Love Affair no. 34

78.4K 1.6K 287
                                    

His Side

"Anak, halika muna dito. May ipapakilala ako sayo." Rinig kong boses ni Mommy sa loob. Tamad na tamad akong tumayo at naglakad papasok ng bahay.

Nakita ko si Mommy at may kausap na isang babae. Nakaharap si Mommy sa akin samantalang ang babae ay naka talikod sa pwesto ko.

"Ayan na pala si Jake," Ngumiti sa akin si Mommy at iminuwestra ako para lumapit sa kanya. "Jake, si Mariel. Sya ang bago nating makakasama dito sa bahay." Ngumiti ito sa akin. Napaka aliwalas ng mukha nya. Ang sarap titigan. "Mariel, sya si Jake. Ang anak ko." Inilahad nito ang kamay nya at tinanggap ko din naman ito ngunit para akong napaso nung nagdikit ang mga palad namin. Agad ko itong binatawan at umalis na sa harapan nila. Narinig ko ang pagtawag pa sa akin ni Mommy pero hindi ko na ito pinansin pa at nagkunwari na lang na walang narinig.

"Grabe, nakakatuwa ka namang kausap." Nag igting ang panga ko ng makita ko si Mariel na nakikipag landian sa hardinero namin.

Ano 'to? Kanina lang ako ang nginingitian nya tapos wala pang isang oras ang nakakalipas nakikipag usap na agad sya sa iba? Ayoko! Hindi pwede, akin lang sya.

"Mariel pumasok ka sa loob!" Nagulat ang dalawa sa sigaw ko. Namimilog ang mga mata ni Mariel habang tinitingnan ako. "Ano pang hinihintay mo?! Pasok!" Agad tumayo si Mariel at patakbong pumasok sa loob ng Mansyon.

Naiwan kaming dalawa ni Mike. Sinamaan ko ito ng tingin.

Nakakagago. Nakakainit ng dugo at nakakapag selos.

Napakunot ang noo ko ng makita ko syang nakaupo sa damuhan. Anong ginagawa nya dito ng ganitong oras? Paano kung magkasakit sya? Ano ba naman yang iniisip mo Jake? Pakealam mo naman kung magkasakit sya. Concern ka lang kasi walang mag luluto ng umagahan mo. Tama yan. Takot ka lang magutom. Yun lang yun.

"Bakit ka umiiyak?" Tanong ko sa kanya. Napalingon sya sa akin at agad na pinahid ang luhang lumalandas sa kanyang mukha.

Ikinwento nya sa akin ang pinagdadaanan nya ngayon. Bawat pag hikbi nya ay pakiramdam ko ay tinutusok ang puso ko. Bawat pag patak ng luha nya ay pakiramdam ko pinagsasakluban ako ng langit at lupa. Anong kagaguhan 'to? Bakit nasasaktan ako ng ganito.

Gusto ko syang tulungan pero ayokong magmukhang mabait sa kanya.

"Virgin ka pa ba?" Pigil hininga kong tanong dito. Please, say yes. Please.

"O-Oo" Napangisi ako sa sagot nito. Dapat lang! Akin ka lang Mariel, Akin lang.

"Excuse me po. Ito na daw po yung pulutan nyo." Dahang dahan ibinaba ni Mariel ang pulutan sa lamesa. Napansin kong napatahimik ang barkada ko dahil sa pag dating ni Mariel.

Kitang kita ko sa pwesto ko malulusog na dibdib ni Mariel. Tangina. Inaakit nya bang lahat kami?

Nagpanting ang tenga ko ng marinig ko ang pag pito ng barkada ko na nasa gilid.

A Not So Secret Love Affair (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon