A Not So Secret Love Affair (...

By xxcalvinkleinxx

4.4M 73.5K 4.4K

Si Mariel ay isang simpleng babae lamang na walang ibang hangad kundi ang makakabuti sa kanyang pamilya. Sya... More

A Not So Secret Love Affair
Love Affair no. 1
Love Affair no. 2
Love Affair no. 3
Love Affair no. 4
Love Affair no. 5
Love Affair no. 6
Love Affair no. 7
Love Affair no. 8
Love Affair no. 9
Love Affair no. 10
Love Affair no. 11
Love Affair no.12
Love Affair no. 13
Love Affair no. 14
Love Affair no. 15
Love Affair no. 16
Love Affair no. 17
Love Affair no. 18
Love Affair no. 19
Love Affair no. 20
Love Affair no. 21
Love Affair no. 22
Love Affair no. 23
Love Affair no. 24
Love Affair no. 25
Love Affair no. 26
Love Affair no. 27
Love Affair no. 28
Love Affair no. 29
Love Affair no. 30
Love Affair no. 31
Love Affair no. 32
Love Affair no. 33
Love Affair no. 34
Love Affair no. 35
Love Affair no. 36
Love Affair no. 38
Love Affair no. 39
Love Affair no. 40
Love Affair no. 41
Love Affair no. 42
EPILOGUE

Love Affair no. 37

83.8K 1.3K 101
By xxcalvinkleinxx

"Hindi pwede. Susunduin ako ni Caesar ngayon." Nakita ko ang unti unting pagbabago ng ekspresyon ng mukha nya.

"Ganon ba?" Hindi ko alam kung may lungkot ba akong nabahiran sa boses nito o baka imahinasyon ko lamang iyon.

Tumango ako at nagpaalam na sa kanya pati sa iba pang kasamahan ko. Nakatayo lang ako sa labas ng Resto. Mukhang matatagalan pa si Caesar dahil hanggang ngayon ay hindi pa din daw sila tapos sa kanilang ginagawa. Sabi nya sa akin ay ipapasundo na lang daw nya ako sa iba ngunit hindi ako pumayag, ayokong makaabala pa sa iba at gusto ko din naman na si Caesar ang sumundo sa akin. Handa akong hintayin sya kahit gaano pa katagal.

"Asan na daw sya?" Napalingon ako sa gilid ko ng marinig ko ang boses ni Jake. Hindi ko napansin ang paglapit nito sa akin. Tiningnan ko lang ito sandali at ibinalik na ulit ang atensyon sa harapan ko.

"Padating na." Tipid na sagot ko. Sa totoo lang ay hindi ako komportable na makausap ito, lalo na pag kaming dalawa lang. Siguro kaya ako nakakaramdam ng awkwardness ay dahil sa may nakaraan kami. Kahit na wala na akong nararamdaman sa kanya, hindi ko pa din maiwasang makaramdam ng pagkailang.

"Pinaghihintay ka?" Nakangising sabi nito at umiling-iling pa. Medyo napikon ako sa inasal nito kaya hinarap ko ito. "Bakit? May masama ba 'don?" Nakataas ang kilay na tanong ko dito.

"Wala naman." Natatawang sagot nito. "Nakakaturn off nga lang." Dagdag nito habang hindi naaalis ang ngisi sa kanyang labi.

"Sorry. Pero kahit paghinintayin nya ako hanggang bukas o kahit hanggang isang taon hinding hindi ako mateturn off sa kanya." Napansin kong natigilan ito at nablangko ang kanyang mukha. "Kahit sobrang tagal. Handa akong maghintay." Dagdag ko.

"Parang ako." Wala sa sariling sabi nya. Hindi ko nainitindihan kung anong gustong ipahiwatig nya kaya nanahimik na lang ako. Humarap na lang ulit ako sa kalsada at niyakap ang aking sarili. Nilalamig na ako, ramdam na ramdam ko ang paglapat ng hangin sa balat ko.

Kami na lang dalawa ang tao dito dahil nakauwi na ang iba pa naming kasama. Sana pala ay sumabay na lang ako sa kanila.

Nanlaki ang mata ko ng makita kong hinubad nya ang suot nyang T shirt. Magsasalita na sana ako ng bigla nyang ipinatong sa balikat ko ito.

"Para kahit papaano mabawasan ang panglalamig mo." Hindi na lang ako nagsalita. Mas nailang ako sa sitwasyon dahil wala na syang suot na pang taas. Hindi tuloy ako makatingin sa kanya ng diretso.

"Paano ka?" Tanong ko habang nagkukunwaring nagtetext. Hindi ko kasi sya kayang tingnan kaya mas mabuting sa cellphone ko na lang ibaling ang atensyon ko.

"Ayos lang ako." Sagot nito. Ilang minuto ding namayani ang katahimikan sa amin. Walang ibang maririnig kundi ang pag ihip ng malamig hangin.

"Gaano na kayo katagal ni Caesar?" Agad akong napalingon dito. Hindi ko inaakalang mag tatanong sya sa akin tungkol sa relasyon namin ni Caesar.

"Three years." Sagot ko.

"Nung umalis ka... Kasama sya. San kayo nagpunta?" Sabi nya na para bang hirap na hirap bigkasin ang bawat salitang sinabi nya.

"Davao. Doon kami nagbagong buhay ni Caesar. Kasama ang mga kapatid ko." Sagot ko.

Bumuntong hininga ito bago muling nagsalita. "I guess, mahal na mahal mo talaga sya e?" Nakatingin na ito sa akin habang hinihintay ang isasagot ko.

"Sobra." Tipid na sagot ko. Sa pagkakataong ito ay nakangiti na ko.

"Mabuti naman kung ganon." Nakangiting sabi nya

"Oh pano? Iwan na muna kita dyan. Nakalimutan ko, may gagawin pa nga pala ako." Tangkang aalis na ito ng may biglang bumusina sa harap namin. Agad na lumabas dito si Caesar at patakbong lumapit sa kinaroroonan ko.

"Sorry, natagalan ako. Yung boss ko kasi ayaw pa akong paalisin." Sabi ni Caesar habang hawak ang dalawang kamay ko. Inilagay nito ang dalawang kamay ko sa mukha nya na para bang pinapakiramdaman ito.

"Matagal ba kitang pinaghintay?" Tanong nya habang diretsong nakatingin sa mukha ko.

"Hindi naman masyado." Natatawa kong sagot dito.

"Tol, hindi kita napansin. Pasensya na." Napalingon ako sa kinaroroonan ni Jake. Napakamot ako ng ulo ko. Bakit ba sa tuwing dumarating si Caesar ay nalilimutan ko palagi ang presensya ni Jake.

"Bakit ka nakahubad?" Kunot noong tanong ni Caesar.

"Nilalamig kasi sya kaya pinahiram ko ng T shirt ko."

"Ganon ba?" Kinuha ni Caesar ang t shirt sa balikat ko at ibinalik ito kay Jake. "Salamat 'tol. Una na kami. Salamat sa pagbabantay kay Mariel." Tumango lang si Jake sa amin.

Pagkasakay namin sa sasakyan ay pansin ko ang pagod sa mga mata nito. Pinipilit lang nyang ngumiti at magkwento kahit panay na ang hikab nito. Nakaramdam ako ng awa sa kanya kaya pagdating na pagdating namin sa condo ay minasahe ko sya. Wala pa mang limang minuto ang ginagawa ko ay rinig na rinig ko na ang mahinang paghilik nya.

Kinabukasan ay mas nauna syang nagising sa akin. Off pala nya ngayon kaya napagkasunduan namin na maghahalf day ako sa trabaho. Sana lang ay payagan ako ni Jake. Tuwing may ganitong pagkakataon na lang kasi kami nakakapagbonding ni Caesar.

Pagkadating ko sa Restaurant ay agad na akong nagtrabaho para maaga akong matapos. Chineck ko na ang mga deliveries ng pagkain. Tiningnan ko na din kung malinis ba ang kitchen at ang dining area.

Tangkang lalapitan ko ang isang waiter para magpatulong dito ng bigla itong umiwas sa akin. Sumama ang timpla ng mukha ko. Naalala ko ang sinabi ni Jake sa amin kagabi. Bakit ba nya pinagbabawalan na makipag usap ako sa mga lalaki? Kung kami pa hanggang ngayon ay iisipin ko na nagseselos sya. Pero malabong mangyari 'yon. Bahala sya sa buhay nya!

"Agang-aga nakasimangot na agad po kayo ah." Nakangiting sabi sa akin ng assistant ko.

Nginitian ko ito ng pilit. Sinabi ko na sa kanya ang plano kong paghahalf day at agad din naman itong pumayag. Magpaalam nga lang daw muna ako kay Jake dahil baka pag initan sya nito pag umalis ako ng walang paalam.

Mag aalas otso na ng dumating si Jake. Agad syang binati ng aking mga katrabaho maliban sa akin. Nagpatuloy ako sa aking ginagawa at nagkunwaring hindi sya nakita.

Napansin kong tumigil ito sa harap ko.

"Oh?" Sabi ko habang nakataas ang isang kilay.

Umiling lang ito at naglakad na muli papunta sa kanyang opisina.

Nang matapos ako sa aking ginagawa ay nag ayos na ako ng aking sarili. Kumatok muna ako ng tatlong beses bago pumasok sa opisina ni Jake. Pagkakita nya sa akin ay agad tumaas ang isang kilay nya. "Oh?" Sabi nya.

"Maghahalfday ako ngayon. May lakad kami ni Caesar." Sabi ko.

"Ge." Sabi nya at agad na itinutok ang atensyon sa papel na binabasa nya. Nakahinga ako ng maluwag. Akala ko ay pipilitin ko pa ito para lang mapapayag sya. Mabilis naman pala tong kausap.

Hindi maalis ang ngiti ko habang tinetext si Caesar. Ang usapan namin ay sa mall na lang kami mag hintayan. Agad ko naman syang nakita pagkababa na pagkababa ko ng taxi. Malapit sya sa may entrance ng mall habang hindi maalis ang ngisi sa kanyang labi. Nagkatitigan kami. Hindi ko maiwasang mapangiti. Kahit simpleng khaki short at itim na t shirt lang ang suot nya ay sobrang gwapo pa din nyang tingnan. Litaw na litaw ang kaputian nito. Kung dati ay moreno ito ngayon naman ay pumuti na ito magmula ng tumira kami sa Davao.

"Kanina ka pa?" Nakangiting tanong ko kay Caesar.

Sasagot na sana ito ng biglang may bumunggo sa kanya. Muntik ng matumba si Caesar sa lakas ng pagkakabunggo dito. Mabuti na lang at agad ko itong nahawakan. Hindi ko alam kung sinasadya ba o aksidente lang talaga ang pagkakabunggo dito.

"Sorry -- Wait, Mariel? Caesar? Wow! What a coincidence huh?" Sinamaan ko ito ng tingin. Ngayon alam ko ng hindi basta aksidente lang ang nangyari.

"Jake? Anong ginagawa mo dito?" Nagtatakang tanong ni Caesar.

"Wala. Medyo stress ako sa Resto kaya naisipan kong mag mall muna." Dahilan nya habang hindi naaalis ang ngisi sa kanyang labi. Hindi na lang ako umimik. Naiinis ako sa kanya. Eto na nga lang ang time na makakapag bonding kami ni Caesar tapos ay eepal pa sya. Sino ba naman ang hindi maiinis dun?!

"Sige. Una na kami. Ingat bro." Pagpapalam ni Caesar kay Jake. Sinulyapan ako ni Jake at inirapan ko lang ito.

Pagkapasok namin ni Caesar sa mall ay nag aya muna itong kumain. Napagdesisyunan naming sa Italian Restaurant na lang kumain. Habang hinihintay namin ang order namin ay hindi sinasadyang mapatingin ako sa may labas. Napakunot ang noo ko ng makita ko si Jake na papasok sa loob ng Resto. Napansin kong palinga linga sya at ng makita nya kami ay agad na sumilay ang ngiti sa kanyang labi.

"Hi. Pwedeng makishare?" Tanong nya ng makalapit sa amin. Tsaka lang napansin ni Caesar si Jake ng mag salita ito.

"Hindi. Madami pa namang vacant seat dyan. Kelangan din naman namin ng privacy, I hope you don't mind." Mataray kong sabi dito. Alam kong rude pakinggan pero naiinis na talaga ako. Nanandya na talaga ito dahil imposibleng hanggang ngayon ay coincidence pa din ang nangyari.

Napipilitang tumawa si Caesar. "Okay lang bro, sige. Upo ka na." Napairap na lang ako kay Caesar. Ayan ang mahirap sa taong sobrang bait. Hindi marunong tumanggi! Nakangising umupo si Jake sa harap ko samantalang si Caesar ay nasa tabi ko.

Umorder na din si Jake at nang dumating ang order namin ay nagsimula na kaming kumain. Hindi maalis ang pagsimangot sa mukha ko habang kumakain. Imbes na matuwa ako sa date namin ngayon ay nabadtrip lang ako. Sana pala ay nagkulong na lang kami sa condo ni Caesar at nanuod ng movie. Atleast pag doon, solo namin ang isa't-isa.

Nang matapos kaming kumain ay agad ko ng niyaya si Caesar kahit na hindi pa tapos si Jake kumain. Siguro naman ay hindi na bastos tingnan iyon 'di ba? Naaasar lang talaga ako ngayon sa presensya ni Jake.

"Una na kami. Manonood pa kasi kaming sine e." Sabi ni Caesar habang inaabot ang bill sa waiter.

"Ganon ba? Anong papanoorin nyo?" Tanong ni Jake. Napakunot ang noo ko. Wag nyang sabihin na may balak pa syang sumama sa amin panonood ng sine?! Aba naman!

"The fault in our star. Ayon ang gusto ng boss e." Natatawang sabi ni Caesar at ginulo ang buhok ko. Pabirong hinampas ko ang braso nito. Wala kasi itong hilig sa romance movie. Mas gusto nya ang horror o di kaya ay action. Pinagbigyan lang nya ako sa gusto ko kaya ayon ang papanoorin namin.

"Talaga?! Paborito ko 'yon! Gustong gusto ko ngang manuod nun e. Wala lang akong kasama." Malungkot na sabi ni Jake. Asa naman! Ang pagkakatanda ko sa kanya wala syang kahilig hilig manood ng movie dahil dati ay bihirang bihira lang ito kung manood lalo na ng mga ganitong klaseng genre.

Hinila ko na si Caesar patayo para hindi na ito makaimik pa. Baka yayain pa nitong isama si Jake na manood ng sine hindi na talaga ako makakapayag nyan.

Mabuti na lang at nagpahila na si Caesar sa akin. Nang makalabas kami sa Resto ay agad ko itong hinampas. "Bakit? Ang bad mo ha. Kinakausap pa tayo nung tao e." Natatawang sabi ni Caesar at inakbayan ako. Inirapan ko ito. Hindi 'yan tao. Demonyo 'yan. Demonyo!

"Ang hirap sayo, masyado kang mabait." Sabi ko dito at pinanggigilan ang dalawang pisngi nya. Minsan nga naiisip ko, hindi ba ito marunong magselos?

Napangiwi ito sa sakit. "Masakit 'yon ha." Sabi nya habang hinihimas ang dalawang pisngi nya.

"Edi panggigilan mo din ako." Sabi ko sa kanya.

"Ayoko nga. Edi nasaktan ka din." Napangiti ako sa sinabi nito. Pakiramdam ko ay nag init din ang aking mukha.

Pagkakuha namin ng ticket ay iniwan muna ako nito sandali para bumili ng makakain. Nakatayo lang ako sa may gilid habang hinihintay sya. At agad na nagsalubong ang kilay ko ng makita ko syang bumalik ng may kasama. Magkasabay silang lumakad ni Jake habang parehas na may dala na pop corn.

Agad akong lumapit sa dalawa. "Ano na naman 'to?" Pagalit na sabi ko. Hindi ko alam kung kanino ako galit. Kay Caesar na sobrang bait o kay Jake na wala ng ibang ginawa kung hindi bwusitin ang araw ko.

"Chill lang. Nakita ko kanina si Jake pagbili ng pop corn. Manonood daw sya ng sine kahit mag isa. Nakakaawa naman kaya isabay na natin." Bulong sa akin ni Caesar

"Matanda na 'yan! Kaya na nyang mag isa." Singhal ko sa kanya.

"Mukhang ayaw ata ni Mariel na kasama nyo ako e." Nag aalangan na sabi ni Jake pero hindi nya ako maloloko. Asa sya! Alam kong umaarte lang 'to.

"Sadya!"

"Mariel umayos ka. Hindi na 'ko natutuwa." Seryosong sabi ni Caesar. Napatahimik ako ng wala sa oras. Pag ganitong nagseseryoso ito ay natatakot ako. Minsan lang kasi ito magseryoso kaya hindi ako sanay.

Pumasok na kami sa loob na sinehan. Sa kanan ko si Caesar habang si Jake naman ay nakaupo sa kaliwa ko. Pagkaupo ko ay agad kong inihilig ang katawan ko kay Caesar. Inakbayan naman ako nito at naramdaman ko ang paghalik nya sa ulo ko.

