She's The Vampire Mafia Boss

By PrincessPappie

553K 15.1K 448

"if you're ready to face hell, just call me and I'll be there to send you in hell"-Aica Yvonne De Luna. she's... More

PROLOGUE
✖️chapter 1: birthday party✖️
✖️chapter 2: necklace✖️
✖️chapter 3: train to control my powers✖️
✖️chapter 4: Philippines✖️
✖️chapter 5:first day✖️
✖️chapter 6: new friend✖️
✖️chapter 7: tita Elena✖️
✖️chapter 8: transferee✖️
✖️chapter 9: hawak kamay✖️
✖️chapter 10: second princess✖️
✖️chapter 11: selvania✖️
✖️chapter 12: Alexander Gonzalez✖️
✖️chapter 13: Queen Bee✖️
✖️Chapter 14 : Trouble✖️
M U S T R E A D
✖️chapter 15 : dangerous trio✖️
✖️chapter 16 : Dreams✖️
✖Chapter 17 : First Warning✖
P L E A S E R E A D
✖Chapter 18 : Ninjas✖
✖Chapter 19 : Gangster Kingdom✖
✖chapter 20 : Gangster Kingdom (part 2)✖
✖Chapter 21:HeadQuarters✖
✖Chapter 22 : strawberry juice✖
✖Chapter 23: Elena.?✖
✖Chapter 24 ✖
✖Chapter 25✖
✖Chapter 26✖
✖Chapter 27✖
STVMB Cast
✖Chapter 28✖
✖Chapter 29✖
✖Chapter 30✖
✖Chapter 31✖
✖Chapter 32✖
✖Chapter 33✖
✖Chapter 34✖
✖Chapter 35✖
✖Chapter 37✖
✖Chapter 38✖
✖Chapter 39✖
✖Chapter 40✖
✖Chapter 41✖
✖Chapter 42✖
✖Chapter 43✖
✖Chapter 44✖
✖Chapter 45✖
✖Chapter 46✖
✖Chapter 47✖
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Final Chapter
EPILOGUE(1/2)
EPILOGUE(2/2)
PASASALAMAT

✖Chapter 36✖

7.1K 202 6
By PrincessPappie

Denice's P.O.V.

Matapos ang naging pag-uusap na iyon ay naging komportable na ako sa'king mga magulang. Maliban kay Ylona. Hindi ako komportable sa mga ngiti niya.. At sa tingin ko ay ganun din ang aking mga kaibigan.

Nang nag-aya ng kumain si Tita Elena ay saka ko lang naalala ang isa ko pang bisita na dapat ay kanina pa nandito. Si Yvonne. Hanggang ngayon ay wala pa siya. Trenta minutos na ang nakalipas at impossibleng tatagal siya ng ganun sa pagmamaneho. Kaya tinawagan ko siya.

Hanggang ngayon ay palaisipan pa din saakin ang naging pag-uusap namin. Nang tawagan ko siya ay biglang nawala si Ylona. Hindi ko alam kung saan siya nagpunta ngunit hindi ko na iyon pinagtuonan pa ng pansin dahil sa hinihingal na tinig ni Yvonne. Para bang kagagaling lang niya sa pagtakbo at ganun nalang siya kung hingalin. Nag-alala ako ng mga oras na iyon kaya napalapit saakin si Tristan at Blake.

Mukhang natunugan nila kung sino ang kausap ko. Pero naintindihan ko naman siya at mukhang nagmamadali pa siya kaya hindi na ako nagtanong ng kung ano pa sakanya. Nakakalungkot nga eh dahil hindi ko maipapakilala sakanya ang mga magulang ko. Eh siya pa naman ang  kauna-unahang kaibigan na meron ako. Hayst.

Pero nakakainis kasi hanggang ngayon hindi ko alam kung anong ugnayan meron ang grupo nila blake at ng mga magulang ko. Matalino naman ako, pero bakit hindi ko malaman-laman kung anong meron sakanila? Peste! Katatapos lang naming kumain at nakita ko naman na mukhang busy sila sa pag-uusap usap.

Malay ko ba kung ano pinag-uusapan nila..

Dahil mukhang busy naman sila ay minabuti ko nalang na maglakad-lakad muna sa labas. Hindi na ako nagpa-alam pa dahil ayokong maabala ko pa sila. Papalabas na ako sa gate ng marinig kong may tumawag saakin. Hindi sa pangalan ko bilang tao ah!

"Princess Hazel!" Sinamaan ko agad ng tingin ang malas sa buhay ko. Si Blake. Kainis kasi eh. Mula kahapon 'di na niya ako tinantanan. Lagi nalang niya akong inaasar tas bubuntot-buntot pa na akala mo naman may papatay saakin. "Ano nanaman ba ha?!" Inis kong tanong sakanya. Napataas naman siya ng kamay na para bang sumusuko sa mga pulis. Hinayupak talaga..

"Chill lang Princess! Baka sakmalin mo ako at kunin mo ang dugo ko niyan.." Mapanuyang tugon niya sa'kin. Napa-irap naman ako at napahalukipkip. "Ano bang kaylangan mo?!" Iritable kong tanong sakanya. Ngumisi naman siya at ibinaba ang mga kamay. "Kung....sasabihin ko ba....ibibigay mo??" Mabagal niyang tanong gamit ang mapanuyang tono. Nangunot ang noo ko at tumaas ang isang kilay ko.

"Tsk. Ewan ko sayo! Mukha kang aso!" Asik ko sakanya bago siya talikuran. Naglakad ako palabas ng gate upang maglakad-lakad muna. May malapit naman na court dito sa amin eh. Tahimik doon pagganitong oras. Tanghali kasi tas sa likod ng court na yun ay may garden naman na puro mga puno at ibang prutas ang nakatanim. Magandang magpalipas ng oras..

"Wait Princess!"

Putik! Ano bang problema niya? Kanina pa niya ako tinatawag na princess ah!

Hindi ko siya nilingon at nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Pero laking gulat ko ng makitang nasa tabi ko na siya at nakikisabay na maglakad sa'kin habang nakangiti pa. "Yung totoo? May lahi ka ba talagang aswang?" Kunot-noong tanong ko sakanya. Nilingon naman niya ako ng may kumikislap na mata at namimilog na bibig. Parang ganito oh, *O*.

Ang pa....ngit niya...na cu..te..

Hala siya! Ano daw? May ganun ba? Ewan ko.. Hayss..nababaliw na ako mga kaibigan, mukhang kaylangan ko ng ikulong ang sarili ko sa mental. Psh

d-,-b

"Kanina, aso? Bakit naging aswang naman ngayon?" Natatawa niyang tanong saakin. Sinamaan ko nalang siya ng tingin. "Pareho. Mukha kang asong-aswang." Masungit kong sagot at nagpaumuna ng maglakad. Ha! Akala niya ah! Sus, prinsesa yata toh ng mga bampira. Letche!

Naglakad ako papunta sa likod ng court para doon magpahangin. Masarap ang hangin doon eh. Lalo na kapag papalubog ang araw, kaso tanghali palang pero okay na rin. Atleast may lilim doon. Naupo ako sa ilalim ng puno ng mangga. Makapal kasi yung dahon nito kaya 'di ka madaling masisinagan ng araw. Isinandal ko ang likod at ulo ko dito saka nag-indian sit ako. Tapos ay ipinikit ko ang aking mga mata at ginawa kong unan ang aking mga braso.

Haaayy... Ang sarap sa pakiramdam pag ganitong tahimik ang paligid..

"Wow! May ganito palang lugar dito!" Napamulat ako ng mata at napa-ayos ng upo dahil sa biglang pagtabi saakin ni Blake. Nakalimutan kong may asong nakasunod saakin..

"Hindi mo alam kasi asong-aswang ka." Irap ko sakanya sabay balik sa dati kong posisyon. Naramdaman kong nilingon niya ako pero ipinikit ko lang ang mga mata ko at hinayaan siyang tumitig saakin kahit na nakakailang.

"Ang sama mo talaga saakin pag wala sila." May himig ng pagtatampo ang kanyang boses. Bumuntong hininga lang ako at nagkunwaring tulog. "Kita mo 'to. Tutulogan pa ako.. Hayss kung 'di ka lang prinsesa eh!"

Sira ulo..'

"Hindi ako tulog, Timang! Naririnig kita." Sagot ko sabay mulat ng mata pero hindi ako tumingin sakanya. Nakatingin lang ako sa mga ibong naglilipadan sa mga sanga ng puno. Naramdaman kong sumandal din siya sa puno dahilan upang magtama ang balikat namin pareho. Napatingin ako dito.

Napaangat ako ng tingin ng maramdaman kong nakatitig siya saakin. Nagtama ang paningin naming dalawa at hindi ko napansin na sobrang lapit na pala ng mukha niya saakin. Napaiwas ako ng tingin at bahagyang umubo ng peke para mawala ang awkward feelings. Ramdam ko pa rin ang nga titig niya saakin kaya Ibinalik ko nalang ang tingin ko sa mga ibon na nakapatong na ngayon sa sanga ng puno at para bang pinapanood din kami.

"A-ano bang ginagawa mo dito?" Tanong ko sakanya ng hindi tinitignan ang mukha niya. Naiilang kasi ako. Nung nagtama ang mga mata namin kanina...may nakita akong kislap doon..

Napabuntong hininga ako bago siya balingan ng nakataas ang isang kilay. "Ano pa, edi sinasamahan ka." Sagot niya sabay iwas ng tingin. Nangunot ang noo ko. "Hindi ko kaylangan ng kasama." Masungit kong sagot sabay balik sa panonood ng mga ibon.

"Oo nga. Hindi mo sinabi pero sinabi naman ng hari." Nagtataka akong tumingin sakanya.

"Paano niya nalamang aalis ako? Eh kanina lang seryoso kayong nag-uusap usap?"

"Nakalimutan mo yata kung ano siya.."

"Oo nga pala. Bampira siya." Tumingin siya saakin tas bumuntong hininga.

"Maya-maya lang ay maaaring magising na ang dugong bampira mo.." Nanlaki ang mga mata ko at napaayos ng upo.

"Hindi nga? Seryoso?" 'Di makapaniwalang tanong ko sakanya. Nagtataka naman siyang tumango dahil sa naging reaksyon ko.

"Hindi ka ba natatakot, or something?" Takang tanong niya saakin. Ako naman ngayon ang tumingin sakanya ng may nagtatanong na mata.

"What? Matatakot saan? Sa pag-transform ko into vampire?" Kunot noong tanong ko sakanya. Tumango siya kaya huminga muna ako ng malalim para masagot ko ng tama ang tanong niya. "Actually Excited nga ako eh. Matagal ko ng pangarap ang maging isang bampira. Kasi hindi mo natatanong, vampire stories ang kina-aadikan ko. Mahilig akong magbasa at manood ng mga Vampires." Sagot ko sabay ngiti ng malaki.

Hihi..magiging bampira na ako mamaya! Waaaahh..i'm so Excited!

Tumango tango siya tapos ay ngumiti. "Hindi mo ba ako tatanungin kung anong klaseng nilalang ako?" Nakangiti niyang tanong saakin. Napahalukipkip naman ako at taas ang isang kilay na tumingin sakanya. "Bakit pa e alam ko naman na asong-aswang ka." Sarkastiko kong sagot. Mahina naman siyang natawa kaya lalong tumaas ang isang kilay ko.

"Iba ka talaga! Hanep!" Bulalas niya. Ewan ko kung saakin niya yan sinasabi or sa sarili niya. Nakayuko kasi siya ng sabihin yun. "Sasabihin ko na nga lang para hindi mo na ako tawaging 'asong-aswang'." Natatawa niyang sabi tas tumayo siya. Sinundan ko siya ng tingin habang bakas sa mukha ko ang pagtataka.

"Akala ko ba sasabihin mo kung ano ka?" Kunot noo kong tanong. "Oo nga." Tas pumwesto siya sa harap ko. Bumalik nalang ako sa pagkakasandal ko sa puno dahil nangangawit na ang likod ko. Ginawa ko ulit na unan ang mga braso ko at inaabangan ang gagawin niya. Nakita ko pang ngumisi siya bago niya hawakan ang laylayan ng t-shirt niya.

Napaupo ulit ako ng maayos at nanlalaki ang matang nakatingin sakanya. "T-teka! Ang sabi mo---" di'ko natapos ang sasabihin ko ng tinanggal na niya ng tuluyan ang t-shirt niya. Napaiwas ako ng tingin sa katawan niya. Narinig kong tumawa siya kaya sumama ang mukha ko. "Punyemas ka Blake! Isuot mo nga yang damit mo! Letche!" Asik ko habang nakaiwas pa din ang mata ko.

"Tingin ka princess. Ipapakita ko sayo kung ano ako." Malumanay niyang sabi. Hindi na siya natatawa at mukhang kalmado na siya. Napapikit ako ng mariin at huminga ng malalim. "Bakit ba kasi hindi mo nalang sabihin." Mahina kong sambit habang dahan dahan siyang nililingon habang nakapikit. "Para mas kapani-paniwala. Mulat mo mata mo." Dahan dahan ko nalang siya sinunod.

Nanlaki ang mata ko ng makitang naka-boxer nalang siya. Bahagya akong napaatras at napasandal sa punong nasa likod ko. Sinubukan kong ialis ang mga mata ko sa katawan niya at tumingin ako sa mukha niyang may ngiting aso. "Niloloko mo yata ako eh!" Naiilang kong sabi habang nakatingin sa mukha niya. Shiz..pakiramdam ko pulang-pula na ang mukha ko ngayon..

Nawala ang ngiting aso niya at sunod sunod na umiling. "Di ah!" Tanggi niya. Napalunok nalang ako at inantay ang sunod niyang gagawin. "Manood ka lang ha. Wag kang tatakbo, hindi kita sasaktan. Pramis." Nakangiti niyang sabi. Bago pa ako makapagsalita ay naitikum ko nalang ang bibig ko dahil unti unti ng nagbabago ang itsura niya.

Yung coffee-brown niyang mata ay napalitan ng Yellow na may maliit na black sa gitna. Yung mga kamay niya ay unti-unting nagkaroon ng brown na balbon at matatalas na kuko. Pati ang mga paa niya ay nagkakaroon na din ng balbon. Napanganga ako dahil sa nasasaksihan ko saaking harapan. Hindi ako makapaniwala na may isang nilalang ang nagpapalit ng anyo saaking harapan ngayon.

Dati ay napapanood ko lang ang ganitong eksena sa T.V. pero ngayon ay nasa harapan ko na. Totoong-totoo. Walang bahid ng editing or kahit anong computerize. Gusto kong batukan,sampalin at kurutin ang sarili ko para lang masiguro na hindi ito isang panaginip. Dahil pakiramdam ko ay dala lang ito ng pagkaadik ko sa mga supernatural creatures. Pero hindi ko magawa dahil masyado akong namamangha  sa aking nakikita.

Napatayo ako at napadikit pa lalo sa puno nang may isang malaking aso ang nasa harapan ko ngayon. Color chocolate brown ang balbon niya na makapal. Dahan dahang lumapit ito saakin. Ng tignan ko ito sa mata ay bumilis ang pintig ng puso ko. Ang mga mata niya...may mga sinasabi ang mga mata niya. Saka ko lang narealize na ang asong nasa harapan ko ay si Blake.

Aso talaga siya?

Napangiti ako ng maalala ko ang huling sinabi niya bago siya maging ganito. Umupo ako sa harap niya at marahang hinaplos ang balahibo niya. Nangislap ang mga mata ko ng maramdam ang lambot nito sa mga palad ko. "Wow! A-ang lambot!" Mangha kong tugon habang hinahaplos ang balahibo niya. Napabungisngis ako ng kumiliti ito sa palad ko.

Nakatitig lang saakin si Blake at hindi nagsasalita. Wait.. Nakakapagsalita ba sila? Nagkibit balikat nalang ako at nilaro laro ang balahibo niya. Parang gusto ko siyang yakapin. Ang fluffy ng balahibo niya... Napabungisngis ulit ako dahil doon. "Aso ka pala talaga?" Natatawa kong sabi sakanya. Napa-iling lang siya at bumalik nanaman sa pagtitig saakin. Napatitig naman ako sa mga mata niya.

Dahan dahan kong naibaba ang kamay ko mula sa pagkakahaplos nito sa balahibo niya. Nawala din ang mga ngiti ko sa labi at nilabanan ang mga titig niya. "Ba't ka ba titig na titig saakin?" Tanong ko habang nakatitug parin sa mga mata niya. Una siyang nag-iwas ng tingin kaya napangiti ulit ako. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nayakap ko na siya. Napabungisngis ulit ako ng maramdaman kong nanigas siya.

Naninigas pala ang mga aso? Hahaha

Ibinaon ko ang mukha ko sa makapal niyang balahibo dahilan upang maamoy ko ito. Hinigpitan ko ang yakap sakanya. Ang bango niya.. Amoy chocolate. Haha.. Dinungaw ko ang mukha niya at nakita kong nakaiwas lang siya ng tungin saakin. "Ang bango mo. Kumain ka ba ng maraming chocolates?" Tanong ko sabay balik ulit ng mukha ko sa balahibo niya.

Alam ko namang hindi siya makakasagot eh. Kaya hindi na ako mag-aantay. Nag-stay lang kami sa ganung posisyon. Ako nakayakap sa leeg niya at nakasubsub ang mukha sa balahibo niya at siya naman ay nakaiwas lang ang tingin saakin. Bahagya ko pang hinahaplos haplos ang balahibo niya. Hanggang sa mangawit ako sa ganung posisyon kaya bumitaw na ako at sumandal ulit sa puno para makapag pahinga. "Kelan mo balak bumalik sa human form mo?" Nakataas ang kilay na tanong sakanya.

Hindi siya sumagot pero tinalikuran niya ako. Pinulot niya ang damit niya sa sahig gamit ang bibig niya at pumunta sa likod ng isang puno. Napasandal ang ulo ko sa punong nasa likod ko at napapikit ako. Hanggang ngayon ay ang bilis pa din ng tibok ng puso ko. Parang sumuot sa ilong ko ang amoy niya. Nagmulat lang ako ng tingin ng maramdaman kong may tumabi saakin.

Nilingon ko siya. Nakapalit na siya ng maayos. Pero madyo magulo pa ang buhok niya. Tumingin siya saakin at ngumiti. "Hindi ako aso Princess. Isa akong lobo. Nakatira ako sa Wolvania na parte din ng Serafica." Nakangiti niyang tugon. Hindi ako nagsalita at panay lang ang titig ko sakanya. "Hindi rin ako kumain ng maraming chocolates. Ganun lang talaga ang amoy ko pag isa akong lobo. Pinaglihi kasi ako ni Ina sa mga chocolates kaya yun ang naging color ng balahibo ko at naging amoy ko." Hindi na ako nakapagsalita pa.

"Kung sa wolvania ka nakatira, eh bakit sila Ina at Ama ang kasama mo ngayon? At bakut nakikisama ka sa mga bampirang tulad nila?" Ngumiti siya saakin at sumandal na din sa puno kaya nagtama ulit ang balikat namin. Napa-usod ako ng konti kaya napatingin siya saakin pero ngumiti lang ulit.

"Oo sa Wolvania ako nakatira. Pero ipinadala kaming dalawa ni Tristan sa Selvania dahil gusto ni Ina na tulungan namin ang mga Bampira. Kami nila Tiffany, Jake, at tristan ang naatasang bantayan at sunduin kayo ni Princess Ylona kaya kami magkakasama ngayon." Nakangiti niyang sagot. Tumango-tango ako sa naging sagot niya. Now I know.. Nagkaroon ng sandaling katahimikan sa pagitan namin at tanging ang hangin at huni lang ng ibon ang maririnig mo.

Hanggang sa may naalala akong isang tanong ko sakanya. Na hindi niya pa rin sinasagot hanggang ngayon. "Eh bakit ka nakatitig saakin kanina?" Tanong ko sabay iwas ng tingin. Kita ko sa gilid ng mata ko na medyo natigilan siya pero ngumiti din ng malaki. Bakit ba panay ang ngiti niya? "Kasi ang ganda mo." Natigilan ako sa naging sagot niya. Hindi yun ang inaasahan kong sagot niya eh. Akala ko mang-aasar lang siya. Magsasalita na sana ako ng bigla niyang hilain ang pulsuhan ko patayo.

"Tara na nga at inaantay na tayo nila King Nicolas at Queen Eva!" At hinila na niya ako pabalik sa bahay..

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•

To be continue..

Continue Reading

You'll Also Like

21.2M 543K 37
"Do you want to be his favorite obsession?" DAHIL sa isang trahedya, ikinubli ni Virgo ang kagandahang taglay. Itinago niya iyon sa pamamagitan ng pa...
13.3M 640K 49
"She's my best friend, and she's the thirteenth victim." Nangako si Althea Denise Limerick at ang best friend nitong si Elyse na hindi sila magiging...
2.1K 200 41
There's a two young masters are from Yen and Piarch clans, these two clans treat each other as a great enemies in mortal realm. Fynxian Yen is a naug...
190K 4.4K 49
(Alferez Series 2) (Agent Series 1 ||Part 1|| ) Started Writing:June 22,2019 Finish Writing:Sept.30,2019 Written By:Shireroseee