Unexpectedly (Ramontes Series...

By samicruzz

728K 27K 7.9K

Elise Kenzie Valenzuela is always the favorite target of the Ice Queen. Ngayong huling taon na nila sa paaral... More

Unexpectedly
Simula
Kabanata 01
Kabanata 02
Kabanata 03
Kabanata 04
Kabanata 06
Kabanata 07
Kabanata 08
Kabanata 09
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Wakas

Kabanata 05

25.2K 1.1K 194
By samicruzz

Be Strong



It took me two hours para lang matapos pag-aralan ang iilang pages ng dalawang libro. Isang himala ito. Usually hindi nakakatagal ang utak ko sa isang oras palang kaya ngayon ay sumasakit na ang ulo ko. Damn, I feel so dumb!


Buti nalang at pinayagan ako ni ma'am Barloza na dalhin ang mga natitirang aklat para sa bahay ko nalang pag-aralan. Na-summarized ko naman sa notes ko ang dalawa kaya madali nalang ang pag-review.


Saktong alas sais na kaya dumiretso na ako sa auditorium para puntahan ang mga kaibigan ko. Kailangan ko ring humingi kay Myrtle ng gamot para sa sakit ng ulo.


Bago ko pa man mabuksan ang isa sa pinto ng double door ay iniluwa na nito ang mga kaklase ko pati na rin sina Lance, Shawn, Stella, Trisha, Luke, at Paige. Huling lumabas si ma'am Dolores at siya na ang nag-lock ng pinto.


Nakatingin sina Stella sa akin habang nakangisi. Alam kong ako lagi ang punterya ng grupo niya kaya nasanay na ako. Dumiretso nalang ako kay ma'am Dolores.


"Umuwi na po ba sina Myrtle?"


"Oo hindi ba nag-paalam sayo? Meron daw emergency sa bahay nila kaya nauna na ang dalawa." Paliwanag nito.


Napahawak ako sa batok. They were right, I really need a phone.

"Uh hindi po."


"Pa'no ka? Sinong kasama mo?" Nag-aalalang tanong ni ma'am.

Nagsi-uwian na rin ang mga kaklase ko. Sino nga ba'ng kasama ko?


"Babalikan po ako ni Jonas." I'm not sure if he will, I'm just hoping.


"O sige mauna na ako sayo, mag-iingat ka. Bukas huwag ka na munang pumunta sa practice, sinabihan na ako ni ma'am Barloza about sa exam mo." Bilin pa nito bago tuluyang umalis.


Great, mas lalo akong na-pressure. Wala na ngang tulugan 'to.


Naglakad na ako papalabas ng campus. Nadaanan ko pa sina Shawn na papasakay ng kotse kasama sina Stella, Luke at Trisha. Binosenahan pa ako ng mga gago just to make fun of me bago tuluyang umalis. I even heard them laugh at my reaction.


Hindi na ako nagsalita. Dumiretso nalang ako sa waiting shed at doon naghintay, nagbabaka-sakaling balikan ako ni Jonas.


"Why are you here?"


Napamura ako dala ng gulat! I'm not alone, nandito rin pala ang leader ng grupo. Sa sobrang inis ko kanina ay hindi ko siya napansin.


Bago pa man ako makasagot ay may kotse nang pumarada sa harap namin.

"Paige, get in." Sabi ni kuya Mos. "O Elise, it's getting late, may sundo ka ba?"

Pumasok na sa may front seat si Paige at abala na ito sa cellphone niya.


"Uh, hindi ko po alam kong dadating eh pero maghihintay pa rin ako." Sagot ko.


"Ihatid ka na namin." Alok ni Mos. Nag-angat naman ng tingin si Paige sa akin.


"Hindi na kuya, nakakahiya, hintayin ko nalang."


"Get in, mag-isa ka na lang dyan." Pangungulit pa nito.


"Hindi na po –"


"Get in Elise." That's it, medyo mabigat na ang boses niya kaya pumasok na ako.

That voice is familiar though, I've heard it from his sister before, when we used to be . . . bestfriends.


Kahit hindi naman sobrang layo ng apartment namin ay parang humaba ang biyahe dahil walang nagsasalita. Abala pa rin si Paige sa kaka-pindot ng cellphone niya habang si Mos ay nakatuon ang atensyon sa pagmamaneho.


Nang malapit na kami ay doon ko naalala na hindi nga pala ako uuwi sa amin. Isang patunay pa ang itim na BMW na naka-park sa may tabi. Miss Monique is inside.


"Uh k-kuya Mos, pwede ba'ng..."

Wait, hindi niya alam ang bahay nina Myrtle at Jonas. Medyo malayo rin galing dito at kung magco-commute ako ay hindi magkakasya ang pera ko.


"What Elise?" Napalingon si Mos.


"Uh, p-pwede bang sa resort mo nalang po ako ihatid? M-May duty po ako ngayon." Pagsisinungaling ko.


Doon nalang siguro ako magpapalipas ng gabi. It will be my first time and even if I don't want to, I have no choice. Kakapalan ko na ang mukha ko.


"Uh okay, doon din naman ang punta namin." Napahinga ako ng malalim sa sinabi ni Mos. Buti hindi na siya nagtanong. But the way Paige stares at me, halatang may pagdududa.


Nauna na si Paige sa loob. Sumunod naman ako kay kuya Mos. Napansin kong maraming kotse ang naka-park sa labas ng resort kaya ine-expect ko na madaming tao ngayon.


"You want to have dinner with us?" Humarap sa akin si Mos habang nilalaro nito ang susi ng sasakyan niya.


"Hindi na kuya, busog pa naman ako eh, kumain ako kanina." I lied again, nakaka-guilty na 'to. Alam kong concerned lang ang tao.


Tumango nalang si Mos at pumasok na sa rest house nila. Dumiretso naman ako sa isang cabin kung nasaan sina Patrick.


"Oh akala ko ba hindi ka muna papasok?" Pagbungad sa akin ni Yemen na isang lifeguard din. Madalas 'rich kid' ang tawag namin sa kanya dahil sa pangalang katugma ng salitang 'yaman.'


"Makikitulog lang ako ta's makiki-review na rin." Sagot ko sabay lapag ng bag sa baba ng double deck.


"Ba't di ka umuwi sainyo?" Ganito siya magtanong, akala mo laging galit pero hindi naman.


"Maingay do'n, hindi ako makakapag-concentrate sa pag-aaral."


Humagalpak ito sa tawa. "Huwag mo ngang ipagsama ang salitang concentrate at pag-aaral sa iisang sentence! Hindi bagay sayo!"


Nakaka-insulto na ang tawa niya kaya binatukan ko. "Gago 'to! Atleast I'm trying!"


"Ano na naman ba ang pinag-aawayan niyo?" Sumulpot bigla si Patrick na nakasuot ng pang-lifeguard. "Elise ba't ka nandito? Kanina pa umuwi ang tita mo."


"Hindi daw siya makapag-concentrate sa kanila kaya dito magre-review." Si Yemen na ang sumagot habang nakangisi.


Babatukan ko pa sana pero pumagitna na si Patrick. "Doon ka nalang sa bakanteng cottage Elise, malapit sa rest house."


"Baka may mag-rent pa do'n Pat –" Sagot ko na agad niyang pinutol.


"Pauwi na rin ang mga tao kaya okay lang, hindi ka naman makaka-review sa ingay ng kumag na 'to." Sabay tingin kay Yemen.


Kinuha ko na ang bag ko. "Bye rich kid!" Asar ko sa kanya saka tumakbo papalabas.


Inilapag ko muna ang tupperware sa mesa. Gutom na ako kaya kakainin ko nalang ang sandwich na ibibigay ko sana kay Paige. Habang kumakain ay iginala ko ang aking mga mata sa paligid. The people here are having a good time, hindi inalintana ang lamig dala ng ihip ng hangin.


May mga nagpapasa-pasa ng beachball, some are having fun drinking hard liquors. May mga nag vi-videoke, nag-iihaw ng barbecue, ang iba ay abala naman sa pag kain.

Sa tabi ay may umpok ng mga kababaihang nagtatawanan, at 'yong mga lalake ay napapatingin sa kanila habang may binubulong sa isa't isa.


Napailing nalang ako as I take the last bite of my sandwich.


Despite of the lively atmosphere here, hindi pa nga nag-uumpisang mag-review ay dinalaw na agad ako ng antok. Bahala na, I should rest first mas importante naman 'yon. Ipinatong ko ang dalawang braso sa mesa 'tsaka inihilig ang aking ulo.



Hindi ko alam kung ilang oras din akong naka-idlip basta pagmulat ng mata ko ay matatalim na titig ni Paige ang bumungad sa akin.


"You're not allowed to sleep." Mataray na usal nito.


Nangalumbaba nalang ako sa harap niya dahil bumibigat na naman ang mga talukap ng mata ko.


"Hey!" Sabay palo ng mesa gamit ang dalawang kamay niya. Doon na ako napaupo ng maayos. Ano ba ang problema nito?


"Paige 'wag ngayon, wala ako sa mood makipag-away sayo." I was about to get my books para doon nalang ako sa cabin pero agad niyang kinuha ito sa akin.


"You're not done yet" binalibag niya ang mga libro sa mesa.


Napatingin lang ako sa kanya at hindi naka-imik.


"I'll give you half an hour just to finish one book." Sabay upo sa tapat ko. She's on a bitch mode again.


"Paige –"


"Start now." Ma-awtoridad na utos nito habang hawak-hawak ang cellphone niya. Hinarap ito sa akin at ipinakita ang timer.


What the hell?!


"Are you power tripping again?" Tanong ko at hindi pa rin matanggal ang pagkakunot-noo.


"Just do it!" Nag-igting ang panga niya sabay taas ng kilay sa akin.


"I'm sleepy Paige just . . . please, give it up."

That's it, aalis nalang ako. Pero bago pa man makatayo ay nagsalita ulit siya.


"Your tita is only one call away." Nanlaki bigla ang mga mata ko. "There must be a reason why you're here." Ang boses niya ay may halong pagbabanta.


"Why are you here then?" Dagdag pa nito na mas lalong nagpa-kaba sa akin.

Ito na nga ba ang sinasabi ko!


Parang gantilyo sa akin ang tanong niya. That made me get all the remaining books inside my bag at nang mailapag ko ito ay sinimulan ko na agad. Kahit wala pa sa tamang wisyo ang utak ko dahil sa sinabi niya ay pinilit ko nalang kaysa sagutin ang mga nagbabadya niyang tanong.


Ngumisi si Paige ng mapang-asar.

Dammit!



Halos magkakalahating oras na pero paulit-ulit pa rin ako sa binabasa. Hindi ito nagmamarka sa utak ko. Gano'n na ba talaga ako ka-bobo?


I knew ma'am Barloza, siguradong kalahati ng exams niya ay definition of terms o di naman kaya'y identification. Parehas mahirap 'yon!

What will I do? I'm so doomed!


"Don't memorize," Paige broke the silence between us.

Nag-angat siya ng tingin sa akin. "kailangan mo lang intindihin." At ibinaling muli ang atensyon sa cellphone niya.


Hindi na ako sumagot. Napatingin ako sa kanya.

Is this real? Is she really doing this to help me?


"Don't make me repeat anything cuz I sure as hell won't." Mataray na bulyaw niya kaya napatikom ang bibig ko.


I flipped some more pages and do exactly what she said. Nilabanan ko na rin ang antok para lang matapos ko ang pagre-review.


Sa halos isang oras ay wala kaming imikan. Hindi ko alam kung anong oras na pero sa tantsa ko ay ala una na ng madaling araw. Medyo lumalamig na rin ang ihip ng hangin. Tahimik na rin sa paligid. May mga tao pa naman pero kumpara kanina lima o anim nalang ang nagbababad sa tubig.


Paige is busy reading her script. I didn't expect her to be this silent though, kasi kung ako 'yan baka nabulabog ko na ang mga tao kaka-memorize ng lines.


"Will you please stop staring?!" Usal niya, ang sama na naman ng tingin sa akin.


"Sungit" Bulong ko.


"What's that?"


"Wala" Hindi na ako umimik at ipinagpatuloy nalang ang pagre-review.


Minsan ko lang magamit ang asul kong notebook at ngayon ko lang talaga ito napakinabangan. Back to back ang pagkakasulat ko ng mga lessons namin na ngayon ko lang naintindihan.



Kinaumagahan isinabay ulit ako ni Mos papuntang Macflora. Hindi ko na matandaan kung anong oras ako nakatulog. Basta sinigurado kong napag-aralan ko lahat bago pa man ako biguin ng mga mata ko. Hindi ko rin alam kung anong oras natulog si Paige. Basta 'pag gising ko ay wala na siya. Sabi ni Mos his sister went home already. Sayang, hindi ako nakapag-thank you.


It's a good thing I brought extra clothes with me. Nakiligo nalang ako at napag-desisyonang sa school nalang mag-aalmusal.


"Elise sorry talaga kahapon" Pinulupot ni Myrtle ang braso niya sa akin. "Nagpahatid na kasi ako kay Jonas nung nagtext si mommy na sinugod si lola sa ospital."


"Ano ka ba, lola mo 'yon kaya naintindihan ko. You don't have to explain." Pagpapagaan ko ng loob niya para tumigil na siya sa kakalambitin sa braso ko. "Kumusta na lagay niya?"


"Okay na ngayon, medyo tumaas ang blood pressure dala ng sobrang init. Mamaya uuwi na siya." Paliwanag nito.


Nang makarating kami sa auditorium ay nagpaalam na ako sa kanya. I have to be in the classroom before eight. Nag-good luck na rin sa akin sina Jonas para sa big test ko.


"Ready ka na ba?" Ngumisi si ma'am Barloza ng makita akong nakaupo sa gitna ng classroom. Kung hindi ako nagkakamali dito ang assigned seat ni Via.


"I think so po." Napahinga ako ng malalim.


This is it!

Binigyan ako ng isa't kalahating oras para sagutan ang 100 items na exam.

Sa una nag-panic ako kasi ang hahaba ng kailangang basahin. It will surely consumed my time.


But I remember what Paige said:

"Don't memorize, kailangan mo lang intindihin."


I did what she told me. Kaya naalala ko agad ang mga na-review ko. It all came back, all at once.

Kaya naman hindi ko pa natatapos basahin ang lahat na paragraph ay naalala ko na ang sagot kasi mas madali matandaan pag nai-intindihan.


For the first time I feel confident with my answers.

Five minutes before the clock hits nine ay nai-submit ko na kay ma'am ang papel. Inasar pa niya ako kasi ibinigay ko ito ng may ngiti sa labi.



Dumaan muna ako sa library para isauli ang mga librong hiniram ko. Hanggang sa naalala ko bigla ang note sa page 51 ng philosophy. Hindi ko na iyon hiniram kasi tapos ko na basahin kahapon kaya I'm hoping na nabasa na iyon ni unhappy girl.

I still remember where it was. Palatandaan ko doon ang dalawang star-shaped na sticker sa cover ng book.


Kaya binuklat ko agad at nagbabaka-sakaling may sagot siya sa tula ko.

Napanguso ako, she didn't reply.


Well, wala namang tanong doon kaya hindi kailangan ng sagot. But still na-disappoint ako, o baka naman hindi pa niya nababasa? I don't know.


Anyway, kailangan ko nang pumunta sa auditorium kaya ibinalik ko ulit ito sa shelf. This is their last practice so we really need to fix everything.


Naabutan ko sina Skye na naglalagay ng vines and flowers sa may balcony ni Juliet. Idinikit na rin nila ang mga stars na gawa sa glitters at dilaw na cartolina. Hindi na masyadong makalat ang stage kumpara dati. Napa – setup na ni ma'am lahat.


"A glooming peace

this morning with it brings.

The sun, for sorrow,

will not show his head.

Go hence, to have more talk

of these sad things."


Narinig kong bigkas ni Benedict. Malungkot ang eksenang ito kaya puno ng lungkot din ang boses niya. Nakahimlay na sina Paige at Lance, with this play, where Romeo and Juliet die.


"Some shall be pardoned,

and some punishèd.

For never was a story of more woe

Than this of Juliet, and her Romeo."


Napansin kong tutok na tutok sila sa panonood. Mayroon ding napapaluha na at nadala sa eksena. Naputol lang ito nang tumayo si ma'am at maluha-luhang pumalakpak.


"Perfect!" Sabay punas sa gilid ng mata niya. "Well done everyone!"

Doon na ako kumilos at pumunta sa backstage.


"Ate Elise, you're here!" Bumeso sa akin si Emme.


"Nagpa-meeting ba si ma'am?" Tanong ko sabay lapag ng asul kong bag sa gilid.


"Uh yep, kailangan maaga tayo bukas cuz we have to do some final setups before the play." Paliwanag nito at may kinuha sa bag niya.


"Here's your ticket pala, even if we're not part of it, we still need to invite our parents. See you tom!" Pag-paalam nito.


Aalis na sana ako ng dumating sina Stella at Shawn. "Look who's here," malaki ang ngisi ng dalawa.


I have to go.

But even before I take my retreating steps ay itinulak na ako ni Stella. Napaupo ako sa sahig.


"Where are you going? Magpapa-excuse ka na naman ba kay ma'am Barloza?" Tanong nito na may halong pang-aasar.


Si Shawn naman ang humarap sa akin kahit hindi pa ako nakakatayo. "Why did she even give you a chance to lift your grades up? Samantalang ako ay binagsak niya without thinking twice!"


Lumuhod si Stella hanggang sa makapantay ito sa akin. Dinuru-duro niya ang ulo ko. "You're so stupid. You're a hopeless case you idiot!"


"Tanga na nga, tibo pa!" Humagalpak sila sa tawa.


Napatayo ako at akmang aalis nang sabunutan ako ni Stella. "Kinakausap ka pa namin 'wag kang bastos!"


"Aray Stella masakit!" Napahawak ako sa kamay niya dahil sa lakas ng hila.


"Ang mga katulad mo ay hindi nababagay dito! Hindi ko pa rin makakalimutan ang ginawa mong pagsusumbong sa akin noon, and every damn day you're going to pay for it!"


I remembered last year isinumbong ko sila ni Shawn dahil sa pagpapahirap nila kay Jonas. Aside from forcing him to do their projects, they also used him during exam, kung wala silang mai-sagot ay siya ang malilintikan. Isang beses binalewala ito ng kaibigan ko at hindi sila tinulungan kaya kinaumagahan ay nakita nalang niya ang kotseng basag ang salamin, at basag din ang mukha ng kaibigan ko.


Hindi pa na-kontento si Stella. Kinuha niya ang dalang inumin ni Shawn at ibinuhos ito sa akin.


Napasinghap ako nang maramdaman ang lamig nito. This is not new to me but why does it still hurt? Nagtawanan sila habang pinagtitinginan ako.


Hindi na ako nanlaban kaya napag-desisyonan kong umalis nalang. Pero isang hakbang palang ay nadulas ako dahil nabasa rin ang sahig.


Tumama ang siko ko at dumugo ito.


"Tanga talaga!" Mas lumakas pa ang tawa ni Stella dahil sa nangyari.


"Elise!" Tumakbo si Myrtle papunta sa akin.


"What the hell is your problem huh?!" Si Skye ang humarap sa dalawa habang tinutulungan akong makatayo.


"Huwag ka ngang makialam!" Sigaw ni Stella. "Tibo ka rin diba? Your parents are lesbians so I know you are too! Dickless dyke!"


"What's going on here?!" Biglang pumasok si Paige kasama si Lance at ang iba pa naming kaklase. 

When her eyes find mine I saw her gasp.


Papatulan pa sana ni Skye si Stella pero hinawakan ko na ang braso niya. "Umalis nalang tayo." Bulong ko.


Buti at nakinig ito kaya naglakad na kami papuntang exit door. Hindi ko na sila nilingon. Masakit na rin ang katawan ko dahil sa pagkaka-tumba kanina.


"Okay ka lang?"

Please don't ask me that if you don't wanna hear any lies.


Napatingin ako kay Myrtle at pilit na ngumiti, "Ako pa." Kahit na nasasaktan na ako.


Hindi na siya umimik. Dinala nalang ako ng dalawa sa clinic. Ayoko namang umuwi ng ganito at baka ano pang sabihin ni tita.

Bumalik si Skye para kunin ang bag ko. Nagpalit ako ng damit at sabay-sabay na kaming umuwi pagkatapos.



As expected, binungangaan nga ako ni tita bago pa man makapasok sa apartment. Ilang beses ko na rin naman itong ginawa but still, I have to say sorry kasi nag-alala pa rin siya.


"This is the first time you escaped habang nandito ang mommy mo! Ano nalang ang sasabihin niya?! Na pinalaki kitang ganito?!"


Natigilan ako sa sinabi niya. "Tita you don't have to impress her, maayos mo po akong pinalaki at wala siyang karapatan na sumbatan kayo."


"She's still your mother! Elise I'm very disappointed," Umiling ito. "Dati pinagtatakpan kita sa mommy mo, ngayon hindi na. You have to face her alone. Hindi na ako mangingi-alam."


Isinarado na niya ang pinto ng kwarto ko.

I took it all in and decided to close my eyes.


Bukod sa pisikal na sakit, dumagdag pa ang mga sinabi ni tita sa pasanin ko. Ayoko na sanang mag-isip dahil sa sakit ng ulo. Kulang ako sa tulog and I'm really tired.

Napahiga ako sa kama habang nakapikit pa rin ang mga mata.

"You have to be strong Elise, you have to be strong." Bulong ko sa sarili habang nakapatong ang mga braso sa noo.

I keep on telling that to myself hanggang sa makatulog na ako.



"Is she okay?"


"Kanina lang siya umuwi Monique, go check on her, she's inside."


Narinig ko ang pagbukas ng pintuan. My back was facing the door so I didn't know who came in.

I opened my eyes slowly hanggang sa narinig ko na may kausap si tita.


"Pasensya ka na kagabi, hindi naman niya ugali ang umalis na hindi nagpapaalam."


"It's okay ate, ang importante ay ligtas siyang nakauwi."

Mariin kong isinara ang mga mata ko at nagkunwaring tulog pa.

Miss Monique?

What is she doing here?


Hanggang sa naramdaman kong may umupo sa tabi ng higaan.


"I'm sorry kasi medyo natagalan po ako, I have a photo shoot earlier, buti nalang maaga natapos." Dinig kong usal niya. She played with my hair at ang iba ay inipit pa sa likod ng aking tenga.

Medyo napa-igtad ako ng makapa niya ang sugat ko sa braso. Shit!


"What's this?" She held my right arm carefully, "Bakit siya may pasa?"


"H-Hindi ko alam, ngayon ko lang nakita 'yan!"


By just hearing their voices, ramdam ko ang pag-aalala nila.

I still have to pretend that I'm sleeping. Ayoko muna silang harapin.

They were both whispering hanggang sa marinig kong magsalita ulit si tita.


"She's all yours this weekend Monique, you need to spend more time with your daughter."

Continue Reading

You'll Also Like

1M 43.1K 51
Story Description: GirlxGirl | TeacherXStudent | Taglish Malaya "Free" Ibañez - A young, wild and free student who has her life together with her com...
1.6M 64.6K 56
[Medrano University Series #1] [ProfxStud #1] (Written in Tagalog/English) Love is when you see millions of colour in one's dark and gray eyes. It'...
369K 10.4K 36
COMPLETED Night Klaye Collins FIRST time niyang masampal pero ano ang gagawin niya kung magiging FIRST love niya ito? Shyle Dorothy Hermosa Hindi p...
1.3M 18.8K 41
Dice and Madisson