THE JILTED BRIDE (ALEX AND BR...

By Gretisbored

2.9M 39.7K 2.2K

https://shopee.ph/gretisbored ********** THE MOTHER STORY OF THE THORPE SERIES ********** "The heart wants wh... More

PROLOGUE
Chapter One - Cold Stare
Chapter Two - Cold Treatment
Chapter Three - Mall
Chapter Four - Dinner
Chapter Five - Soja Bar
Chapter Six - Grapevine
Chapter Seven - Birthday Party
Chapter Eight - Ikaw
Chapter Nine - Mark Dale
Chapter Ten - Spark
Chapter Eleven - Stealth Looks
Chapter Twelve - Hug
Chapter Thirteen - Protest
Chapter Fourteen - Baked Salmon
Chapter Fifteen - Kislap
Chapter Sixteen - Pictures
Chapter Seventeen - In his arms
Chapter Eighteen - Message
Chapter Nineteen - Songs
Chapter Twenty - Babe
Chapter Twenty-One - Suite
Chapter Twenty Two - Stare
Chapter Twenty Three - Quote
Chapter Twenty Four - Jealous
Chapter Twenty-Five - Mixed Up
Chapter Twenty-Six - Shameless
Chapter Twenty Seven - Unexpected
Chapter Twenty Eight - Emergency
Chapter Twenty-Nine - Bombshell
Chapter Thirty - One
Chapter Thirty-One - Wedding
Chapter Thirty-Two - Nomikai
Chapter Thirty-Three - Chicken Adobo
Chapter Thirty-Four - Phone Call
Chapter Thirty-Five - Asahi Super Dry
Chapter Thirty-Six - Slip of the tongue
Chapter Thirty-Seven - Midnight Guest
Chapter Thirty-Eight - Takoyaki
Chapter Thirty-Nine - Friendly Match
Chapter Forty - Karaoke
Chapter Forty-One - Red Box
Chapter Forty-Two - Rendezvous
Chapter Forty-Three - Facebook Status
Chapter Forty-Five - Radish
Chapter Forty-Six - Secrets Revealed
Chapter Forty-Seven - Confession
Chapter Forty-Eight - Unknown Number
Chapter Forty-Nine - Konin Todoke Juri Shomeisho
Chapter Fifty - Concession
Chapter Fifty-One - Card
Chapter Fifty-Two - Email
Chapter Fifty-Three - Two Thousand Pesos
Chapter Fifty-Four - Double Happiness
Chapter Fifty-Five - The Wait is Over!
Chapter Fifty-Six - Pleasant Surprise
Chapter Fifty-Seven - York's Dark Chocolates
Chapter Fifty-Eight - Meltdown
Author's Note
A Sneak Peek ... (Dad and Aunt Laura's Story)
NEED HELP!
Forever and Always (Elise and Jin's Story)

Chapter Forty-Four - Fiery Encounter

38K 614 61
By Gretisbored

For a digital copy of the book, check the following:

https://play.google.com/store/books/details?id=ALnyCAAAQBAJ

https://www.smashwords.com/books/view/509824

*****************************

Wala akong choice kundi humingi ng tulong kay Liam. Siya lang kasi ang kakilala ko sa mga kasamahan namin na marunong mag-Japanese. Hindi kasing galing ni Brian pero mataas din ang level ng proficiency. 

Hindi nga ako nagdalawang salita kay Liam. Pumayag agad ito. Siya pa ang nagresearch kung saang malapit na hospital mayroong Gastroenterology Department dahil nagreklamo ako sa kanya na baka meron akong gastroenteritis. Siya din ang nagpaliwanag kay Fujita-sensei kung bakit kailangan kong mag-leave ng ora-orada at bakit kailangan niyang sumama. Pumayag naman agad ang boss kong Hapon. 

Ang laking bagay na sinamahan niya ako sa Okayama University Hospital dahil bukod sa moral support napapatawa pa niya ako sa kanyang mga kakengkoyan. Nawala tuloy sa dinaramdam ang atensyon ko.

"I have a gut feeling there's nothing wrong with you," pampalakas-loob na sabi pa niya sa akin. "You migh be, you know," at minuwestra nito ang malaking tiyan. Nakangisi pa ito na parang timang. Pinamulahan ako. Alam kong di siya sinabihan ni Brian ng mga intimate moments namin pero gano'n siguro talaga ang expectations. Kahit totoo namang ginagawa na namin yon ni Brian, dyahe pa rin pala kapag alam mong ina-assume ng iba. 

"I'm not. I'm pretty sure," sagot ko sa mahinang boses.  Kelan lang natapos ang period ko for the month. Kung papipiliin nga lang ako ni Lord mas gugustuhin ko pang buntis kaysa may sakit. 

"Markezu-sama (Miss Marquez)," tawag ng nurse sa akin. Kapwa kami napalingon ni Liam. Inalalayan niya agad ako sa pagtayo at pumasok din siya sa loob ng examination room. 

Pinahiga ako ng doktora sa hospital bed at tinaas ng nurse na nag-aassist sa kanya ang sweater ko para lumabas ang tiyan. Pumikit na lang ako. This is not the time to be embarassed. Hindi ko na lang inisip na nando'n si Liam. 

Inuna ng doktora ang upper abdomen ultrasound ko. May pinahid siyang malamig na parang gel at hinagud-hagod na nito ng transducer probe ang exposed area ng tiyan ko. Nang matapos ang eksaminasyon sa upper abdomen, binalingan ng doktora si Liam at sinabing, 

"Mondai nai desu. (Walang problema)." 

"Good news. No problem so far," sabi naman sa akin ni Liam. 

Napausal ako ng maikling pasasalamat sa Diyos at nakahinga nang maluwag. Pero hindi pa lubos ang aking kasiyahan kasi kung walang deperensya ang tiyan ko, baka nasa uterus o ovary naman ang problema. Hindi pa ako makakarelaks.

Nang isunod na ng doktora ang lower abdomen, napadilat ako nang kaunti. Na-conscious ako dahil halos nasa itaas na bahagi lang ng pagkababae ko ang transducer probe. Pero naibsan naman ang worries ko nang makitang maingat naman pala ang nurse kaya palagay ko di naman ako nakitaan ni Liam.

Napadilat ako nang marinig kong napatawa nang mahina ang magandang doktora. Nang matapos ang eksaminasyon, masaya nitong binalingan si Liam at binati.

"Omedetou ne. Okusama wa ninshin shiteimasu yo. (Cogratulations. Your wife is pregnant.)"

Speechless kami pareho ni Liam. Pero siya ang unang nakabawi. Nakitawa siya sa doktora at nagpasalamat. Ako'y sobrang shocked. Samot-saring emosyon ang naramdaman ko. Una sa lahat, I was relieved na wala akong malalang sakit sa tiyan. Pangalawa, parang hindi ako makapaniwala na wala nga akong sakit. Pangatlo, buntis ako? Pano nangyari yon e normal namang dumating ang buwanang dalaw ko?

Binalingan ako ni Liam. Ang lawak ng ngiti.

"I told you so. There's nothing's wrong with you. I'm pretty sure, Brian will be thrilled. I can't wait to see his face when we tell him."

Nahiya ako. Parang hindi ko siya matingnan nang deretso sa mga mata dahil heto na at meron nang solid proof na ginalaw ako ni Brian. Kahit alam kong Amerikano ito at wala sa kanila yon, nahihiya pa rin ako. Baka isipin niya kasing nag-iinarte ako sa kanya tapos bumigay din pala sa ibang lalaki.

"Hey, that's alright," pagtitiyak niya sa akin. Na-sense siguro ang pakiramdam ko. "Don't be embarassed. It happens."

Tinulungan na niya akong bumangon at sumunod na kami sa doktora. Binigyan ako ng huli ng referral sa isang oby-gyn. Hwag daw akong mag-alala dahil normal daw ang baby sa tyan ko. Mag-ingat na lang daw ako palagi at hwag masyadong ma-stress hangga't maaari.

Pinatanong ko kay Liam kung bakit buntis ako gayong normal naman ang period ko? Matiyaga namang pinaliwanag ng doktora na may gano'n daw talagang pangyayari sa ibang buntis. Hindi naman daw kasi pare-pareho ang sintomas.

"Can we keep it between us? I don't want anybody to know, especially Brian," seryoso kong sabi kay Liam nang pabalik na kami ng Muromachi.

"Why not? He has the right to know," pangangatwiran pa nito.

"After what he did, no way," matigas ko namang sagot.

"Why don't you, guys talk to each other again? It's pretty obvious you both love each other," suhestyon nito.

Napatingin ako sa kanya. Siya nga ba talaga ang nagsasabi no'n?

"I know it's strange coming from me, but I know how to concede when I see defeat. I have already forgiven Brian for taking you away from me. And as I have seen in the last few weeks, how he has suffered, I think he deserves a second chance with you," sabi pa niya. Nakangiti.

Nag-init ang ulo ko sa narinig. Pare-pareho nga ang mga lalaki. Nagkakampihan! Tiningnan ko siya nang masama. Anong second chance ka dyan. At anong suffer? Baka nagpapakasarap nga siya sa piling ni Mayu, e.

Do you really believe it was Brian's? That he was really the father of Mayu's baby?" biglang tanong nito sa akin nang hindi ako sumagot.

"Who else would it be?" galit kong sagot.

Napahinga ito nang malalim.

"This may sound strange again coming from me, but I do believe Brian is telling the truth. I kinda understand him, you know. I'm also like him in a way. I don't bother to explain to people when I am telling the truth. You only explain too much when you're covering a lie."

Natigilan ako at napaisip. Ayaw ko mang aminin, nakikita ko naman ang point ni Liam. Pero nanaig pa rin ang galit ko kay Brian. Kung inisip niya ako, hindi niya dapat hinayaan si Mayu sa kahibangan nito. Alam kong pinagalitan niya rin ito sa telepono nang malaman ko ang tungkol sa Facebook status pero huli na. The damage was done.

"Brian was absent in our weekly meetings since you, two broke up. I heard from Gary that he has been drinking a lot lately," kuwento pa nito.

Hindi ako sumagot. Pero ini-imagine ko ang nahihirapang Brian at nakaramdam ako ng awa. Pero pinilig-pilig ko ang ulo para mawala ang imaheng yon at para hindi lumambot ang puso ko sa kanya. My God! Namangka siya sa dalawang ilog at ngayo'y pareho pa kaming buntis! Bwisit siya talaga! Nakakagigil.

Nang dumating kami sa Muromachi station, niyaya ko si Liam na kumain muna kami sa restaurant sa tabi ng istasyon. May nakita kasi akong magandang kainan doon. Pumayag naman ito. Ako na ang nagbayad dahil nag-effort siya para samahan akong magpa-check up. Tatanggi pa sana pero nag-insist ako.

Nag-change topic na kami nang kumakain na. Sinabihan ko kasi siyang baka ma-indigestion na naman ako. Tumawa lang siya tapos nagkuwento na nga ng mga escapades niya sa klase. Natawa ako sa mga anecdotes niya. Nagtatawanan pa rin kami hanggang sa bus stop.

"Thanks for everything today," sabi ko.

"You're welcome, babe," nakangiti niyang sagot. Hindi na ako naasar sa pagtawag niya sa akin ng 'babe'. Napangisi na lang ako do'n. Akala ko aalis na rin siya pero nagsabi na hihintayin muna niyang makasakay ako bago niya kunin ang bike sa parking lot.

Hinahampas-hampas ko si Liam ng dalang shoulder bag sa sobrang tuwa dahil sa mga kwento nito ng kalokohan sa klase nang biglang lumitaw sa harapan namin ang haggard-looking na si Brian. Mukhang mainit agad ang ulo.

"I heard that you, guys filed for a leave to go somewhere today," sabi nito agad. Mahina ang boses pero halatang galit. Ang sama agad ng tingin kay Liam. Parang sasakmalin niya. Nahawakan ko tuloy ang kasama ko. At lalong naningkit ang mga mata ni Brian.

"It's none of your business," galit kong sagot sa kanya.

"It is my business because you're my girlfriend, goddamnit!" tumaas na ang boses nito. Kapwa kami napaatras ni Liam. Nabigla ako at nakaramdam ng takot. Nang mapasulyap ako sa mga katabi naming nag-aabang din ng bus, pati sila parang natakot din. Nahiya tuloy ako. Halata kasing may tensyon sa dalawang lalaki dahil sa akin.

"You have to come with me," patuloy pa nito. This time medyo kalmado na ang boses.

"Why would I do that?" hamon ko sa kanya. Nag-subside na rin ang takot ko. Napalitan uli ng pagkainis lalo pa nang patuloy niyang sina-size up si Liam. Buti na lang hindi nito pinatulan si Brian.

"Because you're my girlfriend!"

"That was more than three weeks ago. Have you forgotten that we broke up?" pagpapaalala ko sa kanya.

"Did I agree to it? As far as I can remember, I didn't. So you're still my girl."

Napatanga ako sa sinabi nito. Kailangan ba ng mutual agreement sa break up? Ang alam ko, kung gusto ng isa na makipaghiwalay, given na yon. Break na agad.

"How dare you say that when we both know you got another girl pregnant. You're insane! You need to have your brain checked," asik ko sa kanya at hinila na si Liam na lumayo kami doon. Pero bigla niya akong dinaklot sa braso.

"Hey! You must be careful with her she's -------"

Nilingon ko si Liam at tiningnan nang masama. Natahimik ito. Pero nasa mukha ang labis na pag-aalala. Lumapit pa ito sa akin at tinanong ako kung okay lang ako. Lalong nagalit si Brian. Kinwelyuhan niya ito kaya pumagitna na ako sa kanila.

"Okay, okay, I'll go with you!" nasabi kong bigla sa pagkataranta at sa hiya na rin dahil pinagtitinginan na kami ng mga tao sa bus stop.

"Liam, I'm so sorry. I really am," mangiyak-ngiyak na paghingi ko ng paumanhin.

"You see. I told you so," nakangisi naman nitong sabi sa akin.

Sumunod na nga ako kay Brian sa kotse nito. Nang nasa loob na kami ng sasakyan, wala kaming imikan. Ang higpit ng hawak niya sa manibela. Feeling ko sobra pa ring galit at sinisikap niyang kontrolin ito.

"That's how I felt with you and Mayu but you never bothered to explain everything to me. Now, you know how it feels," sabi ko sa mahinang boses.

"Haven't I explained myself to you a thousand times? There's nothing between Mayu and me! I can prove it. Gary can attest to that. He knows everything."

Napaismid ako. Si Gary? Siyempre naman. Sino ba ang kakampihan ng kalbong yon?

"That day, when I came late to the meeting after our Hiroshima trip that was because I didn't sleep well. She came to the living room where I was sleeping and started kissing me. But I didn't kiss her back. Instead, I stopped her. I told her about you. To make sure, she doesn't do it again, I actually did not sleep at all," paliwanag niya. Mukhang hirap na hirap ito. Parang galit na nagsusumamo at the same time.

In-imagine ko ang eksena at nakaramdam agad ako ng pagkamuhi sa bruhang yon. Pero iwinaksi ko yon sa isipan dahil baka niloloko lang ako ng damuhong ito. Baka totoong may nangyari nga sa kanila. Ang nakakainis, bakit ngayon niya lang ito sinabi? Kung noon pa sana, pinaniwalaan ko agad. Pero ngayon, may duda na ako.

"If that's true, why didn't you tell me that when I asked you about what really happened?" tanong ko naman.

"I thought, the simpler my explanation is, the better," sagot naman niya agad. "I don't want to sound defensive."

Nagtaas lang ako ng kilay. Hindi pa rin lubusang kumbinsido.

"I am faithful to you. In fact, even before I became your boyfriend, I was already faithful. When I discovered I was in love with you, that was sometime in June, I stopped sleeping with Maiko," pagtatapat nito sa mahinang tinig.

Na-shocked ako sa narinig.

"If there's nothing between you and that bitch," nasabi ko na rin sa wakas ang salitang yon patungkol sa bruha, "why was she like that? What made her so courageous --- so bold----?"

"I think it's because of what Dad had told her in Hiroshima. I overheard him telling Mayu that he likes her for me... That he would be very happy if the two of us ended up together. He even promised to help her marry into the family. And that he will do everything in his power to make me fall for her."

Naalala ko na naman ang matandang yon at ang ngitngit ko sa kanya. Ang sama niya. Ganunpaman, it doesn't change the fact that Mayu's pregnant kaya hindi pa rin ako lubos na nasisiyahan.

"It seemed like you're telling the truth ----," sabi ko na hindi ko rin natapos dahil bigla itong sumabat.

"I AM telling the truth!" asik niya sa akin.

"Hey," naiinis kong asik din sa kanya. Hindi pa nga ako tapos sa sasabihin ko, pinutol na ako.

"I'm sorry," at hinawakan niya ang kamay ko. Aminado akong at this point, medyo nawala na ang kalahating galit ko sa kanya kaya hinayaan ko na lang siya sa paghawak.

"If you're telling me that you did not touch Mayu, then who's the father of her child?" tanong ko. Pigil-hiningang hinintay ko ang sagot niya.

"I don't know. But it's not mine. I am giving you my word, it's not mine. I swear." Sa puntong ito, nakita kong halos nagsusumamo na siya sa akin.

Naguguluhan ako. Pero mukhang nagsasabi siya ng totoo. Gosh, maniniwala na naman ba ako sa kanya? Pano kung binibilog na naman nito ang ulo ko?

Hindi ako nakasagot dahil bigla na lang kaming nakarinig ng pito ng pulis. Nilapitan kami. Binaba ni Brian ang bintana sa tabi niya. Nag-usap sila ng mama. Narinig kong nag-apologize siya dito at inistart na ang kotse. Hindi daw pala pwedeng mag-park do'n dahil dinadaanan ng bus.

"Where did you go today?" tanong nito nang tumatakbo na ang sasakyan. Sumulyap pa siya saglit sa akin.

"I went to a hospital," pagtatapat ko.

Napasulyap siya uli sa akin at nakita ko sa mukha niya ang pag-aalala.

"I'm fine. I just thought I had gastroenteritis but the doctor said it was just an ordinary indigestion problem," pagsisinungaling ko. Hindi pa ako handa para sabihin sa kanya ang totoo. "Liam went with me because I don't know how to explain it to the doctor in Japanese."

"You should have told me," sabi agad nito. "I could have done that for you."

"Yeah. Like we were on speaking terms for three weeks," sarkastiko kong sagot.

Napangiti siya. Medyo magaan na ang mood.

"I owe Liam something then," sabi nito pagkaraan nang ilang minuto. Medyo napangiti pa.

"Yeah. He has always been good to me. And everytime you caught us talking, I always explain everything to you. You should have done the same," pangungulit ko pa rin.

"Okay, babe. I know it's my fault," parang napipikon na naman ito. "But I thought when you're telling the truth, you don't need a lot of explanations," dugtong pa niya. Pero this time mas mahinahon na ang boses.

Kilala nga siya ni Liam. Di ko napigilan ang mapangiti.

Malapit na kami sa bahay nang makatanggap ako ng text kay Macky. Anang mensahe,"Are you with Brian?"

Sinagot ko agad ito ng 'oo.'

"I hope you guys straigthen things out. Listen to him," sagot nito agad.

Napakunot-noo ako. Ano'ng ibig sabihin nito? Tinanong ko siya sa text. Hindi na nag-elaborate pa. Basta makinig lang daw ako kay Brian.

"Who's that?" naku-curious na tanong ni Brian.

"It was Macky," at pinakita ko sa kanya ang text ng kaibigan ko nang mag-stop kami for a red light. Ang lawak ng ngiti ng loko.

Mayamaya pa, nasa harap na kami ng building ko. Umibis siya agad sa sasakyan at pinagbuksan ako ng pintuan. Sabay kaming umakyat sa apartment ko. Pinapasok ko na naman siya. At kahit na hindi ko pa tuluyang binubuksan ang puso ko para sa kanya, hindi na ako galit.

Continue Reading

You'll Also Like

611K 25.1K 46
Heartbreakers Series #5: Tavian Giovanni Romero Si Frida Louisse Suarez ay dati nang estudyante ng Torrero University pero dahil sa isang pangyayari...
1.2M 49.2K 40
Heartbreakers Series #2: Leion Eleazar Zendejas Despite being popular because of his academic standing and good looks, Leion Eleazar Zendejas was a s...
330K 11.9K 175
rêveries -- an epistolary novel by floeful -- is comprised of three (3) stories. *** rêveries • "wild speech, delirium" • "to roam, speak wildly" •...
2.4M 69K 56
Hindi si Eunice ang klase ng babaeng naniniwala sa forever kahit pa taken siya. At kahit pa apat na taon na siyang may boyfriend, sobrang bitter pa r...