Teen Clash (Boys vs. Girls)

By iDangs

174M 3.7M 1M

Sa Kingdom High kung saan magkakaaway ang mga lalaki at babae, posible bang may mabuong relasyon at pagkakaib... More

Teen Clash: Boys vs. Girls
Prologue
Chapter 1: The Story Begins
Chapter 2: Second Encounter
Chapter 3: Teen Clash?
Chapter 4: Kingdom High
Chapter 5: About The Boys
Chapter 6: Thank you saan?
Chapter 7: Nice Girls No More
Chapter 8: Akin 'tong libro
Chapter 9: Palabok
Chapter 10: Let the games begin!
Chapter 11: Akala ko pa naman
Chapter 12: Laptop
Chapter 13: Forever is just a word
Chapter 14: Guidance
Chapter 15: Savior
Chapter 16: Kiss/Locked
Chapter 17: Other side of the story
Chapter 18: Girl in the Music Room
Chapter 19: Manager Ry
Chapter 20: End of the world
Chapter 21: Walking in the Rain
Chapter 22: Seven Rules
Chapter 23: Lunch
Chapter 24: Kasi wala lang
Chapter 25: Back off
Chapter 26: I'm here for you
Chapter 27.1: Ice
Chapter 27.2: Ice
Chapter 29: Usapang lovelife
Chapter 30: Tipo ni Zoe
Chapter 31: Weird
Chapter 32: Bakulaw
Chapter 33: Lover's Quarrel
Chapter 34: Blush
Chapter 35: Stay Close, Don't Go
Chapter 36: Truth or Dare
Chapter 37: Love Has No Reason
Chapter 38: Contest
Chapter 39: Too Late
Chapter 40: Payo ni Ayu
Chapter 41: Asungot
Chapter 42: Kukunin ko siya
Chapter 43: Untitled
Chapter 44: No way
Chapter 45: Phone call
Chapter 46: C.R. lang ako
Chapter 47: Mall
Chapter 48: Curious
Chapter 49: Sana
Chapter 50: Debate
Chapter 51: Deny
Chapter 52: Double Celebration
Chapter 53: Walk out
Chapter 54: Bitter
Chapter 55: Words and Actions
Chapter 56: Girl Talk
Chapter 57: Rule breaker
Chapter 58: Ikaw lang
Chapter 59: Christmas Party
Chapter 60: Text/Reply
Chapter 61: Skype
Chapter 62: No title
Chapter 63: Alex and Eunice
Chapter 64: The truth
Chapter 65: So In Love
Chapter 66: Last Chapter
Epilogue
Super Random Special Chapter
Teen Clash Playlist ♫
Book 2 and Other Stories
Teen Clash Book
Teen Clash 2 Book

Chapter 28: Piggyback Ride

2.4M 51.4K 14.2K
By iDangs

Josh's Point of View


"Good game, Josh," bati sa akin ni coach habang ang mga teammates ko ay nakipag-apir naman sa akin. Kakatapos lang ng practice namin sa basketball.

Naligo ako at nagpalit ng damit saka dumiretsyo sa room ng dance club. May practice kasi kami para sa contest ngayon at dito ang usapan namin kung saan magkikita kita.

Nagsasayaw pa sila nang makarating ako. Sumandal muna ako sa may pinto at pinanood sila. Hmm. Not bad. Magagaling naman palang magsayaw 'tong mga 'to.

Nang makita ako ni Xander at Yannie ay lumapit sila sa akin.

"Kanina ka pa?" tanong ni Xander habang nagpupunas pa ng pawis.

"Hindi naman."

"Saglit na lang Josh . Tinuturuan pa kasi si Sab ng steps niya," sabi ni Yannie.

Kahit kailan talaga pa-espesyal 'yang si Sab. Tsk.

"Yo! Tapos na ba kayo mga people?" sulpot ni Zoe habang patalon talon na lumalapit sa amin. Hyper as always. Nakasunod naman sa kanya si Ice. Oo nga pala. Magkaclub nga pala sila.

"Yup. Si Sab na lang," sagot ni Yannie.

"Si Ken at Ayu pa."

"I-try daw nilang humabol. Nagrereview sila ngayon. Next week na kasi 'yung quiz bee."

"Wait lang, guys. Mag-aayos lang kami doon. Tara, Yannie," sabi ni Xander sabay hila sa kamay ni Yannie. Psh. Hindi naman kalayuan ang pupuntahan naghoholding hands pa.

Umupo naman kaming tatlo sa sahig at nanood lang sa pagsasayaw ni Sab. Hindi naman matatanggi na magaling siyang sumayaw pero syempre anong pakialam ko. Basta para sa akin ay makulit at mataray siya.

"Galing magsayaw, ano?" siko sa akin ni Zoe. Hindi ko na lang siya pinansin. Nasisiraan na naman ng bait 'to. Lagi akong tinutukso kay Sab. Asa naman siya. "Suplado naman. Padeadma deadma pa. Alam mo kasi Josh – "

"Nako, Zoe. Tutuksuhin mo na naman ako d'yan sa kaibigan mo. Kita mong lagi kaming nag-aaway kaya imposible 'yang iniisip mo. In your dreams."

"Malay mo naman kasi. The more you hate, the more – "

"Magtigil ka, Zoe. Bakit ba kasi hindi na lang si Ice 'yang asikasuhin mo? Matutuwa pa yan," biro ko sa kanya pero obviously hindi niya narinig.

"Oh no, Sab!" sigaw ni Zoe kasi biglang natumba si Sab habang nagsasayaw.

Napatayo naman kami sa sigaw niyang 'yun. Nilapitan ako ni Ice at binatukan. Sinamaan niya ako ng tingin, "Magdaldal ka pa malalagot ka na." Okay, hindi na nga. Mukhang galit na si Ice. Ayoko na. Nakakatakot magalit 'to.

"Ma'am, uuwi na po si Sab?" dinig ko namang tanong ni Zoe sa dance club moderator. Nandoon na pala siya katabi ni Sab pati si Xander at Yannie.

"Yes, pauwiin niyo na siya. Baka mamaga pa ang paa niya. Namali kasi ata ang bagsak. Pacheck up niyo na rin para sure." Bakit kaya hindi siya ang nagpacheck up since sya 'yung teacher? Tamad naman nito.

Tumango naman si Zoe sa kanya, "Hoy, Josh! Tara dito."

Tinuro ko muna sarili ko, "Ako?"

"Malamang. Sino pa ba ang Josh dito?"

"Bakit ba kasi?" tanong ko nang makalapit na.

"Alalayan mo si Sab."

"Bakit ako? Ikaw na lang. O kaya si Yannie."

"Hoy, Zoe! Bakit sa bakulaw na 'yan pa?! Nandyan ka naman," singit ng bwisit na si Sab.

"Asa ka naman na makaya kita. Baka mainjured ka lalo sa akin."

"Ayan naman si Xander. O kaya si Ice."

Lumapit naman si Xander kay Sab at sinubukang alalayan patayo. Nakatayo sila pero bumagsak din ulit.

"Ouch," sabi ng dalawa na nakasalampak ngayon sa sahig.

Inalalayan naman namin sila, "Sorry, Xander, nahila pa kita pababa. Hindi ko pala kasi kayang tumayo."

"Okay lang. Ako nga ang dapat magsorry. Bugbog ako sa practice kaya medyo ngawit pa."

"See, Josh. Buhatin mo na." Ugh. Ang kulit ni Zoe.

"Hoy, Zoe. Ayan pa si Ice. Siya na lang pwede?" tanong ni Sab. Choosy pa. Kung ayaw niyang ako ang magbuhat sa kanya, mas ayaw ko namang buhatin sya.

"Ayan naman si Josh. Bakit ba – " Hindi natuloy ni Zoe ang sasabihin niya nang kaladkarin na siya ni Ice palabas ng room.

"Sa parking lot na lang." sabay taas ni Ice ng isang kamay niya habang hawak pa rin si Zoe sa isa pa niyang kamay.

Paraparaan si Ice oh. Nagpaparamdam na ba si pareng torpe?

"Bili lang kaming tubig. Sunod na lang kayo sa parking," paalam naman ni Xander at lumabas na ng room na kaholding hands pa rin si Yannie.

Uso ba talaga holding hands ngayon? Kabwisit mga taong 'to.

No choice. Umupo ako ng kaunti para pantayan si Sab. Nakaupo pa rin siya sa sahig hanggang ngayon.

"Tara na," sabi ko at hinila 'yung isang kamay niya para ilagay sa balikat ko habang hawak hawak ko naman ang bewang niya.

"A-aray."

"Tsk," binitiwan ko naman siya at yumuko ulit. "Sakay."

"Huh?"

"Sakay na kako."

"Pero kasi – "

"Sumakay ka na lang, Sab. Huwag ka nang makipagtalo."

Sumakay din naman siya. Himala at hindi nga nakipagtalo 'to ngayon. Siguro naman nahihiya siya na binubuhat ko siya ngayon. Aba, dapat lang.

Tahimik lang kaming dalawa. Hindi nag-aaway. Hindi nagtatalo. Hindi nagsisigawan. Nakakapanibago for short. Ito ba ang epekto ng namamagang paa kay Sab?

Sa totoo lang medyo mabigat din 'tong si Sab. Kung titingnan mo mukhang ang gaan pero hindi pala. Goodluck na lang pala sa akin. Third floor pa 'to.

Tahimik lang kami hanggang sa marinig ko ang mga salitang never ko naimagine na sasabihin sa akin ni Sab.

"Thank you, Josh." halos pabulong na sabi niya. Tumango na lang ako bilang sagot. Baka bawiin niya pa kapag nagsalita ako.

Kathimikan. Ilang minuto na kaming naglalakad at tahimik na naman. Nasa second floor pa lang kami. Bakit ba kasi nasa dulo pa 'yung room ng dance club? Parang napakalayo tuloy nitong nilalakad ko.

"Hoy," tawag ko sa kanya ng hindi ko na kayanin ang katahimikan. Pero walang sagot.

"Hoy, Sab." Ayaw talaga? Ano na namang problema nito?

"Sabrina Fortalejo." Tsk. Deadma.

Ano bang trip nito? Pauga-uga pa 'yung ulo niya. Nauuntog na sa akin.

Nagulat na lang ako nang biglang pumatong 'yung ulo niya sa balikat ko. "Hoy, Sabrina, ano ba?" Pinilit kong tingnan siya. Kaya naman pala. Nakatulog na. Bilis naman.



***

Ice's Point of View


Nang makarating na kami sa parking lot, sa tapat ng van na gagamitin namin, binitiwan ko na si Zoe.

"Ano... ba ang trip... mo, Ice?" tanong ni Zoe na hinihingal pa.

"Ginawan lang kita ng pabor. Gusto mong si Josh magbuhat kay Sab 'di ba? Kaya hinila na kita para hindi ako ang magbuhat sa kanya."

Medyo nakayuko siya at nakahawak sa tuhod niya. Sobra ata siyang napagod sa paglalakad. Sabagay tatlong floors din 'yun.

"Thank... you."

Lumapit na ako sa kanya, "Okay ka lang ba?" Nagthumbs up siya pero halatang hinihingal pa rin.

Nakita ko naman na paparating si Xander at Yannie. Tumakbo ako palapit kay Xander at hinila 'yung bote ng tubig na hawak niya. Buti di pa bukas. "Hoy, akin 'yan!" sigaw ni Xander pero hindi ko siya pinansin at tumakbo lang pabalik kay Zoe. Inabot ko sa kanya 'yung tubig. "Here."

Ininom niya naman 'yun pagkatapos ay nagsalita na ulit. "Thanks! Grabe. Napakalaki naman ng steps mo. Halos mapatakbo na ko."

Dahil pala sa akin kaya siya hiningal ng ganu'n. I feel bad. "Sorry."

Hinampas niya ako sa braso ng mahina at tumawa, "Okay lang. I'm just kidding. Ito naman."

"Hoy, Ice! Bakit ka nangunguha ng tubig?!" Lapit sa akin ni Ken. Parang ayun lang naman.

"Para kang ewan, Xander. Tubig lang eh. Ito na lang. Hinidi ko naman naubos," sabi ni Yannie at inabot yung tubig niya kay Xander.

Pumasok na ng van si Yannie at Zoe. Si Xander naman ay tumabi at umakbay sa akin. "Thank you na rin pala at kinuha mo tubig ko. Binigay tuloy ni Yannie sa akin 'yung kanya. Parang nag-indirect kiss na tuloy kami," sabi niya sabay inom ng tubig. Utak talaga ni Xander. Tsk tsk.


***

Ken's Point of View


"End of thinking capacity," biglang sabi ni Ayu habang nag-uunat. Napatingin naman ako sa kanya. "This is so stressful," subsob pa niya ng mukha niya sa lamesa.

Nasa library pa rin kami hanggang ngayon. Halos magsisix na pero nag-aaral pa rin kami dito.

"Let's end our review here," sabi ko sa kanya. Inangat naman niya kaagad 'yung ulo niya, tumingin sa akin at ngumiti ng pagkalapad lapad.

"Sa wakas. Tara na! Magpractice na lang tayo para sa contest."

Para sa isang grade conscious hindi ko ineexpect na ganito pala siya. May pagkatamad din. It's cool to be honest.

Nang lumabas na kami ng library ay medyo madilim na. Tahimik lang kaming naglalakad palabas ng school.

"Ken," tawag niya sa akin kaya napatingin ako sa kanya. Huminto siya sa paglalakad kaya napahinto rin ako. Nakatingin siya sa akin ng diretsyo parang kinakabisa ang bawat anggulo ng mukha ko. Napalunok na lang ako sa inaasta niya ngayon.

"Hmm?" Ayan lang ang nasabi ko. Ewan ko pero bigla akong kinabahan.

Medyo lumapit pa siya ng konti sa akin. Lalo akong kinabahan. Takte! Ano bang problema ko at natataranta ko.

"Gwapo ka nga... pero nasasawa na ko sa pagmumukha mo," sabi pa niya at saka nag-iihit ng tawa.

Hindi ko maintindihan?

"H-ha?"

"Kahapon, kagabi, pagpasok, sa room, recess, lunch, dismissal, review, pauwi at kahit pagdating ko sa amin mukha mo ang nakikita ko. Two whole days na kitang kasama." Nakahinga naman ako ng maluwag. Malakas din trip ni Ayu.

"Ah, ganu'n? Nagsasawa ka na pala sa mukha ko. Sige, hindi na ko apupunta sa inyo. Magsosolo practice na lang ako sa amin tutal solo performance lang din ako." Pagbibiro ko sa kanya at nauna nang maglakad.

Humabol naman siya sa akin at nagcling sa braso ko.

"Ito naman nageemote agad. Joke lang yun. Partner kita sa quiz bee kaya dapat lang tayo magsama. Saka isa pa, friends tayo kaya pwede ba akong magsawa sa pagmumukha mo? Gwapo ka naman kaya okay lang na makita ko 24/7 'yang mukha mo."

Natawa naman ako sa mga sinabi niya. Sobrang close na pala namin kahit hindi pa naman ganu'n katagal magbuhat nang magkasundo kami. Magaan ang loob ko sa kanya kaya feeling ko girl bestfriend ko na siya.

"Lakas mangbola."

Nagtawanan lang kami doon. Napahinto kami nang nagring ang phone niya. Tiningnan lang niya 'yun sandali tapos ay pinatay ang phone niya saka nagcling ulit sa braso ko at naglakad.

"Daddy mo?"

"Yes."

"Bakit hindi mo sinagot ang tawag?"

"Alam ko na sasabihan niya. Either pipilitin akong makipagmeet sa babae niya or ipapakilala ako sa anak ng mga friends/business partners niya para ipa-date."

"Ipa-date?"

"Oo. Baliw 'yun eh. Pinapa-date ako sa anak ng business partners nya."

"What?"

"You heard me right. Pero syempre hindi naman ako pumapayag at wala siyang magagawa doon. Actually, may nirereto siya sa akin last week lang. Ayoko nga. Bahala na si Daddy maghanap ng ibang irereto du'n sa anak ng mga partners niya. Huwag lang ako. Hmp. Hay nako, huwag na nga natin pag-usapan 'yun. Naiinis lang ako." Gustuhin ko mang magtanong pa, hindi ko na lang ginawa. Huwag na raw magtanong kaya sige. Huwag na.

Continue Reading

You'll Also Like

74.7K 2.7K 26
Sia Corpuz, He have a Stepbrother and his name is, Clyde Jackson. He's possesive and obsess when it comes to him. He doesn't share. "What's mine, is...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
1.6K 98 7
Suffering from inoperable lung cancer, Aubree already accepted that her life appears to be literally out of breath. Amidst her critical condition, th...
Addiction • BTS By Potchi

Mystery / Thriller

3.8K 241 21
Status: COMPLETED AND UNDER REVISING There are different kinds of addictions but one particular person chose to be addicted to you. What will you do?