Unexpectedly (Ramontes Series...

By samicruzz

728K 27.1K 8K

Elise Kenzie Valenzuela is always the favorite target of the Ice Queen. Ngayong huling taon na nila sa paaral... More

Unexpectedly
Simula
Kabanata 01
Kabanata 02
Kabanata 03
Kabanata 04
Kabanata 05
Kabanata 06
Kabanata 07
Kabanata 08
Kabanata 09
Kabanata 10
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Wakas

Kabanata 11

27.1K 1.1K 310
By samicruzz

Bullied



Sa loob ng dalawang linggo, naging maganda ang samahan namin ni Paige. Tuwing uwian ay dumidiretso kami sa mansyon nila para gawin ang aming thesis. At first she didn't let me do anything habang siya'y panay ang tipa sa keyboard niya.


That made me feel useless kaya kinausap ko siya na hati kami sa mga gawain, that's what this team up is all about, right? I know Paige is a little hardheaded but thank God she let me.


I did the introduction and the background of the study. Madalas na akong tumambay sa library kasama sina Myrtle at Jonas para kumalap ng ideas na makakatulong sa proposal namin.


Hindi na muna ako sumama sa gig ng Thanos band kahit na medyo nanghihinayang ako. Nakita ko rin ang lungkot sa mukha ni Paige nung sinabi ko 'yon but she's still happy for me because school is now my top priority.


But I must say that my reconciliation with Paige affected her friends a lot. Hindi na kasi siya sumasama kapag may lakad ang mga ito. Bihira na rin makihalubilo si Paige sa kanila. Aaminin kong masaya ako kasi bumalik ang pagiging magkaibigan namin pero kahit papaano ay naa-apektuhan ako. I don't want them to think so badly of me, baka kasi isipin ng mga ito na kinokonsente ko si Paige na huwag sumama sa kanila.

I haven't told her about this but hopefully magka-oras ako para sabihin ito.


Now we are having our dinner together, kasama sina Myrtle, Jonas, Emme, Skye, and Trisha. This is the first time that I brought Paige to finally meet all of my friends. Kadalasan kasi sina Myrtle at Jonas lang ang kasama namin but here we are with the whole squad.


Sa McDonalds na kami tumungo tutal iyon lagi ang meeting place namin. Kakatapos lang ng klase and it's Friday so we decided to meetup. Nakaupo na kaming lahat at hinihintay nalang sina Myrtle at Jonas para sa inorder naming pagkain.


"Paige this is Emme," I pointed out. "Ito si Skye, and of course, you know Trisha, right?" Biro ko at napatawa naman sila.


"So dalawa na tayong kumalas sa grupo ni Stella?" Ani Trisha sabay hagikhik.


Ngumiti naman si Paige. "I think so."


"Ate Paige nice to meet you po! Matagal na kitang ini-idolo and I'm a huge fan of your fashion sense! And OMG you're so pretty! Subukan mo kayang mag-audition sa mga beauty contest sa TV? Or why not grab the opportunity para makilala ka ng mga talent scout or some famous modelling agency? I'm sure –"


"Whoa there! Ang daldal mo Ems!" Saway ni Skye sa kaibigan kaya napatawa kami.


"Sorry!" Nag-peace sign ito gamit ang dalawang daliri.


"It's okay, I already got in, thanks to my mentor. Tinulungan niya akong makapasok and hopefully this coming vacation, makasama ako sa fashion show sa New York." Sagot ni Paige kay Emme na ngayo'y naka-awang na ang bibig sa sobrang pagkamangha.


"Really?! Wow that's...that's amazing!" Tili nito.


"I thought you auditioned for the lead role sa upcoming teleserye sa isang TV network? You auditioned with Lance that time, right?" Tanong ni Trisha kaya pati ako ay napatingin kay Paige.


She didn't tell me anything about it. Well who am I kidding, we just rekindled our friendship two weeks ago. Hindi naman ibig sabihin no'n ay alam ko na ang lahat tungkol sa kanya.


"Yes we did, and we're still waiting for their call." Napatingin sa akin si Paige and I unconsciously bit the inside of my cheeks.


"Oh here's our food!" Ani Ems sa dalawang paparating.


We became louder lalo na't kompleto na kami. Katabi ko si Paige at sa kabila ko naman sina Myrtle at Jonas. Magkakatabi naman sina Skye, Trisha and Emme sa tapat namin.


We all ordered chicken and spaghetti meal, dinagdagan lang ng tatlong large fries, Coke floats, and chicken sandwiches.


At dahil lagi nalang tungkol sa thesis ang pinag-uusapan namin these past few weeks, Myrtle changed the topic this time by asking each one of us about our college plans.


"I took the entrance exam in UPLB, baka doon na ako kasi nasa Laguna rin sina mama." Si Jonas ang unag sumagot habang nilalantakan ang spaghetti niya.


"What about you Paige?" Anang Myrtle na sumisimsim ng coke.


"I didn't take any examinations yet." Umiling ito. "Ang gusto nila mommy i-pursue ko ang pagmo-modelling." Pahapyaw lang na ngiti ang iginawad niya sa amin.


"Is that what you really want?" Dagdag na tanong ni Jonas.


Umangat ang tingin niya sa akin. "Yes, that's one of my dreams."


I suppressed a smile, kahit na ano pa ang gusto niya, as her bestfriend, I'll support her all the way.

"Ako naman baka iuwi na ako nina lola sa Davao, doon na ako magko-kolehiyo. Magkakahiwa-hiwalay na tuloy tayo." Myrtle slightly pouted. "Ikaw Elise, anong plano mo?"

Napatingin naman ang lahat sa akin.


"Hindi ko pa alam." Honestly, takot akong mag-kolehiyo dahil sa tingin ko'y hindi kakayanin ng utak ko. But I want my tita to be proud of me, gusto ko ring magkaroon ng degree at mag-trabaho sa kompanya. Gusto ko rin maranasan ang magkaroon ng sariling sweldo.


Mukhang nababasa ni Paige ang nasa isip ko dahil ngumiti ito at tumango sa akin.


"We feel very left out guys, pwede bang ibang topic nalang?" Pagpuslit ni Trisha sa usapan. Grade 9 palang ang tatlo kaya hindi sila maka-relate. Napahalakhak naman kami. It was indeed a nice way to divert our attention para hindi kami malungkot.


"Summer plans nalang, anong gagawin niyo?" Nakangisi na si Myrtle.


"I'll go with my fam sa Ramontes. Matagal na kasi namin gustong libutin ang probinsya. Tapos sabi ng pinsan ko magaganda daw ang resorts doon." Sagot ni Emme with her sparkling eyes.


"Ikaw Skye? Any plans?" Ani Myrtle habang hinihimay ang chicken niya.


"My mom said that we're gonna spend our vacation sa estate namin sa Wales. Hindi ko lang alam kung tuloy pa rin 'yon."

Nagulat kaming lahat maliban kina Emme at Trisha.


"You have an estate?!" Jonas is the one who spoke for the four of us.


"You guys didn't know?" Kunot noong tanong ni Trisha.


Umiling kaming tatlo. Si Paige ay nanatili nalang tikom ang bibig. Baka alam na niya.


"So you're super rich pala? Wow Skye, we really didn't know!" Namamanghang usal ni Myrtle.


"Bakit pala naghe-hesitate ka kung tuloy ba 'yong trip niyo o hindi?" Bumalik ang tingin ni Trisha kay Skye.


"Coz my mom is pregnant with twins, maselan ang pagbubuntis niya and I don't know if it's safe for her to travel."

So her mom went through the whole IVF procedure again, that must've been really expensive. Oh well, mayaman naman sila.


"Oh congrats! Another Guevarra offspring!"

They keep on talking about it while I just listen.


"Hey," Bulong ni Paige sa akin kaya napatingin ako sa kanya. "Mag-sleepover ka na sa bahay, wala namang pasok bukas."


Nag-uusap-usap pa sila kaya humarap na muna ako kay Paige. "Hindi ko alam kung papayag si tita." I whispered back.


"I texted her, she already said yes." May kumpyansa niyang sabi sabay simsim ng coke. "And don't worry about your clothes."

I just gave her a look. Hindi ka talaga makatanggi sa kanya.


Nag-stay pa kami doon hanggang seven and when Skye's mom called, doon lang kami nagsi-uwian.


"Bye guys! See you again on Monday." Sabay kaway ni Emme. Nagpaalam na rin sina Myrtle at Jonas.


"Sa bahay na po tayo." Sabi ni Paige sa driver nung nakasakay na kami.


This will be my first time to have a sleepover after she unfriended me, I think that's the right word for it. I wonder if she still sleeps at the right side of the bed or if she still had her dreamcatcher hanged on the wall? Napangisi ako sa kaisipang iyon. Habang siya ay abala sa pagtitingin ng posts sa Facebook.


Pagdating namin sa kanila ay bumungad agad sa may receiving area ang kanyang mommy.


"I'm so glad that you're here Elise." Bumeso ito sa akin. "Nag-dinner na ba kayo?"


"Yes mom, aakyat na po kami." Aniya pagkatapos halikan ang ina sa pisngi.


"Oh by the way anak, tumawag kanina si Zaeya, remember your cousin from New York?"


Paige nodded.


"She called to inform you that she's coming home. Baka mag-stay siya sa isla nila sa Ramontes. Kung gusto mo daw sumama, just call her."


"No thanks ma." At dire-diretso na ito papuntang hagdanan. Sumunod nalang ako.


When we both entered her room, pinasadahan ko agad ito ng tingin. Ang laki ng kwarto niya, mas malaki pa ata sa nirerentahan naming apartment. She had a queen sized bed that's adjacent to an arched window. Sa kabilang side naman ay may double door made of glass, umaalon ang puting kurtina na nagtatakip dito at kitang-kita ko ang malaking terasa.


Kombinasyon ng kulay rosas at puti ang kabuuang disenyo ng silid niya. Mayroon pa itong dalawang maliit na pinto, ang isa ay sa banyo at ang isa naman ay para sa walk-in closet. Her room is too girly for me pero bagay naman sa kanya. She is spoiled by her parents and it reflects not only through her looks but also in her luxurious room.


Sinabit niya ang shoulder bag sa upuang tapat ng vanity mirror. "Kuha lang ako ng damit mo."


Naupo naman ako sa sofa at ipinatong na rin ang bag ko roon. She had a complete set of makeup. May mga posters din ng mga movie films. Tingin ko'y gusto niya talagang maging artista o hindi kaya'y maging sikat na modelo. She can also do both sa ganda niyang 'yan.


"Here," Iniabot niya sa akin ang isang puting t-shirt at asul na pyjamas. "You can change in the bathroom. Meron ding extra toothbrush dyan kumuha ka nalang." Itinuro niya ang isa pang pinto.


Tumungo agad ako doon. Iba naman ang disenyo sa bathroom. Kulay asul ang tiles, mayroon din siyang sariling bathtub at kompleto rin ang mga gamit panligo.


Pagkatapos kong magpalit at magsipilyo, lumabas na ako. Nakita ko si Paige na nakadapa na sa kama habang nakaharap sa laptop.


"I just finished chapters 6 and 7. Tatlong chapters nalang and we're done." Aniya.

Well that was fast. Mukhang mauuna kaming mag-submit. Napangiti ako.


"Ako nalang ang gagawa." Naupo ako sa gilid ng kama habang tinitingnan ang ginagawa niya. Nag-angat naman siya ng tingin sa akin.


"It's okay, I can do it." Tumayo ito at umupo sa tabi ko.


"Ako na Paige, ang dami mo nang nagawa eh" Pagpupumilit ko.


"Wag na, umupo ka lang dyan." Nag-umpisa na siyang magtipa.


"Akala ko niyaya mo ako dito para gawin 'to. Let me help you please?" Sana magwork ang pag-pout ko.


Humarap siya sa'kin at umiling habang nakangiti. "You're already helping me."


"But I'm not doing anything" Reklamo ko.


"Your presence is enough." Sagot niya.


Pinisil ko ang mga daliri ko. Oh God here comes my heartbeat again. Hindi na ako makatingin kay Paige ng diretso.


"I-submit na natin 'to by Monday."


For sure may dagdag puntos 'yon kay ma'am and Paige aims for that extra points. Lagi naman kahit sa ibang subjects. Kaya nga siguro nagta-top din siya bukod sa kaibigan kong si Jonas.


May naalala ako bigla. "Ba't nga pala hindi ka pa nagte-take ng entrance exam? Sa'n mo gustong mag-aral?"


Tumigil siya sa ginagawa 'tsaka tumingin sa akin. "I have no plans of going to college."


"Ha? Bakit? Sayang naman..." Matalino pa naman siya. She could go to any universities she likes.


"Coz I want to pursue my dreams." Matipid nitong sagot.


Yea I know, she really wanted to be seen on national television. Iyon na rin ang pinaghahandaan ng parents niya. Nakikita ko naman na isang hakbang nalang ay maabot na niya iyon. Hinihintay niya lang na maka-graduate siya ngayong taon.


"Mabuti ka pa, you already have set your goals." Napahinga ako ng malalim.


Inilapag na muna ni Paige ang laptop sa tabi para makapag-usap kami ng maayos. Sobrang lapit niya lang sa'kin and it made me feel uneasy.

Calm down butterflies, it's just Paige.


"Don't say that, marami pa tayong time. Malay mo, along the way, you'll figure it out." She tapped my hand lightly. Mas lalong naging active ang mga alaga kong paru-paro.


"You're right," I tried to suppress a smile kahit na nahihirapan ako. Her presence intimidates me. "Basta ba 'pag naging sikat ka na, 'wag mo akong ihu-who you ha?" Biro ko.


Tumawa naman siya. "Of course!" And then we both laugh.


"By the way Paige," I remembered my concern about her friends. "Bakit hindi ka na sumasama kina Stella?"


Nagkibit-balikat ito sa akin. "Ayoko lang. I like your friends better."


Naningkit ang mga mata ko, I don't believe her, napansin naman siguro niya iyon.


"Okay fine," Napasinghap ito. "Ayoko lang na sumama sa kanila after what they've done to you."


So that's the reason why. May mainit na kamay na humawak bigla sa puso ko pagkatapos niyang sabihin iyon. Pero ayokong magpadala sa sarili kong emosyon.


"But they're still your friends Paige, don't be too hard on them."


Diretso ang tingin niya sa akin. "I know what Stella and Shawn did to you, you got bruised after that, right?"

Napayuko ako at tumango.


I heard her sigh again. "Binalaan ko sila pagkatapos nong incident na 'yon. Stella was also the one who told everybody that you're a lesbian. I told them that if they do that again, ako na ang makakalaban nila."


Wala na nga sa akin 'yon. Hindi na rin naman ako naa-apektuhan.

Pero 'yong huling sinabi niya? It made me blush. Nanatili pa rin akong nakayuko, hindi ko siya kayang tignan dahil baka sumabog na ako.


"So be honest with me, nasundan pa ba ang pang-aapi nila sayo?"


Umiling ako. "H-Hindi na."


"Good," She said. "Kasi ako lang ang may karapatang gawin 'yon sayo."


Doon lang ako napatingin sa kanya. "Na saktan ako?" That's rude.


"Not to intentionally hurt you silly!" She cutely chortled. "I will always be your bully, and you're my number one target."


Hindi ko alam kung matutuwa ba ako doon or mao-offend. Pero siya panay pa rin ang hagikhik.


"Ba't ba bigla ka nalang nang-bully sa'kin no'n?" Pagbara ko sa kanya.


Hindi ko naman alam na sobra siyang naapektuhan sa sinabi ko dahil ngayon ay tumigil na siya sa pagtawa at hindi na makatingin sa akin ng diretso.


Not only that, she stood up and move her laptop on the table. Nilakasan niya rin ang aircon 'tsaka humiga na sa kama. "Let's sleep."


Napailing ako at tumabi sa kanya. I was right though, she's sleeping at the right side of the bed and she still had her dreamcatcher on the wall.


"Hey, I'm asking you." Tumagilid ako at hinarap siya. Nakadapa na ito at natatakpan ang kanyang mukha.


"Hmm" I couldn't hear her clearly dahil nag dive na ang mukha niya sa unan.


"Ba't nga nagalit ka sa'kin? Come on, tell me" Pamimilit ko.


Ilang minuto pa bago siya tumagilid at hinarap ako.

"Kasi gusto ko...kailangan ba laging may rason?" Kinagat niya ang ibabang labi.


I know she's not telling the truth.


"I know you Paige, hindi ka magiging bayolente sa'kin ng ganun kung wala namang rason, we're bestfriends remember? O baka pati 'yon ay kinalimutan mo na rin?"


She closed her eyes and pinched the bridge of her nose.

"You're the one who forgot that we're bestfriends Elise, not me." Nagpakawala siya ng isang malalim na hininga.


Kunot noo ko siyang tinitigan. Now her eyes looked sorrowful.

"Pano mo naman nasabi 'yan? Hindi ko naman –"


"It's because of Via, you liked her, right?" Her voice is laced with bitterness.


Bigla akong naguluhan. Bakit nasama si Via sa usapan?

"Yes I liked her, but only as a friend Paige. Pano naman siya nasali dito?" Gulung-gulo pa rin ako.


Sinalubong naman niya ako ng matatalim na tingin.

"Alam mo naman kung bakit diba? You said you knew everything about me? Sige nga patunayan mo 'yan sa'kin ngayon." Diin ni Paige at nahihimigan ko na ang galit sa boses niya.


Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ayaw naman niyang sabihin ang totoo. It's like she gave me a puzzle but its missing one piece.


"Just tell me everything I need to know Paige, para maintindihan kita." I begged her. Gumalaw din ako papalapit sa kanya.


"See? You don't know anything..." She looked disappointed. Para akong kinurot sa sinabi niya.


"Paige..." I held her hand. Gusto kong maayos na namin ito ngayon. Hindi ko kayang bumalik ulit kami sa dati. Hindi ko na kaya. "Ano bang ikinakagalit mo?"


Inalis niya ang kamay ko. Naupo na ito sa kama at niyapos ang kanyang binti. I did the same and I still tried to reach for her but she won't let me.


"We made a promise Elise . . ." Simula niya. "Alam mo naman nung maliit pa tayo, I really had a hard time making friends. I was a stubborn kid, I was weak, and I was severely bullied. I couldn't let anyone in because I knew they're going to leave eventually. Ganun naman lagi diba? Pag nakuha na ang gusto, aalis na. Alam kong sobrang bata ko pa para mag-isip ng ganun. But at an early age, life already showed me its ugly truth."


Damn Paige, hindi handa ang tenga ko na marinig ang mga ito.

May luha nang naka-antabay sa gilid ng kanyang mga mata. Gusto ko itong pawiin pero natatakot ako na baka mas masaktan ko pa siya.


It's true, she was bullied in school. She was hurt physically and emotionally. I witnessed all of it. We were so young and those kids who bullied her had no idea on what they were doing.


They pushed her, hid her things, threw pebbles at her, they played with her food and then shoved her head on it. Napapikit ako habang inaalala ko ang mga iyon. Masakit din kasi para sa'kin and part of me blamed myself for letting it happened.


I felt helpless before and I also didn't know what to do. Hindi ko rin masumbong sa mga guro. Ang iniisip ko lang noon ay ang sarili ko... na ayokong madamay.


Her parents were out of the country so they didn't know what was happening. Kahit ang maids na nagbabantay sa kanya ay hindi ito sinumbong. Ang nasa isip lang nila ay salbaheng bata si Paige. They all thought that she deserved it, but fuck no! She was an innocent child!


Until one day the kids locked her inside the storage room. No one knew where she was even the teachers. She went missing for 24 hours.


Hanggang kinaumagahan, pagpasok ko ng paaralan ay nakita ko ang isang upuan na nakaharang sa may doorknob. Inalis ko ito at binuksan, only to find Paige curled up inside crying. It was so dark and she was shaking out of fear. Magang-maga na ang kanyang mga mata. Sobrang dungis din niya.


And because I was still a kid and seeing someone cry, made me cry too. Parehas kaming umiyak noon.


Niyakap niya ako ng sobrang higpit...sobrang higpit na para bang humuhugot siya ng lakas mula sa akin dahil hindi na niya kayang tumayong mag-isa. She was so weak that I had to stand still for the both of us.


Hinding hindi ko 'yon makakalimutan. Dahil 'yon din ang araw na ipinangako ko sa sarili ko na hindi ko na siya iiwanan. I will not let her out of my sight again. I will protect her no matter what. Itinatak ko rin sa utak ko na simula sa araw na 'yon, hindi lang sarili ko ang iisipin ko, I have to think about Paige too.


Simula no'n, hindi na kami mapaghiwalay. Maaga akong nagigising para salubungin siya sa umaga. Lumipat ako ng upuan katabi niya. Pinapagawan ko rin siya ng sandwich kay tita, at kapag recess ay sabay na rin kaming kumain.


They still threw pebbles at her pero niyayakap ko siya para hindi siya matamaan. May nasuntok na rin akong bata dahil itinapon nito ang bag ni Paige sa basurahan.


Hindi nagtagal, huminto na rin ang pagbubully sa kanya. Her parents went home and then they fired the maids immediately. Pinagamot din nila ang mga natamong sugat ni Paige sa katawan. Her mom and dad got so angry that they even sued the teachers and filed a case against the school. Kaya inilipat kami ni Paige sa paaralang malapit sa village nila.


Doon na rin nagsimula ang magandang pagkakaibigan ng mommy niya at ng tita ko.

Paige and I started making our promises... and I remembered everything now. Napalunok ako ng ilang beses. Naalala ko na. Alam ko na kung saan nag-umpisa ang lahat!


Damn! Kaya naman pala matindi ang galit niya sa'kin!

Fuck it's all my fault. I was responsible for all of it. I deserved to feel her wrath.


"Paige..." Inabot ko ulit ang kamay niya pero iniwas niya ito sa akin.


Tinuro-turo niya ako. "Ikaw, damn you Elise! Hinayaan kitang makapasok sa mumunting mundo ko. I let you in because I knew you were different, you're not like anybody else. Pero maling-mali ako!" Marahan niya akong itinulak pero sinalo ko ito.


"Paige!" Ikinulong ko ang mga kamay niya at niyakap siya ng mahigpit. Panay pa ang palo niya sa akin pero wala na akong pakialam kahit masaktan pa ako.


"I'm so sorry..." Hinalikan ko siya sa may sintido. "Kasalanan ko... Kasalanan ko... I'm so sorry Paige..."


Naramdaman ko na ang tuluy-tuloy na pagpatak ng kanyang mga luha.


"But I have to tell you Paige, Via is just a friend, wala siyang kasalanan. And her sister..." Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at tinitigan siya sa mga mata. "Her sister was sick that time Paige, I'm so sorry for leaving you because of this. Nagkataon lang na binisita namin si lolo noon and then I met Claire, she was a cancer patient."


Tumigil siya sa paghikbi habang mariin pa ring nakatitig sa akin.


"She was dying, and I was her only friend aside from her sister. Sorry kung nawalan na ako ng oras sayo noon. I was so depressed that time knowing that a girl I just met died of cancer... hindi ko kinaya." Kusa nang lumalabas ang mga luha sa mata ko. "I lost a good friend Paige, and then after a month, I lost my grandfather too..."


Now she's the one who's hugging me back. I can't remember the last time I cried like this, ang naaalala ko lang ay ang intensidad ng sakit... and so far, the most painful one I had was when I found her inside the storage room, locked up like an animal, as helpless as an innocent child.


"It's all my fault." Pagsisi ko sa sarili. Mas lalong humigpit ang yakap niya sa'kin.


"I broke our promise Paige," Mas lalo akong napaiyak. "I picked someone up along the way."


Dinampian niya ng halik ang aking noo. "It's okay. Now I understand, you don't have to say sorry Elise."


"But I have to, dahil napabayaan kita..." Hikbi ko. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may nangyari sa kanya noon. She was bullied and weak pero iniwan ko pa rin siyang mag-isa.


Umiling lang siya habang umiiyak. "Dapat ako ang mag-sorry, kasi wala ako nung mga araw na kailangan mo ng karamay. You lost a friend, you lost your grandfather... and then your father," Mas lalo siyang humagulhol.


"It must've been so painful for you, but I was not there when you needed me... I'm sorry."


We're both crying now.

Naalala ko tuloy nung natagpuan ko siya sa storage room noong mga bata pa kami.

Parehas kaming umiyak dahil ramdam ko ang sakit na dinanas niya.

Ngayon, parehas kaming umiiyak dahil ramdam namin ang sakit na dinanas ng isa't isa.


Kumalas siya sa pagkakayakap at pinagsiklop ang mga kamay namin.

"Just don't leave me again..."


Dinampian ko ng malamyos na halik ang kamay niya.

"I promise." And this time, I won't break any more promises.

Continue Reading

You'll Also Like

50.7K 2.4K 22
Mau Benedicto is an amateur actress and is picked to play a major role in a Filipino film. And on the said project, she was casted with the veteran s...
370K 10.4K 36
COMPLETED Night Klaye Collins FIRST time niyang masampal pero ano ang gagawin niya kung magiging FIRST love niya ito? Shyle Dorothy Hermosa Hindi p...
3M 77.3K 18
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
428K 15.9K 23
Zaeya Louise Ramontes came from a high-class family. Dala niya ang pangalan ng isang kilala at makapangyarihang pamilya. But when Zoe decided to take...