Chasing the Vampire Prince

By snowqueencel

7.1K 396 441

• Chasing the Vampire Prince (Novel) • Vampire Prince Series #2 Being born into the family of a vampire hunte... More

Chasing the Vampire Prince
Welcome to Clarkson Academy
Prologue
Chapter 2: The Persistent Vampire Hunter
Chapter 3: Hunter's Association
Chapter 4: First Hunt
Chapter 5: The Transfer Student
Chapter 6: Curiosity Kills
Chapter 7: Thinking of Her
Chapter 8: Joint Mission
Chapter 9: The New Girl
Chapter 10: Part of Him
Chapter 11: Something About Her
Chapter 12: Kidnapped
Chapter 13: Hunter in Distress
Chapter 14: The Hidden Mansion
Chapter 15: Between Past and Present
Chapter 16: Closure
Chapter 17: Not Again
Chapter 18: Challenge Accepted
Chapter 19: I Never Thought
Chapter 20: The Prince's Hunter and Protector
Chapter 21: The Welcome Night Party
Chapter 22: Somebody to Lean On
Chapter 23: The Symptom

Chapter 1: The New School Year

540 26 125
By snowqueencel

Chapter 1: The New School Year

Ice Ashton’s POV

Napatingin ako sa maliit at bilugang orasan na nakapatong sa ibabaw ng dashboard. Mahigit isang oras na rin akong nagmamaneho at ala-sais pa lang ng umaga. Ayoko sanang umaalis ng sobrang aga pero wala naman akong magagawa.

Napahigpit ang hawak ko sa manibela nang sa wakas ay tumambad sa ’king paningin ang malawak na kakahuyan at mga nagtataasang puno. Ilang minuto na lang at malapit na kami sa destinasyon namin.

Hindi ko napigilan ang mapasulyap sa babaeng katabi ko. Napakunot ang aking noo nang mapansin na hindi pa rin naaalis ang ngiti sa kanyang mga labi. Well, she’s been smiling since we left our house earlier.

“Seriously, Flame, you’ve been smiling through the whole ride. You’re creeping me out already.”

Ibinaba niya ang bintana sa tabi niya bago idinungaw ang ulo sa labas at nakangiting nilanghap ang sariwang hangin.

“What’s wrong with me smiling, Kuya? Isa pa ay magsisimula na naman ang panibagong klase ngayong taon kaya sobrang excited na ako!”

Napailing ako. “You’re always excited, you know. Samantalang wala namang ibang nabago bukod sa mga subjects natin.”

Sa pagkakataong ’yon ay nakasimangot siyang lumingon sa ’kin. Finally, the smile on her face is totally gone.

“So? Isa pa ay nakagagaan din sa pakiramdam ang pagngiti. Try mo rin kaya kahit minsan lang para sumaya naman ang buhay mo, Kuya.”

I shrugged. “I don’t need to smile just to show everyone that I’m happy. Basta masaya ako at ’yon ang isang bagay na sinisigurado ko sa ’yo. I don’t give a damn about what the others think of me.”

Natahimik naman siya. But I can see through my peripheral view that she’s making faces.

Ang isip bata pa rin talaga niya hanggang ngayon. Sabagay ay bata pa naman talaga ang kapatid ko para sa ’kin.

She’s currently a grade ten student, while I’m a grade twelve student. Isang taon na lang at sa wakas ay makakaalis na ako sa academy.

It’s not as if I didn’t want to be there. Pero alam ko na mas magiging payapa ang buhay ko sa oras na makapagtapos na ako.

A few more minutes have passed, and I already saw the tall golden gates of the Clarkson Academy.

Based on the story that our parents have told me, Clarkson Academy is open to everyone. But after the battle that happened nineteen years ago, they changed that rule.

Sa ngayon ay tanging ang mga vampires, witches, protectors at vampire hunters na lang ang puwedeng mag-aral dito. Kaya wala na kaming kailangan pang itago sa bawat isa. Nakagagalaw na ng malaya ang lahat. Hindi na namin kailangan pang mangamba na baka may madamay na inosente at walang kamalay-malay na tao sa oras na magkaroon ulit ng gulo.

As time went on, the four groups managed to get along well with each other. Pero may mangilan-ngilan pa rin na ilag sa lahi namin.

Lalo na sa panig ng mga vampire hunters.

I came back to my senses when the gates suddenly opened. Mula rito sa labas ay matatanaw ang malaking shield na pumoprotekta sa buong academy na hindi makikita ng isang normal na tao. Ginawa ito ng mga white witches para magsilbing proteksyon laban sa mga kaaway na magtatangka na sumugod dito. Nagkalat din ang royal guards sa paligid na siya namang nagbabantay at nagsisiguro sa kaligtasan ng mga estudyante.

Mabilis kong pinaandar papasok ang aking kulay pulang Lamborghini at itinigil ito sa parking lot na nakalaan para lang sa ’ming mga royalties.

I got out of the car and took off my sunglasses before I walked around to the passenger side. Nang mapagbuksan ko ng pinto ang aking kapatid ay nagtatatalon siya paglabas.

Bahagyang tumabing sa kanyang maamong mukha ang kulay pula at maalon niyang buhok. Pero hindi ito sapat para matakpan ang kulay tsokolate naman niyang mga mata. Pareho rin kaming may maputla na balat at halos hindi nagkakalayo ang tangkad naming dalawa.

Hindi ko na lang pinansin ang pagiging energetic niya at inilibot ng tingin ang paligid. Mangilan-ngilan pa lang ang mga estudyante na nakikita ko rito.

The summer break has just ended. Unang araw pa lang ng pasukan kaya paniguradong marami pa rin ang hindi nakakabalik mula sa kani-kanilang mga bakasyon.

Natigilan naman kami pareho at sabay na napalingon sa tatlong kotse na magkakasunod na dumating at humilera sa ’min.

“What a nice day!”

Shin Parker, our cousin on the mother’s side, stretched his hand as he went out of his car. Magulo ang kulay blonde niyang buhok na tila hindi man lang nasuklayan. Lalo namang sumingkit ang kanyang mga mata sa pagkakangiti niya.

“Nice day, my ass! I will surely tell Mom and Dad what happened!”

Sherwood Parker, Shin’s twin sister, came out with two paper bags in her right hand. Hindi ko pa man nakikita ang laman nito ay alam ko ng candies ang nasa loob nito.

Hinawi naman ng kaliwang kamay niya ang mahaba at kulay blonde rin niyang buhok na tinatangay ng hangin. Pagkatapos ay ang kanyang bangs naman ang pinagtuunan niya ng pansin.

“Hey, Kuya Shin! What did you do again this time to make our princess here scrunch her face?”

Harry Collins, our second cousin on the father’s side, laughed as he draped his arm around Sherwood’s shoulder. The latter glared at him.

Agad naman niyang itinaas ang dalawang kamay tanda ng pagsuko. Pero kitang-kita pa rin sa kanyang kulay berdeng mga mata ang kapilyuhan.

“Woah! Chill!”

“Mga Ate at Kuya! Pupunta na po ako sa kuwarto ko!”

Candice Clarkson, our second cousin on the father’s side as well, interrupted and waved goodbye. She’s the youngest among the group.

“Wait up, Candice! I’ll go with you!” Flame called out to her. But before she could even run away, she turned her back and looked at Sherwood.

“Ate! Pahingi ako mamaya, ah!”

Tumango naman ito sa kanya at ngumiti. “Sure.”

“Hey! Dining hall at 7 am!” I shouted to the two of them while pointing at my watch. They both nodded before turning their backs and running away.

Doon ko lang napansin na dumarami na pala ang mga estudyante na nakapaligid sa ’min. Actually, most of them are looking in Shin and Harry’s direction, who are now both grinning from ear to ear while waving their hands like idiots. These two really love attention. Especially from girls.

“Playboys!” Sherwood rolled her eyes as she flipped her hair and started to walk away. Awtomatiko namang nahawi ang mga estudyante para makadaan siya.

“I’ll go ahead, too. See you later in the dining hall,” paalam ko kina Harry at Shin. Pero hindi na nila ako pinansin pa dahil may mga babaeng nakapalibot na sa kanila ngayon.

I grimaced. Sa kakasama ni Harry kay Shin ay nagiging babaero na rin tuloy ang isang ’to. Sabagay, sa pagkakaalam ko ay babaero rin si Uncle Hiro rati.

I started to walk away with my hands buried in my pocket. The crowd gave me a way as well. But I stopped in my tracks when I felt that someone was staring at me.

Well, most of them are actually looking at me. But I can feel that there is this certain someone who is looking intently in my direction.

I roamed my eyes around to find whoever it was.

Then my eyes met hers.

I knew it. This girl is really weird. She’s some kind of stalker.

Agad akong nag-iwas ng tingin at nagpatuloy sa paglalakad.

Halos isang taon na naman akong magtitiis sa presensya niya. Matapos lang talaga ang buong school year na ’to ay paniguradong hindi ko na siya makikita pa.

***

“Hey, bro! Kailan nga pala ang uwi ni Yuki?”

Natigilan ako sa pagkain at napaangat ng tingin kay Shin. “Sa susunod na araw ata,” hindi ko siguradong sagot sa kanya.

“Oh. Mukhang napamahal na talaga sina Auntie Miley sa Australia, ah,” Harry commented. “Tuwing summer tuloy ay umuuwi si Yuki roon.”

I shrugged. “Yeah. But Yuki preferred to stay here, though. Alam n’yo naman ang isang ’yon. May pagka-independent.”

“Ganoon din naman si Uncle Kira rati, ’di ba? Parang si Dad lang. Nasa ibang bansa ang parents nila habang nandito sila,” dagdag pa ni Harry habang abala siya sa pagtitipa sa phone niya.

“Mga Kuya!”

Sabay-sabay kaming napalingon sa mga bagong dating.

“What took you so long? Nauna na kaming kumain. Gutom na kami, eh,” Shin said as he took a bite of his sandwich.

Iginala ko ang paningin sa loob ng dining hall. Halos kasing laki ito ng function hall kung saan madalas na ginaganap ang mga programa ng academy. Gawa sa kahoy ang mga upuan at mesa rito, pati na rin ang sahig. May chandelier din na nakasabit sa mataas na kisame.

Our table is located in the center. Tanging kami lang ang puwedeng umupo rito. If I’m not mistaken, this used to be our parents place too.

“Ang sabihin mo ay matakaw ka lang talaga! Saka isa pa ay hindi ko pa rin nakakalimutan ang ginawa mo kanina!” Sherwood crossed her arms.

That made me curious. “Ano na naman ba kasi ang ginawa mo, Shin, para umusok ang ilong ng isang ’to?”

Shin shrugged. “Wala naman. Para hinalikan ko lang sa pisngi ang cashier doon sa candy store na binilhan namin kanina, eh. It’s no big deal.”

If looks could kill, I bet Shin is already lying hopelessly on the ground, given the way Sherwood is glaring at him now.

“No big deal? Like, what the hell? Ang babaero mo talaga!”

Bago pa man tuluyang mag-away ang dalawa ay nagkanya-kanya na kaming tayo at prisinta para bilhan sila ng pagkain.

“Insan.”

Napalingon ako kay Shin nang bigla niya akong tapikin sa balikat habang naghihintay sa order namin.

“What?” I asked, bored. Kumunot naman ang noo ko nang mapansin na tila may nginunguso siya sa kung saan.

Dala ng kuryosidad ay sinundan ko ng tingin ang itinuturo niya. My eyes landed on a familiar set of golden eyes.

She was standing at the entrance of the dining hall when she smiled at me. I just shook my head and looked away.

“Man, that’s rude. When a girl smiles at you, you should smile back.” Shin has a disapproving look on his face.

“Oo nga, Kuya Ice! Mukhang patay na patay talaga sa ’yo ang hunter na ’yon, ah.” Harry wiggled his eyebrows.

I just kept my poker face on. “Yeah, whatever. Kung gusto n’yo ay kayo na lang ang mag-entertain sa kanya. Matutuwa pa ako dahil malaki ang maitutulong n’yo sa ’kin.”

Nang makuha na namin ang mga order namin ay mabilis kaming bumalik sa puwesto namin.

“Sige nga, insan. Patingin muna kung paano ka matutuwa.” Shin keeps bugging me. His eyes were filled with amusement.

I looked at him with a blank expression. “There. Happy?” I said sarcastically.

“What’s going on?" Sherwood asked with her brow raised. Sina Flame at Candice naman ay maang lang na nakatingin sa ’min.

Harry chuckled. “Oh, it’s nothing, our princess.” Akmang aakbayan niya si Sherwood nang bigla itong lumingon sa kanya at binigyan siya ng masamang tingin.

“Chill. Ang aga-aga ang init ng ulo mo masyado.”

Napapantastikuhan akong napatingin kay Harry. Tinatawag naman niya kaming Kuya ni Shin. Pero hindi ko maintindihan kung bakit hindi niya tinatawag na Ate si Sherwood. He usually called her Princess.

Sherwood rolled her eyes, and before they could even start a new fight, I had already pushed them to eat.

Kanina ko pa nararamdaman ang matiim na titig ng mga estudyante na nakapaligid sa ’min. But we just shrugged it off. Sanay na rin naman kami.

I was busy murdering the pasta on my plate when, out of nowhere, I heard a loud splash.

“What the hell!”

Mabilis akong napatayo at agad na niyuko ang basa kong damit. Natigilan ang lahat ng nasa dining hall at napatingin sa direksyon namin. Bakas ang takot na ekspresyon sa kanilang mga mukha.

Nanlilisik ang mga mata kong napatingin sa babaeng may kasalanan kung bakit napuno ng juice ang polo ko. Wala talagang kinakatakutan ang isang ’to!

“Sorry! Let me help you!”

I looked at her in disbelief because she didn’t sound sorry at all. Kumuha siya ng tissue mula sa mesa namin at mabilis na lumapit sa ’kin para punasan ang nabasa kong damit at braso.

Pero agad ko siyang itinulak palayo. Doon ko lang napansin ang dalawa niyang kaibigan na palagi niyang kasama. Mahigpit siyang nahawakan ng mga ito sa magkabila niyang braso.

“No need. I can take care of myself.” Hindi ko na siya hinayaan pa na makapagsalita at madilim ang mukha ko na umalis sa dining hall.

Pasimula pa lang ang araw ko pero nasira na agad. Thanks to that annoying hunter girl.

Palagi na lang siyang nakabuntot saan man ako magpunta, o ’di kaya ay madalas na nakatanaw mula sa malayo. Mahilig din siyang mag-iwan ng kung anu-ano sa locker ko, o ’di kaya ay sa ibabaw ng mesa ko. Kaya naman ay ganoon na lang ang nararamdaman kong iritasyon sa kanya.

Ang lahat ng ’yon ay pinalampas ko. Pero sa pagkakataong ito ay sisiguraduhin kong magbabayad siya. No one messes with Clarkson and gets away with it.

Bago pa man ako tuluyang makalabas ay hindi nakaligtas sa pandinig ko ang malakas na tawanan nina Harry at Shin. Humanda rin ang dalawang ’yon sa ’kin mamaya!

Tinahak ko ang daan patungo sa dormitory building namin. But the moment I felt a familiar presence behind me, I immediately stopped in my tracks. She did the same thing.

“Stop following me.”

I was about to step forward again when I heard her footsteps.

That made me turn around and give her a cold stare. “I said, stop following me! What the hell do you want?” I shouted, but she didn’t even flinch.

Fuck!

A playful smirk formed on her lips as she slowly strided towards me.

Hindi sa pagmamayabang pero alam ko na marami rin naman ang may gusto o humahanga sa ’kin dito. But this girl in front of me is different. She’s bold and persistent. Ni hindi man lang siya nagpapakita ng kahit katiting na takot sa presensya ko. Samantalang ang iba sa kanila, kahit mga bampira, makita pa lang ako ay sila na ang kusang lumalayo.

Her overflowing confidence annoys the hell out of me. Damn it!

“Are you seriously asking me that question?” Tila nang-aakit ang boses niya bago malayang pinaglandas ang daliri sa braso ko nang makalapit siya sa ’kin.

Tila nagsitayuan naman ang mga balahibo ko nang dahil sa ginawa niya. That made me take a step back. Bahagya akong natigilan nang may bigla akong naramdamang kakaiba sa simpleng pagdantay lang ng daliri niya sa balat ko.

But no. I shouldn’t let her succeed in whatever she is trying to do.

Sinubukan kong basahin ang nasa isip niya pero pinanatili niya lang itong blangko.

Damn this woman!

“Oh, you’re using your power on me, I see. Pero baka nakakalimutan mo na mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng kakayahan natin dito sa academy. Well, not unless it’s the finals week of the last grading period.” Her golden eyes glistened in mischief.

Hindi ko na lang siya pinansin at agad na tumalikod para umaalis. Nanlalagkit na ako nang dahil sa suot ko at baka ano pa ang magawa ko sa babaeng ito sa oras na magtagal pa ako rito.

“You’re asking me what I want, right?”

Hindi ako umimik at nagpatuloy lang sa paglalakad.

“Well, I want you. I want you, Ice Ashton Parker Clarkson!”

I was rooted in place because of what she said. I then closed my eyes, trying to calm my nerves. Mabuti na lang at kaming dalawa lang ang nandito ngayon at walang ibang nakasaksi sa nakakahiya niyang pagsigaw.

It’s not the first time she’s shouted that she wants me. But this time, I have enough.

In the blink of an eye, her face is just an inch away from mine. She looked dumbfounded with her eyes wide open because of what I did.

I wrapped my right arm around her waist and pulled her closer to me. Napangisi ako nang makitang napalunok at natulala siya.

Finally, I got her affected by my presence. I then leaned forward and whispered behind her ear.

“I’m sorry to disappoint you, but the feeling is not mutual.”

I didn’t wait for her to respond when I let her go and turned my back to walk away. This is too much for the start of the new school year.

Continue Reading

You'll Also Like

348K 18.3K 30
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
140K 2.7K 21
Duke & Izza