Love Affair no. 5

123K 1.9K 98
                                    

"Kyah! Kinikilig ako." Halos mabingi ako sa boses ni Jupiter. Sinamaan ko lang ito ng tingin at ipinag patuloy ang pagwawalis ko.

"Kyah! Tumingin sya dito! " Tukoy nya kay Mike. Napatingin ako kay Mike ng wala sa oras. Nakita ko syang nakatingin sa gawi ko. Tinanguan nya ako nang mapansin nyang nakatingin ako sa kanya.

"Madaya ka! Bakit ikaw ang nginitian nya! Di hamak naman na mas maganda pa ko sayo!" Napatawa na lang kami ni Venus sa sinabi ng kakambal nya. Kahit kelan talaga patay na patay to kay Mike.

"Bagay na bagay kami. Isang katulong na ubod ng ganda at Isang hardinerong ubod ng yummy!" Napahalakhak sya sa sinabi nya samantalang kami ni Venus ay naiiling na lang.

Napansin kong papalapit sya sa gawi namin. Ipinagpatuloy ko na lang ang ginagawa ko samantalang si Jupiter ay halos mangisay na sa kilig. Naiiling na lang si Venus sa ginagawa ng kambal nya.

Hindi ko naman kasi masisisi si Jupiter kung bakit ganito na lang ito mahumaling kay Mike. Gwapo naman talaga kasi ito. Maputi at napaka tangos ng ilong. Maganda din ang pangangatawan nito. Halatang batak na batak sa trabaho. Napaka amo pa ng mukha. Ayun nga lang ay bihira itong ngumiti.

Ang pagkakaalam ko ay limang taon na din ito nagtatrabaho dito. Tulad ko ay mahirap lang din sya. Nakakwentuhan ko sya dati kaya alam kong magsasaka lang ang kinabubuhay nila. Kulang na kulang daw ang kinikita nila sa pagsasaka kaya naisipan nyang makipagsapalaran sa Maynila.

"Kamusta?" Nabalik ako sa realidad ng mapansin kong nasa harap na pala namin si Mike.

"Ang gwapo. Shet!" Ani Jupiter. Natawa ako sa sinabi ni Jupiter samantalang wala pa ding pagbabago sa ekspresyon ng mukha ni Mike. Si Venus naman ay hiyang hiya na sa ginagawa ng kakambal nya.

"Mariel may gagawin ka pa ba pagkatapos nyan? Okay lang ba natulungan mo ko sa pag gugupit ng halaman? " Pagbabaliwala ni Mike kay Jupiter. Nakita ko ang pag simangot ni Jupiter matapos marinig ang sinabi ni Mike. Napatawa ako ng tuluyan ng dahil sa ginawa nya. Napansin ko din na nag pagpipigil na nang tawa si Venus.

"Kawawa naman. Si Mariel ang gusto, hindi sya." Pang aasar ni Venus at humalakhak. Napatingin naman ako kay Jupiter na nagmamaktol na sa isang tabi.

"May gagawin pa kasi ako eh. Kay Jupiter ka na lang mag patulong, wala yang gagawin ngayon. " Pagsisinungaling ko. Patapos na din kasi ako sa aking ginagawa at wala na din akong gagawin pagkatapos nito. Nakita ko naman ang pagliliwanag ng mukha ni Jupiter. Kahit naman may pagkabaliw to, gusto ko pa din namang sumaya kahit papaano tong babaeng to.

"Ganun ba?" Halata sa boses ni Mike ang pagkadismaya. Hindi ko na lang ito pinansin. Tinanguan ko na lang ito.

"Kambal! Pumarito nga kayo at tulungan nyo skong magluto. Bilis!" Napalingon kami sa kinaroonan ni Manang Doray ng marinig namin ang sigaw nito. Narinig ko ang pagmamaktol ni Jupiter habang papalayo sa amin habang si Venus naman ay inaasar ang kakambal nya.

A Not So Secret Love Affair (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon