Teen Clash (Boys vs. Girls)

By iDangs

174M 3.7M 1M

Sa Kingdom High kung saan magkakaaway ang mga lalaki at babae, posible bang may mabuong relasyon at pagkakaib... More

Teen Clash: Boys vs. Girls
Prologue
Chapter 1: The Story Begins
Chapter 2: Second Encounter
Chapter 3: Teen Clash?
Chapter 4: Kingdom High
Chapter 5: About The Boys
Chapter 6: Thank you saan?
Chapter 7: Nice Girls No More
Chapter 8: Akin 'tong libro
Chapter 9: Palabok
Chapter 10: Let the games begin!
Chapter 11: Akala ko pa naman
Chapter 12: Laptop
Chapter 13: Forever is just a word
Chapter 14: Guidance
Chapter 15: Savior
Chapter 16: Kiss/Locked
Chapter 17: Other side of the story
Chapter 18: Girl in the Music Room
Chapter 19: Manager Ry
Chapter 20: End of the world
Chapter 21: Walking in the Rain
Chapter 22: Seven Rules
Chapter 23: Lunch
Chapter 24: Kasi wala lang
Chapter 25: Back off
Chapter 26: I'm here for you
Chapter 27.1: Ice
Chapter 27.2: Ice
Chapter 28: Piggyback Ride
Chapter 30: Tipo ni Zoe
Chapter 31: Weird
Chapter 32: Bakulaw
Chapter 33: Lover's Quarrel
Chapter 34: Blush
Chapter 35: Stay Close, Don't Go
Chapter 36: Truth or Dare
Chapter 37: Love Has No Reason
Chapter 38: Contest
Chapter 39: Too Late
Chapter 40: Payo ni Ayu
Chapter 41: Asungot
Chapter 42: Kukunin ko siya
Chapter 43: Untitled
Chapter 44: No way
Chapter 45: Phone call
Chapter 46: C.R. lang ako
Chapter 47: Mall
Chapter 48: Curious
Chapter 49: Sana
Chapter 50: Debate
Chapter 51: Deny
Chapter 52: Double Celebration
Chapter 53: Walk out
Chapter 54: Bitter
Chapter 55: Words and Actions
Chapter 56: Girl Talk
Chapter 57: Rule breaker
Chapter 58: Ikaw lang
Chapter 59: Christmas Party
Chapter 60: Text/Reply
Chapter 61: Skype
Chapter 62: No title
Chapter 63: Alex and Eunice
Chapter 64: The truth
Chapter 65: So In Love
Chapter 66: Last Chapter
Epilogue
Super Random Special Chapter
Teen Clash Playlist ♫
Book 2 and Other Stories
Teen Clash Book
Teen Clash 2 Book

Chapter 29: Usapang lovelife

2.2M 52.2K 8.9K
By iDangs

Ayu's Point of View


Ang bilis ng oras. Sa makalawa laban na namin sa quiz bee. Buti na lang. Naiistress na kasi ako kakabasa ng mga libro about sa History. Ang sakit sa ulo.

Habang lunch break ay tumambay kaming apat sa likod ng campus. Favorite spot ko 'to sa school palibhasa konti lang 'yung tao. Madalas nga kami lang. Medyo malayo kasi 'to sa mga rooms kaya hindi pinag-aabalahang lakarin ng iba.

Naglatag kami ng blanket at humiga sa damuhan. Saktong hindi maaraw ngayon kaya mas masarap tumambay dito. Nagtatawanan lang kami at bumubuo ng mga images sa clouds.

"Ang bilis ng time, ano?" Medyo tumagilid ako para tingnan ang nagsalitang si Zoe.

"Oo nga. Biruin mo parang last week lang first year pa lang tayo tapos ngayon fourth year na," dagdag ni Yannie.

"Parang kailan lang din nu'ng lumipat tayo sa Kingdom High at nakipag-away pero ngayon friends na natin sila," sabi ko naman.

"Parang kailan lang..." Tumingin kami kay Sab at hinintay ang kasunod niyang sasabihin. "..."

"Parang kailan lang ano?" tanong ni Yannie.

"Uhm. Parang kailan lang... Parang... Ugh! Wala akong maisip. Sinabi niyo na kasi." Kahit kailan talaga 'tong si Sab.

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak ko pero parang gusto kong pag-usapan ang non-existent lovelife naming lahat. Well... except for Yannie.

Dumapa ako at nagpangalumbaba, "Zoe, 'di ba noong second year pa ang last boyfriend mo? Anong nangyari? Ayaw mo na ngayon?"

"Kung magkakaboyfriend ulit ako, gusto ko doon na sa lalaking mahal ko."

"Huh. Never ka pa naman nainlove."

"Ano bang type mo? Ni hindi ka nga ata nausuhan ng crush. May pakiramdam ka ba?" biro ni Yannie.

Sinamaan siya ng tingin ni Zoe at saka umirap, "Naman! May crush kaya ako.." Nang marining namin 'yon ay napaupo kami at tumingin sa kanya.

"Sino?!" sabay sabay na tanong naming tatlo.

"Secret," sagot niya at saka dumila. "Tigilan niyo na nga ako. Ayan si Yannie. Siya pag-usapan natin dito."

Pumalakpak si Sab at agad na ngang nagtanong kay Yannie, "Paano naging kayo ni Xander?"

Tumaas ng bahagya ang kilay niya saka siya nagkibit balikat, "It just happened."

"Posible ba 'yun?"

"Nangyari sa amin so baka."

"Mahal mo siya?" tanong ko.

Sa pagkakaalam ko hanggang ngayon mahal pa rin ni Yannie ang ex niya. Medyo naguluhan lang ako na bigla na lang naging sila na ni Xander. Parang noong anniversary lang nila todo iyak pa siya.

Hindi sinagot ni Yannie ang tanong ko. Nginitian lang niya kami.

"You're hiding something. Mind to tell us? " usisa ni Zoe.

Sa aming apat, si Zoe 'yung tipo na makakaalam sa isang tinginan lang kung nagsisinungaling, may bumabagabag o may sinisikreto ang isa sa amin. She's an observer.

Sa sinabi naman ni Zoe na 'yun ay natawa ng mahina si Yannie, "Seems like I'm about to break Rule #4."

Nagkatinginan kaming tatlo nila Zoe and Sab dahil sa sinabi ni Yannie. Anong rule #4? At bakit 4? Ibig sabihin marami pang rule?

"We're just pretending. Fake relationship lang ang meron kami ni Xander. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip niya at naisip niya 'to pero mas hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at naisipan kong pumayag sa naisip niyang 'to."

What?! All this time 'yung sweet gestures nilang dalawa acting lang? It was all a lie? None of it was true? Wow. Ang galing naman nilang actor at actress.

"Akala ko totoo," reklamo ni Sab.

"Yannie, sana alam mo at sure na sure ka sa ginagawa mo. Hindi naman joke lang ang relationship. Hindi tayo pwedeng magsalita ng tapos. Hindi natin alam kug ano ang mangyayari sa inyo sa ginagawa niyong 'to," payo naman ni Zoe sa kanya.

"Don't worry. I can handle myself. Basta huwag niyo lang ipagsasabi 'yun," bilin niya na tinanguan namin. "Itigil niyo na nga ang usapan sa fake relationship ko. Lumipat na lang tayo kay Ayu."

Tumingin sa akin si Yannie at nagtaas baba ng kilay. Maski sina Zoe at Sab ay tumingin sa akin at ngumiti nang nakakaloko. "What?!" tanong ko sa kanila.

"Wala naman. Gusto ko lang malaman... kamusta kayo ni Ken?" Huh? Bakit napasok sa usapan si Ken?

"Fine? Still reviewing?" I was unsure with my answer. Alam ko kasing may ibang meaning 'tong mga 'to.

"Hindi 'yan! Kamusta kayo? As in kayo?"

Idiniin pa talaga nila ang salitang kayo.

Noong mga nakaraang araw, naging sobrang close talaga kami ni Ken. Kaya siguro akala nila may something. Sino ba naman kasi ang hindi magiging close kung madalas kayong magkasama? Kahit na nga ba mas madalas na pagrereview lang ang ginagawa namin, enjoy pa rin naman.

Para sa akin, para kong bestfriend na lalaki si Ken. Hanga rin ako sa kanya kasi full package na siya. If crush is paghanga, then siguro crush ko siya.

"Basta turing ko sa kanya boy bestfriend," sagot ko sa kanila.

Tiaasan ako ng kilay ni Yannie. Tinitigan ako ni Zoe. Salubong naman ang kilay ni Sab habang nakatingin sa akin. Kapag ganyan ang mga mukha nila, alam kong hindi sila naniniwala sa sagot ko at hinihintay lang nilang magsabi ako ng totoo.

"Okay, fine. Totoo na tingin ko sa kanya ay guy bestfriend pero sabihin na natin na... medyo crush ko siya."

Pumitik si Sab sa naging sagot ko, "I knew it! Sabi ko na nga ba. Ikaw ha. Yii," tusok niya sa tagiliran ko gamit ang daliri niya.

"Let's stop this. Si Sab na lang ang guluhin niyo."

"Hep!" taas niya ng kamay niya. "Wala kayong mapapala sa akin. Wala akong crush, like, love o kung ano man."

"Boring. Kaya ayan tuloy, maski first kiss wala ka pa rin," tukso sa kanya ni Yannie.

"At bakit napunta dyan ang usapan? Anyway, ano naman? Hindi lang naman ako. Si Ayu at Zoe wala pa rin.

"Sino nagsabing wala pa ko?" Napatingin tingin agad kami kay Zoe nang sabihin niya 'yun.

Sa pagkakaalam ko wala pa siyang first kiss. Ang sabi niya noon, gusto niyang mapunta sa first love niya ang first kiss niya. At dahil wala pa siyang first love, wala pa rin siyang first kiss. Kaya lang sa reaksyon niya... posible kayang meron na?

Lumapit si Yannie at saka siya inakbayan. "Meron na ba, Zoe? Sino? Kanino?"

Bigla namang tumayo si Zoe at halatang namumula ang pisngi. She's blushing.

"I'll see you, girls, sa room. Naiihi na ko. Mag-C.R. lang ako," paalam niya at tumakbo paalis.

Okay? What was that?



Hinayaan na lang naming tatlo si Zoe at nagpatuloy sa kwentuhan. Kahit hanggang naglalakad na pabalik sa room ay hindi kami natigil. Pero bago pa kami makalayo sa likod ng school ay napahinto si Sab sa paglalakad.

"Sila Ice 'yun, ano?" turo niya sa greenhouse malapit sa tinatambayan namin kanina.

Kasama ni Ice 'yung tatlo ang mukhang mga nagkwekwentuhan lang din.

"Tara puntahan natin," aya ko sa kanila.

Lumapit kami sa kanila pero hindi naman nila kami napansin dahil busy pa rin sila sa pagkwekwentuhan at isa pa ay maraming halaman sa paligid kaya hindi nila kami makikita kaagad.

"May gusto ka kay Zoe?!" sigaw ni Xander.

Napahinto kaming tatlo dahil sa sigaw ni Xander. Sinong tinutukoy niya? Teka, si Ice ba? May gusto si Ice kay Zoe?!

"Oo. May gusto ako sa kanya," sagot ni Ice.

"Gusto mo si Zoe, Ice?" singit ni Sab sa usapan nila.

Napalingon naman ang apat sa amin at halatang mga gulat na gulat.

Hindi lang naman sila ang gulat dito. Maski kami nagulat kasi wow. May gusto si Ice kay Zoe. OMG.

Continue Reading

You'll Also Like

1.5K 65 30
Sagedalle Series #1 "When the great ruler of all Is born along side two more Excellency and treachery will fall One kingdom shall rise, and one shall...
279K 19.2K 90
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
111K 5.2K 13
Being in love is something magical and romantic when you know that person loves you too. But for Clariza Dela Torre, being unexpectedly in love is sh...
97.7M 2M 87
TEEN CLASH BOOK 2: Just when you thought they finally got their happily-ever-after, a twist in the story will occur. (Completed. Published under Pop...