Apostle Thirteen: The Return...

By altheadelarama

11.1M 216K 62.5K

The Queen is back! One year has passed since Lyra regain her memories as Bloody Maria and she will do whateve... More

A13: The Return of the Queen
PROLOGUE:
Chapter 01: GANG WAR
Chapter 02: THE PROPOSAL
Chapter 03: AGENT
Chapter 04: UNDERCOVER
Chapter 05: THE SUPERSTAR
Chapter 06: INVITATION
Chapter 07: THE PARTY
Chapter 08: THE RETURN
Chapter 09: LYRA
Chapter 10: CONCLUSION
Chapter 11: MOVING CLOSER
Chapter 12: INFORMATION
Chapter 13: CHANGES
Chapter 14: CAPTURED
Chapter 15: REVIVAL
Chapter 16: VERDICT
Chapter 17: BROMANCE?
Chapter 18: THE CONCERT
Chapter 19: ENTRAPMENT
Chapter 20: HUNTING
Chapter 21: HELP
Chapter 22: SIBLINGS
Chapter 23: SUSPECT
THE TENTH APOSTLE: CAPRICORN
Chapter 26: OFFENSE
Chapter 27: PAYBACK
Chapter 28: APPEARANCE
Chapter 29: DELIBERATION
Chapter 30: ASSUMPTION
Chapter 31: RAMPAGE
Chapter 32: BEHIND THE CURTAIN
THE FOURTH APOSTLE: CANCER
THE ELEVENTH APOSTLE: AQUARIUS
Chapter 35: BRINGING IN
Chapter 36: IRONIC
Chapter 37: THE FALL OF HELENA GANG
Chapter 38: THE FIRST DAY
Chapter 39: UNVEIL
THE FIFTH APOSTLE: LEO
Chapter 41: KING vs QUEEN
Chapter 42: THE MISSING PART
Chapter 43: ASSAULT
Chapter 44: ALONE
THE EIGHTH APOSTLE: SCORPIO
Chapter 46: THE OPPONENT
Chapter 47: WAVERING HEART
Chapter 48: GOODBYE
Chapter 49: LAST KISS
THE SIXTH APOSTLE: VIRGO
Chapter 51: CONNECTED
Chapter 52: LIAM MONTENEGRO
Chapter 53: BLOOD DESCENT
Chapter 54: PRONOUNCEMENT
Chapter 55: PREPARATION
Chapter 56: TANGO IN THE NIGHT
Chapter 57: KING
Chapter 58: THE DEAL
Chapter 59: A COLD SILENCE
Chapter 60: THE MASK OF OPHIUCHUS
Chapter 61: THE CALL
Chapter 61: THE CALL (repost)
Chapter 62: AS ONE
Chapter 63: THE GANGSTER'S PRAYER
Chapter 64: KING VS THE SERPENT HOLDER
Chapter 65: WAR OF APOSTLES part 1
Chapter 66: WAR OF APOSTLES part 2
Chapter 67: THE LAST BATTLE
THE THIRTEENTH APOSTLE: OPHIUCHUS
APOSTLE THIRTEEN
APOSTLE THIRTEEN SPECIAL
Special Chapter Part 1
Special Chapter Part 2

Chapter 24: TOWARDS THE EMPIRE

148K 2.7K 525
By altheadelarama

CHAPTER TWENTY FOUR: TOWARDS THE EMPIRE

HOSPITAL

JIREH POV

“I am Bloody Maria…”

“Lyra…”

Hinawakan ko ang kamay nya pero tumagos lang ito sa kanya at ng tingnan ko ang kamay ko, puno ito ng dugo…

“Kuya…”

Napabaling naman ako sa likuran ko kung saan naandoon si Liam at nakatayo, puno ng dugo ang katawan nito habang hawak-hawak ang isang mascara ng Apostle.

Si Ophiuchus…

Napabaling ako ulit kay Lyra na may hawak na katana at nakahanda ng sumugod. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, gusto ko syang pigilan, gusto kong sabihin sa kanya na tumigil na sya pero walang boses na lumalabas sa bibig ko.

Tumagos sa katawan ko si Lyra at ng lingunin ko ito, nakita ko sya na sinaksak na ng katana si Liam…

Patuloy ang pag-agos ng dugo sa paligid, sobrang daming dugo na maging ang paningin ko ay kulay pula na din.

Tumingin ako sa harapan ko, nakayakap sa akin si Lyra na nababalot ng dugo ang buong katawan at sa mga kamay ko, may hawak akong katana…

“Ji-reh…”

Hindi… Hindi…

Nabitawan ko ang katana at agad na sinalo si Lyra… wala ng buhay ito. Imposible, pinatay ko sya…

Pero wala akong ginawa, sya ng pumatay kay Liam at…

Mabilis na pumatak ang mga luha ko, hindi ko kayang tanggapin na ako ang pumatay sa kanya, hindi at ayoko!

Hindi sya si Bloody Maria, hindi si Lyra!!! Hindi sya…

“Lyra!”

“Aray!”

Agad akong napahawak sa ulo ko, sobrang sakit nito dahil sa pagkakapalo sa akin ng babae sa tabi ko.

“Pamela?”

“Nakakainis ka naman kuya eh, ngayon ka na nga lang nagkamalay si Lyra pa agad ang una mong hinanap…”

Panaginip…

Isang panaginip lang yun pero pakiramdam ko, totoo. Pinatay ni Lyra si Liam at dahil doon…

Tsk… hindi ko maisip na ginawa ko ang bagay nay un.

Isa lang yung panaginip, isang bangungot at gagawin ko ang lahat para hindi mangyari yun.

Sabi nga nila, kabaliktaran ng reyalidad ang panaginip. Tama!

“Anong iniisip mo, King?”

Napabaling ako kay Prime na nasa kabila ko at ang sama ng tingin sa akin. Pakiramdam ko, binabangungot parin ako hanggang ngayon dahil sa mga tingin nya.

“Don’t tell me, nirerape mo si Lyra sa panaginip mo?” si Skye na sobrang lawak ng ngiti.

“Tarantado- aray!” napahiga ulit ako mula sa biglang pagkakatayo at napahawak sa balikat ko.

Ilang araw na ba akong nasa hospital na ito?

Ang huli kong naaalala ay nasa MRT Station kami at nakikipaglaban kami ni Lyra ng dumating si Capricorn…

Anong ginagawa ni Capricorn doon?

“Tutal gising ka na, aalis na ako…” si Yola na inihagis sa kama ko yung Otaku Magazine.

“Saan ka pupunta?”

“Ito kasing kumag na ito, ayaw makipagmeet kay Forex Streisand kaya ako tuloy ang pinapunta…” saka itinuro ni Yola si Dylan na nakadikit na sa akin.

Kung hindi ako nagkakamali, isa sya sa board trustee ng Wimbledon at business partner ng pamilya Cristobal at Ishikawa.

“Bok naman eh, nakakatakot daw yun kausap, tutal mas lalaki ka pa sa akin kaya, ikaw na lang…”

Napaface palm naman kami sa dahilan ni Dylan, hindi ko talaga maisip kung papaano naging gangster ito.

“Wag kang magpacute dyan, mas lalo kang pumapanget Bok…”

Nagpaalam na si Yola at lumabas na ng pintuan. Napatingin naman ako kay Prime na nakasunod ng tingin dito.

“Kung nagaalala ka, sundan mo sya…”

“Prime, wag mong sabihin na may gusto ka kay Yola?”

Napakunot naman si Prime at agad na sinuntok si Dylan saka humarap sa akin. Ang galing nyang mangasar sa lovelife ng iba pero sa sarili nyang lovelife…

“Alam ko iniisip mo Jireh…”

“Kuya… yung tungkol kanina…”

Napabaling naman ako kay Pamela na bakas ang pag-aalala. Alam ko kapag sinabi ko sa kanya ang tungkol kay Liam, mas lalo syang mag-aalala at baka gumawa sya ng mga bagay na ikakapahamak nya.

“Si Lyra… kayo parin ba? Girlfriend mo parin ba sya?”

Nabigla naman ako sa tanong nya pati ang buong Helena Gang. Kami parin ba? Girlfriend ko parin ba sya?

That thing… hindi ko alam.

LYRA POV

Something’s bothering me about this guy, he uses mental attack pero at the same time, pakiramdam ko para lang talaga syang nakikipagusap sa isang long lost friend.

Gusto kong malaman kung anong tumatakbo sa utak nya pero hindi ko magawa, as expected kay Libra…

“Ah Lyra-”

Naputol ang pagsasalita ni Isly ng biglang tumunog ang cellphone ko, istorbo talaga kung sinoman ito. Hindi ko pinansin ang phone at hinayaan lang na magring habnag hinihintay ko parin na magsalita si Isly.

“Lychii, it’s rude to not answer a call lalo na kung alam mong may tumatawag sayo…”

“It’s okay, just pretend na wala kang naririnig…” seryoso kong sagot sa kanya habang nakatingin parin sa mga mata nya.

“Pretend… that’s impossible, napakalakas ng ringtone mo na lahat ng tao dito, nakatingin na sayo”

Tumingin naman ako sa plaigid ko, lahat nga ng tao sa akin na nakatingin, mga tsismoso din ang mga ito ah. Sino ba kasi ang istorbo na ito?

Kinuha ko yung phone ko para patayin pero napaisip ako ng makita kung sino ang caller…

It’s Akagi…

“Oh? Kailangan mo?” tanong ko ng masagot agad ang call.

Istorbo itong si Akagi, kung tungkol lang ito sa kapatid ko… ehem… kay Klio, pasasabugin ko talaga lahat ng babae nya.

“Nareceive na ang data at nagstart ng kumilos ang NBI, this is the best chance kung gusto mong makalapit kay Streisand…”

Napangiti naman ako sa sinabi nya, ito ang good news sa lahat ng good news. Inioff ko ang cp ko at saka humarap ulit kay Isly, alam na ni Akagi ang susunod na gagawin nya.

Inubos ko yung laman ng kape ko bago tumayo, “Kailangan ko ng umalis…”

“Ah, ako din, pupunta ako ngayon ng Wimbledon…”

Wimbledon… kung ganon, talagang sa Wimbledon sya mag-aaral, mas maganda yun, mas malapit lang sya pero sa tingin ko may iba pang dahilan ang pagpunta nya doon.

Tumalikod na ako sa kanya at tinungo ang pinto pero bago paman ako makalabas, tinawag nya ulit ang pangalan ko…

“Lyra!”

May sinabi pa sya pero hindi ko na amsyadong naintindihan dahil sa mga ingay ng sasakyan sa kalsada. Kinuha ko ang susi ng kotse ko at saka umalis.

Umaayon lahat sa plano ko, tama nga ako na kakagatin ng NBI ang impormasyong binigay ko sa kanila. Kung ordinaryong tao ang pinaguusapan natin dito, tutugma ang impormasyon na binigay namin sa nakuha nila pero isang bagay ang hindi nila naisip…

Ang Apostles…

Based sa pressure and accuracy, sa location and timing, mahirap sabihin na binaril sya mula sa malapit lang na location dahil mahihirapan ang sniper na tamaan si Genesis na nasa itaas pero kung kilala nila ang mga Apostles, lalo na si Cancer…

Hindi imposible ang bagay na yun, kaya ginamit ko ang chance na ito para makalapit kay Forex.

Tiningnna ko ang relo ko habang nagmamasid sa di kalayuan ng Empire, ilang sandali na lang sigurado ako na darating na ang NBI para magimbestiga. Inayos ko ang wireless earphone sa tenga ko saka napangiti.

“Lyra, 3 o’clock, 4 blacks 10 men…”

Napalingon ako sa direksyon na sinabi ni Akagi at apat na sasakyan nga ang dumating.

This is it…

Hinigpitan ko ang leather gloves na suot ko at para mas cool, nagsuot din ako ng sunglasses, together with my NBI uniform.

“It’s showtime!”

Dahil nagkakagulo ang mga tao, agad akong lumapit ng dumating ang NBI,  nauunang maglakad yung chief nila nakung hindi ako nagkakamali ay si Kyle Benedict.

“Go ahead… pero kapag wala kayong nakita, kayo mismo ang idedemanda ko sa panggugulo dito…”

 

“That won’t do, gaya nga ng sabi ko may search warrant kami…”

Pagkasabi nun ay agad na naglakad ang NBI at naghiwahiwalay, hindi ko pwedeng gamitin ang elevator dahil sigurado ako na gagamitin din nila iyun kaya ang choice ko ay gamitin ang emergency exit.

Agad akong pumasok sa emergency door at saglit na nag-abang saka isinara ang pinto. Nang maramdaman ko ang pagbukas ng pinto, agad kong hinila ang isang lalaki na nakauniform ng NBI at pinilipit agad ang leeg nito, sinipa ko naman ang isa pa na kasunod nito at saka pinuntirya ang vital points sa may ilong na konektado sa utak nito.

Natumba ang dalawa at nawalan ng malay…

Itinabi ko ang katawan ng dalawa at saka umakyat sa susunod na palabag. Senyas na lang ni Akagi ang hinihintay ko…

“5 seconds…”

Tumingin ako sa itaas ko at nakita ang isang lifeline na mabilis na bumabagsak mula sa center point ng building. Agad kong kinuha ito at hinubad ang NBI uniform na suot ko saka lumantad ang full body harness. Ikinabit ko ang harness sa lifeline at ginawa ang 8 knot tie… Nang masigurado na matibay na ito ay humawak ako ng mahigpit…

“Go!”

Biglang pumitik ang lubid at mabilis akong hinila nito pataas. Sumabit pa ang paa ko sa railings ng hagdan at muntikan pa akong tumama sa pader.

“Tangna mo, Akagi… papatayin mo ba ako?”

“Sorry po…”

Langyang ito, nagsorry pero tinatawanan ako. Binagalan nya ang paghila sa akin at ginamit ko naman ang paa ko bilang suporta para makalakad sa pader.

“Stop!”

Biglang tumigil ng paghila sa akin si Akagi, nakakrinig ako ng footsteps malapit sa kinalalagyan ko at mukhang dito pa sila papunta.

Shit!

“Akagi Release!”

Agad kong sinipa ang bintana para bumukas at tumalon ako dito. Tinanggal ko ang pagkakakabit ng harness sa lifeline.

Pero mukhang maling desisyon yata ang nagawa ko dahil pagtalon ko sa bintana, wala akong makakapitan na kahit ano. I tried to pull back myself para mapadikit sa salamin ng building…

Parang kinakayod ang likod ko ng mapadikit ako dito habang patuloy na bumababa ang katawan ko, isama pa ang pressure ng hangin na tumatama sa mukha ko.

Pag hinid ko ito nagawan ng paraan, siguradong patay ako…

Siniko ko ang salamin ng bintana sa pagbabakasakali na mabasag ito pero langya, ang tigas ng salamin na ito.

“Aray!”

Tumama ang ulo ko sa isang bakal at bumaliktad ang pwesto ko. This time, nauuna ng bumagsak ang ulo ko sa katawan ko at umaangat na din ang katawan ko sa pagkakasandal sa salamin. Sinubukan kong itapak ang paa ko para magkaroon ng pressure pero wala parin itong epekto.

“Holy Shit!”

Napahawak ako sa ulo ko ng tumama na naman ako sa salamin but this time, tumigil na ako sa pagbagsak. Sumabit ang pantalon ko sa isang bintana na nakabukas.

“Muntik nay un…”

Napahinga ako ng maluwag, akala ko matutuluyan na ako, tiningnan ko ang katawan ko, ang daming galos…

Haiz… bwisit.

Napatigil lang ulit ako ng marinig ko na parang may napupunit na kung ano, tiningnan ko ang pantaloon ko sa pagkakasabit nito.

“Anak ka ng ginapitang kabayo…”

Tuluyang napunit ang pantalon ko mabuti na lang at napakapit ako sa bintana bago tuluyang nahulog.

“Matagal nga namang mamatay ang masamang damo, buti na lang masama ako…” saka ako napabuntong hininga at umakyat.

Mukhang mahihirapan ako nito ah…

“Lyra…”

“Change of plan tayo Akagi…”

Tumingala ako mula sa kinalalagyan ko, mukhang mataas taas pa ang aakyatin ko. Madali sana kung hindi sumablay ang plano namin, sa mismong taas na nito ang opisina ni Forex.

“Nasaan ang elevator?”

Tsinaga kong akyatin ang hagdan kahit na nakakapagod, humahapdi na din ang mga galos ko sa katawan.

“Meron sa level 37, level 64, level 5, basement, level 19, level---“ langya, ilang elevator ba meron sa kumpanyang ito?

“Level 23 ang pinakamalapit sayo…”

Tiningnan ko ang floor marking sa pinto, level 22 na ako. Isang level na lang. Tinakbo ko na ang hagdan at saka pasimpleng lumabas dito. Mabuti na alng at kaunti lang ang tao sa floor na ito…

“Akagi open the elevator for me…”

Bumukas ang elevator at saka mabilis akong sumakay sa car top nito. Kumapit ako sa guide rail at saka yumuko.

Biglang bumulusok pataas ang elevator at napaluhod ako dahil sa bilis nito, isama pa ang matinis na tunog na parang babasag sa eardrum ko.

“Lyra, watch out!”

Napaupo ako sa car top at nagbend ang katawan, muntikan ng tumama ang ulo ko sa governor ng elevator. Langyang Akagi yan, hindi man lang sinabi na Machine Roomless pala ito.

Dahan-dahang bumaba ang elevator para ilevel sa pinto. Pagkalabas ko dito, siguradong ang secretary nya ang unang bubungad sa akin.

Based sa information na nakuha naming, si Forex lang ang nagoofice sa buong floor na ito kaya sigurado ako na bukod sa secretary nya, wala ng ibang tao dito.

Ting…

Bumukas ang elevator at napatingin ang isang babae na kung hindi ako nagkakamali ay ang secretary nya.

“Wala namang tao… nagloloko ba ang elevator na ito?”

Tumalikod yung secretary at agad na kinuha ang telephone sa desk nya. Agad naman akong bumaba at mabilis na tumakbo ng nakatalikod na ito.

“Guard, patawag naman ng maintenance, nagloloko ata yung elevator…”

Nakayuko ako at nasa tapat na ng pintuan ng office ni Forex, as expected nakalock ito. Kailangan ko ng combination para maiunlock ang pintuan…

Napapikit ako at inalala ang data nya na nakuha namin sa Wimbledon, ayokomang isipin pero mukhang si Forex ang klase ng tao na gagamiting password ang real birthday nya.

Since iba ang repustasyon nito pagdating sa ibang tao, iisipin nila na complicated at mahirap ang password na ginagamit nya when in fact hindi naman.

At tama nga ako…

“Sinong naandyan?”

Shit! Napaangat ako ng tingin pati sa CCTV Camera, I ask Akagi to hack them kaya kahit papaano safe ako pero mukhang dito pa yata ako mahuhuli.

Ting

Biglang bumukas ang elevator at lumabas ang isang guard. Napangiti naman ako, mukhang swerte yata ang Virgo ngayon.

Mabilis akong pumasok sa office ni Forex ng makatalikod ang secretary para kausapin ang guards at saka ulit nilock ito.

CHRISTINE POV

Pasaway talaga yun si Lyra, kahit na sabihin na kailanagn nya ng space hindi sya dapat basta basta umaalis. Hindi ba nya alam na may mga tao na nag-aalala sa kanya?

Pabalik na ako sa sala ng makasalubong ko si Amber na ngamamadaling pumunta ng kusina habang takip takip ng kamay nya ang bibig nya. Mukhang masama na naman ang pakiramdam nya.

Sinundan ko sya sa kusina at saka hinagod ang likuran nito, patuloy parin sya sa pagsuuska kahit wala namang lumalabas sa bibig nya.

Ganito pala talaga kahirap pag buntis ka…

“Sorry Christine…”

“Ok lang… gusto mo ban g tubig?”

Pero umiling lang sya at sumuka na naman. Sigurado ako na nahihilo na din sya, kinakabahan tuloy ako sa kanya.

“Ah Haruna…”

Napalingon ako sa may pintuan at nakita ko si Klio na nakatayo doon, bakas sa mukha nito ang pagtataka lalo na at nasa may lababo si Amber at hindi parin tumitigil sa pagsusuka.

“Klio…”

Napatigil si Amber at humigpit ang kapit nito sa kamay ko. Alam ko na gusto nyang itago muna kay Klio ang totoo pero sa ganitong sitwasyon mukhang Malabo ang bagay na yun.

“What’s wrong with her?”

Medyo kalmado na si Klio, alam ko na naiisip na din nya ang posibilidad na buntis nga si Amber pero syempre, mahirap din na biglain ang sarili nya lalo na kung hindi si Amber ang magsasabi nito sa kanya.

“Kukuha lang ako ng tubig…”

Aalis n asana ako para makapagusap sila ng hawakan ako ni Amber pero dahil nga sa nahihilo pa sya ay bahagya itong na-out of balance kaya mabilis na lumapit si Klio at sinalo sya.

“Klio, ikaw ng bahala sa kanya…” at mabilis akong lumabas ng kusina.

“Hoy copycat, nakita mo ba si Klio?”

Agad ko anmang nilapitan si Pierre at tinakpan ang bibig nito, balak pa yata nitong manggulo sa dalawa.

“Hindi ako makahinga…”

“Hindi ka makahinga pero nakakapagsalita ka…” saka ko sya binitawan at itinulak sa sofa…

“Nantyatyansing ka lang eh…”

As if namang papatulan ko ang babaerong katulad nya, baka nga may Aids na ang lalaking ito dahil sa dami ng babaeng naikama nya.

Sana naman makapagusap sila ng maayos…

KLIO POV

Teka paano ba ito?

Hindi ko alam kung papaano itatanong sa kanya ang bagay na yun na hindi sya maaawkward o kaya ay maiinis…

Bakit ba ang hirap nito para sa isang lalaki?

Itanong ko ba agad kung buntis sya? Pero yung kanina…

Itanong ko kaya kung sino ang ama? Tanga Klio, malamang ikaw! But the thought of being a father…

Kinakabahan ako na masaya na excited na natatakot na, hindi ko alam… Paano ba dapat itanong yun sa isang babae?

“2 months…”

Ha? Anong 2 months?

“I’m 2 months pregnant Klio…” she said habang nakayuko.

Kung ganon buntis nga sya at dalawang buwan na. Kung iisipin ko nang gabing naengage kami, dalawang buwan nap ala nun…

“Is it a boy or a girl?”

This time napaharap sya sa akin na gulat na gulat. May mali bas a sinabi ko? Gusto ko lang naman malaman kung babe o lalaki ang anak ko…

“Hahhaha, whats with that face Klio?”

Napahawak tuloy ako sa mukha ko, ano bang meron sa mukha ko at tinatawanan nya ako.

“Hindi ko pa alam kung anong gender nya…”

“Bakit hindi mo alam, ikaw ang mommy nya. Dapat siguro magpacheck up na tayo…”

Am I sound too excited, hindi ko din alam. Ito ang unang beses na nangyari sa akin ito.

“Five to Six months bago malaman ang gender ng bata…”

Ganun ba yun? Ahhh hindi ko alam, dapat siguro magumpisa na akong magbasa ng mga baby books…

Tumingin ako kay Amber na nakangiti habang nakahawak sa tyan nya. Nasa loob nun ang anak ko, ang anak namin…

Ano kayang magandang pangalan sa kanya? Ano kayang gusto nya paglaki nya? Mas kamukha kaya nya si Amber o ako? Ngayon palang ang dami ko ng naiisip para sa kanya…

Nagulat ako ng hawakan ni Amber ang kamay ko at ipatong ito sa tyan nya at saka ngumiti sa akin.

“Baby, sya ang daddy mo…”

Napakagat ako sa labi sa sinabi nya at aaminin ako, masaya ako, masaya na magiging tatay na ako. Hinila ko si Amber palapit sa akin at saka ko sya niyakap.

Lahat ng galit ko noon sa lahat ng nangyari, sobra sobra pa ito para lang mawala lahat ng iyun.

“Thank you Amber… thank you for giving me the best gift I could ever had… Thank you…”

EMPIRE BUILDING

FOREX POV

“I don’t remember inviting you in my office, Ms. Lyra Salcedo…”

Pero parang wala syang narinig sa sinabi ko at nakangiti lang sya sa akin habang ginagalaw galaw ang ilang gamit sa office ko.

Pinagmasdan ko sya, may mga sugat at galos pa sya sa katawan, hindi ko alam kung paano sya nakalusot sa security ng Empire at knowing na naandito pa ang NBI pero sigurado ako na pinuwersa nya ang sarili nya na makarating dito at patunay nun ang mga sugat at galos nya.

“Get out!”

Umiling naman sya at saka napasimangot at kumapit pa sa bangkuan ko. Sa totoo lang, para syang bata at ayoko ng mga isip bata.

“Nahurt naman ako, ganyan ka pala sa mga bisita mo…”

Bisita? More likely to say, bwisita… Masyado ng maraming oras ko ang nasayang, wala na ito sa schedule ko at lalong wala akong plano na patagalin pa ang usapna na ito.

“I don’t remember na may appointment ako sayo, Ms. Lyra Salcedo…”

“Then let’s consider this as an emergency meeting. Oh by the way, have a seat…”

Iniinis talaga ako ng babaeng ito, the first time we met, hindi pa ganyan ang ugali nya. Well, I think ganyan na talaga ang ugali nyan, tinatago nya lang.

“Uhm sorry, masyado na kasi akong feel at home sa opisina mo, if you don’t mind, pwede mo akong alukin ng drinks… Coffee will do”

Kahit siguro isang dekada o higit pa ang lumipas, hindi mababawasan ang kakapalan ng mukha ng babaeng ito.

Sa lahat yata ng babae sa mundo, sya lang ang makapal ang muka na may class paring tingnan.

Class in a sense na maaakit ka pa sa mga kabaliwan at kalokohan nya.

“Hindi ako nakikipaglaro sayo…”

Bahagya akong lumakad at lumapit sa drawer na nasalikuran ko. Narinig ko naman ang pagikot ng swivel chair na kinauupuan nya ngayon.

“Oh c’mmon… I’m doing it in your own way, as a business man, right?”

Bakit ba kahit ano yatang sabihin ng babaeng ito, maiinis at maiinis ako? And this confidence, hindi sya magsasalita ng ganyang kung alam nya na wala syang pinanghahawakan.

“Get.Out!”

Nawala naman ang ngiti sa labi nya, I know her well enough para masabi na maiksi lang din ang pasensya nya at ayaw na yaaw nyang binabalewala ang sinasabi nya.

“I said I’m doing it in your own way pero mukhang hindi effective sayo, allow me to change my way then…”

Sumeryoso ang tingin nya sa akin saka nagsmirk…

“I will do it in Apostle way… Now sit on that fucking chair Capricorn bago ko pa maihagis sayo itong lamesa sa harapan ko…” saka nya sinipa yung bangkuan na nasa harapan ng table ko papunta sa akin.

Tumama pa ito sa paa ko at aaminin ko, malakas ang pagkakasipa nya dito na nasaktan ako.

“Then I’ll answer you in Apostle way too…”

Humawak ako sa bangkuan at dinala ito sa harapan nya saka naupo, gusto nyang makipaglaro? Gusto nyang gawin ito sa paraan ko at paraan ng isang Apostle?

Wag mo akong patawanin Lyra… there’s no way na magagawa mo ito sa paraan na ginagawa ko.

“Welcome ad infernum… Virgo”

Continue Reading

You'll Also Like

10.2M 199K 67
Death, Blood and War are the 3 things na kakatakutan mo but for the 13 Notorious gangsters ng Underground City, it feels like their food for the soul...
13.6K 929 26
"We are all sinners." There was a prediction that the end of the world will be coming soon but nobody knows when and how will it end. Christians beli...
3.3M 113K 65
Death is my name and Death can be my game. Deathalè at your service.
257K 10K 66
For Sebastian Lerwick, being a good father, a loving husband, and a loyal member of the mafia are his top priorities. But when he's given a mission t...