The Substitute Date - Publish...

By rieannpeach

88K 1.7K 77

Matagal nang walang boyfriend si Trisha. Kaya naisipan ng mga kaibigang i-set siya sa blind dates. Kaso, pala... More

Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Twelve

Chapter Eleven

6.3K 137 3
By rieannpeach


CHAPTER ELEVEN

NAKASILIP si Ken sa glass paneling ng nursery partikular na tinitignan ang sanggol na anak ni Olga. Ang sanggol na muntik nang mawala dahil sa kanyang matinding galit. It was a girl. Mabuti na lamang at malusog ito kaya walang naging komplikasyon nang ma–emergency caesarian si Olga kanina.
“Ken.”
Napalingon siya nang marinig ang boses ng kanyang daddy sa likuran. “Dad,” sambit niya saka ibinalik ang tingin sa sanggol.
Habang nasa delivery room si Olga at natutuliro siya ay tumawag si Jane sa pamilya niya at ibinalita ang nangyari. Dumating ang mga magulang niya kasama sina Kate at Jay–Jay pagkatapos ibalita ng doktor na ligtas na si Olga at ang sanggol.
“Ang ganda pala niya,” komento ng daddy niya na nakatingin na rin sa sanggol.
Napabuntong–hininga si Ken. “Kasalanan ko kung bakit muntik na siyang mapahamak, Dad.” Sising-sisi siya sa nagawa. Hindi niya dapat pinairal ang galit.
Naramdaman niya ang pagtapik ng daddy niya sa kanyang balikat.
“Huwag mong sisihin ang sarili mo, Ken. Hindi mo sinasasadya ang nangyari. Ang mahalaga ay ligtas na sila.”
“Paano kung anak ko talaga siya at paglaki niya, malaman niya ang ginawa ko?”
“Stop it, Ken. Nakalabas na ang baby, malilinawan na ang lahat. Ang mabuti pa umuwi na muna kayo ni Jane. Magpahinga ka. Sabay–sabay na lang kaming uuwi mamaya pagdating ng kamag–anak ni Olga.”
Tumango siya. Kailangan nga niya ng lakas para harapin kung ano man ang kalalabasan ng DNA test.

NATIGILAN si Trisha nang makita ang pamilyar na sasakyan na nakaparada sa labas ng bahay. It was six in the morning. Nanggaling siya sa pagdya – jogging sa loob ng village. Tuluyan na siyang napahinto sa mabagal na pagtakbo nang bumaba ang lalaking sakay noon.
It was Ken.
Bago pa niya mapigilan ang sarili ay naglakad na siya palapit dito. “Ano’ng ginagawa mo rito?”
“Hinatid ko lang si Jane. Hindi ko lang napigilang dumaan dito sa inyo, nagbabakasakali akong makita kita.”
“May nangyari ba kay Jane?” kunot–noong tanong niya habang nakatingin sa kulay-pulang mantsa na parang natuyong dugo na nagkalat sa suot na pink na polo shirt. Nanlalalim din ang mga mata ni Ken na halatang wala pang tulog. Umiling ito. “Jane is fine.” Sandali itong huminto at tinitigan siya. “Gusto ko lang itanong sa ’yo na kung sakaling  mapatunayan ko na hindi ako ang ama ng baby ni Olga, matatatanggap mo pa ba ako?”
“Ken…”
Nakapag-isip na si Trisha. Gusto niyang sabihin na kahit ito talaga ang ama ng bata ay matatanggap pa rin niya ito. Hindi naman ganoon kakitid ang isip niya para hindi maintindihan ang sitwasyon ng binata. Naniniwala na rin siyang hindi siya nito pinagtaksilan. Naramdaman naman niyang minahal talaga siya ni Ken pero  masakit pa rin sa kanya ang paglilihim na ginawa nito.
“It’s fine, Trish, huwag mo na lang sagutin,” mayamaya ay sabi ni Ken. “Masaya akong nakita uli kita.” Tinawid nito ang distansya nila. Yumuko ito at kinintalan ng halik ang kanyang noo. Pagkatapos ay walang paalam na sumakay na sa kotse at nag–drive palayo.
Naguguluhang napasunod na lang siya nang tingin sa papalayong sasakyan ng binata. Sigurado siyang may nangyari. Sa pagkakaalam niya, kagabi ay namanhikan si Jay–Jay sa bahay ng mga ito. Nang tuluyang mawala sa paningin ni Trisha ang kotse ni Ken ay pumihit na siya papasok ng bahay. Tinawagan agad niya si Jane.

THE BABY is not mine, relieved na paulit–ulit na sabi ni Ken sa sarili nang makita nito ang resulta ng DNA test. Kahit na sa simula pa lang ay alam na niya iyon, halos hindi pa rin siya makapaniwala sa nalaman.
“Hinihintay ka ni Olga sa kuwarto, gusto ka niyang makausap,” sabi ng mommy niya.
Tumango siya. Yumakap muna siya sa ina at nagpasalamat bago pumasok  sa hospital room ni Olga. Agad namang nagpaalam ang pinsan ni Olga na nagbabantay rito nang makita siya.
“How are you?” tanong ni Ken nang mapagsolo sila.
“I’m fine. Nakita mo na ba ang resulta ng DNA test?” parang nahihiyang tanong ni Olga. 
Tumango siya. Pagkatapos makapanganak ay bigla na lang nawala ang katapangan at katarayan nito. Biglang umamo ang mukha na una niyang hinangaan nang una silang magkakilala.
Nagsimulang mamasa ang mga mata ni Olga. “I’m so sorry, Ken, nagulo ko ang buhay mo. Hindi ko kasi alam kung sino sa inyo ng boyfriend ko noon ang tunay na ama ng anak ko. Break na kami nang malaman kong buntis ako. Nauna na niyang tinaggihan ang bata kaya sa ’yo ako naghabol. Please patawarin mo ako.”
Napabuntong–hininga siya. Pagkatapos ang panggugulong ginawa ni Olga sa kanyang buhay ay bahagya na lang siyang nakakaramdam ng galit. Nangingibabaw pa rin sa kanya ang guilt dahil muntik nang mapahamak ang babae at ang babay nito dahil sa kagagawan niya. Idagdag pa ang kaligayahang nararamdaman niya dahil sa resulta ng DNA test.
Bago pa muling makapagsalita si Ken ay nagpatuloy si Olga.
Bago pa raw lumabas ang resulta ng DNA test ay nagpunta na rin si Randy Ortiz, ang tunay na ama ng anak nito, para makasiguro kung anak ba nito o hindi ang bata. At nang mapansin ni Randy na magkamukha ang dalawa ay nagpa-DNA test na rin ang lalaki at lumabas na nga ang katotohanan.
“Nakahanda si Randy na sustentuhan ang anak ko,” patuloy pa ni Olga. “Babayaran din daw niya ang lahat ng nagastos mo at ng pamilya mo sa pagbubuntis ko.”
Umiling siya. “Hindi na niya kailangang gawin ‘yon.”
“But he’ll insist. Please, Ken, tanggapin mo na lang kung ano man ang ibibigay niya para mawala na rin ang guilt na nararamdaman ko sa panggugulo sa buhay mo. Magpa–public apology rin ako para malinis ang pangalan mo.”
Muli ay napabuntong–hininga siya. “All right.”
Nang pumasok ang nurse dala ang baby ni Olga, hindi nagtagal ay lumabas na rin siya ng kuwarto. Hindi pa niya ibinigay ang kapatawarang hinihingi ni Olga. Pero sa sarili ay napatawad na niya ito. Sa oras na tuparin nito ang sinabi nitong public apology na gagawin at malinis ang pangalan niya ay tuluyan na niyang ibibigay ang kapatawarang hinihingi ng babae.  
Pakiramdam ni Ken ay nabunutan siya ng tinik nang umalis sila ng mommy niya sa ospital. Sa wakas, mapapatunayan na niya kay Trisha na hindi talaga niya ito pinagtaksilan. Ngayong wala na ang problema niya ay magagawa na niyang ayusin naman ang problema sa babaeng pinakamamahal.

“KENNETH ALEGRE is not the father of my daughter. Muli po ay humihingi ako ng kapatawaran sa mga nagawa at mga nasabi kong masasakit na sa salita laban kanya at sa kanyang pamilya.” Ang pahayag na iyon ni Jackielyn Reyes sa national TV ang naabutan ni Trisha na pinapanood ng mga kasambahay nila habang naghahapunan sa dirty kitchen. 
Ang totoo ay kahapon pa niya alam ang balitang hindi si Ken ang ama ng anak ni Olga. Bukod sa naikuwento na sa kanya nina Jane at Kate ang nangyari sa ospital, aksidente rin niyang narinig ang balitang iyon sa FM radio kaninang umaga. At ngayon naman ay napanood niya ang tapped interview kay Olga. Ayon pa kay Kate ay pinatawad na ng pamilya nito si Olga at nagkasundo na kalimutan na lang ang nangyari.
Natuwa si Trisha para kay Ken dahil tapos na ang problema nito at nalinis na ang pangalan. Mula pa kahapon ay inaasahan niya na pupuntahan siya ng binata para makipag–ayos pero hindi nito ginawa. Hindi rin ito nag-text o tumawag sa kanya. Dahilan para mag-alala siya at mag-isip ng kung ano-ano.
Ilang beses niyang tinangkang tawagan si Ken pero sa huli ay pinanghihinaan siya ng loob. Paano kung hindi na ito interesado sa kanya dahil hindi siya naniwala sa paliwanag nito? Hindi niya alam ang gagawin kapag nangyari iyon.
“Ay, Ma’am Trisha, kanina pa ba kayo riyan? Kain po tayo.”
Napatingin siya sa mayordoma nila nang marinig ang boses nito. Ngumiti siya. “Salamat. Sa restaurant na lang. May ipapabili lang ako sa inyo bukas para sa lulutuin ko.” 
“Sige, Ma’am.”
Inilapag niya sa mesa ang listahan ng mga ipapabili kasama ng pera. Pagkatapos ay lumabas na siya ng dirty kitchen. Sumakay siya ng kotse at nag-drive papunta sa branch ng Amelia’s sa Ortigas. May dinner meeting sila roon ng editor ng cookbook na sinulat niya.
Wala pa ang editor nang dumating si Trisha. Halos dalawang minuto pa lang siyang nakaupo sa table na pina-reserve nang madismaya siya matapos makatanggap ng tawag sa editor niya. Humingi ito ng paumanhin dahil may emergency raw sa bahay nito at hindi na ito makakarating.
Matapos ang phone call na iyon, dahil nagugutom na, nagpasya si Trisha na kumain na muna bago umuwi. “Paki–serve na lang pagbalik ko,” sabi niya sa waiter pagkatapos ibigay ang order. Tumayo siya para magpunta sa ladies’ room.
Paglabas ng ladies’ room, nagulat siya nang makita ang lalaking palabas naman ng men’s room na katapat lang ng ladies’ room.
Si Ken.
Nagtaas ito ng tingin at nagulat nang makita siya pero sandali lang. Agad itong ngumiti at tinawid ang pagitan nila.
“Hi!” nakangiting bati ni Ken. 
Ngumiti rin siya. “Hi!”
“So, may date ka uli ngayon?”
“Not really. Pero hindi na makakarating ang companion na hinihintay ko. Would you be my substitute companion tonight?” tanong ni Trisha. 
Ngumiti ito nang maluwang. “Sure, sweetie!” sagot nito at naglahad ng  kamay sa kanya.
Tinanggap niya iyon at magkahawak–kamay silang bumalik sa table niya.

ISANG kanto bago ang mansiyon ng mga Escobar ay biglang inihinto ni Ken ang kotse sa ilalim ng isang puno at pinatay ang makina.  Humarap ito kay Trisha.  “We need to talk.”
Tumango si Trisha. Nagulat siya nang bigla siya nitong hilahin sa batok at siniil ng halik sa mga labi.
“Kiss me back,” narinig niyang bulong nito nang sandaling ilayo ang mga labi sa kanya.
It was déjà vu. She did what he said. She closed her eyes and returned his kisses. Naglambitin pa siya sa leeg ng binata. She had missed his kisses.
“I’m sorry, hindi ako naniwala sa paliwanag mo,” sabi ni Trisha nang matapos ang halik at magdikit ang kanilang mga noo.
Nauna na siyang humingi ng sorry. Ngayon na ang tamang oras para magkaliwanagan sila. Sa restaurant kanina ay hindi nila napag-usapan ang tungkol sa naging problema. They talked about random things and what they were doing before they become friends.
Paglabas nila ng Amelia’s kanina, ikinatuwa pa ni Trisha nang hindi nag-start ang kotse niya. Iniwan na lang niya iyon sa restaurant at nagpahatid na lang kay Ken.
“Hindi ba dapat ako ang mag-sorry sa ’yo?” Bahagya nitong inilayo ang ulo sa kanya at tinitigan siya. Kinuha rin ni Ken ang kanyang mga kamay at mahigpit na hinawakan. “Tama ka, hindi ako dapat naglihim sa ’yo. I’m so sorry. I’m so sorry, Trisha. I promise, hinding-hindi ko na ‘yon gagawin uli.”
“Bakit hindi mo ako pinuntahan agad? Sana man lang tumawag o nag-text ka,” nagtatampong sabi niya. Nasabi na nito kanina sa restaurant na kahapon pa ito nasa Subic at kadarating lang nito nang magkita sila sa Amelia’s.
“Nagkaproblema sa isang project namin sa Subic, nag-volunteer na akong ayusin ang problema dahil gusto kong bumawi kina daddy dahil ilang buwan ko rin silang binigyan ng sakit ng ulo. But it doesn’t mean na mas importante ‘yong project na ‘yon kaysa sa ’yo. Hindi kita tinawagan dahil mas gusto kong makipag-ayos sa ’yo nang personal.”
Biglang lumipad sa kung saan ang tampo niya nang marinig ang paliwanag nito. Nginitian niya ito. “I forgive you.”
Ngumiti ito nang maluwang. “Talaga?” Sunod–sunod siyang tumango. “I love you so much, Trish.  Please believe me na magmula nang maging tayo ay hindi na ako tumingin sa iba. Hindi kita niloko. At hinding-hindi kita ipagpapalit sa iba.”
Napatitig siya sa mga mata nito. Nagulat siya nang makitang namumula ang mga mata nito na parang maiiyak.
Nag–iinit na rin ang mga matang ngumiti siya. “I believe you. Mahal na mahal din kita. Let’s just forget what happened and let’s move on,” aniya at sumubsob ng yakap dito.
Mahigpit din itong yumakap sa kanya. Nang magtaas siya ng tingin, dahang–dahang lumapit ang mga labi ni Ken sa mukha niya, nang maramdaman ang mga labi nito sa kanyang mga labi ay kusang pumikit ang kanyang mga mata at buong pusong tumugon.

Continue Reading

You'll Also Like

376M 9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
958K 16.1K 106
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
351M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
8.5M 265K 70
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...