"Sorry kanina." Sabi ko. Alam kong hindi nya nagustuhan ang inasal ko kanina. Dahil lang talaga sa bwisit na Jake na yan kaya ako umakto ng ganoon.

"Okay lang. Basta 'wag mo na lang uulitin. Ang sama kasing tingnan." Bulong nya. Mag uumpisa na ang palabas kaya umayos ako ng upo.

Nakatutok ang atensyon sa palabas ng biglang maramdaman ko ang paghawak sa kamay ko ng nasa kaliwa ko. Pababayaan ko na sana ito nang biglang marealize ko na hindi nga pala si Caesar ang nakaupo dito. Nilingon ko si Jake at nakatutok ang atensyon nito sa buong palabas. Mahigpit ang pagkakahawak nito sa kamay ko na para bang ayaw nya akong makawala.

Nilingon ko si Caesar na nakatutok din ang atensyon sa palabas. Tinangka kong alisin ang pagkakahawak sa kamay ko kaya lang ay mas lalo nya lang itong hinigpitan.

"Bitawan mo nga ako!" Pabulong ngunit pagalit na sabi ko dito. Ayokong mag eskandalo dito kaya hangga't maaari ay hininaan ko ang boses ko.

"Ano ba?! Bitawan mo sabi ako." Ulit ko dito. Masama ko itong tinitigan. Nakatingin na din ito sa akin ngayon. "Ayoko. Hindi ko kaya." Mahinang sabi nito.

"Ngayon lang, please. Hayaan mo akong hawakan ka." Ramdam na ramdam ko ang pagsusumamo sa boses nito. Nakaramdam ako ng matinding awa dito. Nilingon ko si Caesar na walang kaalam alam na may kababalaghan na palang nangyayari sa pagitan namin ni Jake .

Huminga ako ng malalim at ibinalik ang atensyon ko sa panood. Mukhang ako lang ang mapapagod pag pinagpilitan ko ang gusto dahil parang wala syang balak bitawan ang kamay ko. Sobrang higpit ng pagkakahawak nya dito at nakita ko sa gilid ng mata ko na panay ang hawak nya sa pisngi nya, hindi ko ito nililingon. Natatakot ako na baka makahalata si Caesar. Sinundot din ako ng konsensya. Pakiramdam ko ay nagtataksil ako sa kanya kahit hindi naman talaga. Ayoko lang malaman ni Caesar dahil baka masaktan sya. Ayoko syang saktan. At isa pa, ayokong gumawa ng eskandalo dito.

Agad akong napalingon kay Jake ng maramdaman kong inangat nya ang kamay ko. Nanlaki ang mga mata ko idinampi nya ito sa labi nya. Marahas kong binawi ang kamay ko.
"Okay ka lang?" Nag aalalang tanong ni Caesar.

"Uwi na tayo. Sumama ata pakiramdam ko." Dahilan ko. Hanggang ngayon ay hind pa din maproseso ng utak ko ang nangyari.

Inalalayan nya akong tumayo at nagpaalam muna kay Jake bago kami umalis. Habang pababa kami ay sandaling sinulyapan ko ito. Nakayuko ito ngayon habang ang kamay ay nakasapo sa kanyang noo.

***

Nakapag update din sa wakas! haha. Actually natype ko na 'to bago bumagyo. Tapos grabe ang tama ng bagyo sa lugar namin kaya halos isang linggo kaming walang kuryente. Hanggang ngayon naman wala pa din kaming wifi kaya ayun, hindi ako nakakapag update. Sorry talaga. Promise pag nagkawifi na ulit kami sunod sunod na ulit ang update. Salamat sa pagbabasa.

Continue Reading

You'll Also Like

59K 1.4K 28
Khalie Payen Ludkiviel, a businessman who has a dominant aura. No one, even woman can make his knees kneel down to the floor. This girl named Heaven...
1.2M 36K 38
Bilang pagtanaw ng utang na loob, naatasan si Lorie ng matandang pilantropong nakilala niya sa ospital na maging temporary housekeeper ng anak nito...
1.4M 37K 43
Sofie Alessia Andrada has always been the aggressive type, free spirited and strong willed. Men bow down to her and worships her beauty. Just one sm...
3.1M 53.6K 66
WARNING: R-18 [COMPLETED] There is an unwritten rule that you can't fall in love with your best friend. And yet, you can ask them to be your F Buddy...