Book1:Courting my Future Husb...

Por crunchh

4.4M 75.3K 8.1K

Istorya kung saan babae ang nanliligaw sa lalaki. Goodluck to Mika Mendoza! Más

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11: ^___^V
TRIPPINGS
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 23: Toothbrush
Chapter 24: Couple shirt
Chapter 25: Rebound
Chapter 26: I need a job
Chapter 27: Hindi kaya?
Chapter 28 part 1: Surprised
Chapter 28 part 2
Chapter 29: Kim, Clarisa, Christine
TRIPPINGS #2
Chapter 30
Chapter 31: Trust Nathan
Chapter 32: Diary
Chapter 33: Necklace
Chapter 34: It's MOO
Chapter 35 Oh no..
Chapter 36: Mag-lock
Chapter 37: The great Jonathan Smith
Chapter 38: Face Down
Chapter 39
Chapter 40: Tinuruan ako ni...
Chapter 41: Happy birthday
Chapter 42: Always and Forever
Chapter 43: Just one more step
Chapter 44: Tristan's girl
Chapter 45: CANADA baby
Chapter 46: Kiss
Chapter 47: One percent
Chapter 48: My jacket
Chapter 49: Why return?
Chapter 50: See me after class
Chapter 51: answer
Special Chapter part 1
Special Chapter part 2
Special Chapter part 3
EPILOGUE
Thank you
Thank You
Thank You
Thank You
Thank You
Thank you
Thank You
Thank You
Thank You
Accounts

Chapter 21 to 22: ^___^

84.3K 1.1K 86
Por crunchh

Facebook: Crunchh WP

Twitter: imericacruzat

PM me if you want to be a part of our group "Crunchh Wattpad Stories" at sumama sa mga gala namin minsan! :)

==

Chapter 21

Hindi ako makapaniwala! Ang pula ko tuloy na bumalik sa class room! Syempre magkasabay kami ni Nathan at dahil doon, pinagtitinginan kami ng mga kaklase namin. Nakayuko akong umupo sa upuan. Dahan-dahan kong iniangat ang ulo ko para tingnan si Nathan. Laking gulat ko na lang nang nakangiti pala siyang nakatingin sa akin kaya umiwas ako ng tingin.

Dahil doon, tumawa siya na ikinagulat ng lahat. Kahit nga ako nagulat sa pagtawa niya. Ngayon ko lang kasi siya nakitang tumawa talaga ng ganito kalakas.

"Nathan, ayos ka lang?!" Nag-aalalang pumunta si Arden ka Nathan.

"Anong nangyari sa kanya?" Kitang kita ko naman sa mukha ni Tristan ang pagtataka. "Bakit siya tumatawa at saan kayo galing?"

"Hala! Kanina lang magkagalit kayo ah? Bakit ngayon mukhang may something!" tanong ni Arden.

"Hahaha! Wala...wala... Ayos lang ako. Just get out of the view, Arden." Hinawi niya si Arden at tumingin ulit sa akin.

At dahil naiilang ako sa ginagawa niyang pagtitig sa akin ay tinakpan ko ang aking mukha. Mabuti na lang at dumating na 'yung next teacher namin! Nagkunwari akong nakikinig pero ang totoo ay wala talaga akong maintindihan sa mga sinasabi niya.

Hindi ko na yata kaya! Ramdam na ramdam ko 'yung titig sa akin ni Nathan. Sasabog na ako! Gusto ko nang matapos ang araw na ito. Gusto kong malaman kung nananaginip ba ako o ano.

"Namumula ka..." Tumingin ako sa kanan ko sabay hawak ni Tristan sa aking noo. "May sakit ka ba?"

"Ha? Wala akong sakit." Tumingin ako sa pwesto ni Nathan at nakita kong nakasimangot na siya ngayon. Oh, anong nangyari sa kanya?

Nang matapos ang klase ay agad na pumunta si Nicole sa harap ko. Parang nahihiya pa siyang kausapin ako.

"Ah, Mika. Kasi ano... Hindi ako sasabay sayo ngayon kasi sa subdivision na muna ako matutulog. Okay lang ba?" parang nahihiyang sabi niya sakin.

"Huh? Eh sino ang susundo sayo? Alam na ba ng driver niyo?"

"Ako na ang bahala sa kanya." Kumindat sa akin si Arden. Nanlaki naman ang mga mata ko.

"Seryoso Nicole?!"

"Ha? Oo... Huwag kang mag-alala. Si...si Arden na ang bahala sa akin. Ikaw nga itong iniisip ko kasi mag-isa ka na namang uuwi. Sorry talaga."

"Naku—"

"Of course I will take her home." Tumabi sa akin si Nathan.

"Seryoso?" sabay na tanong ni Arden at Nicole. Napansin ko rin na nagulat si Tristan pero hindi na siya umimik pa.

"Yes." Inakbayan pa ako ng prinsipe ko. "She got me."

Pagkatapos nun ay kinuha ni Nathan ang bag ko at saka niya ako hinila palabas. Nag-wave na lang siya sa kanila habang papalabas kami ng class room. Kitang kita ko na hindi sila makapaniwala sa mga narinig at nakita nila dahil pare-parehong nanlaki ang kanilang mga mata. Dumiretso kami ni Nathan sa parking lot kung saan nandoon ang puti niyang sasakyan. Simula nang mawala 'yung kotse niya ay ito na ang kanyang ginagamit.

Pinagbuksan niya ako ng pinto na ikinabigla ko naman. Nahihiya akong pumasok sa loob.

"So what do you want us to do?" Seryoso siyang nakatingin sa akin.

"Wait, Nathan. Pwede bang...pwede bang pisilin mo ako oh. Dito..." Itinuro ko 'yung kanan kong pisngi.

"Ha? Para saan?"

"Basta."

"What kind of nonsense act is that? And why do I need to hurt you?" Kitang kita kong hindi siya makapaniwala sa gusto kong gawin niya. Siguro iniisip niya na baliw na ako. Eh kasi baka naman nananaginip lang ako!

"Eh baka naman kasi nananaginip lang ako. Tapos kinabukasan wala naman pala ang lahat ng ito. Hindi ka naman pala totoo." Ngumuso ako.

"F*ck!" Pinaandar niya ng mabilis ang sasakyan. Grabe 'yung kaba ko! Mamamatay na yata ako sa nerbyos!

"Waaaaah! Nathan naman eh! Ang bilis mong magpatakbo! Ayoko pang mamamatay!"

Itinigil niya 'yung sasakyan sa tabi at saka tumingin sa akin.

"Ikaw kasi eh!"

"Bakit ako? Ano na naman ang ginawa ko? Lagi ka na lang nagagalit nang hindi ko alam." Grabe! Nakakaiyak talaga 'yung pagda-drive niya.

"F*ck! Huwag ka kasing ngumuso."

"Ha?"

Ano raw? Hindi ko maintindihan.

"F*ck! Can't you see I can't help myself? You're too cute!"

Natawa naman ako sa sinabi niya. Sa totoo lang wala akong gayumang ibinigay sa kanya ha? Kaya kahit ako nagtataka rin na nagkagusto siya sa akin. At ayaw ko nang pahirapan pa ang aking sarili sa kaiisip kung bakit, dahil ang mahalaga ay heto na...heto na kami.


"Ha?!" Nagulat ako nang makita ko kung sino ang kausap ni mama.

"Oh, nandyan na pala si Mika eh. Teka, maiwan ko muna kayo." Nakangiting umalis si mama at iniwan kami ni Drew.

"Anong ginagawa mo rito? Paano mo nalaman itong bahay namin?"

"Syempre ako pa. Hmmm... May nakakalimutan ka yata?" Tumawa siya.

"Hala! Oo nga pala! Sorry, Drew! Nakalimutan ko talaga! May nangyari kasi kaya hindi ko agad nakuha 'yung autograph ni Nathan." Paulit-ulit pa akong nag-bow sa kanya para lang humingi ng pasensya.

Kinuha niya 'yung number ko at ganun din ako sa kanya. Nangako ako na next week maibibigay ko na sa kanya 'yung hinihinigi niya. Next week pa kasi siya magiging available dahil pupunta sila sa ibang lugar para mag-perform. Kung tutuusin nga ay pwede ko nang ibigay sa kanya bukas kapag napapirma ko na si Nathan pero siya naman ang busy.

Nagkunwari na lang ako kay Nathan na ako talaga 'yung humihingi ng pirma niya. Ang damot nga eh! Ayaw pa agad ibigay eh para pipirma lang naman! Wew! Buti napilit ko. Para raw kasi akong ewan. Hindi naman daw siya artista.

"Hi Drew!" Sa wakas ay nakita ko na rin siya matapos ang isang linggo.

Kumaway pa ako sa kanya nang makababa siya sa kanyang kotse. Tumawag siya sakin para sabihin kung saan ang tagpuan namin. Naku talaga! Avid fan talaga ito ni Nathan ko!

"Hi there, Mika!"

Nang makalapit na ako sa kanya...

"So ano? Dala mo na ba?"

"Syempre naman!" Nag-thumbs up pa ako sa kanya.

"Tadah!~" Iniabot ko naman sa kanya 'yung autograph ni Nathan. Inilagay ko pa iyon sa folder para hindi magusot. Kitang kita ko ang pamimilog ng mga mata niya. "Alam mo nahirapan talaga akong kunin ang autograph niya," habang napa-pout. "Ang damot kasi nun."

"I-isang photocopy?"

"Yap! Haha! Pina-photocopy ko sa school!" May inilabas akong isa pang papel. "Syempre sakin dapat 'yung original! Bleh!"

Tumawa naman siya ng malakas. "Hahahaha! Kakaiba ka talaga, Mika!"

Maya-maya ay naging seryoso na ang mukha niya, "So...how did you manage to get this?"

Namula naman ako... Waaaaaaaaaah!

"Kasi...kasi kami na." Nahirapan pa akong sabihin 'yon dahil sa hiya.

Ngumiti naman siya. "Oh. That's great! Nasaan siya ngayon?"

"Nasa bahay niya siguro. Ewan, hindi ko alam."

"Hindi mo alam kung nasaan ang boyfriend mo?"

"Inulit? Kailangan ko pa bang sabihin ulit?"

"Haha! Ikaw talaga, Mika!"

"Pero hinihintay ko ang tawag niya. Alam mo ba Drew, hindi talaga ako makapaniwala."

Alam niyo ba na ang sarap ipagmalaki at ipagsigawan sa buong mundo na siya ang boyfriend ko? Noon pa lang, siya na ang gusto ko, at ngayon natupad na ang pangarap ko. Hindi ko na alam kung ano ba talaga ang dapat kong maramdaman. Kasi pakiramdam ko sasabog na ang dibdib ko.

"Goodluck sa lovelife niyo... Alam mo naman 'yun, napaka-moody. Pero masaya ako para sayo."

"Thanks Drew."

Matagal rin kaming nagkwentuhan ni Drew. Ang dami niyang ikinwento tungkol sa mga kasama niya sa banda at kung ano ang malimit nilang gawin kapag wala silang concert or gig. Natigil lang ang pag-uusap namin nang dumaan si Tristan.

"Hi Tristan!" Kumaway agad ako nang ko makita siya.

"Anong ginagawa mo rito? Where's Nathan?" Tumingin siya kay Drew na para bang kinikilala niya ito.

"Nakikipagkwentuhan lang ako sa kaibigan ko. Tristan, si Drew nga pala. Drew, si Tristan." Nag-shakehands sila pero tiningnan muna ni Tristan si Drew ng matagal. Naglahad ng kamay si Drew pero tiningnan muna ito ni Tristan ng matagal.

"Nice to meet you," sabi ni Drew nang sa wakas ay tanggapin na ni Tristan ang offer niyang pakikipagkamay.

"So Mika, una na ako ha? Salamat dito." Itinaas niya 'yung ibinigay kong folder na may lamang autograph ni Nathan.

"Tristan, ano nga pala ang ginagawa mo rito?" Habang nagtatanong ako ay nakatingin pa rin siya sa sasakyan ni Drew.

"Tristan?" Bumalik na siya sa sarili at ngumiti sakin.

"Starbucks. Wanna join me?"

"Oo ba! Libre mo 'ko ha? Hihi!" Ginulo niya ang buhok ko kaya naman nag-pout ako.

"Lets go." Nauna siyang maglakad sa akin. Alam niyo ba 'yung aura pag kasama ko si Tristan? Parang ang perfect! Sobrang cool niya at napakagaan ng loob ko kapag kasama siya. Dati kasi, ang alam ko lang sa kanya ay isa siyang lalaking walang alam gawin kundi ang mambabae. Pero ngayon nagbago 'yun dahil nalaman kong mabait naman pala talaga siya.

May malapit lang pala ditong Starbucks. Nilakad lang namin 'yun at inilibre niya ako ng Frappe at cake. Yum yum!

"Thank you! Yaaaay!"

"Mika, paano mo nakilala si Drew?" tanong niya habang nakatingin sa laptop niya.

"Nakilala namin siya nung concert niya. Alam mo ba 'yung Time Machine Band? Ayun, sikat pala siya. Kumanta pa nga kami ni Nathan dun kasama siya eh!" habang pakain-kain lang ako ng cake.

May sinabi siyang hindi ko narinig dahil pabulong ang pagkakasabi niya nun. Pero hindi ko na lang 'yun pinansin 'dahil nag e-enjoy ako sa pagkain ko. Teka, ite-text ko pala si Nathan ko! Hihi!

To: My Prince
Good morning Nathan! Miss na miss na kita (T_T)

Naubos ko na 'yung cake na kinakain ko pero hindi pa rin siya nagrereply. Baka naman busy siya? Ite-text ko ulit!

To: My Prince
Nathan ko! Miss mo ba ako? Nga pala, nandito kami ni Tristan sa Starbucks malapit sa mall. Libre niya ako.

Beep. Beep.

Yay! Nagreply na siya!

From: My Prince
Wait

To: My Prince
Ha?

Hindi na siya nag-reply pa. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin niya sa "wait" niyang text. Wait ba na pupunta siya rito or wait dahil may ginagawa siyang iba? Napatingin ako kay Tristan nang magsalita siya.

"Nabalitaan ko ang tungkol sa inyo ni Nathan," sabi niya habang busy sa kanyang laptop.

"Yap! Kami na!" Tumingin naman siya sakin ng seryoso at saka biglang ngumiti.

"That's nice..." Ngumiti ulit siya at pinisil ang kaliwa kong pisngi. "kapag may kailangan ka, 'wag kang mahihiyang magsabi sa akin ha?"

"Okay... Ay? Ubos na 'yung cake." Tumawa si Tristan ng malakas.

"So iyan na ba ang una mong kailangan? Haha!" Tumayo siya at bumili ulit ng cake na ganun pa rin ang flavor!

Yayyyyy! Ang swerte ko naman at nakita ko si Tristan kanina!

"Thank you! Hihi! Nga pala, guitar lesson ulit tayo sa ibang araw ha? Hindi ko pa nape-perfect 'yung itinuro mo kasi wala naman akong gitara sa bahay."

Nagkwentuhan lang kami sa loob ng Starbucks nang biglang dumating si Nathan. Umupo siya sa tabi ko.

"Mukhang masaya kayo ah?" sabi ni Nathan na hingal na hingal.

"Tumakbo ka ba? Bakit parang pagod na pagod ka?" tanong ko.

"Hindi. Psh!"

"Nakita ko lang si Mika kanina, 'wag kang mag-alala dude."

(Tristan's P.O.V.)

"Ahh! Oo nga! Kasi kasama ko rin si—" pinutol ko ang sasabihin ni Mika.

"Si Nicole... Kasama niya si Nicole." Binigyan ko na lang si Mika ng makahulugang tingin.

"Ahhh! Oo...si Nicole. Hehe!"

"Ganun ba? Akala ko ba may lakad ka ngayon Tristan?"

"Meron nga. Dito lang naman ako pupunta kaso nakita ko si Mika kaya isinama ko na rin siya."

"Order ka muna, pre," sabi ko kay Nathan. Mukhang gusto niya ring um-order. Siguro tumakbo siya papunta rito nang malaman niyang magkasama kami ni Mika. Nakita ko si Mika na nagte-text kanina, baka sinabi niya.

"Mika..." seryoso kong sabi sa kanya. "Huwag mong sasabihin kay Nathan na may kasama kang ibang lalaki, maliwanag?"

"Bakit?"

"You know him..." I saw her blushed. "Mika, you have to listen. Seryoso ako. Sa ugali ni Nathan, kaya niyang makapatay ng tao," that shut her up.

Mabuti na ang ganito. Iba kapag kami ang kasama niya dahil kaibigan naman namin si Nathan. I know Nathan very well. That Drew... When I saw him talking to her, nakaramdam agad ako ng selos. So ano pa si Nathan?

This is the first time na pumasok sa isang relasyon si Nathan at ito rin ang unang beses na nagkagusto siya sa isang babae. Sa una, in denial pa siya, pero sa ugali ni Nathan...I know unti-unti na siyang magiging showy.

"Sabihin mo lang sakin kung may pupuntahan ka. Pwede naman kitang samahan eh," sabi ni Nathan pagkaupo pa lang niya.

"O-okay."

Chineck ko ulit ang mga pictures na nasa laptop ko.

Time Machine Band lead vocalist...

Drew huh? I think I saw him before...

Nag-scan pa ako ng ibang pictures niya. Parang pamilyar talaga ang mukha niya.

"Aalis na ako..." Tumayo ako. Tiningnan ko si Mika at ngumiti ako sa kanya, "Bye amazona." Ibinaling ko naman ang tingin ko kay Nathan. "Ge dude! See you in class."

You're so lucky, Nathan. You have her.

(Mika's P.O.V.)

"Aaaah! Yummy!" Naubos ko na ulit 'yung cake na binili ni Tristan kanina. Ang sarap talaga!

"Psh. What a face." Pinunasan ni Nathan ang mukha ko gamit ang tissue. Waaaa! Hindi ko alam na may dumi na pala.

"Salamat."

Ilang sandali pa, may tumabing babaeng maganda at sexy sa Nathan ko. Hinawi pa niya ang maganda at kulot niyang buhok. Masyadong revealing ang suot niyang damit. Waaah Nathan! Huwag kang titingin sa dibdib niya!

"Hi!" bati niya kay Nathan ngunit tuloy lang sa pag-inom si Nathan ng frappe at hindi pinansin ang babae.

"Mika, where do you wanna go?" tanong niya sa akin.

"Ha? K-kahit saan."

Hindi ko alam ang gagawin ko. Bakit bigla na lang may tumatabi sa Nathan ko? Nooooo! Nakaka-insecure ang ganda niya.

Dahan-dahang hinawakan nung babae ang balikat ni Nathan at saka bumulong, "I like you."

"Alisin mo ang kamay mo," sabi ni Nathan habang inuubos 'yung frappe niya. Ako naman, nakayuko lang. Dapat nagagalit ako eh. Pero hindi ko magawa kasi nilamon ako ng inggit. Masyado siyang maganda!

"Baby," the girl said in a flirty tone. Kinuha ni Nathan ang kamay nito at inalis sa balikat niya.

"Are you f*cking blind?! Can't you see I'm with my girlfriend?!" Tumayo na siya at saka ako hinawakan sa kamay sabay hila palabas.

"That girl! Aaaah!" Kitang kita ko kay Nathan ang pagkainis. "Hindi ko alam kung bakit ang daming ganoong klaseng babae sa mundo. Aish!"

Nasa may street na kami. Kasabay ng pagkainis ni Nathan ay ang ingay ng mga sasakyan. Tumigil ako sa paglalakad.

"Bakit ka tumigil?" tanong niya.

Nakatayo lang ako habang nakayuko. Wala akong kwentang girlfriend. Compare sa mga babaeng 'yun, walang wala ako. Ang gaganda nila at ang se-sexy. Baka pagtagal, ikahiya rin ni Nathan na ako ang girlfriend niya.

Hindi ko na namalayan na napaiyak na pala ako.

"W-why are you crying? May nagawa ba akong masama? Tell me." mabilis na pagkakasabi niya.

"D-dahil wala akong kwentang girlfriend."

"What are you talking about?"

"Nahihiya ka ba dahil ganito ang girlfriend mo?" Iniangat ko ang aking mukha at nakita niyang basa na ito ng luha.

Pinitik niya ako sa noo ng mahina at napapikit ako. "Idiot." Nagulat ako nang yakapin niya ako. "Why should I? Don't you know that I'm proud that I have you? I'm lucky to have you."

Hindi ko alam kung paano nangyaring siya pa ang naging swerte sa aming dalawa dahil sa pagkakaalam ko, ako ang swerte sa kanya. Biruin niyo ba naman, boyfriend ko ang isa sa mga campus heartthrob!

Mas lalo akong naiyak. Hindi dahil sa masama ang loob ko kundi dahil masaya ako dahil na-appreciate na niya ako. Masaya ako na ganito na kami.

"You have one thing that they don't have, Mika."

"Ano 'yun?"

"My heart."

My heart skipped a beat when he said that. I am so inlove...deeply inlove with him. Mas lalo akong nahulog sa kanya at ayaw ko nang umahon pa. Mas gugustuhin ko pang mahulog lang nang mahulog. Wala akong pakialam, kung sa kanya naman.

Pinunasan niya ang luha ko sa mukha at hinawakan ang aking kamay, "Lets go, Moo."

"Moo?"

He just smiled and said, "My only one."

Pagkatapos ng dalawang linggo...

Find the factors of the following:

1. a2 - 2abc + b2c2

2. c2 - 10c + 25

3. 4a2 - 16ab + 16b2

Blablabla...

Waaaaaaaaahhhhhh! I hate you Mathematics! Bakit ka ganyan?! Bakit napakakomplikado mo?! Nakakabaliw na talaga!

Isinubsob ko ang ulo ko sa arm desk. Tulugan ko na lang kaya ang activity na 'to?

Tumingin ako sa kanan dahil may sumusundot sa akin. Syempre si Tristan lang naman ang nasa kanan ko sa bagong sitting arrangement namin. Walang sigla akong tumingin sa kanya.

"Bakit hindi ka nagsasagot?" tanong ni Tristan.

"Hindi ko alam kung paano, Tristan. Waaaa! Pwede na ba ako mamatay?" Umiral na naman ang pagiging OA ko.

"Tsk. Tingnan mo ito," sabi niya habang tinitingnan si Ma'am na kalalabas lang ng class room.

Ipinakita niya sa akin ang unang solution at saka ako tinuruan ng step by step. Dahan-dahan at kalmado lang siyang magturo kaya naman naintindihan ko agad 'yung number one.

"Waaaah! Ang galing! Salamat!"

Ang saya! Alam ko na kung paano iyon gawin! Masaya kong tiningnan ang papel ko. Sa wakas ay may isa na akong sagot!

"Psh! Patingin nga!" Inagaw ni Nathan ang papel ko at saka ito sinuri.

"Ano ba 'yan?!" sabi niya habang pailing-iling. "Walang plus dito, nakalimutan mo pang lagyan ng letter c. Tsk! Mali 'yan!"

"Ah ganun ba?"

"Ganito! Manuod ka sakin!"

Ginawa na ni Nathan ang number 2 problem. Kaso ang problema, sinolve lang niya at hindi ipinaliwanag kung paano nangyari iyon.

"Ano? Naintindihan mo ba?"

"Hindi, wala ka naman kasing ipinaliwanag eh."

Hindi na siya umimik pa at sinagutan na lang 'yung papel ko dahil tapos na pala siya. Buti pa sila ni Tristan, ang galing!

"Love, turuan mo naman ako," narinig kong sabi ni Arden na nasa likod ko.

Oo nga pala, nalaman kong sila na ni Nicole. Pinagalitan ko nga talaga ng sobra si Nicole eh. Hindi ko akalain na magkakagusto talaga siya sa playboy na 'yun. Hindi naman siya nakinig sa akin. Hayaan ko na lang daw siya kasi masaya naman daw siya sa kanyang desisyon. Hay naku!

=Flashback=

"Naman ehhh! Bakit naman siya pa?! My God, Nix! Alam mo ba ang pinasukan mo?! Playboy 'yun! Sigurado akong sasaktan ka lang ng mokong na 'yun!" sigaw ko kay Nix habang nakayuko lang siya. Hindi siya umiimik kahit kanina ko pa siya binubungangaan. "Oh ano?! Hindi ka iimik jan? Ang dami namang lalaki pero bakit siya pa?"

"Im sorry. Kahit naman ako, hindi ko akalain na siya pa ang magugutsuhan ko eh. Palagi kasi siya nakadikit sakin kaya hindi ko maiwasang hindi ma-develop sa kanya." Umiiyak na siya pero halata kong pinipigilan niya iyon. Kagat labi pa nga siya habang umiiyak kasabay ng pagpahid niya ng luha sa mga mata.

"Hindi ko talaga sinasadya, pero 'di ba ganun naman talaga ang pag-ibig? Hindi mo naman kasi matuturuan ang puso mo kung sino ang dapat mahalin o hindi, 'di ba? Kusa na lang natin iyong mararamdaman. Kahit kay Nathan, hindi mo naman siya piniling mahalin 'di ba? Pero kusa mo 'yung naramdaman." Pinunasan ko ang kanyang luha at saka ko siya niyakap.

"Kung ganoon, wala na pala akong magagawa." I sighed.

"Oo. Wala na..." pagbibiro niya, "Kung ikaw kaya ang pagsabihan ko na tumigil na dyan sa kahibangan mo sa Nathan Smith na 'yan, papayag ka ba?" patuloy niyang biro sa akin. Natawa siya habang umiiyak.

"Hoy! Ano ka ba? Asa ka naman na gawin ko 'yun. Siya lang ang nag-iisang moo ko!"

"Moo?"

"My only one." I smiled at binatukan niya ako.

"Moo? Ano 'yun, baka? MOOOOOOOOO~"

Sa wakas, ngumiti na talaga siya ng totoo. Pero dapat hindi niya nilalait 'yung tawagan namin ni Nathan! Si Nathan pa mismo ang nag-isip nun!

"Baka ka dyan! Si Nathan kaya mismo ang nag-isip nun! Tinawag niya akong moo. Hah!" pagyayabang ko.

"Teka nga! Ikaw ha! Hindi ka nagsasabi sa akin! Ano 'yung 'She got me' moment niyo?! Anong meron sa inyo ni Nathan?"

"Iyon na nga eh. Masyadong mabilis ang mga pangyayari kaya hindi ko agad nasabi sayo."

"Don't tell me—"

"Yes, Nix. Kami na ni Nathan! Aaaaaaaaaaaaaah!" kinikilig kong sabi sa kanya.

=End of flashback=

Grabe... Kung hindi pa talaga kami makikita ni Nix na magka-holding hands ni Nathan, wala talaga siyang plano maniwala sakin. Baka raw kasi nakainom o naka-drugs lang si Nathan noon kaya nasabi 'yon. Pero ngayon, sa wakas ay naniwala na rin siya!

"Oh ayan! Tapos na!"

Waaaahhh! Ang galing talaga ni Nathan! Pero magaling din si Tristan! Mukha naman kasi talagang tama 'yung sagot niya kanina.

"Kailangan mo talagang mag-aral sa math. Tuturuan kita sa bahay mamaya," sabay crossed-arms at tingin ni moo sa unahan.

"Sa bahay niyo?!" Feeling ko kumikinang 'yung dalawa kong mata sa tuwa. Siya pa 'yung magtuturo sa akin! Oh 'di ba ang swerte ko?!

"Yes."

"Yaaaay!" Ang saya! Magiging tutor ko ang boyfriend ko!

"Pssst! Tristan, bakit ang galing niyo sa Math?" Pareho silang magaling ni Nathan. Si Arden lang 'yung hindi. Psh! Kitang kita ko pa 'yung mokong na 'yun dito sa pwesto ko habang nagpapaturo kay Nicole. Nakipagpalit siya ng upuan sa katabi niya para makatabi si Nix.

"Ilang taon na ba kami, Mika?"

Ilang taon na nga ba sila? Hmmm...

"18?"

"Yeah...At ilang taon ka na?"

"16..."

Teka! Parang may mali?

"Teka, oo nga ano! Bakit iba ang edad niyo sa amin? Dapat college na kayo."

"Hindi talaga kami nag high school dito nina Nathan sa St. Luke's Academy. Sa ibang school kami pumasok noong first and second year. Dalawang beses kaming umulit ni Arden ng second year college nang umalis si Nathan papuntang New York."

"Ha? Bakit? Bumagsak kayo?"

"Hindi ah... Trip lang naming, kaya naman alam na alam na namin 'yung itinuturo rito. Paulit-ulit lang kasi." Bwisit na Arden 'yun! Nagkukunwari palang walang alam para lang magpa-cute sa bestfriend ko!

"Isa pa, takot kasi kami ni Arden na tumuntong sa college dahil baka doon na dumating 'yung time na maghigpit na ang mga magulang namin. Nang dumating naman ulit si Nathan dito sa Pilipinas, sinabi niya sa amin na sa St. Luke's daw siya papasok kaya nag-enroll na rin kami rito ni Arden. Nakakatawa nga kasi iisa lang 'yung takbo ng mga isip namin. Sa halip na college 'yung in-enroll ni Nathan, ginawa niyang third year high school." patawa-tawang sabi ni Tristan.

"Pwede ba 'yun? College na dapat pero nag-enroll ulit sa high school?!"

"Pareho lang kaming tatlo, Mika. Ayaw pa namin agad mag-college dahil napakalaking responsibilidad na agad ang ipapasa sa amin dahil sa business ng aming mga pamilya. Pati wala namang problema sa pag-e-enroll kasi sa amin naman itong school."

"Ano?!"

Kanila ang St. Luke's Academy?! Bakit hindi ko 'yun alam?! Waaaah! Kainis naman!

"Yes, amazona girl! Pero tig-twenty percent lang kami ni Arden dito dahil 'yung natitirang sixty percent ay sa pamilya na ni Nathan."

Nakakainggit naman! Bakit ang yaman nila?!

Waaaah! Nakakahiya kay Nathan kasi wala akong kompanya na katulad nung sa kanila! Kung meron man, Palengke company!

"Ehem, nandyan na si Ma'am," sabi ni Nathan habang nakabusangot ang mukha.

"Last ten minutes."

Nagsimula na ulit akong magsagot. Buti na lang may sagot na ako sa number one at two. Tutularin ko na lang kung paano ginawa ni Nathan at Tristan 'yung mga naunang solution.

Sa wakas! Natapos na rin ang Math! Tapos na ang klase kaya nagpunta na muna ako sa restroom dahil ihing ihi na ako! Nagpahintay na lang ako kay Nathan.

After kong gawin ang mga dapat kong gawin, tumingin muna ako sa salamin at saka inayos ang buhok ko. Gamitin ko kaya 'yung polbo na ibinigay sakin ni Nicole? Sabi niya, dapat daw akong maglagay nun para hindi oily.

So ayun...naglagay ako ng pressed powder pero mukha namang walang ipinagbago.

Lumabas na ako sa restroom pero wala na si Nathan. Nasaan naman kaya 'yun?

"Nathan?"

Pumunta ulit ako sa class room pero wala nang mga tao. Wala na ring tao sa buong floor namin at ako na lang yata ang naiwang mag-isa.

Aish! Sabi ko sa kanya hintayin lang ako eh. Hay, baka nainip na iyon sa paghihintay kaya umalis na. Dapat talaga hindi na ako nagpolbo!

May narinig akong ingay sa may hagdan kaya naglakad ako papunta roon.

"Hey, nice one Nathan," narinig kong sabi ng isang babae.

May kasamang babae si Nathan? Mabilis akong bumaba at nakita ko silang...

"Anong—"

Napatakip ako sa aking bibig kasabay ng pagtulo ng mga luha ko. Para silang nag-uunahan sa pagpatak. Hindi ko mapigilan.

Naghahalikan sila...

Nakatalikod 'yung babae sa akin pero kitang kita kong nakababa na ang blouse ng uniform niya. Kitang kita ko ang strap ng kanyang bra mula sa pwesto ko at alam kong wala lang 'yun kumpara sa kung ano pa ang nakikita ni Nathan sa harap niya.

Itinulak ni Nathan 'yung babae.

"Hey..." sabi nung babae. Ngumiti siya sa akin nang makita niya ako. "He's a good kisser, na-try mo na ba?" She smirked.

"God damn it, Steph! Shut the f*ck up!" sigaw ni Nathan. Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong iisipin. Naglakad siya palapit sa akin. "Mika, let me explain. You got it wrong—"

"Hindi ko alam na ganito pala kasakit Nathan. Kung gagawin mo 'yan pwede bang huwag mo nang ipamukha sakin?! Kung hindi mo naman pala ako gusto, sana nilayuan mo na lang ako noon pa, kaysa ginagago mo ako nang ganito!"

Tumakbo ako palayo sa kanila. Dumaan ako sa kabilang hagdan para maiwasan sila. Kahit sobra akong nasaktan, may part pa rin ng puso ko na nagsasabing sana sundan niya ako...na sana ay mag-explain siya sa akin.

Pero wala... Hindi niya ako sinundan kaya iyon lalo ang nagpasakit sa puso ko.

Ito ang kauna-unahang beses na nakaramdam ako ng ganito. Ang masaktan nang dahil sa pag-ibig...

Kung ganun, ganito pala ang pakiramdam. Para kang sinaksak ng paulit-ulit, parang walang katapusan. Ilang beses na gumuguhit sa isip ko ang mga nangyari kanina.

Nagkamali ba ako? Masyado na ba akong ambisyosa para isipin na gusto niya talaga ako? Masyado ba akong nadala sa kanya?

Dati nasasaktan ako dahil hindi niya ako pinapansin. Pero ibang iba iyon sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Mas lalo na akong naguguluhan. Tumingin ulit ako sa likuran ko pero walang Nathan na humabol sa akin. Walang Nathan na gustong magpaliwanag.

Mabilis akong nakalabas sa school. Hindi ko na halos makita ang dinaraanan ko dahil hindi na malinaw ang aking paningin gawa ng luha. Sa sobrang bilis ko ay hindi ko na napansin na may tao pala sa aking unahan kaya nabangga ko ito.

"Sorry po." Nag-bow pa ako sabay pahid ng luha. Hindi na ako nag-abala na tingnan pa ang mukha niya. Aalis na sana ako nang bigla niya akong tawagin.

"Mika?"

Napatigil ako dahil alam ko kung kanino ang boses na iyon. Mabilis akong humarap sa kanya.

"Drew?"

"What happened?" tanong niya ng may pag-aalala.

"Ayaw ko munang pag-usapan 'yan, pwede bang ilayo mo muna ako ngayon sa lugar na 'to?"

***

"Are you sure you want here?" malakas na tanong niya. Nahihirapan kasi kaming magkarinigan dahil sa malakas na tugtog sa loob ng bar na ito. Nag-nod ako sa kanya.

Hindi na naman niya ako tinanong kung ano ang nangyari. Mas okay na nga iyon kaysa maiyak lang ulit ako. Tulala kong tinititigan ang beer na nasa harapan ko.

Hindi pa kami nagtatagal pero sobrang mahal ko na siya dahil noon pa lang, alam ko na sa sarili kong siya lang at wala nang iba.

"Aaahhhh, tama na ang kaiisip!" Uminom ako ng beer. Magpapakalasing talaga ako ngayon! Sabi nila kapag nalasing ka raw, hindi mo na mararamdaman 'yung sakit.

"Mika, baka mapaano ka—"

"No Drew. Hayaan mo lang ako."

Chapter 22

Nathan's P.O.V.

F*ck! Ang tagal naman ni Mika sa loob ng restroom.

Aish! Naisip ko na naman 'yung kanina.

Magaling naman akong magturo 'di ba? Sigurado akong tama lahat ng isinagot ko kaya tuturuan ko siya mamaya sa bahay!

And one more thing... Gusto ko siyang masolo. Napangisi na lang ako sa naiisip ko.

Akin lang si moo. Malalagot sa akin ang hahadlang. Kahit kuko ng daliri niya ay hindi ko papayagan na mahawakan ng iba.

Mas magaling naman ako kay Tristan sa math 'di ba? Ilang beses ko nang inaral iyon sa New York. I'm better than him!

Sinilip ko ang pinto ng C.R. Pasukin ko na kaya? Ang tagal kasi!

"Hi my dear Nathan!"

Lumapit sa akin si Stephanie. Taga ibang section siya at malimit ding pumunta sa bar ni Tristan para manggulo sa amin. Obviously, she wants me and I hate her guts.

Tumingin na lang ako sa relo ko at hindi siya pinansin.

"Are you and that Mika dating already?" nakangiting sabi niya. Nakakaasar talaga 'yung mukha niya. Napatingin ako sa dalawa niyang kamay na nasa likuran niya. Painosente.

"Ano bang pakialam mo?"

Umalis na ako at pumwesto sa may hagdan, saka sumandal. Nagulat ako nang sumunod siya at tumayo sa harapan ko habang nakangiti. What's with her face? Nakakabwisit ang mukha niya!

"Eh tayo pwede ba? Date tayo later? Hindi na kita nakikita sa bar ni Tristan ah?" Nag-pout pa siya.

Ang pangit niya. Sabi ng iba, maganda raw si Stephanie pero para sakin hindi naman. Mas maganda and at the same time, mas cute si Mika kaysa sa babaeng 'to! Aaaahhhh! Grabe! Gusto ko na talagang lumayas 'to sa harap ko!

"She's my girlfriend, Stephanie. Will you just leave me alone? Ayaw ko sa pangit," walang ganang sabi ko sa kanya.

"Ugh! Ako, pangit?! Are you blind Nathan?! Hindi mo ba nakikita itong mukhang 'to? At...at...at itong katawang 'to?!"

"Alin? Iyang retokada mong katawan?"

"Uggghhh!" Bumaba na siya ng hagdan. Psh! Buti naman.

"Ouch..." Napatingin ako sa pwesto niya. Natapilok siya nang malapit nang makababa. "Awwww... My foot hurts, can you help me, Nathan?"

"Kasalanan ko bang ang tanga mong mag-circus dyan?" Nanatili ako sa pwesto ko at nag-cross arms habang nakatingin sa kanya.

"Awww... Hey Nathan! Help me here! Please?" nagmamakaawang sabi niya.

"Tsss!" Bumaba na ako at tinulungan siyang tumayo.

"T-thanks."

"Ge." Aalis na sana ako nang hawakan niya ako sa braso at itulak sa wall.

"What the—"

She bit her lower lip and unbuttoned the three upper bottons of her uniform.

"What a desperate woman." Akmang aalis na ako nang itulak niya ulit ako.

"Hey, nice one Nathan," she said then smiled. Nanlaki ang dalawang mata ko nang halikan niya ako. Hinawakan ko ang ulo niya para ilayo pero hindi siya nagpatalo dahil ipinulupot niya ang mga kamay niya sa balikat ko ng madiin. Pinipigilan niya ako. F*ck!

"Anong—" nang marinig ko ang boses ni Mika ay tuluyan ko nang itinulak si Stephanie ng buong pwersa. Sakto namang tinanggal na niya ang pagkakayakap niya sa akin.

"Hey..." Nainis siya sa ginawa ko pero mas naiinis ako sa kanya! Napatingin siya sa direksyon ni Mika na ngayon ay umiiyak na. "He's a good kisser, na-try mo na ba?" She smirked.

"God damn it Steph! Shut the f*ck up!" I looked at Mika. Oh no, please don't cry.

"Mika, let me explain. You got it wrong—"

"Hindi ko alam na ganito pala kasakit Nathan. Kung gagawin mo 'yan pwede bang huwag mo nang ipamukha sa akin?! Kung hindi mo naman pala ako gusto, sana nilayuan mo na lang ako noon pa kaysa ginagago mo ako nang ganito!"

No Mika, nagkakamali ka!

Mabilis siyang tumakbo. Kailangan ko siyang sundan. I need to explain everything!

"Huwag mo siyang sundan, Nathan. Dito ka lang!" Niyakap niya ako mula sa likod.

"Ano ba, F*ck! Bitiwan mo nga ako!" Pilit kong inalis ang kamay niya pero hindi ko talaga magawa dahil mapilit siya.

"No! Hindi ka pupunta sa kanya! Matatanggap ko pa kung sa iba, but not her! 'Di hamak na mas malaki ang lamang ko sa kanya, but why her?! Alam kong hindi lang ako ang nagkakaganito! Marami pang iba dyan ang naiinis dahil mapapapunta ka lang sa walang kwentang babaeng 'yun! Nathan, you know from the start that I like you... She's not good enough for you!"

Lalong kumulo ang dugo ko dahil sa mga sinabi niya.

"Sabi nang bitiwan mo ako!" at dahil sa pagsigaw ko ay binitawan niya ako.

"Anong karapatan mong sabihin 'yan sa kanya ha?!"

Sa sobrang galit ko ay naitulak ko siya ng malakas sa dingding. Hinawakan ko ng mabuti ang balikat niya para hindi siya makaalis. Kitang kita kong nasasaktan siya sa pagkakahawak ko pero wala akong pakialam!

"Alam mo ba ang mga pinagsasasabi mo?! Kahit pagsama-samahin pa kayong lahat, wala kayong binatbat kumapara sa kanya! Kasi nag-iisa lang siya!"

Aalis na ako at hahanapin ko siya.

Hindi siya mawawala sa akin nang dahil lang sa kagagawan ng ibang tao.

"Huh, sige lang! Puntahan mo siya. Iyon ay kung maaabutan mo pa siya..." She smirked. "Maybe now, nasa piling na siya ng iba. May ibang nag-aalaga at may iba na ring gumagalaw sa kanya." Tumawa siya. "Buti nga sa kanya! For sure magkasama na sila ng lalaking 'yon at nagawa na niya ang mga dapat gawin."

"Sinong lalaki?!"

"It's for you to find out my dear Nathan."

"We're not yet done!" habang nakaturo sa kanya.

Gusto ko pa sana siyang pahirapan pero kinakabahan ako sa maaaring mangyari. Natatakot ako na baka kung anong magawa ko sa kanya.

(Drew's P.O.V.)

Nakakarami na ng naiinom na beer si Mika pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nauubos ang isang bote ko. Sinadya kong hindi damihan ang inom.

"Buti na lang nandyan ka, Drew."

Iba na ang ikinikilos niya at iba na rin ang itsura ng mga mata niya.

Tumayo siya para kunin ang beer na nasa table pero na-out of balance siya. Buti na lang at nasalo ko siya, kung hindi baka napatama na siya kung saan o kaya naman ay nahulog sa sahig.

"Thanks, Drew. Buti na lang at may kaibigan akong katulad mo. Hindi mo ako iniiwan. Hindi ka rin manloloko. Pero si Nathan, manloloko siya..." Iniupo ko siya ng maayos.

Ilang sandali lang ay pumatak na ang kanyang luha. Halata namang kanina pa siyang nagpipigil sa pag-iyak.

I'm sorry, Mika. Kailangan ko lang talagang gawin ito.

"Hindi mo naman ako lolokohin 'di ba?" sabi niya habang umiiyak. "Mahal ko talaga siya. Mahal na mahal! Alam naman niyang mahal ko siya pero sinaktan niya lang ako. Sabihin mo nga Drew, hindi mo naman ako lolokohin 'di ba? 'Di ba kaibigan kita?"

"Oo Mika, hindi kita lolokohin."

Everything is going according to my plan. Kung hindi lang sana ikaw ang minahal ni Nathan, hindi ka sana masasaktan ng ganito. Kung nagkakilala lang tayo sa ibang pagkakaton, siguro mas naging maayos ang pagkakaibigan natin at maaari pang lumampas doon ang pagsasamahan natin.

I can't fall for you... Hindi pwede...

Matagal nang nakaplano ang bagay na ito kaya hindi ako pwedeng mabigo.

Hinawakan ko ang makinis niyang pisngi. Hindi ko alam kung bakit na-attract ako sa kanya. Bakit sa dinami-dami ng taong pwede kong magustuhan, bakit siya pa? Siya dapat ang magbabayad sa kasalanang ginawa ng g*gong 'yon! Pero bakit ganito ang nararamdaman ko?

Inilapit ko ang aking mukha sa kanya. Hahalikan ko na sana siya nang, "Nathan," sabi niya kaya naikuyom ko ang aking kamao.

Putek! Mahal niya talaga ang lokong 'yon!

Naisip ko, pwede ko namang makuha ang lahat ng gusto ko ah? Pwede kong makuha ang babaeng ito at makapaghiganti kay Nathan...

(Tristan's P.O.V.)

"Kumusta na rito?" tanong ko sa isa kong bartender pagkaupo ko sa high stool. Tumingin ako sa paligid at natuwa nang makitang marami na agad tao kahit hindi pa masyadong malalim ang gabi.

Malakas pa rin ang kita nitong bar ko. Sa isang araw ay 'yung restaurant naman ang titingnan ko dahil hindi ko 'yun masyadong nabibisita.

"Okay na okay, boss."

I'm here for another distraction. Sa mga oras na ito ay siguradong masaya si Mika habang tinuturuan ni Nathan sa mansyon.

Aaaaaaah! I need a distraction! Hindi pwede itong nararamdaman ko!

"Hi Tristan, long time no talk." Sinalubong ako ng halik ng isang magandang babae. Teka, sino nga ba siya?

"Ahh sorry," sabi ko na lang.

"Iba na kasi ang kinakausap mo ngayon at hindi mo na ako nabibigyan ng panahon," sabay inom niya ng vodka.

Ipagpapatuloy ko na lang ang dati kong gawain ko para makalimot. I need distarction. Alam kong mawawala rin naman ang nararamdaman ko para kay Mika.

"So, are you free tonight?" tanong ko. Dadalhin ko siya sa isang hotel dahil halata naman na iyon ang gusto niya.

"Yes Honey. I'm always free, basta ikaw." Hinalikan niya ako sa pisngi. Kasunod nun ay ang paghalik ko sa kanyang leeg kaya yumakap na siya nang tuluyan sa akin.

"Grabe ano? Ang gwapo ni Drew!"

"Oo nga eh! Sayang! Nandito siya kanina pero umalis na agad!"

"Oh talaga? Sayang hindi ko nakita."

"Late ka kasi! Hindi mo tuloy naabutan!"

"Mag-isa lang ba siya?"

"Hindi. May kasama siyang babae."

"Oh?! Girlfriend niya? Maganda ba?"

"Hindi naman eh! Mukhang ordinaryo lang. Ang liit pa nga eh at maiksi ang buhok." Napatigil ako sa aking ginagawa nang marinig ko ang isang grupo ng mga babaeng nag-uusap. "Take note! Naka-uniform pang pumunta rito 'yung babae! Ugh! Lasing na lasing tapos inaakay na ni Drew! Hindi kaya magho-hotel sila?" Nagtawanan sila.

"Gaaaaah! What a lucky girl!"

Si Mika agad ang unang pumasok sa isip ko. Pero imposible naman dahil ang alam ko ay magkasama sila ngayon ni Nathan.

Hindi kaya?

Mabilis akong kumawala sa yakap ng babaeng nasa harap ko.

"Wait, saan ka pupunta?"

"Sorry, emergency." Mabilis akong pumasok sa loob at tiningnan agad ang CCTV sa office ko.

Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Parang may mali... Laking gulat ko na lang nang makita ko sina Drew at Mika. Sinasabi ko na nga ba, si Mika ang kasama ni Drew. Kitang kita ko sa CCTV kung paano hinayaang malasing ni Drew si Mika at kung paano niya ito pinagtangkaang halikan.

Tama ang kutob ko na hindi mapagkakatiwalaan ang Drew na 'yon! Mabilis akong lumabas sa bar at tinawagan si mama.

"Ma, I need your help."

"Yes, hijo? Nagbago na ba ang isip mo at dito ka na ulit titira sa bahay natin?"

"This is not the time for that. Please give me the address of Drew Suarez. He's the lead vocalist of Time Machine Band!"

"Para saan ba iyan?"

"Please...I need it now."

"Okay."

Ibinaba ko na ang phone ko. Kailangan kong humingi kay mama ng tulong since marami siyang koneksyon. Madali na sa kanya ang mag-utos. Pagkatapos ng ilang minutong paghihintay ay nakatanggap naman agad ako ng text mula sa kanya na naglalaman ng address ni Drew.

Buti na lang at madaming koneksyon si mama kaya mabilis ko itong nalaman. Sana maayos lang si Mika. Sana...

(Mika's P.O.V.)

"Ahhhh." Ang sakit ng ulo ko. Nasaan ba ako?

Tama, nasa bar nga pala kami ni Drew.

Bar? Eh bakit parang ang tahimik? Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at hinanap si Drew.

Bakit ako nasa kwarto?! Kaninong kwarto ito?!

Ang laki at napakalambot ng kama. Umupo ako mula sa pagkakahiga at saka inilibot ang tingin sa paligid. Ang ganda ng bahay. Halatang lalaki ang may-ari dahil sa mga nakikita kong desenyo.

"Gising ka na pala," sabi ni Drew na kapapasok lang sa kwarto. Lumapit siya sa akin kaya naman umakma akong tatayo.

"Dyan ka na lang muna." Why is he acting like that? He's so cold... And that stare, parang ibang tao ang kausap ko ngayon.

"Drew, nasaan ba ako? 'Di ba nasa bar lang tayo kanina?" Ramdam ko pa ang panghihina ng katawan ko. Bakit ganito? Para akong nahihilo. Dahil ba ito sa alak?

"Nasa bahay kita. At nandito ka mismo sa kwarto ko."

"Kung ganoon aalis na ako, Salamat nga pala sa pagtulong sakin."

Pinipilit kong tumayo, pero bakit ganito? Hindi ko kaya. Parang may pumapatay sa buong sistema ng katawan ko at unti-unti akong napa-paralyze.

"Drew, tulungan mo naman akong makatayo oh. Hindi ko alam ang nagyayari sakin." Pilit kong iginagalaw ang katawan ko pero nanghihina talaga ako. Tumingin ako sa direksyon ni Drew na nakasandal lang sa pader habang nakatingin sa akin.

"Noong nalasing ka kanina, puro si Nathan ang bukang bibig mo," he coldy said.

That hitted me! Naalala ko na naman! Naalala ko na naman kung paano niya ako niloko! I can't believe this! Pero bakit ganito, feeling ko kasalanan ko kasi ako ang nagpakatanga sa kanya. Sa sobrang sakit ng nararamdaman ko, ramdam ko rin kung gaano ko siya kamahal.

Pumatak na naman ang luha ko at mas lalo pa akong nanghina dahil sa sakit na nararamdaman ko. Masyado kasing mataas ang pangarap ko.

Si Jonathan Smith ay hindi para sa akin kaya nasasaktan ako ng ganito. Masyadong mataas ang pangarap ko kaya sobrang sakit nang bumagsak ako.

Iyak lang ako nang iyak nang magsalita siya. Nakasandal pa rin siya sa wall habang nakatingin lang sakin.

"May isang babae, napakaganda at napaka-talented niya. Gusto siya ng lahat sa school na pinapasukan niya at madami ang nagkakagusto sa kanya. Pero wala siyang magustuhan... Hanggang sa makilala niya ang isang grupo ng kalalakihan. Nagkagusto siya sa leader ng grupong 'yon pero sa kasamaang palad, hindi siya gusto ng lalaking gusto niya."

Naguguluhan akong tumingin sa kanya. Bakit sinasabi ni Drew ang mga bagay na 'yon ngayon? Napatigil ako sa pag-iyak.

"Drew?"

Itinuloy lang niya ang kwento. "Ginawa ng babaeng 'yon ang lahat ng paraang alam niya para magustuhan siya ng lalaki. Pero napakasama ng lalaking 'yon. Nakakaya niyang ipagtulakan at saktan ang magandang babae 'yon nang dahil lang sa nakukulitan siya rito. Iyak nang iyak ang babae, pero hindi pa rin siya nasuko... Mahal niya talaga ang lalaking 'yon kaya kahit ipagtulakan siya nito ay hindi pa rin siya lumalayo. Isang araw, nagkaroon ng concert sa school na pinapasukan nila. A concert for a cause... Ang kita ng concert ay mapupunta sa isang charity. Napili ang mayabang na lalaki para maging lead vocalist kaya bumuo siya ng isang grupo. Pero kulang ng isang miyembro kaya nagpa-audition sila. Nalaman 'yun nung babae kaya hindi siya nagdalawang isip na sumali. At dahil napaka-talented niya, siya ang napili bilang pianist ng grupo."

Pianist? Parang narinig ko na ang kwentong 'yan? Or not? Hindi ko alam.

Pero nanatili akong nakikinig.

"Noong araw ng concert habang nasa backstage sila, pinuntahan ng babae ang mahal niya at saka muling nagtapat ng kanyang nararamdaman. Pero hindi pa rin siya nito pinansin. So malungkot siyang nag-perform... Sobrang sakit para sa kanya dahil hindi siya magawang magustuhan ng mahal niya." Lumapit siya sakin. Parang natatakot na ako sa kanyang dahil sa kanyang aura.

"Naging matagumpay ang concert pero hindi ang plano ng babae na makuha ang loob ng mahal niya. Hindi na niya kaya ang sakit. Niyakap niya ang lalaki pero pilit itong umalis sa kanyang pagkakayakap."

Patuloy lang siya sa kanyang kwent. Hindi ko na siya magawang tingnan dahil natatakot na ako.

=Flashback=

(Drew's P.O.V.)

Kitang kita ng dalawang mata ko kung paano nasasaktan si Cloe habang nagpeperform siya sa stage. Buong oras siyang nakatingin kay Nathan habang nagpi-piano. Nasasaktan ako para sa kanya.

Ayokong makita siyang nagkakaganyan.

Nang matapos ang concert nila ay pinuntahan ko agad si Cloe sa backstage.

"Nathan..." Umiiyak na naman siya. Kitang kita ko ang sakit na pinagdaraanan niya.

"Ano bang ayaw mo sakin? Please? Kahit ano gagawin ko. Babaguhin ko lahat ng mga ayaw mo."

"Bitawan mo nga ako! Bitaw sabi!" Itinulak niya si Cloe palayo sa kanya kaya natumba siya sa sahig. Lalapit na sana ako nang...

"Ilang beses ko na ba sinabi sayo?! Hindi kita gusto! Pwede bang layuan mo na ako!?"

"Pero mahal kita! Hindi mo ba nakikita 'yun?! Ikaw lang ang gusto ko!"

"Ayoko nang makita ang pagmumuka mo kahit kailan! Ang tagal ko nang nagtitimpi sayo! Umalis ka sa school na ito at huwag ka nang magpakita sa akin!" Tumakbo si Cloe papalapit sa kanya at saka siya hinalikan.

Nagulat si Nathan kaya naman sinampal niya si Cloe.

"Nagkamali akong tinanggap kita sa audition. Huwag na huwag ka nang magpapakita sakin!"

"Oo! Para sumaya ka na! Hindi na ako magpapakita sayo! Sasaya ka 'di ba? Then I'll do what you want. Mawawala na ako!" Tumakbo siya palabas kaya nakita niya ako.

"Cloe..." sabi ko. Naaawa talaga ako sa kanya.

Lalo lang siyang umiyak. Hindi na niya ako pinansin at tuluyan nang tumakbo palayo.

"Teka Cloe!"

"Mr. Smith, I'm Manager Ann." Dumating ang isang babae. Nag-alok itong makipagkamay kay Nathan pero hindi niya ito pinansin. Napakasama talaga ng ugali ng Nathan na 'yan!

"If you're here to ask me again about your offer. Well, I'm not interested." Umalis si Nathan at iniwang mag-isa 'yung babae.

Hinabol ko si Cloe. Naaawa na ako sa kanya. Tarantadong lalaki 'yun! Hindi niya dapat ginawa 'yun!

"Cloe tumigil ka nga! Baka mapaano ka dyan!"

"Huwag kang makialam!" Iyak lang siya nang iyak habang tumatakbo. Nagsisimula nang umulan pero wala akong pakialam dahil alam kong kailangan niya ako.

Patawid na siya sa kalsada habang umiiyak. Hindi niya alintana ang mga dumadaang sasakyang dumaraan.

"Cloe! Cloe! Huwag ka dyan!"

Huli na ang lahat. Kitang kita ko kung paano namatay ang kapatid ko nang mabangga siya ng humaharurot na bus. Nanginginig akong hinawakan siya. Punong puno ng dugo ang pwesto namin.

"Kuya..." Nahihirapan na siyang magsalita. "Sasaya na si Nathan 'di ba? Mawawala na ako." Napaiyak na lang ako sa sinabi niya bago siya mawalan ng hininga.

Kasalanan itong lahat ng gagong 'yun! Maghihiganti ako sa kanya! Sisiguraduhin ko na magbabayad siya sa ginawa niya sa kapatid ko!

=End of Flashback=

(Mika's P.O.V.)

Naiyak ako dahil sa ikinuwento niya.

"Napakaswerte mo, Mika," sabi ni Drew. Umupo siya sa tabi ko at hinawakan ang mukha ko. "Mahal ka ng mahal mo. Mahal ka ni Nathan."

"Ano bang pinagsasasabi mo dyan, Drew? Niloko niya ako!" Naghalo-halo na ang nararamdaman ko. Naaawa ako sa babaeng ikinuwento niya at naaawa ako sa sarili ko dahil sa kinahinatnan ko.

"Ang galing talaga ng Stephanie na 'yun. Dapat ko siyang bigyan ng premyo bukod pa sa perang ibinigay ko sa kanya. So nagustuhan mo ba ang nakita mo? Ang lalaking mahal mo kasama ng iba? Masakit 'di ba?"

"Hindi ko maintindihan..." pabulong kong sabi. Gulong gulo ako. May kinalaman ba si Drew sa mga nangyari? Sana naman wala...

"Sumama ka sakin Mika at kakalimutan ko ang binabalak kong paghihiganti kay Nathan."

"Ikaw?!"

"Kapatid ko si Cloe. Siya ang sinaktan ng gagong si Nathan!"

"Kung ganun, ni-niloko mo ako?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Hindi ko gustong gawin sayo ito Mika. Kailangan lang... Gusto kong maramdaman ni Nathan kung gaano kasakit ang mawalan ng minamahal kaya kailangan mong sumama sa akin. Akin ka na simula ngayon."

Hawak niya ako sa mukha at hindi ako makagalaw. Kinain na ng kung anong meron sa katawan ko ang buong sistema ko. Hindi ito dahil sa alak.

"Huwag ka nang magtangkang lumaban, walang mangyayari. Nainom mo na ang gamot na inilagay ko sa alak mo kanina. Ano ba ang gusto mo? Ang mamatay si Nathan o sumama sa akin? Well, I can have both, to have you... and kill that bastard! Pero para sayo, ayos na kahit sumama ka na lang sa akin. Magiging masaya tayong dalawa. Kakalimutan ko ang paghihiganti ko and I will give you the love you deserve."

No. Hindi ito maaari. Niloko ako ni Drew! Nagpatuloy ako sa pag-iyak. Sana bumalik na ang sinasabi nilang amazona powers ko para maipagtanggol ko ang aking sarili. Hahalikan niya sana ako pero iniuntog ko ang ulo ko sa kanya. Iyon lang ang kaya kong gawin sa ngayon. Napahiga siya sa sahig dahil sa sakit. Nakita ko ang cellphone ko sa side table kaya naman kinuha ko agad iyon pero naka-off. Binuhay ko pa ito kaya ako natagalan.

Natataranta na ako! Ang tagal mabuksan!

"Aaaaraaaay!" daing ni Drew. Pero nagawa pa niyang tumayo at kunin sa akin ang cellphone. "Hindi ko hahayaang makatakas ka."

(Nathan's P.O.V.)

Ipinapahanap ko kay butler Greg si Mika kaya inakala kong siya 'yung tumawag nang biglang tumunog ang cellphone ko. Laking gulat ko nang makitang hindi siya ang tumatawag kundi si Mika. Kanina ko pa kasi siyang tinatawagan pero hindi ko talaga ma-contact.

MOO Calling...

"Hello, Mika? Where the hell are you?! Let's talk. Kanina pa kitang—"

"Aaaah! Bitawan mo ako, Drew!"

"Kahit ano pa ang lakas ng sigaw mo, walang makakarinig sayo sa bahay ko."

"Tumigil ka na Drew. Walang mangyayari sa paghihiganti mo. Aaaaaaahhh! Nathan! Nathan!"

"Mika?! Mika! F*ck!" *doo doo doo doo*

"Damn it!" sabay hampas ko sa manibela. Mabilis kong pinaandar ang sasakyan habang tinatawagan si butler Greg. "Greg! Find the address of Drew Suarez, Time Machine Band lead vocalist. Ngayon na!"

Ngayong may particular location nang hahanapin. Mabilis nang makikita 'yun ng butler ko. Ilang minuto pa lang ang nakakalipas ay nai-send na niya sa akin ang lokasyon ni Drew.

"Damn you Drew. So you're behind all of these?"

(Mika's P.O.V.)

"Drew, magkaibigan tayo 'di ba? Hiningi mo pa nga ang signature ni Nathan 'di ba?!"

"Crap that! That was all part of my plan! Ipinangako ko sa sarili ko na kapag nakita ko ulit si Nathan ay hindi ko na hahayaan na wala akong magawa. Kaya nang makita ko kayo sa concert, doon na ako nagsimula. Ako rin ang dahilan kung bakit nawala ang sasakyan niya. Nakakatuwa hindi ba?" Tumawa siya ng mahina. "Mabilis kong naiplano ang lahat... But falling for you isn't one of my plan! Gusto kita. Hindi bilang kaibigan lang kundi mas higit pa roon! Kung sa ibang pagkakataon sana kita nakilala at kung hindi sana ikaw ang girlfriend ng tarantadong iyon ay magiging maayos tayo!"

"Kahit sa ibang pagkakataon pa tayo magkakilala, hindi kita mamahalin! Dahil isang tao lang ang gusto ko! Katulad ng kapatid mo, katulad ni Cloe, si Nathan lang ang gusto ko!"

Pinisil niya ang mukha ko dahil sa galit. Hindi ako makalaban dahil mas lalong manghihina ang katawan ko sa gamot na ipinainom niya sa akin.

"Bakit ba nahulog kayo sa isang walang kwentang tao?! Siya lang ang magiging dahilan ng ikapapahamak niyo!" galit na galit na sabi niya.

(Tristan's P.O.V.)

Aaah! Traffic pa! Binusinahan ko na nang binusinahan ang nasa unahan ko.

Sana sa isang way na pala ako dumaan! Nakakainis 'yung sasakyan na 'yun, sa gitna pa nasiraan.

Bumusina ulit ako. Mukhang wala na akong choice.

Binangga ko na 'yung kotseng nasa unahan ko kaya sapilitan akong nakadaan. Nagasgasan ang kotse ko at pati na rin 'yung sa kanya.

"Damn it! Anong problema mo?! Nasiraan na nga ako dadagdagan mo pa?!"

Binuksan ko ang bintana ng kotse ko at bumunot ng pera. Hindi ko na tiningnan kung magkano, bahala na siya dun. "Bayad na ako at sa tingin ko sobra pa 'yan. May balato ka pa."

Umalis na ako. I need to find her. Sana hindi pa ako huli.

(Mika's P.O.V.)

Inihiga niya ako sa kama. Hindi ako makagalaw.

"Please, Drew. Please." sambit ko habang iyak ako nang iyak.

Hinalikan niya ang leeg ko.

"Huwag ka nang umiyak. Magiging masaya ka sakin. Walang kwenta ang lalaking iyon at walang puso."

Hindi ganung klaseng tao si Nathan. Nakikita ko 'yun sa kanya. Mukha lang siyang matigas sa labas pero alam kong mabuti siyang tao kaya ko siya nagustuhan.

"Please, Drew. Pakawalan mo na ako," I sobbed. But he doesn't care.

"You're mine, Mika." Hinawakan niya ang dalawa kamay ko at umibabaw sa akin saka ako hinalikan ng marahas sa leeg.

Tumaas iyon sa aking pisngi. Pakiramdam ko binababoy na niya ako.

"Drew! Huwag! Pleeeeeease! Parang awa mo na!"

Tuloy-tuloy lang siya sa kanyang ginagawa. Hindi niya ako hinahalikan sa labi kaya malaya akong nakakasigaw. Umaasa ako na may taong darating para iligtas ako. Bumababa ang mga halik niya na nagpahagulgol sa akin ng sobra.

"Huwag! Parang awa mo na! Huwaaaaaaaag! Nathan! Nathaaaaaaaaaaaaaaaan!"

Isinigaw ko ang pangalan niya. Kasabay ng aking sigaw ay ang malakas na pagbukas ng pinto dahil sa pagsipa ng isang lalaki.

"I believe you're touching the wrong girl."

"Nathan..."

Mas lalo akong naiyak. Nandito siya...nandito siya para sa akin.

==

Facebook: Crunchh WP

Twitter:

PM me if you want to be a part of our group "Crunchh Wattpad Stories" at sumama sa mga gala namin minsan! :)

Seguir leyendo

También te gustarán

31.7M 399K 45
[Completed] One True Love Series #1 Lana is living her life on her own terms, free from an arranged marriage and focusing only on her work. And then...
107K 4.5K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...
948K 32.9K 47
Warning: GxG means Lesbian Story