23 • Panic Attack • 23

31.5K 1K 61
                                    

Lucy's POV

Maraming reports na sinasabi sa akin si Mark pero wala doon ang pansin ko.  From the lanai kasi ay kita ko si JD na nagkakatikot ng kotse sa garahe.  He is trying to fix the car kasi nga sabi niya bumigay na ang baterya nito.  He is so serious with what he is doing. 

"You need to sign this papers para ma - release na ang mga shipments natin na nasa customs," sabi ni Mark sa akin.

Tumingin ako sa kanya at sa papel na hawak niya.  I didn't bother to read it kasi alam ko naman na na - check na ito ni Mark. 

"Kamusta sa office?" Tanong ko.  Tumaas ang kilay ko kasi nakita kong may taong lumapit sa gate ng bahay.  Napasimangot ako ng makilala kong ang babaeng Kitty ang pangalan ang naroon.  May dalang kung ano na nasa tupperware.  Ngiting - ngiti kay JD.  Huminto naman si JD sa ginagawa niya at lumapit sa babae.  Nakipagkuwentuhan.  Kahit siya ay nakangiti rin.  Mukhang natutuwa na naroon ang babaeng iyon.

"Hindi ka pa ba kukuha ng bagong driver?"

Tumingin ako kay Mark at nakita kong nakatingin din siya sa gawi ni JD. 

"Okay pa naman siya.  And I trust him kasi anak siya ni Manong Ben." Sagot ko at kinuha ko ang mga papel sa harap ko.  Binasa - basa ko para mawala ang atensyon ko kina JD at sa babaeng maarte na iyon. 

"But I think he is not doing his job.  Look Lu, I can take care of you.  I can get you a better driver and bodyguard than him," sabi ni Mark.

Tumingin ako sa gawi nila JD and talagang malandi ang babaeng iyon.  Talagang dikit siya ng dikit kay JD!  Gusto ko ng lumapit sa kanila at hilahin papasok ng bahay ang lalaking ito.

"I'm fine with him.  I'll just ask you for your help kung kailangan ko na.  For now, I want you to handle the shipping company first until I resolve my problems," sagot ko.  Inis kong pinalipat - lipat ang mga papel sa harap ko kahit hindi ko naman binabasa ang mga iyon.

"Ma'am Lucy."

Pareho kaming napatingin ni Mark sa nagsalita sa harap namin.  It's JD.  Pawis na pawis pa at naka - pantalon lang.  May hawak pang basahan.

"Why don't you get decent first before you talk to your boss?  Ang dumi - dumi mo haharap ka sa amin," inis na sabi ni Mark kay JD.

Nakita kong tiningnan lang ito ni JD tapos ay bumaling ng tingin sa akin.

"What do you need?" Matabang na sabi ko.

"Wala naman yata tayong lakad ngayon saka naayos ko na rin naman ang kotse.  Magpapaalam sana akong lalabas saglit.  Sasamahan ko lang ang friend ko," sabi niya.

"Sinong friend?  Do you have a friend here?" Sino naman ang friend na sinasabi niya?  Mga pauso nitong si JD.

"'Yung bago kong kaibigan na bagong lipat sa kabila."

Agad na kumunot ang noo ko.  "Si Kitty?"

Tumango siya.  "Sandali lang naman kami.  Saka I think you'll be okay here kasi nandito naman ang boyfriend mo." 

Nakita kong nag - iba ang timpla ng mukha ni Mark.  Para siyang natuwa sa sinabi ni JD at parang naging proud pa.

"Sige na.  Umalis ka na.  Ako na ang bahala kay Lucy kung may kailangan siya." Pagtataboy ni Mark.

Hindi na niya hinintay ang sasabihin ko.  Basta na lang siya tumalikod doon at nagtungo sa kuwarto niya.  Wala pang sampung minuto ay lumabas na din siya.  Naka pants lang at white shirt tapos ay tuloy - tuloy na lumabas ng bahay.

And he is going out with that bitch?  Nakakilala lang talaga ng malanding babae, sasamahan na niya?

Talagang nawala na ako sa mood.  Wala na akong panahon na makipagbolahan kay Mark.  Inimis ko lang ang mga papel na ibinigay niya tapos at pinaalis ko na siya.  Wala naman siyang magagawa kung ayoko na siyang kausap.

THE TAMING AFFAIR BOOK 1 (books now available)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon