pinapaikot ko ang pasta gamit ang tinidor habang nakikipag-usap sa kanya.


"Are you going out today?"


Tumango ako. May plano kami ni Myrtle na pumuslit sa press conference ng So It's You. Iyon ang teleseryeng pinag-bibidahan nina Lance at Paige. Nagbabaka-sakali ako na makausap siya doon.


"Just be careful driving anak, mabuti pa magpasama ka sa –"


"Ma it's okay, kami lang naman ni Myrtle. We're gonna be fine." Nagiging overprotective na naman kasi siya.


Pagkatapos kong mag-merienda ay dumiretso na ako sa mall para sunduin si Myrtle. We were both wearing skinny jeans and black t-shirt kaya nagmimistula kaming mga espiya.


"How was your date with Mos?" Agad kong tanong ng makaupo siya sa front seat.


"Psh, kumain lang kami, it was not a date." She rolled her eyes while fastening her seat belt.


Napahagikhik ako. "Date na yon. Anyway, may nasabi ba sayo si Mos tungkol kay Paige?"


"Yun nga eh, kinukulit ko kanina kung ba't di ka na kinakausap ng kapatid niya, hindi niya naman ako sinasagot. Sabi niya lang wag na daw kaming makialam sa relasyon niyo. Tingin ko talaga may tinatago sila sayo." Pagsusumbong nito.


Napahinga nalang ako ng malalim bago paandarin ang kotse. Iniisip ko tuloy kung anong ginawa kong mali para hindi pansinin ni Paige. Haaay baby, nade-depress na ako sa kakaisip.


Pagdating namin sa isang gusali kung saan gaganapin ang press conference ay pinapasok agad kami. Thank God for my mom and her ex job, nakaka-benefit naman ako kahit papaano. Nakalagay sa isang tarpaulin na sa 20th floor ito gaganapin.


Kasabay namin sa elevator ang iilang press at reporters. Nakayuko ako all the time habang suot ang sombrero. As we arrived sinundan namin sila hanggang makapasok sa conference room. Naka-setup na doon ang mga upuan sa harap. Mayroon din para sa mga press.


Sa likod kami pumwesto ni Myrtle para hindi mahalata. Maraming tao na rin ang naroon kaya safe kami. After waiting for half an hour ay 'tsaka lang nagsi-datingan ang mga artista.


Nagkagulo silang lahat. Nakakasilaw ang kada-flash ng camera. And in the sea of famous people, there, I saw Lance and Paige. She was wearing a maroon empire dress, her hair was fixed in a ponytail at sa magkabilang gilid ay may takas na kulot na buhok.


This is the first time that I've seen her after almost two months. Bigla akong nakaramdam ng matinding pangungulila.


My baby... she's breathtakingly beautiful as always.


"Close your mouth." Bulong ni Myrtle sa akin. Napatingin naman agad ako sa kanya.

"You're drooling over her stop that, bawal ma-attach ng sobra sige ka, ikaw din masasaktan." Banta pa nito.


"Na-attached na ako matagal na at walang rason para masaktan ako. Stop being negative."


Nang makaupo na ang lahat ng cast ay nagsimula na sa kaunting introduction and then followed by a series of questions.


Nung una medyo light questions pa hanggang sa pabigat ng pabigat ang mga tanong. Napuruhan ang isa sa cast kung saan na-involved ito sa pakikipag-relasyon kuno sa kapwa lalake. The guy denied all of the accusations.


"Kahit may pictures, tinanggi niya pa rin? Tss, what a fraud." Komento ni Myrtle sabay iling.


Hindi kasi ako mahilig manuod o magbasa kaya hindi ako makasabay sa kanila. A lot of the questions being asked were unfamiliar to me. Hanggang sa natutok ang spotlight kina Lance at Paige.


"Anong na-feel niyo nung kayo ang nakuha para sa lead roles?" Asked by the press.


"Honestly, hindi po namin inexpect na makukuha kami. There were a lot of teens who auditioned for that role and we feel very lucky that we've been chosen. Nakaka-flattered po and we still can't believe that we're here now." Sagot ni Lance habang abot-langit ang ngiti.


Ipinasa naman niya ang mikropono sa katabi. Napa-angat ako ng kaunti sa kinauupuan upang mas lalo ko pa siyang makita.


"Like what Lance said, until now it's quite overwhelming. Nagsisimula palang po kami sa showbiz and big project na po agad ang napunta sa amin. We're very blessed po and we're very thankful sa lahat ng sumuporta at bumoto." Paige answered with poise and a huge smile on her face.


Kahit masakit sa akin na hindi niya ako kinakausap, I'm still happy kasi finally nandito na siya. This is her dream. I'm so proud of her.


"What's the real score between you two?" Tanong nung isa kaya nagsimula na ang asaran. Iyong ibang casts ay pinagkakanulo pa ang dalawa.


Napasandal ako sa upuan. Parang ayokong marinig 'to.


"We're just...friends." Si Lance ang sumagot pero mukhang hindi sila naniniwala.


"Balita ko nag-date kayo during your stay sa New York? Someone posted your pictures." Dugtong ng babaeng nakasuot ng specs.


Napatingin ako kay Paige na nagtatago lang sa likod ng kanyang matatamis na ngiti.


"Friends lang talaga kami." Ani Lance sabay tingin sa katabi.


"Baka naman may karelasyon kayo ngayon? Do you have a girlfriend Lance?"


"No I don't have a girlfriend." Mariing pagtanggi nito na may kasama pang halakhak.


"What about you Paige? May karelasyon ka ba ngayon?"


Napansin kong napalunok pa siya ng ilang beses. Her smile suddenly faded.

"W-Wala po."


Napasinghap ako sa sagot niya. She denied it. Of course, who am I kidding, this is showbiz.

Pero bakit ang sakit?


"So, may chance ba na maging kayo ni Lance?"


Pinilit niyang ibalik ang ngiti para makumbinsi ang press.

"There might be."


"Tara na" Niyaya ko na si Myrtle sa labas dahil ayoko nang marinig ang karugtong. Mabilis ang paglakad ko dahil dinig ko na ang tilian at asaran nila. When we reached the elevator, doon lang nagsalita ang kaibigan ko.


"It's all for the show Elise, huwag mo masyadong damdamin."


"Yon nga eh, kahit pinipilit kong iwaksi sa isip ko masakit pa rin." Malamlam na ang boses ko ngayon. Ang sakit pala kapag sa kanya mismo nanggaling.


"Hihintayin pa ba natin siya? Do you still want to talk to her?"


Umiling ako habang nakayuko. "Wag na muna siguro."


"Pero sayang naman..."


"It's okay, kung gusto niya talaga akong kausapin gagawa rin siya ng paraan. Busy pa siya ngayon, and I also think this is not the right time. " Usal ko para matigil na siya sa pangungulit.


That night, bago matulog ay tumipa ako ng mensahe kay Paige. Nagbabaka-sakali pa rin na sumagot siya.

Ako:

Baby... I really missed you.

Are we okay?


Habang nakahiga ay ipinatong ko ang cellphone sa aking dibdib. It's already midnight pero hindi ako dinadalaw ng antok. Nagre-replay pa rin sa utak ko ang nangyari kanina.


Things happened so fast. Before she left okay naman kami pero bakit ganito na ang nangyayari? I'm not a wimp but when it comes to Paige, nanghihina ako. She's making me brave and weak at the same time.


I was slowly closing my eyes when my phone rang. Agad ko itong tinignan. My hands suddenly became sweaty nung nakita ko ang pangalan ni Paige sa screen. She's calling me!


Napaupo ako sa kama at hindi na nagdalawang-isip na sagutin ito.


"Hello Paige?" Para akong hinihingal dala ng kasabikan.


Hindi siya sumagot.


"Hello?" Pag-uulit ko.


Napatingin tuloy ako sa screen, ongoing naman ang call.

"Baby?"


Narinig ko lang ang pagsinghap sa kabilang linya. Bakit hindi siya nagsasalita?


"Paige, na-received mo ba lahat ng text ko?"


She's really playing mute to me. Napawi tuloy ang kasabikan sa aking labi. If she doesn't want to talk, ako nalang tutal marami akong gustong sabihin sa kanya.


"If you don't want to talk, it's okay." Nagpakawala muna ako ng isang malalim na hininga bago magpatuloy. "Uhmm, alam ko na pala na ikaw ang nakuha sa lead role, congrats baby. Finally natupad na ang pangarap mo. This is what you wanted right? I'm really happy and proud of you Paige. Gusto ko sana sabihin ito sa personal kaso nung pumunta ako sa bahay niyo wala ka."


Ang tanging naririnig ko lang sa kabilang linya ay ang malalim na paghinga niya. Kahit papaano napangiti ako, atleast I know she's listening.


