THE TAMING AFFAIR BOOK 1 (boo...

By helene_mendoza

1.4M 40.2K 2.1K

THE TAMING AFFAIR BOOK 1 JAMES DAVID FIAT CARBONEL I make a living by lying. As an undercover agent, I needed... More

1 • The boss from hell • 1
3 • Bridal Shower • 3
4 • Escorts • 4
5 • Modelling night • 5
6 • Doctor Who • 6
7 • Stressed • 7
8 • Boyfriend, Girlfriend • 8
9 • Pumped • 9
10 • Morning after • 10
11 • Replacement • 11
12 • Threats • 12
13 • Bullied • 13
14 • Spider Encounter • 14
15 • Red wine • 15
16 • Best decision • 16
17 • Goodnight, Lucy • 17
18 • Wedding day • 18
19 • Wedding Reception • 19
20 • First timer • 20
21 • After last night • 21
22 • End of mission • 22
23 • Panic Attack • 23
24 • Rejected • 24
25 • Screwed up • 25
26 • I love you at your worst • 26
27 •Meet the parents • 27
28 • Settle down • 28
29 • Murderer • 29
30 • Bad Guy • 30
31 • Stakeout • 31
32 • Save her • 32
33 • Two hours • 33
34 • Betrayal • 34
35 • Just a mission • 35
36 • Kryptonite • 36
37 • Have the balls • 37
38 • Godfather • 38
39 • Reasons • 39
40 • Surprise • 40
41 • Compromise • 41
✨✨✨ANNOUNCEMENT✨✨✨

2 • New gig • 2

51.9K 1.1K 49
By helene_mendoza

       

JD's POV

Napaangat ang ulo ko ng ilang folders ang bumagsak sa harapan ko.  Tiningnan ko ang gumawa noon at nakangising mukha ni Dale ang nakita ko. 

"Ano na naman iyan?" inis na sabi ko at itinuon ko ang pansin sa report na ginagawa ko.  Umupo pa si Dale sa mesa ko at tinitingnan ang ginagawa ko.

"Additional reports.  Favorite ka ni Gonzalez, eh.  Masyado ka daw kasing magaling," natatawang sabi nito.

"Ulol.  Gago lang talaga 'yang boss mo," sagot ko.

"Siraulo ka kasi.  Sinabi na kasi sa iyo hold mo muna 'yung huling gig natin.  'Tang 'na ka.  Itinuloy mo pa rin.  Ano ngayon?  Lalo kang nadiin 'nyang si Mac.  Sinabi na kasi sa iyo maghintay pa tayo ng mas maraming ebidensiya.  Nauwi sa wala ang ilang buwan na pagmamanman natin sa kanya," tonong naiinis pa siya sa akin.

Inis kong isinara ang laptop ko. 

"Kumpleto ang intelihensiya ko kay Mac.  Ang dami kong ibinigay sa boss mo na mga ebidensiya na nagpupuslit talaga ng mga high end guns ang gagong iyon. Nagkataon lang talaga na anak siya ng isang senador kaya daig pa ang palos sa dulas.  Malapit na talaga akong magduda.  Iniisip ko na may kapit 'yan dito sa ahensiya natin," sagot ko.

Kumunot ang noo ni Dale.  "Tingin mo?"

"Bakit hindi ko maiisip?  Ilang beses na laging mahuhuli na natin si Mac.  Pero sa tuwing araw na ng raid, lagi siyang nawawala.  He is always one step ahead of us.  Parang laging may nagti – tip sa kanya.  Tulad last time.  Anong nangyari?  Sigurado ang mga tao ko nandoon si Mac at may bentahan na nangyayari.  Tapos biglang mga unan ang laman ng kargamento?  Ano ang silbi ng mga litratong nakuha 'nung mga nakaraan araw?"

"Sabagay, may punto ka diyan.  Naiisip ko rin iyan.  Pero sa tingin mo, sino?"

Umiling ako.  "Mahirap magbintang.  Pero ang gawin natin, maging alisto tayo.  Alam ni Mac na mainit siya kaya sigurado akong mag-lie low iyon." muli kong binuksan ang laptop ko at itinuloy ko ang ginagawa kong report.

"Tuloy ba tayo sa inyo mamaya?"

"Huwag na sa bahay nila nanay.  Maabala pa sila nanay doon.  Doon na lang tayo sa bahay ko."

Ngumisi si Dale.  "Puwede magdala ng babae?"

"Gago.  Bahay ko iyon.  Hindi iyon beerhouse.  Magiging asawa ko lang ang dadalhin ko doon.  Alak puwede pang dalhin.  Kung gusto mo ng babae, sa motel mo dalhin."

Bumuga ng hangin si Dale at tumayo.  "Sungit." At iniwan na ako.

Napapailing na sinundan ko siya ng tingin tapos ay napahinga ako ng malalim.  Hininto ko ang ginagawa ko at tiningnan ko lang ang laptop ko tapos ay ang mga patong – patong na folders.  Buwisit.  Kung hindi talaga nabulilyaso ang operation naming sa Mac na iyon, wala akong ganitong tambak na reports na tatapusin.

Binuksan ko ang desk drawer ko para kunin ang sigarilyo ko ng mapatingin ako sa calling card ko na naroon.

JAMES DAVID F. CARBONEL.  Senior Agent, Circuit Defense Services.

Five years na akong member ng Circuit Defense Services.  Private security company na may mga overseas offices sa Middle East, Asia at Amerika.  Dati akong member ng military sa America.  Pagkatapos ko ng highschool, doon na ako nag – aral ng kolehiyo tapos ay doon ako nag – training.  I had two tour duties in Afghanistan.  I saw war in my own eyes.  After that, ayoko na.  Nakapagod na araw – araw puro patayan ang nangyayari doon.  Nakakapagod makapatay ng mga taong hindi ko alam kung anong ipinaglalaban nila.  Kaya umalis ako sa military.  Nakakilala ako ng isang Pilipino, si Mason Gonzalez na dati ring nag – serve sa military at ngayon ay co – founder ng Circuit Defense Services dito sa Pilipinas. Inalok niya akong doon magtrabaho.  Sinubukan ko.  Madali lang naman.  Mostly security services lang ang pinapatrabaho sa amin.  Private companies, high ranking officials, minsan pati mga presidente ng iba't – ibang bansa ay binabantayan namin.  Minsan, pati ang pagiging private investigator ay trabaho din namin.  At minsan, request ng government agencies, pati kami ay kasama sa mga raids at paghuli sa mga high end criminals na hindi nila kayang hulihin.

Sa totoo lang kasi, mas advance ang technology namin, compared sa mga gamit ng local government kaya mas madalas, kailangan nila ang tulong namin.

After working in Circuit Defense in America, nag-decide si Mason na dito ako i-destino sa Pilipinas.  Philippine Government is asking to partner with our services.  Mas gusto ko na ito.  At least, nandito ako sa Pilipinas at kasama ko pa ang pamilya ko.

"JD! Sa office ni Gonzalez!" sigaw ni Dale sa akin.

Napangiwi ako.  Sigurado na naman akong mainit ang ulo ni Mason.  Kahit naiinis ay sumunod ako.  Naabutan ko siyang may kausap sa telepono at ang mga kasama ko ay nakapalibot sa kanya.  Tinitingnan ang laptop at parang may pinapanood.  Dumukot ako ng sigarilyo at nakita kong sinamaan ako ng tingin ni Mason.  Bawal ang sigarilyo sa kuwarto niya pero kapag ako ang gumawa ay wala siyang magawa.

"Patayin mo ang sigarilyo mo, Carbonel." Sabi niya sa akin ng ibaba niya ang hawak na telepono.

"Kakasindi ko lang," reklamo ko.  Sumisenyas ang mga kasama kong patayin ko na lang kasi mukhang bad mood si Mason.  Ganoon na nga lang ang ginawa ko.

Napabuga ng hangin si Mason at umiling – iling.

"Sayang ang operation natin last time.  Ayoko ng magsisihan pa tayo dahil tapos na iyon pero sa susunod matuto kayong sumunod sa utos," sabi ni Mason.  Alam kong ako ang pinaparinggan niya.  Nakita ko rin na tumingin sa akin ang mga kasama ko.  Hindi na lang ako kumibo.

"So, out muna si Mac.  Sigurado akong magpapalamig muna iyon.  Sa ngayon, ito ang bagong project na ipinapagawa sa atin.  We will infiltrate a male escort service agency." Sabi niya at isa – isang ibinibigay sa amin ang folder ng bago naming trabaho.

"Male escort?  Pambading 'yan 'di ba?" sabi ni Ted.

"Mga cougars marami din diyan.  Iba – iba," sabat ni Dale.

"Anong meron diyan?" tanong naman ni Yosh.

"Talamak daw ang bentahan ng drugs.  So we need to find out kung sino ang pusher diyan," sagot niya.

"Napaka – small time naman nito, Mason.  Bakit hindi ito ipagawa sa mga pulis?  Pusher?  Sa escort service?  Talaga namang uso ang mga ganyan sa lugar na iyon.  Kahit naman ako, magda – drugs na muna ako kung matatandang amoy lupa ang yayariin ko," sagot ko.

"Kaya nga ikaw ang assigned sa project na ito," nakangiting sabi sa akin ni Mason.  'Yung ngiting nakakainis.  Tawanan ang mga kasama ko.

Nawala ang ngiti ko sa labi.  "What?" I know Mason is just fucking with me.

Tumango siya.  "Yeah.  You and Dale."

"Teka!  Bakit ako nasama diyan?" reklamo ni Dale.

"You need to find out kung sino ang supplier nila.  If malalaman natin kung sino ang supplier nila diyan, then we will know the big fish behind them." Sagot ni Mason.

"Fuck you, Mason.  This is not a good joke," seryoso kong sabi sa kanya.  Hindi ako papayag sa assignment na ito.

"Who says I am joking?  Seryosong assignment ito.  If you are thinking na small time lang ito, wait when we get the big fish.  Mas malaking assignment ito compared kay Mac." Sabi niya.

Hindi na ako sumagot.  Sigurado naman ako na hindi na ako puwedeng magreklamo dito.  Once Mason decide, hindi na iyon mababago pa.

Napatingin ako sa mga kasama ko at nakita kong nagtatawanan lang sila.  Kami lang ni Dale ang parehong nakasimangot.

"A local police is already assigned there kaya siya ang contact 'nyo doon.  This will be your cover," at inihagis ni Mason ang tig – isang folder sa amin ni Dale.

"Martin?  Martin Bustamante?  Mason naman, gagawin mo na lang akong escort hindi mo pa ginandahan ang pangalan ko," reklamo ni Dale.

"Ano pa bang pangalan ang gusto mo?  Piolo Pascual?  Sundin mo na lang 'yan," sagot niya kay Dale.  "How about you JD?  May question ka pa?"

"This better be worth my time," inis na sabi ko.

"Magugulat ka na lang sa pay check mo after that." Sagot niya.

Hindi ako sumagot.  Oscar Ilarde ang pangalan na dapat na gamitin ko.  Inis kong isinara ang folder at tumayo na.  Ayoko ng makipagtalo pa kay Mason.

"Okay na tayo?" pahabol pa ni Mason.

I just gave him a dirty finger sign while I am walking outside his office.

Minsan naiisip kung worth ba 'tong ginagawa ko dito.  I quit from the military pero kaya ako sumali sa organization na ito ni Mason kasi I still miss the action.  I still miss the adrenalin rush lalo na kapag may mga operations kami and the pay is good.  But this?  Escort male service?  Fuck this.  Alam kong binubuwisit lang ako nitong si Mason kaya ako ang ini – assign niya dito.

Pero sigurado naman na wala akong magagawa so I better be good at this gig.

-------------------->>>>>>

May bagong kakikiligan o? si James David Fiat Carbonel.

Continue Reading

You'll Also Like

462K 16K 23
Published by KPub Book Publishing Tired from understanding her mother, Andrea went to an island resort to take a break. She met the annoyingly gorge...
2M 137K 48
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
2.7M 53.1K 53
Gio Kazer Sanreal is the known CEO of the third largest and most successful corporation across Asia, the Sanreal Corporation. He is one of the younge...