BESTFRIENDS'WEDDINGS 1 - Frie...

By besprenAiRa

40.1K 574 75

Kabilang sa walong magkakaibigan na bumuo ng isang pangarap sina Wilfred at Rowelyn at isa sa friendship rule... More

Foreword
THANK YOU FROM THE AUTHOR
CHAPTER ONE
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN

CHAPTER TWO

2.8K 44 7
By besprenAiRa


"LISTEN, friends. Lend me your ears, everybody..." si Bernadeth.

Bukod sa malakas ang boses nito ay may pagka-authoritative pa ito kung kaya ang lahat ng atensiyon ay nabaling na rito. Pero nang pasimplihan niyang sulyapan si Wilfred, nahuli niyang nakatingina na naman ito kay Prima.

Hala. Wala na talaga akong pag-asa. Mukhang mabo-broken hearted na talaga ako.

"We have to be serious with our plans kung talagang gusto nating matupad ang mga pangarap natin. Remember, mga bata pa tayo ay pinangarap na nating magtatayo tayo ng sarili nating negosyo kapag nakatapos na tayo ng pag-aaral. Siniseryoso ko ang pangarap na iyon," wika ni Bernadeth at halos lahat sila ay kumbinsido sa sinasabi ng kaibigan.

"Maganda ang plano natin. Pero ang number one na kailangan natin ay capital. We need a big amount of money para makapagsimula," sabad ni Christian.

"Pero hindi tayo hihingi sa mga magulang natin. Let's stand on our own para ipagmalaki naman nila tayo," si Chariz.

"Approved ako sa sinabi mo, Chariz." sang-ayon ni Prima.

"Teka. Nakapagsalita na kayong tatlong babae. Hinagan natin ng opinion si Rowelyn," tawag pansin ni Wilfred.

At talagang tinukoy pa ako, ha. Hindi pa kaya ako nakakapag-isip ng tamang isasagot sa katitingin sa kanya.

"Tama si Wilfred, Rowelyn. What can you share?"

Mabilis naman siyang nakaisip ng magandang sasabihin sa mga kaibigan.

"Since capital ang number one problem natin, sa palagay ko ay hindi pa natin maisasakatuparan ang pangarap natin sa ngayon."

"Kung hindi ngayon, kelan pa?" agaw ni Christian.

"Hayaan muna ninyo akong makatapos bago kayo magsalita. This is my suggestion. For the meantime, isantabi muna natin ang dreams natin. Let's apply for a job and earn money. Now, ganito ang gawin natin...every payday, kung kaya ng bawa't isa na mag-save ng five thousand for our business...that will be a big amount kung pagsasamasamahin..."

"Wow! Brilliant idea!" react ni Chariz.

"Let her finish muna bago tayo mag-react," sansala ni Bernadeth.

"Five thousand each every payday means, forty thousand for the eight of us. Times two, that will be eighty thousand a month. Within a year, kung seseryosohin natin ang pag-iipon, we can raise almost a million pesos. Sapat na siguro iyon para sa capital natin."

"I got your point, Rowelyn and agree ako diyan."

"Ako rin. Call ako."

"Teka lang. Five thousand every payday? Baka mahirapan tayo."

"Kayanin natin mga friendship. Magtipid tayo.

Katulad noong mga estudyante tayo, limitado naman ang gastos natin, eh. So why not? Carry natin iyan."

"Tama. If there's a will, there's a way. Kaya appear tayo diyan!"

At isa-isa silang nag-appear sign. Mainit at maganda ang naging pagtanggap ng mga kaibigan sakanyang suhestiyon at ngayon pa lang ay nakakabanaag na sila ng pag-asa.

"So, ang next step natin ay ang maghanap ng trabaho. Kahit na mag-call center agents na lang muna tayo dahil malaki ang kita doon."

"Tama. Lets apply na agad."

"By Monday, gusto ninyo, apply na tayo?"

"Sige. Call!"


SAMA-SAMA silang nag-submit ng resume sa may anim na iba't-ibang call center company ng araw na iyon at natanggap kaagad sina Chariz, Christian at Dhimer.

Kinabukasan naman ay tinawagan ng ibang call center company sina Prima, Bernadeth at Reymond.

"Wow, mga empleyado na kayo. Kami na lang ni Rowelyn ang hindi," wika ni Wilfred nang magkatipon-tipon silang walo ng araw na iyon.

"How I wish, sama-sama sana tayo sa isang kompanya lang. Pero imposible yatang mangyari.""At least, tatlo-tatlo kayo sa isang call center company."

"Sana naman ay matanggap na kayo bukas ni Wilfred, Rowelyn." wika ni Prima.

"Hay, sana ay ikaw na lang ang hindi natanggap, Prima. Baka sakaling tayo pa ang nagkasama sa trabaho."

"Bakit? Okay namang kasama si Rowelyn, ah. Friend mo rin iyan."

"Oo naman. Pero sana, kayong dalawa na lang," biglang bawi ni Wilfred.

"Kunwari ka pa. Talaga namang ayaw mo akong kasama, eh." Biro na may halong pagdaramdam na wika niya.

Ewan lang niya kung nahalata ni Wilfred.

"Hindi totoo iyan, ha."

"Sana nga ay magkasama kayo. Kasi, ang hirap kung hindi pa kayo magkasama sa isang call center company. Malungkot. At least, kami, by threes ay nagkasama-sama."

"Oo nga. Basta regular tayong magkikita-kita kits, ha. Kung sakali at magkakaiba tayo ng oras ng pasok, palagi tayong may weekly bonding."

"Siyempre naman. "

"Basta seryosohin lang natin ang pagtitipid at pag-iipon ng five thousand pesos every payday, okay lang mag-bonding every weekend."

MAG-IISANG linggo na ang nakalipas mula nang magtrabaho ang anim nilang kaibigan at sila ni Wilfred ay wala pa ring tawag na natatanggap sa kanilang pinag-apply-an.

Naiinip na siya at nakadama ng inggit sa tatlong friends na babae na arar-araw nang pumapasok. At para namang pinagtiyap na pareho sila ni Wilfred na hindi pa natatanggap sa work. Nang madaling araw na iyon ay nagpasya siyang mag-jogging para sumigla ang katawan. Nabuburyong na siya sa kauupo at katutulog sa bahay nila, kasama ang kanilang angel sa bahay dahil kapag araw ay nasa opisina ang mga magulang niya at nasa school ang nakabatang kapatid na si Eman.

"Yaya, pakisabi na lang kay Mommy na nag-jogging ako. Baka hanapin ako, eh." Paalam niya kay Yaya Tunying na siya pa lang gising ng mga oras na iyon.

"Ang dilim pa, ah. Bakit di ka muna magpasikat ng araw?"

"Mas maganda iyan, yaya. Para hindi mainit. At saka marami ng nagdya-jogging sa clubhouse niyan. Sige po. Go na ako."

Paglabas niya ng pinto ay nagulat pa siya nang mabuglawan sa kalye si Wilfred na naka-jogging outfit rin. Bale nagkagulatan pa sila"

"Oh, saan ang punta mo?" tanong nito sa kanya.

"Magdya-jogging rin ako."

"Aba, hindi naman tayo nag-usap, ah."

"Ganyan siguro talaga ang mga jobless. Parehong mag-isip," nakangiting wika niya at sumabay na kay Wilfred maglakad.

"Nakakainis nga, eh. Minalas tayong dalawa."

"Buti na lang at dalawa tayo."

"Oo nga. Inggit na ako sa barkada natin. Malapit na silang sumuweldo."

"Hayaan mo. Magkakatrabaho rin tayo."

Nang makarating sa clubhouse ay naki-join na sila sa mga nagdya-jogging. Pero hindi sila nag-iiwanan. Nakasampung ikot sila sa palibot ng clubhouse at saka huminto at naupo sa isang bench. Pag-upo nila sa bench ay nagkadikit ang kanilang braso at para siyang nakuryente. Hindi lang iyon. Para siyang hindi mapakali habang magkadikit sila. Hinid naman siya makaurong dahil baka malaglag na siya sa bench at baka naman isipin ni Wilfred ay masyado siyang safe.

"Gumaan ang katawan ko. Ang hirap ng nakaupo lang at palaging nakahiga sa bahay," pagkuway wika ni Wilfred.

"Same here."

"Bakit parang asiwa ka?"

"H-Ha? H-Hindi naman. Medyo mainit lang kaya parang hindi ako mapakali."

"Hindi naman  mainit, ah. Medyo malamig nga kesa pag araw."

"Baka napagod lang ako kaya ganun," pagsisinungaling niya.

Walang kamalay-malay ang lalaki na ito mismo ang dahilan kung bakit siya hindi mapakali. Hindi pa nangyayari ang ganitong pagkakataon. Ang mapagsolo silang dalawa na walang ibang kaibigang kasama. Nang may mapansin siya.

"Naku! Ang regalong bracelet ni Mommy!

Nawawala!"

"Ha?"

Napaahon siya sa bench at nagmamadaling binalikan ang running area.

"Regalo pa naman ni Mommy iyon ng graduation natin," anya

Medyo madilim pa kung kaya kailangan niyang yumuko para makitang mabuti ang mga tinakbuhan nilang daan. Suwerte naman at hindi kalayuan ay nakita niya ang bracelet.

"There!" bulalas niya.

Ang hindi niya alam ay nakita na rin pala ito ni Wilfred kaya magkasabay silang yumuko para damputin ang nasabing bracelet at hindi sinasadyang nagkauntugan.

"Aray!" magkasabay nilang sabi.

"Ang sakit noon, ah. Parang may pako iyang noo mo. Tumusok yata sa noo ko."

"Iyang noo mo kaya ang matalim," react niya habang himas-himas ang noong nasaktan. Yumukod uli siya para damputin ang bracelet pero nagkasabay na naman sila ni Wilfren pagdampot at nagkauntugan na uli.

"Toink na naman!" react ng lalaki. " Baka mabobo na tayo nito. Naalog na utak natin," napapatawang wika niya.

"Teka, pag-usapan na natin kung sino ang dadampot ng bracelet? Ikaw o ako?"

"Sige, ikaw na kaya," wika ng lalaki.

"Sigurado kang hindi ka yuyuko."

"Hindi na. Promise."

"Okay. Ako na talaga, ha."

Pero nang damputin niya ang bracelet ay sinabayan pa rin siya ni Wilfren. This time, hindi sila nagkauntugan pero nahawakan naman ng lalaki ang kanyang kamay. Saglit siyang natigilan. Kung kaninang magkadikit sila ni Wilfred sa bench ay hindi siya napakali, ngayon naman ay nanlamig siya nang mahawakan nito ang kanyang kamay.

"S-Sorry. Hindi ko sinasadya."

"O-okay lang."

Bumitaw na si Wilfred sa kamay niya at nadampot na niya ang bracelet. Ang kaso, nang isinusuot na niya ay hindi niya maikabit mag-isa ang lock niyon.

"Let me do it for you," alok ni Wilfred.

Napahinga siya ng malalim nang kunin nito ang bracelt at ito ang nagsuot sa kamay niya. Hindi siya huminga. Isa itong unusual moment para sa kanya. As a group kasi ay hindi sila nagkakaroon ng ganitong momeng ni Wilfred. Kung nagkataon at kasama niya ang barkada niya, tiyak na ang magsusuot ng bracelet niya ay isa sa mga kaibigan niyang babae.

Pero sa isang banda, happy siya. Simply because crush niya ang lalaking ito at enjoy siya na kasama niya ito ngayon.

"Mabuti pa ay mag-almusal na tayo diyan sa canteen."

Maraming nagdya-jogging sa umaga sa clubhouse kung kaya may maliit na cafeteria roon na nagsi-serve ng simple breakfast kagaya ng goto, pansit, sandwiches, hot coffe at hot chocolate.

"Ano ang gusto mong kainin?"

"Wala akong dalang pera. Ikaw na lang ang kumain."

"Ito naman. Treat ko na ito. Mamili ka kung ano ang gusto mo."

"I think, gusto ko ng goto."

"Pareho pala tayong mahilig sa goto. Pero dagdagan na rin natin ng pansit."

"Wow, dami naman."

"Okay lang iyan. Hindi naman tayo agad tataba sa konting food."

Sa totoo lang ay sobrang happy siya na nagkasama sila ni Wilfred ng ganito. At ngayon ay magkasalo pa sa breakfast. Naririto at hindi siya mapakali. Sobrang excited at happy siya na together sila ni Wilfred na sila lang dalawa.

"Sana nandito rin si Prima ano?" biglang wika nito.

Nawala ang ngiti niya sa labi.




Continue Reading

You'll Also Like

74.6K 1.8K 19
Duke & Izza
92.7K 5.3K 19
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
574K 20.8K 30
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...