Thirsty

TheQueenMotherHateu

203K 15.2K 16.5K

2Moons / What The Duck fanfiction. Еще

Preface
1. Eternal Envy
2. Forty-niner Biatch
3. Dance For Me
4. Boy Under You
5. My Brother, My Lover and My Enemy
6. My Suitor's Bestfriend
7. My First Love
9. Sapnu Puas Gone Wrong
10. My Bother, Ego and Pride
11. My Last Night of being Lily-White
12. Darling of the Night
13. Stop, Please.
14. All You Had To Do Was Stay
15. Love and other Drugs
16. Serpent's Grip
17. Why Don't You Love Me?
18. Into the Serpent's Lair
19. The Snake, The Vulture and The Monkey
20. Begin Again
21. Sorry, Bestfriend
22. H.A.T.E.U
23. Musky-Earthy
24. Tangible & Real
25. My Bestfriend's Boyfriend's Bestfriend
26- A Typical Day with My #1 Fan
27. Pancakes and Hollandaise
28. How I Wish You Only Knew (How I Love You Baby)
29. Heady and Sublime
30. Subtle Invitation
31. Who Are You?
32. Pillow Talk
33. Ominously Hovering
34. The Fall
35. Turning Tables
36. Angels Cry (The Prelude)
37. Memoirs of an Imperfect Angel
38. I Only Wanted
39: Vulnerability (Interlude)
40. Thirsty
41. Obsessed
42. Bad Romance
43. Silicone Saline Poison, Inject Me
44. The Color of Blood
45. My King
46. My P and Nong
47. Family Feud
48. Is This The End?
49. No, It's Just The Beginning
50. Against All Odds
51. The Past
52. GTFO
53. Fly Off With a Wink, Bye Bye Baby
54. Scusami, Wayo Will Call You a Valet
55. Sweet Dream or a Beautiful Nightmare?
56. Proceed with Caution
57. A No No
58. Off With Your Head, Now Slither Out the Door
59. I would be like Ginger, You ain't Gulligan Isle.
60. Limitless Without No Rules
61. Still Just A Frail Shook One
62. Snakes In The Grass, It's Time To Cut The Lawn
63. You'll Never Know What I Already Knew
64. Bulldoze My Heart As If You Planned It
65. I'm the Press Conference, You're Just A Conversation
66. The Rise of Wayo Kahn
67. Don't Forget About Us
68. When I'm with him, I am Thinkin' of You
69. The Art of Letting Go
70. Boy, You're Thirsty

8. You're Mine Eternally

3K 237 213
TheQueenMotherHateu

Qm's Note: 110 votes / 200 comments. Malapit na pala tayo sa chapter 12. Pero naiisip ko na i-move sa 15 ang 1st ano. Haha.

Wayo's POV

*tuesday

"So dito na pala ang bahay nyo sa accounting faculty?" may nagsalita mula sa likod ko.

Walang iba kundi si Christina Aguilera este Kit.

"Kit! Anong ginagawa mo dito?!" medyo gulat na tanong ko sa kanya.

Hindi ko naman kasi akalain na susundan nya pala ako dito.

"Ikaw ang dapat tinatanong ka nyan Ai'Yo, anong ginagawa mo dito? Akala ko ba uuwi ka sa bahay nyo dahil sumasakit ang tyan mo?" sa tono ni Kit ay para bang nakagawa ako nang malaking kasalanan.

Feeling ko anytime ay hahatulan na nya ako ng reclusión perpetua.

"Yung baon kasi ni Kuya Pent, ibibigay ko. Naiwan nya kasi sa dining table kaninang umaga." palusot ko na mukhang hindi naman lulusot.

Sigurado naman kasi akong ramdam ni Kit na nagsisinungaling ako.

"Baon mo mukha mo Ai'Yo."

See? Tama ako 'di ba? Haha.

"Yung totoo kasi, sinong dinayo mo dito?" dagdag pa nya.

I guess wala na akong choice kundi ang sabihin sa kanya ang totoo.

"Yung boyfriend ko. Dadalan ko sya ng lunch." pag-amin ko.

Nanlaki yung mga singkit na mata ni Kit.

"Oh my God?! Kayo na Ai'Yo? Parang last week lang ay sinabi mo sakin na nasa ligawan stage pa rin kayo..." hindi makapaniwala yung tono ni Kit.

"Yup, nung friday night ko lang sya sinagot. Saktong 1 month mula nung niligawan nya ako."

"OMG! Ang bilis naman ata Yo?"

Napakunot ako ng noo dahil sa 'ang bilis' remark ni Kit.

"Mabilis pa ba yun Kit? May kilala nga ako, 3 days pa lang nya nakakasama yung lalaki sa Sydney pero nagpahalik na sya agad." ngumisi ako dito sa bestfriend ko.

Agad namula si Kit dahil sa sinabi ko.

Pinagkukurot pa nya ako dahil hiyang-hiya sya ngayon.

"Gago ka Yo! Fiancé ko naman si Pree since day 1 ng vacation so walang kaso kung nagpahalik ako sa kanya." depensa ni Kit.

"May kaso yun Kit kasi pinaniwala mo ako all my life na mahinhin ka. Yun pala mahinhindutin ka rin! Haha!" pang-aasar ko pa sa kanya.

Mas lalo syang namula dahil don.

"Ewan ko sayo Ai'Yo! Wag mong ibaling sakin yung usapan! Ipakilala mo sakin ang boyfriend mo!"

"Hahaha! Oo na nga, ipapakilala na kita kahit matagal mo na syang kilala."

Mukhang napa-isip si Kit dahil sa sinabi ko.

"Kilala ko tapos accounting faculty? Hmmm."

Ilang segundo rin ang lumipas nung umilaw na ang bumbilya sa taas ng ulo ni Kit.

"OMG! Don't tell me Ai'Yo na isa sa mga stepbrother mo ang boyfriend mo?! Sino sa dalawa? Si Pent o si Nick?!"

WTF?!

San nya naman napulot yung idea na yon?!

Incest is not mah thing!

Agad kong tinakpan yung bibig ni Kit at baka kung ano pa ang masabi nya.

Andami pa namang mga studyante na  dumadaan sa harap namin.

"Gago ka Kit! San mo naman napulot yang idea na yan?!"

Inalis ni Kit yung kamay ko sa bibig nya para sumagot.

"Eh sila lang naman ang kilala ko dito sa accounting faculty. Atsaka pihikan ka Wayo, sila lang ang kilala ko na papasok sa standards mo."

Napa-iling ako.

May point sya pero very wrong ang incest theme.

"Hindi isa sa kanila ang boyfriend ko." I clarified. "Halika na nga, hanapin na natin yung room ni payatot para maipakilala na kita."

Hinila ko na si Kit then pumasok na kami sa loob ng building.

Nagtanong-tanong ako sa mga nasasalubong naming studyante kung saan ang room ng 4th year-Section B BA(business administration).

Balak ko talagang i-surprise si Oat kaya 'di ako nagtanong sa kanya kung saan ang room nila.

"Sa 4th floor, sa pinakadulong room." sagot nung isang lalaki na napagtanungan namin.

"Thank you po P'." ngumiti at nag-wai ako sa lalaki bago namin sya tinalikuran.

"Mag-elevator na lang tayo pa-4th floor. Ayokong magka-varicose veins." suggestion ko kay Kit.

Tumango naman sya sakin.

Nung dumating kami sa elevator area ay nasa 4th floor pa yung elevator car kaya naghintay pa kami.

"Kit, tulungan mo ako mamaya ha."

"Tulungan saan?"

"Sa boyfriend ko, magpapaalam kasi ako sa kanya regarding don sa intermission number namin sa party kaya ko sya dadalan ng lunch box ngayon."

"I see, anong sasabihin ko?"

"Uhm, basta sumang-ayon ka na lang sa mga sasabihin ko mamaya."

"Okay okay."

*ding

Dumating na yung elevator car.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko nung bumukas ang pinto.

Si Pop ang bumungad samin.

Tangina. Anong ginagawa ni boy pisnge dito?!

Teka. 4th floor galing ang elevator car 'di ba?!

Argh.

Don't tell me na nagkita sila ni Oat?!

Napakuyom ako ng kamao dahil sa naisip ko.

"Ui Pop, anong ginagawa mo dito?" bati ni Kit sa kanya.

"Dinaanan ko lang yung kaibigan ko." paliwanag nya.

So si Oat nga ang dinayo nya dito?!

"Sige Kit at Wayo, una na ako sa inyo ha? May pupuntahan pa kasi ako." dagdag pa nya.

"Okay Pop. Ingat." tumango si Kit sa kanya.

Ngumiti naman si Pop samin bago sya tuluyang umalis.

Syempre 'di ko sya nginitian pabalik.

Kinakalantaryo nya kaya ang boyfriend ko.

Hinila ko na agad si Kit papasok sa loob ng elevator.

Ayokong isang hangin lang ang nilalanghap namin ni Pop!

••~••~••~••

Tahimik lang ako hanggang dumating kami don sa dulong kwarto ng 4th floor.

Nakabukas yung pinto kaya sumilip na kami ni Kit.

May mangilan-ngilan na studyante.

Nakita kong nakadukdok si Oat sa desk nya sa likod.

"Ai'Oat! Yung boyfriend mo andito!" biglang sumigaw yung isang lalaki sa loob.

Nalaglag yung panga ko dahil don.

Kilala nila ko?!

Tangina. Totoo pala yung sinasabi ni Oat na pinagmamalaki nya sa mga classmate nya boyfriend ko sya?

Agad napabangon si Oat dahil sa sigaw ng classmate nya.

Tumingin sya sa direksyon namin.

Napangiti sya nung makita nya ako.

Sinimangutan ko naman sya. Akala ba nya 'di ko nakita yung kabit nya?

"Si Oat ang boyfriend mo?!" hindi makapaniwalang bulong ni Kit sakin habang papalapit si Oat samin.

"Oo." tipid na sagot ko.

"Baby anong ginagawa nyo dito?" tanong ni Oat nung makalapit sya samin.

Lumayo kami nang konti sa pinto ng room nila bago ako sumagot.

"Wala naman, binibisita ka lang. Si Kit nga pala, bestfriend ko. Kit, si Oat, boyfriend ko."

"Magkakilala na kami ni Kit, baby." -Oat.

"Alam ko. Pero iba pa rin ngayon dahil pinakilala kita as boyfriend ko." masungit na paliwanag ko.

Inis talaga ako sa kanya!

"Ahh ganun ba." tumango sya sakin then binaling nya yung tingin nya kay Kit. "Kit, ako nga pala ang boyfriend ng bestfriend mo."

Tumango si Kit kanya then nag-shakehands silang dalawa na para bang ngayon lang talaga sila nagka-kilala.

"Ano palang ginawa dito ng bestfriend mo?" hindi ko na napigilan yung sarili ko na magtanong kay Oat after nilang mag-kamay ni Kit.

Sorry Kit, masasaksihan mo pa ata ang 1st fight namin as couple.

Wala eh, gusto ko na kasing masagot ang mga tanong na gumugulo sa utak ko ngayon.

"Bestfriend ko? Malay ko? Hindi naman kami nagkita."

Aba?! Magsisinungaling pa sya ha?

"Wag kang magsinungaling. Alam kong galing ang bestfriend mo dito." madiin yung tono ko.

"Yo, Oat, alis muna ako.. Kausapin ko lang yung isang kaibigan ko." biglang nagsalita si Kit.

Tumango na lang ako sa kanya dahil alam ko naman na gusto nya lang kami bigyan ng privacy ni Oat.

"Baby, hindi ko alam na galing si Pop dito. Kanina pa kaya ako nakadukdok dun sa desk ko dahil nag-aabang ako ng text galing sayo. Hindi na nga ako nakakain ng lunch kakahintay eh. Nag-aalala kasi ako dahil bigla ka na lang hindi nag-reply nung sinabi mo na lunchbreak nyo na."

Wait!

Sa tono ni Oat ngayon ay ramdam kong nagsasabi sya ng totoo.

"Pero nakita ko talaga si Pop na galing dito sa 4th floor." I reiterated.

"Baby, palagi talaga si Pop dito sa faculty namin pero hindi dahil sakin. Ka-faculty ko yung boyfriend nya. Yun din ang dahilan kung bakit sya lumipat dito sa university natin, para bantayan ang boyfriend nyang playboy."

Oh. That explains everything.

False alarm lang pala!

"Ahh okay." ngumiti na ako kay Oat.

"Dinalan pala kita ng lunch." dagdag ko pa.

"Wow talaga?"

"Yup." nilabas ko na mula sa bag ko yung lunchbox na ginawa ko para sa kanya.

Agad nya naman 'tong kinuha sa kamay ko at tinignan ang laman.

"Wow. Ikaw ang nagluto nito?"

"Oo naman."

"Amoy pa lang masarap na. Halika, kainin natin sa loob."

Hinila ako ni Oat papasok but I resisted.

"Nahihiya ako sa mga classmate mo." I explained.

"Wag kang mahiya sa kanila. Akong bahala."

Bago pa ako makasagot ay hinila na ako ulit ni Oat kaya wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya.

Nung makapasok kami sa loob ay nginitian ako ng mga classmate nya.

Syempre nginitian ko rin sila.

Sa table ng prof kami pumwesto. Nanghila na lang si Oat ng isa pang school chair para may upuan sya.

"Oat ang bango naman nyan!" sigaw nung mga kaklase ni Oat nung binuksan nya yung lunchbox.

"Amoy masarap no? Niluto para sakin 'to ng baby ko." pagmamalaki ni Oat.

"Wow! Ang swerte mo pala kay Wayo. Patikim naman kami nyan."

Nagsilapitan na yung mga kaklase ni Oat dito samin.

Umakto naman si Oat na prinoprotektahan nya yung lunchbox na ginawa ko para sa kanya.

"Hindi pwede. Akin lang 'to."

"Ang damot mo naman tol!"

Tinawanan lang sila ni Oat kaya ako naman ang pinagbalingan nila ng atensyon.

"Wayo, ano bang nagustuhan mo dito kay Oat? Ang akala ng lahat ay si Nick ng Accounting ang boyfriend mo."

WTF?

Si Kuya Nick ang bf ko?

Anong sorcery ituu?!

Tinignan ko yung reaction ni Oat, natatawa lang sya sa mga sinabi ng classmate nya.

"Huh? Pano nyo naman nasabi na si Kuya Nick ang boyfriend ko?" tanong ko.

Ni-hindi nga kami nag-uusap dito sa university.

How come na na-i-link nila ako kay Kuya Nick?

"May nakakita sa inyo nung enrollment. Bumaba ka raw galing sa kotse ni Nick." paliwanag nung isang lalaki.

WTF ulit.

Ang tagal na nun ah?!

Atsaka minsan lang naman ako naihatid ni Kuya Nick, natandaan talaga nila?

Grabe

Iba talaga ang kasikatan ng mga Kuya ko dito sa university! Bawat kibot ata nila ay nire-record ng mga fanclubs nila.

"I see. Hindi ko boyfriend si Kuya Nick, stepbrother ko sya." pagtatama ko sa kanila.

"Si Oat lang talaga ang mahal ko." dagdag ko pa.

"Ayieeee! Yown naman! May nanalo na talaga!" sigawan nila habang ginugulo yung buhok ni Oat.

"Teka nga. Ito pera, bumili na kayo ng pagkain nyo. 'Di ako makakain, ang gugulo nyo." reklamo ni Oat.

Inabutan ni Oat ng pera yung mga classmate nya.

"Dapat pala lagi kang andito Wayo para parating galante 'tong si tol Oat. Haha!" 

"Umalis na kayo bago ko pa bawiin yang pera." pananakot ni Oat sa kanila.

Agad naman nagtakbuhan palabas yung mga classmate nya dahil don.

Napa-iling na lang ko sa kakulitan nila.

"Kumain ka na ba baby?" tanong sakin ni Oat.

"Hindi pa, pero busog pa ko dahil kumain kami ng chocolate ni Kit bago mag-lunchbreak."

"Chocolate lang? Hindi naman nakakabusog yun. Share na tayo dito sa niluto mo para sakin."

"Wag na... Para sayo lang talaga yan. Gusto ko kasing tumaba ka payatot." I teased him.

"Ikaw baby ha, gusto mo talaga ng mataba no?" ngumisi si Oat sakin.

"Papakitaan kita ng mataba kung yan talaga ang gusto mo." dagdag pa nya.

"Gago! Manyak!" sigaw ko sa kanya.

"Hahahaha! Ang cute cute mo baby kapag namumula."

"Ewan ko sayo ang manyak mo!" Inirapan ko sya.

"Baby, sayo lang naman. Halika na, kain na tayo."

Naglagay ng pagkain sa spoon si Oat tsaka nya sinubo sakin.

Kinain ko na para 'di ako ang pinagdidiskitahan nya.

••~••~••~••

"Nabusog ako. Ang sarap ng mga luto mo baby. Sinong nagturo sayo magluto? Nag-culinary ka ba?" puri sakin ni Oat nung maubos namin ang mga pagkain.

"Hindi ako nag-culinary, si Ma lang ang nagturo sakin."

"Wow. Dapat ko na pala talagang makilala ang Ma mo baby, gusto ko rin matikman ang luto nya."

"Baliw. Tsaka na. Uhm baby, magpapaalam pala ako sayo." binago ko yung usapan.

"Paalam saan?"

Naging seryoso yung expression ni Oat.

Ano ba yan.

Kinabahan tuloy ako nang slight.

Pero no choice na ako, kailangan ko nang sabihin sa kanya yung pakay ko dahil malapit na mag-start ang afternoon class ko.

"Uhm ano kasi, may intermission number kami sa acquiantance party natin sa friday. Sasayaw kami."

"I see. Okay lang naman sakin baby basta ba hindi ka magdadamit babae at hindi ka sasayaw nang katulad nung sinayaw nyo noong foundation day natin."

Napangiwi ako sa sinabi ni Oat.

Lagot ako.

"Uhm baby ano kasi... Yung sinayaw din namin nung foundation day ang sasayawin namin sa friday. Alam mo na, yun pa rin ang uso eh."

Napakunot ng noo si Oat dahil sa sinabi ko.

"Sorry baby pero hindi pwede. Siguradong marami nanamang mambabastos sayo...." punong-puno nang pag-alala yung tono nya.

"I know baby pero naka-oo na kasi ako kay Dean. Hindi na ako pwedeng mag-backout dahil pinatahian nya na kami ng costume."

"Hays. Mukhang wala naman na pala akong choice kundi ang payagan ka baby. Sige na, pumapayag na ako. Bahala na sa friday kung paano ko iha-handle ang galit at selos ko sa mga lalaking magkakainteres nanaman sayo."

Napangiti ako sa drama nitong boyfriend ko.

Ang cute cute! Haha

Tumayo ako sa kinauupuan ko tsaka ko sya ninakawan ng halik sa pisngi.

"Kahit maraming magkainteres sakin, laging mong tatandaan na..."

"...sayo lang ako, payatot."

[Author's Note:

Masyado kong napahaba 'tong paalam scene. Haha. Next chapter na lang ang rivalry ng dalawang uke! ]

The Queen Mother Hateu

Продолжить чтение

Вам также понравится

71.2K 2.9K 38
ayon sa iba, Ang GREATEST LOVE raw ang hinding-hindi mo makakalimutan sa lahat. Ang GREATEST LOVE raw ang nagturo sayo kung paano totoong magmahal...
2.9K 460 59
Original Title: Diary ng Bakla Status: Completed Bata pa lang si Porschia, alam niya nang isa siyang- DARNAAAAAAAA! Pero kahit ganoon, naging wonderf...
The Gangster is In Love with his tutor?! PrinsipeGabriel

Подростковая литература

272K 10.1K 46
"Lahat ng bagay ay pwedeng ipaglaban pero hindi lahat yun ay pwedeng pagpilitan."
108M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...