Love Affair no. 3

120K 1.9K 39
                                    

Huminga ako ng malalim bago kumatok sa pintuan ni Sir. Nakakadalawang katok pa lang ako at nakita ko agad ang pagbubukas ng pinto. Iniluwal nito si Sir Jake. Nakatapis lang ng tuwalya sa kanyang bewang. Halatang bagong ligo lang ito dahil mamasa-masa ang kanyang buhok. Tumutulo pa ang tubig sa kanyang katawan. Sinundan ko ng tingin ang isang tulo na nagmula sa kanyang dibdib. Pababa ito ng pababa hanggang sa makaabot ito sa abs nya. Napalunok ako nang makitang bumaba pa ito hanggang sa----

"Yes?" Tanong nya gamit ang nakakaakit na boses. Napaiwas ako nang tingin dahil sa ginawa ko. Ang tanga ko!  Baka nahalata nya ang pagtitig ko sa katawan nya.

"Come in." Aniya at niluwagan ang pag kakabukas ng pinto. Pumasok naman agad ako kahit na nangangatal ang tuhod ko sa kaba. Narinig ko ang tunog ng pag click ng pinto hudyat na ni lock nya ito.

Nakatayo lang ako sa gilid. Hindi ako makagalaw sa kintatayuan ko. Nilampasan nya ako at naamoy ko agad ang pinag halong shower gel at after shave nya. Sinundan ko lang sya ng tingin. Nakita kong pumunta sya sa Cabinet at kumuha ng T-shirt at short nya. Humarap sya sakin at walang pasintabing binitawan ang towel na hawak nya! Buti na lang at maagap ako kaya nakatalikod agad ako. Inaakit ba ko nito?

Narinig ko naman ang palatak nya ngunit hindi ko na ito pinansin at nanatili lang nakatalikod sa kanya.

"Ano bang kelangan mo?" Tanong nya. Mahahalata mo ang iritasyon sa kanyang boses. Humarap na ko sa kanya at mabuti na lang at nakapagdamit na sya. Nakaupo na ito habang nakaharap sa laptop nya. Nakatalikod na ito sakin.

"Kelangan ko po ng pera." Nakayuko lang ako. Pinag didikit ko ang dalawang  daliri ko. Dito ko binaling ang atensyon ko dahil hindi ko kayang tingnan sya sa mukha. Ilang beses ko na bang ginagawa to? Pero kinakabahan pa din ako.

Kahit na wala naman talaga akong dapat ikahiya hindi ko pa din ito maiwasan. Sa una pa lang ito na ang usapan namin. Makikipag sex ako sa kanya kapalit ang pera. Sabihin ko lang daw kung magkano ang kelangan ko at ibibigay nya daw ito.

"Magkano ba?" Napatingin ako sa kanya nang wala sa oras. Nakita kong nakatutok lang ang mga mata nya sa laptop nya.

"Kung pwede po sana ay mga limang libo." Sagot ko.

Nakita ko namang itong tumayo at kinuha ang wallet nya. Pagkakuha nya ng wallet nya ay bumalik ito sa pagkakaupo. Ngayon ay nakaharap na ito sa akin. Binuksan nya ang wallet nito akala ko ay ibibigay na nya agad agad sakin ang pera ngunit nagkakamali pala ako.

Nilaro laro nya muna ang pera nya sa mga kamay nya. Nakita ko pang inamoy nya pa ito. Napakunot ako ng noo sa ginagawa nya. Hindi sinasadyang napatingin ako sa mukha nya. Nakangisi sya--- ngising demonyo. 

"Come here." Sabi nya at tinapik ang hita nya. Hindi ako pwedeng magkamali. Alam kong may gusto syang mangyari samin ngayon.

Lalapit na sana ako nang maalala ko ang mga kapatid ko. Hinihintay nila ako ngayon. Pag pinayagan ko si Sir na may mangyari samin ngayon, hindi na nya ako titigilan.

"S-sir pwede po bang next time na lang? Hinihintay na po kasi ako ---" Hindi ko pa man natatapos ang pagsasalita ko ay nakita ko na agad ang pagbabago ng ekspresyon ng mukha nito. Naging madilim ang aura nito. Mas lalo akong natakot.

A Not So Secret Love Affair (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon