34 • Betrayal • 34

27.9K 787 26
                                    

JD's POV

Papasok ako sa isang bakanteng building. Ito ang ibinigay na coordinates ni Mac. Bitbit ko ang dalawang bag na puno ng pera at sa isang kamay ko ay ang mga documents na kailangan ni Mac. Nagpupumilit ngang sumama si Ferdie pero hindi talaga ako pumayag. This is my own battle and I am going to win this even if I don't know how.

"I am in position. I can't see Mac," narinig kong sabi ni Mason mula sa earpiece ko.

Sinulyapan ko siya sa katapat na building na pinapasok ko. Mason is positioned inside the building. Naroon siya sa may bintana at wnakalawit doon ang sniper rifle niya.

"Can you do this, James?" Tanong pa niya.

"I have to. I need to save her," sagot ko.

Narinig kong huminga ng malalim si Mason.

"Be careful. I saw three men sa may pinto na papasukan mo. Heavily armed. Another three inside. But no sight of Mac. Ted and Yosh are positioned already sa mga possible exit points ni Mac.

"Si Dale?" Tanong ko.

Parang nasagot ang tanong ko ng makita ko siyang patakbong lumapit sa akin.

"What are you doing here?" Taka ko. Ako lang ang papasok sa loob. Iyon ang instruction ni Mac.

"I'll go with you. You need back up inside. Gago si Mac. You don't know what is running inside his head," seryosong sagot ni Dale.

"I can do this. Sige na. Ako na lang," pagtataboy ko sa kanya.

"Huwag ka ng makulit." Inis na sagot niya at nauna na siyang nauna.

"Sige na, JD. Let him help you." Narinig kong sabi ni Mason.

Pagdating sa pinto ay hinintay ako ni Dale tapos ay kinuha niya ang dalawang bag sa kamay ko at siya ang bumuhat.

"So this is what it feels to have a one hundred million in your hand," parang sa sarili lang iyon sinabi ni Dale.

"Quit shitting, Dale." Saway ko sa kanya. Kahit kailan, never akong nakaramdam ng kaba sa mga missions ko. Kahit na noong sumabak ako sa giyera sa Afghanistan. But right now, pakiramdam ko ay nanginginig ang tuhod ko. Sobra ang kaba ng dibdib ko.

"Can you do this?" Sabi ni Dale sa akin. Nakatayo kami sa harap ng pinto.

"I need to do this." At bumuga ako ng hangin.

"Alright. Just play along. Whatever happens, we are still friends." Seryosong sabi niya.

Naguluhan ako sa sinabi ni Dale. Magsasalita pa sana ako ng kumatok na siya sa pinto. Bumukas ang pinto at nakatutok na baril ang sumalubong sa amin mula sa mga tauhan ni Mac.

"Dala na namin ang gusto ng boss 'nyo. Gusto lang namin makuha ang babae," sabi ni Dale.

Nanatiling nakatutok ang nga baril sa amin ni JD habang nakita ko ang isa na kinuha ang telepono niya at may tinawagan.

"Boss, nandito na sila." Sabi ng tauhan at nanatiling nakatingin sa amin. Nakikinig sa sinasabi ng boss niya.

Agad kaming dinis - armahan ng mga lalaki. Pati ang nakatagong baril sa ankle holster ko ay kinuha nila. Tapos ay patulak kaming pinapasok at pinaakyat sa itaas. Nanatiling nakatutok ang baril sa amin ni Dale.

"Just stay calm and don't say anything. Kami ang bahala sa mga tauhan ni Mac sa entrance. Papunta na doon si Yosh." Narinig kong sabi ni Mason sa earpiece ko. "Don't worry about the money. Just get her alive."

Naabutan kong nakaupo sa silya si Mac ng ipasok kami sa isang kuwarto ni Dale. May hawak siyang baril sa kanang kamay at sa tabi niya at naroon ang isang babae. I gritted my teeth. I know her. She is Lucy's secretary.

THE TAMING AFFAIR BOOK 1 (books now available)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon