Garnet Academy: School of Eli...

由 justcallmecai

28.3M 1M 785K

(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the s... 更多

Garnet Academy
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Last Chapter (Part 1)
Last Chapter (Part 2)
Epilogue
Book Announcement
Special Chapter
Bonus

Chapter 35

368K 14.1K 7.1K
由 justcallmecai

Chapter 35

School Fair

Hindi ako makatulog dahil sa kakaisip kay Kuya Beau. Pumunta ako sa rooftop para makapagpahangin at gusto ko ring tawagan si Dad.

"Yes, anak? Is there something wrong?" sagot ni Daddy sa kabilang linya.

Malamig ang hangin dito sa rooftop. Palagay ko'y wala rin namang ibang tao rito.

"Wala naman, Dad. Gusto ko lang sanang kumuha ng update tungkol kay Kuya..." sagot ko naman.

Agad akong nakarinig ng malalim na paghinga ni Daddy. "Hindi pa rin gumigising ang Kuya mo. But the Doctors are doing their best. Let's just pray for your Kuya, my princess."

Mabilis akong dinapuan ng lungkot. Kailan ba gigising si Kuya? It's been weeks.

Saglit pa kaming nag-usap ni Daddy tapos ay nagpaalam na rin ako. Bago pa ako makaalis ng rooftop ay nagulat na lang ako dahil biglang may humawak sa aking braso.

Mabilis akong lumingon at nakitang si Ate Thea pala iyon.

"Ate..." tawag ko.

Ngumiti naman siya. "Paige, a-ang Papa n'yo ba ang kausap mo?"

Tumango-tango naman ako.

"K-kamusta si Beau? May bago bang update?" tanong pa niya.

Malungkot akong umiling.

I immediately saw sadness through her eyes. She loves my Kuya Beau, I know it.

"Gano'n ba..." aniya sa mababang tono.

Hinawakan ko ang isang kamay niya. "Pero magigising din si Kuya. Ipagdasal natin siya."

Tumango si Ate Thea at ngumiti. "Araw-araw ko iyong ginagawa. At hindi ako mawawalan ng pag-asa. He's a fighter."

She really knows my Kuya. At nakakatuwa na kahit may pagka mokong si Kuya, I know deep in my heart the he got Ate Thea. He really got her back.

"Ate Thea... Pwede ba ako magtanong?" Tinanguan niya ako. "Gusto mo ba si Kuya Beau?"

Say yes! Bagay kayo! Another ship is rising! Shocks! Match maker na ata talaga ako, eh.

Muli siyang ngumiti. "Higit pa roon."

Halong lungkot at kilig ang naramdaman ko nang makabalik ako sa kwarto.

I never saw this coming!

Tama nga. Pakiwari kong si Ate Thea ang natatanging babae para kay Kuya. Maganda, mabait at kagalang-galang. Sana'y siya na rin ang makakapagpapabago sa maling landas ni Kuya! Parang lagi niyang winawalang bahala si Ate Thea at inuuna ang kung sino-sinong babae!

Isang sobrang busy na araw ang sumalubong kinaumagahan. Kailangan na naming mag-asikaso para sa darating na School Fair sa biyernes. Kailangan nang ayusin ang mga booths at kung anu-ano pa. Ako rin ang naatasan na magcheck ng clubs at booths.

Suot ang uniporme, naglakad ako hawak ang index card at ballpen. Inuna kong i-check ang dance club para makita si Ate Thea.

She looks so simple and pretty wearing a plain white t-shirt and shorts. Nagpapratice siyang sumayaw at lubos akong namangha na magaling pala siya!

"Wow, Ate! Ang galing mo palang sumayaw?" salubong ko sa kanya.

Huminto siya sa pagsayaw at nilapitan ako. Bahagya siyang natawa. "Hindi naman. Marunong lang."

"Sus! Ang galing mo kaya! Dapat sumali ka sa cheering squad for next event." giit ko nang maalala ang susunod na event na aasikasuhin namin next month.

"No way. Magagalit si Beau." mahina ang pagkakasabi niya pero sapat para marinig ko.

Agad nanlaki ang mga mata ko sa narinig. "H-ha? Si Kuya? Bakit naman?"

"Ah... Eh kasi no'ng sumali ako last year, nagalit siya kasi nahahawakan ng iba ang binti ko tuwing may stunts. Ayaw niya." alangan na sinabi ni Ate Thea sa akin.

Napalunok ako. Oh my gosh!!! Hindi ko alam ito. Obvious na may something sa kanila! Kuya Beau wouldn't be possessive if not! Bakit hindi pa nagiging sila kung ganoon?!

"Omg, Ate Thea! Gusto ka rin ni Kuya!" walang hiya kong sabi.

Nakita ko ang pamumula niya. "G-ganoon ba?"

Masaya akong dumako sa next club na ichecheck ko. Dapat ay sa Music Club ako pupunta pero sabi ni Kairon ay okay naman na lahat ng nandoon at hindi ko na kailangang i-check. Kaya naman dito sa Math Club ang sunod kong pinuntahan.

Sumilip muna ako sa pintuan ng room at nakitang si Kuya Mac at Lia lamang ang nandoon. Nakakakilig naman sila tignan! They are sitting closely next to each other!

Dahan-dahan akong pumasok sa nakabukas na room.

"Mali naman ang mga equations mo! Dapat tumulong ka na lang gumawa ng booths, eh!" gigil na sinabi ni Lia.

"Paki mo? Gusto ko mali, e." tamad na sagot naman ni Kuya Mac.

"Whatever!" balik pa ni Lia.

Jusko po. Akala ko ang sweet sweet na nila! Iyon pala halos magrambol na itong dalawa rito.

"Kuya Mac at Lia, ayos lang ba kayo?" nahihiya kong tanong.

"Oo!" sabay nilang sagot.

Nakakaloka ang dalawang ito. MacLia is team highblood!

Pagkatapos ay sa Gym naman ako nagpunta para sa Sports Club. Nakita ko si Lancer doon na hinahanda ang maraming bola sa isang malaking kahon.

"Need help?" tanong ko at mabilis na lumapit sa kanya.

"Okay lang. Patapos na rin 'to." aniya habang naglalagay pa rin ng mga bola.

"Tss! Tulungan na kita para mabilis, Lance." sabi ko at kumuha agad ng dalawang bola at hinagis doon sa box.

Kukuha pa sana ulit ako ng panibago nang makita kong mariing nakatingin si Lancer sa akin. He looks shocked.

"Bakit?" tanong ko.

Napailing siya agad. "W-wala naman. It's just the first time you called me Lance. You always call my name with the R."

Napakamot ako. "Napagtanto ko na mas madali at mas maganda pala pag Lance lang."

His closest friends call him Lance. Close naman na kami, 'di ba? I can now drop the "R".

"Yeah... I like to hear you call my nickname." aniya at biglang tumalikod.

"Uy! Saan ka pupunta?" tawag ko.

"Papahangin. Baka kasi hindi ako makapagpigil." aniya at nagpatuloy sa paglalakad palayo.

"Ha? Hindi pa tapos itong mga bola!" sigaw ko.

Napakamot ulo na lang ako kay Lancer. Pasaway na 'yun!

Ako na lang nagtapos no'ng mga bola dahil sampu na lang naman ang hindi pa nailalagay sa kahon.

Tapos na ako sa mga clubs. Booths na ang kailangan kong i-check. Paano 'yan? Ayaw ko pa naman makita si Stephanie dahil nakakastress siya.

Bumuntong hininga ako at tinawagan na lang si Andy.

"Oh, batla? Why?" sagot niya sa telepono.

"Kakamustahin ko lang ang mga booths, Andy. Ayos na ba?" tanong ko naman.

"Yiz naman, batla! Malapit na matapos ang limang booths, doncha worry. Sendan na lang kita ng pictures para hindi mo na kailangan pang pumunta rito sa field. Keri?" sabi pa niya.

"Keri!" sabi ko at binaba na ang tawag. Buti na lang at maaasahan itong si Andy. No need to see Stephanie! Yahoo!

Mabilis na ipinadala sa akin ni Andy ang progress ng mga booths. Iyong iba tapos na, ang iba naman ay malapit nang matapos.

Limang booths lang ang nanalo sa poll. Dapat anim iyon pero hindi pinayagan ni Kairon ang Kissing Booth. Tandang-tanda ko pa ang text niya habang nagme-meeting kami tungkol doon.

Kai

Magkakamatayan bago magkaron ng kissing booth. Baka biglang may manghalik sayo, hindi lang sapak ang aabutin. Kick out, Paige. Kick out.

Napalunok ako nang mabasa iyon.

Marami rin naman ang hindi pabor. Pari rin si Kuya Mac! Ewan ko nga kung bakit naghuhuromintado rin ang isang iyon tungkol sa Kissing Booth.

Kaya iyon, lima na lang. May Photo Booth kung saan maaaring magpakuha ng creative shots. May Art Booth kung saan pwedeng mag pa-face paint at sticker tattoo. Sa Tasting Booth naman, doon namin ilalagay ang mga naluto sa Cooking Club. Meron ding Marriage at Prison Booth.

Exciting talaga ang darating na School Fair!

Masyadong naging abala ang buong Student Council sa mga nagdaang araw. Ngayong Biyernes na ang School Fair. Everything was already fixed. From booths to clubs to presentations. Okay na talaga.

Ngayon ay nasa Auditorium ang lahat para sa opening ceremony ng school fair. May kaunting announcement ang Head Mistress tapos may magpeperform sa stage. After that, pwede na mag sign-up ang students sa clubs at mag-enjoy doon sa mga nakatayong booths sa field ng campus.

"Ngayong araw ang inaabangan nating school fair. There are clubs where you can join and booths to enjoy. Pinaghandaan ito ng student council kaya naman everyone is encouraged to join." anunsyo ng head mistress.

Pagkatapos ay bumaba na siya ng stage. Lumabas naman ang iilang staff para i-set up ang stage dahil sa may magpeperform daw. Hindi ko alam kung sino dahil ang music club ang umasikaso rito.

Humilig ako sa aking upuan.

Magkakasama kaming mga Flamma rito sa unahan kanina. Pero nawala si Kairon ngayon. Siguro'y upang asikasuhin ang magpeperform. Malas pa dahil si Stephanie ang nakatabi ko ngayon.

Nagulat ako nang lumabas si Shawn na may hawak na gitara. Sa likuran naman niya ay si Kairon na hawak iyong mikropono.

Don't tell me sila ang magpeperform?! Imposible! Baka mag a-announce lang din?

Halos dumagundong ang stage dahil sa sigawan ng mga estudyante nang lumabas si Shawn at Kairon.

"Pucha! Ang popogi talaga! Mga jowable!"

"Mahal ko kayo! Shet!"

Iyon ang mga narinig ko sa crowd. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o ano.

"Mic test." ani Kairon. Nakakalunod ang kanyang tindig sa stage. Tila ba ipinanganak siya para roon. "So, umm... Countless of times that I've been asked to perform in this school. You know my answer, right? There's just really no way that I would. But it's different today."

Makabasag eardrums na ang tilian ngayon.

Ako man ay hindi makapaniwala. What the? Siya nga ang magpeperform! Oh my gosh!

"I would like to sing a song for a very special person. This is for you, baby girl." anunsyo ni Kairon sa lahat.

Napanganga na lamang ako.

Kung ang iba ay hindi na magkarinigan dahil sa malakas na sigawan, ako naman ay halos mabingi dahil sa lakas ng tibok ng puso ko.

继续阅读

You'll Also Like

Rebel Hearts 由 HN🥀

青少年小说

1.8M 76.2K 35
Peñablanca Series #2: Rebel Hearts "Go, rebel on me, love." Young, wild and rebellious, Revelia, entirely lived with the belief of celebrating her yo...
10.5K 1.7K 70
The Art of Life #1: Life Version Life in a series of captures. Date Started: July 12, 2021 Date Ended: April 26, 2022 Date Posted: October 01, 2023 ...
believe. 由 closed.

同人小说

185K 5.3K 103
wherein jisoo, the literary editor of their school's student publication, gets into a heated argument with taehyung, their news writer, after making...
52.8M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...