"I went to your presscon too, mas lalo akong naging proud sayo." Bigla kong naalala ang nangyari kanina. "Medyo nalungkot nga lang ako sa naging sagot mo."


I heard her slight sob on the other line. Is she crying?


"But don't worry Paige, naintindihan ko naman. I mean, this is showbiz, people expect you to be perfect and the controversies will totally ruin everything. Lalo pa na nagsisimula ka palang, I also don't want you to ruin your reputation."


Tila punyal ang tumama sa aking puso nang marinig ko ang tuluyan niyang paghikbi.


"Don't cry baby, alam mo namang nandito lang ako para suportahan ka, I told you that before, right? I know we're gonna be okay."


Pagkasabi ko noon ay saktong naputol ang linya. I dialed her number again pero cannot be reached na. Kaya nung gabing iyon, hindi ako nakatulog sa kakaisip.



"You look like a zombie." Usal ni Myrtle habang kumakain kami ng lunch sa Jollibee. Nakipagkita ako sa kanya ngayon dahil may event ang So It's You casts dito sa MOA.


"Puyat ka na naman, this is getting unhealthy Elise." Dagdag pa niya. "Last na to ha, kapag hindi ka pa niya kinausap tumigil ka na."


Nilantakan ko nalang ang burger dahil hindi ko siya masagot. Tatlong araw pagkatapos ng pagtawag niya sa akin ay para akong asong ulol kakasunod sa kanya. Isinama ko pa si Myrtle sa kabaliwan ko.


We went to their taping sa Laguna para makausap siya pero bigo ako. Nag-pack up sila ng maaga at hindi na lumabas si Paige sa tent niya. Nakakapagod din ang biyahe pero okay lang, okay na sa akin ang masulyapan siya kahit sa malayo.


The next day pinuntahan ko siya sa bahay nila dahil sabi ng manager ni mama, rest day ni Paige. Pero ganon pa rin, ayaw akong papasukin ng guard. Kahit pa nakita ako ni tita Michelle, hindi niya rin ako pinapasok. Yung araw na yon, I know that something is wrong.


Kahapon naman, ginamit ko pa si Myrtle para makausap si Mos pero hindi ito sumipot. Pinatanong ko ulit sa manager ni mama kung nasaan sila, hapon na nung sumagot ito at sinabing nasa Batangas ang taping.


And now we're here at MOA, nagbabaka-sakali pa ring makausap siya. I left her tons of messages again, isang milagro nalang kung sumagot siya.


"Handa na ba kayo na makilala ang casts ng So It's You?" Itinutok ng emcee ang mikropono sa audience. Sobrang dami ng tao, kahit sa iilang palapag ay dinudumog din. May mga tarpaulin, banners, at kung anu-ano pa. Iyong iba naman ay nakasuot ng t-shirts at nakasulat doon ang pangalan nina Paige at Lance. Ang dami na nilang fans kahit nagsisimula palang.


Myrtle and I decided to stay near the backstage. Kita pa rin naman ang entablado kahit papaano. Napapatakip ako ng tenga kapag panay na ang tilian nila.


"Ladies and gentlemen, let's all welcome, Paige Serrano and Lance Zamiel!"


Hindi matanggal ang titig ko sa dalawa nung lumabas na galing backstage. Magkahawak-kamay habang nakangiti. Napapatingin din sa isa't isa. They both look so happy.


After their greetings, the music suddenly play. It was the official soundtrack of their show.


"Smile, and that's how it all started.

And you came right in time.

When I needed someone

And we said hello.

Then suddenly my heart was beating fast."


Napatingin ako kay Paige. She's the one singing the chorus. And all the while, her eyes remained fix on him.


"So it's you, Ive been waiting for so long

So it's you, where were you all along

Very special moments, this will always be with me,

We are here, you and I, we belong."


Nakikisabay na rin ang audience sa kanta nila, kahit ang kaibigan ko. Pero nanatili lang akong nakatingin sa kanya.

Bakit ang sakit Paige? Bakit naninikip na ang dibdib ko kapag nakikita kita?


Pagkatapos ng kanta ay nanatili sila doon para imbitahan ang lahat ng manonood.


Naririndi na ang tenga ko sa sigaw nila.

"Bagay na bagay kayo!"


"Kiss naman dyan!"


"Paige and Lance for keeps!"

They're all shouting at once. Napapapikit nalang ako. I don't want to hear the rest of it.


"Elise, doon na tayo sa may backstage, kausapin mo yung manager ayon oh!" Tinuro sa akin ni Myrtle si Rebecca Montez, ang manager ni Paige at ni mama.


Kinukuhanan niya ng pictures ang audience and when her eyes landed on me, bakas ang matinding pagkagulat sa mukha niya.


"E-Elise? Why are you here?"


"Tita gusto ko po sanang kausapin si Paige, kahit saglit lang po."


Napansin ko ang pagdadalawang-isip niya. "I'm sorry hija, busy siya ngayon eh, maybe next time?"


Hindi, ayoko, I've waited long enough. "Saglit lang po talaga, maghihintay po ako kahit ilang oras pagbigyan niyo lang po ako."


Nakakahiya na itong ginagawa ko but I don't care. Napatingin muna ito sa backstage at napalunok pa ng ilang beses bago sumagot.


"Okay, pero dun na kayo mag-usap sa may parking area, sa bandang likod. Dadalhin ko si Paige doon and make sure na walang makakakita."


Ngumiti ako sa kanya 'tsaka tumango. "Maghihintay po ako, maraming salamat po!"


She just nodded her head at pumasok na sa loob. Myrtle and I decided to go there. Walang tao roon at kung mayroon man ay hindi kami makikita agad-agad dahil sa mga nakahilerang kotse sa harapan.


Nakaupo kami sa may gutter habang naghihintay. It's already eight, alam kong bored na rin si Myrtle kaya naglalaro nalang ito ng games sa cellphone ko.


Napatingin ako sa taas, bilog na bilog ang buwan at panay ang kinang ng mga bituin. Hindi ko tuloy mapigilang isipin na ganito rin ako ngayon kay Paige. Tinitingala siya, humahanga.


Sa kaisipang iyon ay kinalabit ako ni Myrtle. "Nandito na sila."


Bigla akong napatayo at napatingin sa dalawang taong papalapit sa amin. I saw tita Rebecca looking around checking if someone's following them. Naka-akbay siya sa taong nakasuot ng itim na hooded jacket.


Kumalabog na naman ang puso ko. My heart sensed her presence. Sobra akong kinakabahan hanggang sa hindi ko na namalayan, nasa harap ko na sila.


"I'll give you both 15 minutes." Aniya sabay tingin kay Myrtle. "Iwan na muna natin sila."


Tumango naman ang kaibigan ko.


As they walk away, doon lang nag-angat ng tingin si Paige. I've got lost on those eyes again. Parang nakikipaghabulan ako sa kabayo dahil sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.


This is it, she's here now right in front of me. Marami akong gustong sabihin pero sa isang iglap nawala ang lahat ng iyon. Gusto ko nalang siyang ikulong sa aking bisig at yakapin ng sobrang higpit.


"May sasabihin ka daw..." Her voice seemed stiff as she uttered those words.


Napatigil ako sa paglapit sa kanya. This is what I've got after weeks of complete silence?


"Baby hindi mo ba ako na-miss?" Hindi ko na mapigilan ang sarili ko. I took my steps forward and reach for her hand. Parang bato ito nung hinawakan ko. Nanatiling nakakuyom na tila ayaw magpahawak.


"Are we okay Paige?" My eyes are begging for her answer.


Pero hindi niya makita iyon dahil pinagkakait niya rin sa akin ang kanyang mga mata. She just bowed her head down.


Iniba ko nalang ang usapan para gumaan ang hangin na namamagitan sa amin.

"Uhm, malapit nang magpasukan, diba sabay tayong ma-eenroll? Nakapili ka na ba kung –"


"Hindi ako magko-kolehiyo." Matipid na sagot niya.


"Pero sabi mo sakin –"


"I changed my mind." Pagputol niya. "I will pursue my dreams Elise, and going to college isn't one of them."


Nanikip ang dibdib ko. She's the one who inspired me to go, she's the one who pushed me beyond my expectations in life. And now hearing her say this feels like she's giving it all up. Like it was just nothing to her.


"Is that what you really want?" Inabot ko ang kanyang pisngi pero bigo pa rin ako. She didn't want to look me in the eyes.


"Yes." Sagot niya na mas lalong nagpasakit sa dibdib ko.


"Kung yun ang gusto mo, susuportahan kita Paige. Pupuntahan kita lagi sa tapings mo, hahatiran ng pagkain, I'll go to any of your events –"


"You don't have to do that." Pagputol niya ulit. "It's not your responsibility." Nagmimistula siyang robot na de-numero ang bawat bigkas at galaw.


"It is, Paige. I'm your girlfriend." Diin ko. Ba't ba ang lamig ng pakikitungo niya sa akin?


Doon lang siya napaangat ng tingin. Those eyes remind me so much of an eight-year-old Paige, but now I couldn't read her. It's like a complete stranger is staring back at me.


"Hindi pa ba obvious? Iniiwasan na kita pero dikit ka pa rin ng dikit!"


Isang malakas na sampal iyon sa aking sarili na tagos hanggang buto. Sa sobrang paninikip ng dibdib ko halos hindi na ako makahinga.


"Napansin ko nga..." Dala ng sakit pati ang boses ko ay nanginginig na rin. I'm trying so hard not to cry, hindi ako iiyak dahil alam kong maaayos pa namin ito.


"Why are you avoiding me Paige?"


Bumwelo pa siya at huminga ng malalim. "My God you're so stupid! Don't you get it?! You're a huge hindrance to my dreams!" Bulyaw niya and hearing those words coming from her mouth freed the tears that I was trying to hold back.


This is not the Paige that I know. Yung Paige na kilala ko kahit kailan hindi ako tinawag na stupid. Kahit kailan hindi niya ako ginamitan ng ganitong salita. She was even mad at me when I used that word to myself. Pero bakit ngayon ang dali-dali nalang sabihin? Matatanggap ko pa sa ibang tao pero siya...sobrang sakit.


And am I really a huge hindrance to her dreams? Mas lalo akong napahagulhol.


"Paige..."


Nakita kong tumutulo na rin ang kanyang mga luha. "Tapusin na natin 'to Elise. I don't want them to know that I'm in a relationship with a lesbian. Ayokong malaman nila ang tungkol sa atin. Ayokong masira ang binuo kong pangarap dahil lang sayo."


Durog na durog na ako pero mas lalo niya pang idiniin para maging pinung-pino ang sakit. The pain of truth is unbearable. Unti-unti akong sinasakal. Kinukuha ang natitirang hangin sa aking baga. Pinipiga ng husto ang puso ko hanggang sa huling tibok.


"I'm sorry Paige, hindi ko alam na...isa akong malaking balakid sa pangarap mo."


May mas isasakit pa ba dito? Kung meron man ibigay na sa akin lahat ngayon. I will take all the pain now. Kahit mamanhid ako sa sakit, kahit na mamatay ang kung ano man sa akin, tatanggapin ko. Dahil hindi ko alam kung kakayanin ko pa kung may mas isasakit pa dito.


"You have to go away..." Her voice suddenly broke.


Napapikit nalang ako sa sinabi niya. I couldn't take it anymore.


My mother left me to pursue her dreams. And now Paige will leave me too, para tuparin din ang mga pangarap niya. Ganun na ba ako ka-walang kwentang tao para maging hadlang sa pangarap ng mga taong mahal ko?


Ayokong ikumpara si Paige sa mama ko pero iyon ang nangyayari.


Ilang taon kong tiniis ang sakit nung umalis si mama. Tinanggap ko dahil sabi ni papa, iyon ang magpapasaya sa kanya. I want my mother to be happy so I stopped existing in her world.


Ngayon, bumalik ang lahat ng sakit. Nag-desisyon na si Paige and her decision was to let go of me. Sobrang sakit pero kung iyon ang paraan para maging masaya siya, wala akong magagawa kundi sumunod.


"Kung 'yan ang gusto mo, hindi na ako magpapakita... basta wag mo lang sukuan ang pangarap mo Paige. I hope this is worthy enough to pursue your dreams, dahil hindi madali ang gagawin ko."


Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya. Tumalikod na ako dahil hindi ko na kaya.


I want you to be happy Paige, I want you to continue pursuing your dreams.

At para matupad 'yon, you have to pretend that I don't exist in your world.

Like what my mother once did.

Continue Reading

You'll Also Like

729K 36.1K 46
"Hanggang ganito na lang ba? Ang tingin mo sakin pamatid ng panandaliang pangangailangan mo?" Iritableng napatingin ako sa pigurang iyon ni Corinne...
370K 10.4K 36
COMPLETED Night Klaye Collins FIRST time niyang masampal pero ano ang gagawin niya kung magiging FIRST love niya ito? Shyle Dorothy Hermosa Hindi p...
200K 2.6K 29
Hindi sa lahat ng pagkakataon, ang kabit ay palaging pangalawa, sa batas oo pero sa puso hindi. Bakit ba naghahanap ng bago kung kuntento naman ang t...
1.3M 19.1K 41
Dice and Madisson