36 • Kryptonite • 36

29.7K 841 56
                                    

"When a man loves a woman, she becomes his weakness..."

Lucy's POV

"Hindi ba natin siya pipigilan?"

Hindi ko alam kung sino ang nagsalita noon.  Si Eula ba o si Jas.  Basta ako, uubusin ko lang ang alak na nasa harap ko.

"Pabayaan mo na lang.  Broken hearted, eh.  Lilipas din naman 'yan," si Jas ang sumagot.

"Lilipas?  Tatlong linggo ng pabalik - balik dito sa bar 'yang si Lucy.  Sa tingin mo lilipas 'yan?  She is destroying herself," inis na sabi ni Eula.

"Okay lang ako.  I just want this.  Hindi naman ako nagpapakalango 'di ba?  I just want to sleep when I go home." Sabat ko. 

"Lu, this is not normal.  Hindi ka na nagalit.  Hindi ka na nag - react after you went to JD's office.  Bigla ka na lang naging ganyan.  Parang robot.  Walang pakielam." Damang - dama ko ang pag - aalala kay Eula.

"What do you want me to do?  Umiyak?  Magwala?" Natawa ako.  "Ginawa ko na iyon.  Pero ako lang ang nagmukhang tanga."

"It's not that.  Be normal.  Mas gusto pa namin na lagi kang galit tulad nung dati.  'Yung lagi mong sinisigawan ang mga tao mo.  'Yung boss from hell.  Mas gusto pa namin na ganoon ka because that is you being normal.  Kesa ganyan.   We are worried," sabi pa ni Eula.

Tiningnan ko lang siya at dinampot ko ang baso ng alak sa harap ko at dire - diretso ko iyong inubos.

"I am fine.  Trust me," iyon na lang ang sabi ko.

"Pabayaan na natin, Eula.  Kanya - kanyang way ang tao sa pag - cope up ng heartbreak." Sabi ni Jas at nakipag - cheers pa siya sa akin tapos ay sabay kaming uminom.

Fine.  I am fine.  I keep on telling that to myself every freaking day.  I keep on telling myself that I'll be fine when I wake up every morning.  I keep on telling myself that I'll be the normal Lucy but everyday, I always failed.

Because after keeping myself busy in the office, I'll end up drinking and going home drunk.  Kasi ayoko na talagang mag - isip.  Kasi siya pa din ang naiisip ko. 

Si JD pa rin. 

I hate him.  I love him.  I hate him.  Laging ganoon.  Pero siguro nga tama si Jas.  Pabayaan lang nila ako na ganito ako kasi sa bawat araw na dumadaan, unti - unti din naman na nababawasan ang sakit na nararamdaman ko.  'Yung pagmamahal na nararamdaman ko para kay JD, unti - unting nawawala 'yun.  Napapalitan ng galit.  Patong - patong na galit dahil sa ginawa niya sa akin.

"Lu, question lang.  Did he, I mean in anyway tried to explain something to you?" Sabi pa ni Eula.  Sumabay na rin siya ng inom sa akin.

Napatawa ako ng nakakaloko pero parang may namukol sa lalamunan ko.  Pinilit kong huwag umiyak.  Ayoko na.  Pagod na ako.

"Waley.  'Di sana nagkuwento na 'yan.  As in wala.  Parang naglahong parang bula ang buwisit na lalaking iyon," inis na sabat ni Jas.

"She said it." Sabi ko at muling uminom sa hawak kong alak.

"Talaga?" Napapailing si Eula.  "Pero buhay ba talaga siya?  Baka naman na - tegi na tapos ang press release lang eh, buhay."

May hinugot akong litrato na nakaipit sa planner ko mula sa bag ko at inilapag ko sa mesa.  Mabilis na kinuha iyon ng dalawa kong kaibigan at tiningnan.  Nanlalaki ang mata nila ng makilala kung sino ang nandoon.

"Ferdie gave it to me.  Siguro naawa na ang kapatid ko sa akin dahil nakikita niya akong parang maloloka na kakaisip kung paano ko makakausap si JD.  Para siguro matauhan na ako na ang lalaking hinihintay ko ay hindi talaga babalik sa akin," sabi ko.

THE TAMING AFFAIR BOOK 1 (books now available)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon