29 • Murderer • 29

28.6K 897 53
                                    

Lucy's POV

"Sino ba ang luka - lukang iyon? Anong pinagsasabi niya?" Inis na sabi ni Jas at tumayo siya para kausapin ang guard para magreklamo.

"Bayaan mo na. Baka nagkamali lang," sabi ko.

"Nagkamali? I don't think so. She knows your name. She knows the name of your boyfriend." Sabat ni Eula. She looks worried too.

"Bayaan 'nyo na iyon. Sa dami ng mga nangyayari sa buhay ko sanay na ako sa mga ganyan," sagot ko.

"But you think totoo ang sinasabi niya? About JD?" Sabi pa ni Eula.

"My goodness! Naniniwala ka sa sinabi ng baliw na babaeng iyon? I think stalker siya ni JD at sinisiraan lang niya ang boyfriend mo." Sabi ni Jas.

"Paano nga kung totoo?" Sabi ko.

Inirapan ako ni Jas.

"'Di tanungin mo siya? Ano ka ba? Trust. You need to trust him. 'Yan ang foundation ng isang relationship," tonong nanenermon siya.

"Sabagay. Puwede mo naman siyang tanungin. Huwag kang maniwala sa mga sabi - sabi ng kung sino," sabi ni Eula.

Hindi ako nakasagot at napatingin ako sa pinto. Nandoon si JD papasok sa loob. Parang nawala ang mga iniisip ko ng makita ko siyang papalapit sa amin. He looks fresh wearing a black Fred Perry polo shirt, maong pants and sneakers. Ibang - iba sa mga nakaka - date kong lalaki na laging naka - suit, naka - balat na sapatos, nakasakay sa mamahaling sasakyan. But still, mas pipiliin ko pa rin si JD.

"Napakaguwapo naman kasi kaya naman bumaba ang panty ng friend natin," kunwari ay bulong ni Jas kay Eula pero talagang ipinarinig niya sa akin iyon.

Pinanlakihan ko lang sila ng mata kasi malapit na sa amin si JD.

"Hi," bati niya sa amin. Humalik siya sa pisngi ko. Parang nahiya ako.

Pigil na pigil ang mga ngiti ng mga kaibigan ko.

"Sit down." Sabi ni Jas at tumabi sa akin si JD. Agad niyang kinuha ang kamay ko at wala siyang pakielam na nasa harap kami ng mga kaibigan ko na magka - holding hands kami.

"So? Totoo na? Kayo na?" Sabi ni Jas.

Ngumiti lang si JD at tumingin sa akin. "Ewan ko sa kanya. Basta ako, sigurado ako. Siya ang gusto ko."

Impit na tumili ang dalawang kaibigan ko. Sobrang kinikilig sila.

Alam kong namumula ang mukha ko dahil sa nahihiya ako pero parang tumatalon din ang puso ko sa sobrang saya.

"Bakla! Ang suwerte mo!" Sabi ni Jas.

Natatawa lang ako at napatingin ako kay JD. I know he is happy but there is something with him. Para siyang hindi mapakali. He keeps on looking everywhere. He is scanning the whole restaurant. Wala naman masyadong tao sa loob. A few customers na kumakain din ng lunch.

"Do you want to go somewhere? My treat," sabi niya sa amin.

"Masarap ang food dito. Saka naka - order na kami." Sabi ko sa kanya.

Napahinga siya ng malalim. Tingin ko ay parang gusto niyang umalis sa lugar na ito.

"Okay ka lang JD? Hindi ka pa naman namin gigisahin. Ikaw naman? Huwag kang matakot. Friendly questions naman ang itatanong namin. Siyempre gusto lang namin ma-sure na seryoso ka at hindi mo sasaktan ang friend namin," sabi ni Eula.

"I won't hurt her. And I am really serious with her. I was asking her for us to settle down," sagot ni JD. Napakunot ang noo ko kasi talagang hindi siya mapakali na nakatingin sa labas. There are group of people na papasok. May mga pulis pa.

THE TAMING AFFAIR BOOK 1 (books now available)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon