16 • Best decision • 16

31.5K 981 32
                                    

JD's POV

Lucy is still shaken because of what happened. She asked me if I can drive her to her friend's house. Kaya ang aga - aga bumibiyahe kami papunta sa bahay ni Jas.

Tahimik lang siya habang bumibiyahe kami. Nakatulala lang siyang nakatingin sa labas ng bintana. Parang hindi ako sanay na ganito si Lucy. I have known her to be strong and fierce kaya sobrang naninibago ako.

Sabagay kahit na sino ay matatakot dahil sa nangyari. That was not an ordinary incident. Those people behind Lucy's death threats are escalating. The message that they sent to her, the dead cats, hindi iyon puwedeng ipagsawalang bahala lang.

Someone wants to hurt her.

I asked Dale to check the cctv footage of the village but it was a dead end. Walang nakitang kahina - hinalang mga tao or sasakyan na pumasok sa village . I checked the cctv footage of her house but to my dismay, the people behind the incident seems to know what they are doing. They destroyed the cameras. Mukhang galawang pro ang mga gumawa nito kay Lucy.

Ayaw naman niyang magsabi sa mga pulis. Ayaw daw niyang lumaki pa ang issue at baka lalo daw maapektuhan si Ferdie at ang kumpanya nila.

"Are you okay?" Hindi ko na natiis na hindi siya tanungin.

She glanced at me tapos ay muling tumingin sa labas.

"What do you think?" I know she is just pretending to be tough pero parang gusto na niyang umiyak.

"We will get those people, Maam." Sabi ko at itinutok ko ang pansin ko sa kalsada.

"Please stop calling me maam. I just want to be me. I want to be my old self," her voice cracked.

I looked at her from the rear view mirror and I saw pain on her face.

"I don't want this. I don't want to be like this. But eversince my father died, I need to be a different person. I learned how to be tough. I need to be hard on people so they won't think that I can be easily replaced," nakatingin pa rin siya sa labas ng bintana. I can see tears forming in her eyes.

"Ang dami - daming nag - aabang ng pagbagsak ko. Mga kamag - anak ni daddy, business partners, competitors. You think being a billionaire is easy?" Mabilis niyang pinahid ang mga luha niyang bumagsak sa pisngi niya. "Pati kapatid ko napabayaan ko na."

"Why are you being tough to yourself? Magpahinga ka muna," sabi ko.

Napailing siya. "People will begin to suspect that something is going on kapag matagal akong nawala. Magmula ng maging ako ang presidente ng company, I never missed even a single day. Ngayon pa lang," sagot niya.

"Lucy, someone is sending you a bad message. Someone wants to hurt you. I suggest you take a break. Is there something going on? I mean is there a problem with your company?"

"There is no problem with my company. Sa dami ng tinanggal ko sa trabaho, sa dami ng may galit sa akin, hindi ko na alam."

"So if you don't go to the office today? Who will be in command?"

"It's Mark Mendez." Sagot niya at napayuko. "I trust him."

Tumango - tango lang ako at huminto kami sa tapat ng bahay ng kaibigan niya. Nakita kong palabas na agad si Jas ng makitang huminto ang sasakyan namin.

Bumaba ako at umikot para mapagbuksan ko siya ng pinto pero mabilis na bumaba si Lucy. Tumakbo siya kay Jas at yumakap dito. Nag - iiyak ng nag - iiyak doon. Parang isang normal na taong may dinadalang mabigat na problema.

Nag - aalalang tumingin sa akin si Jas.

"Susunod na lang ako. Paki - kalma muna siya," sabi ko.

THE TAMING AFFAIR BOOK 1 (books now available)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon