My Playlist

By jozetto

567 70 219

Short Stories Compilation More

Feels Like Home (p1)
Feels Like Home (p2)
Two Ghost (p1)
Two Ghost (p2)
Too Much To Ask (p1)
Too Much To Ask (p2)
Hate To See Your Heartbreak (p1)
Hate To See Your Heartbreak (p2)
A Thousand Years (p1)
A Thousand Years (p2)
If I Cried A Thousand Tears (p1)

If I Cried A Thousand Tears (p2)

28 5 16
By jozetto

"May sakit ako."

"May stage 3 leukemia ako, tignan mo. Wig lang ang suot kong buhok ngayon. Hindi ko alam kung kailan ako mamamatay. Malay natin diba? Baka matigok na ako bukas."

"Iyon ang dahilan kung bakit hindi ko tinitigil ang pagkagusto ko kay Storm. Kasi bakit ko pa pipigilan kung minsan lang ito mangyayari sa buhay ko? Baka kapag tinigil ko ang pagkagusto ko sakanya....ay magsisisi lang ako kapag malapit na akong mamatay. Madalang ko lang maramdaman ito kaya susulitin ko na bago ako mawala."

"Atsaka alam mo, gusto ko sana siyang makasama sa carnival. Malapit na birthday ko kaya sana makasama ko siya kahit na malabo."

Kanina pa paulit-ulit na naalala yung mga sinabi ni Lorraine sa akin. Hindi ako makatulog dahil sa sinabi niya.

Bakit ngayon ko lang nalaman na may sakit pala siya?

Tama nga si Lor. Bakit nga ba niya titigilan na mahalin si Storm kung mamamatay din naman siya sa bandang huli? Pero paano nalang ang mga taong nagmamahal sakanya? Ako? Paano nalang ako?

"Rain. Hindi mo alam kung hanggang kailan mo pa makikita at makakasama si Lorraine. Bakit hindi ka gumawa ng hakbang para mapasaya siya diba?" sabi ko sa sarili ko. Tsk. Para akong ewan dito na kausap ko ang sarili ko.

Agad agad akong tumayo sa kwarto ko at naisipang pumunta sa kwarto ni Storm.

"Kuya." tawag ko dito tapos lumingon siya sa akin. So hindi pa siya natutulog?

"Kuya. May pabor sana ako sayo." umpisa ko sa usapan tapos umupo siya sa higaan niya. "Ano?" tanong nito.

"Kuya, si Lorraine. Pagbigyan mo sana siya sa kaarawan niya." sabi ko dito tapos napapikit nalang siya.

"Ayoko." madiin na sagot niya. Napasinghal nalang ako. "Kuya may sakit si Lorraine. Sana mapagbigyan mo naman siya." sagot ko sakanya.

"Rain. May sakit din ako. Pwede akong mamatay bukas, o baka mamaya. Ayokong ma-attach kay Lorraine kung alam ko din naman na sa bandang huli ay iiwan ko din siya." sagot nito tapos may pumatak na luha sa mga mata niya.

Yes. May sakit din si Kuya Storm. May brain cancer siya kaya nga minsan may sleeping problem siya at minsan may memory loss siya.

"K-kuya. G-gusto mo si Lorraine?" hirap ko man itanong sakanya ay kinaya ko. Ayokong marinig ang sagot niya.

Tumahimik lang siya tapos humiga na siya ulit sa kama.

Naguguluhan na ako. Silenced means 'yes' diba? Diba? May gusto si Kuya kay Lorraine? Haha.

May gusto sila sa isa't-isa.

Mas masakit pala ang nararamdaman nila kaysa sa nararamdaman ko.

Totoo nga si Lorraine. Wala naman akong mapapala sa pagkagusto ko sakanya.

Lorraine's Birthday

"Rain! Tara samahan mo ako sa carnival." biglang tawag sa akin ni Lorraine habang naglalakad ako sa daan.

"Huh? 4:00 pm palang. Hindi pa nakabukas ang carnival niyan." sabi ko sakanya kaso wala na akong nagawa kasi hinila na niya ako.

Nasa tapat na kami ng carnival tapos pinapasok na kami kahit na maaga pa. Eh mukhang malakas itong kasama ko sa mga nagpapa-andar ng perya eh.

"Suki nila ako kaya ganyan." sabi nito.

Sumakay kami doon sa roller coaster at yung crazy hammer. Pagkatapos nag bump car din kami. Then sumakay kami ng carousel at octopus.

Hanggang sa pumatak na ang 7:00 pm. Dumami na ang mga tao sa loob ng perya.

"Tara libri kitang hotdog sandwich and softdrinks." sabi ko dito tapos hinila ko na siya.

Pagkabili namin ng makakain, naghanap kami ng bench para doon kami kumain.

"Alam mo, pangarap ko na may magbigay sa akin ng malaking teddy bear. Hindi ko pa kasi naranasan yun eh." biglang kwento niya habang nakatingin doon sa teddy bear na malaki doon sa singing contest booth.

"B-bakit ako pala yung sinama mo sa perya? Diba ang gusto mong makasama si Storm?" tanong ko sakanya kaso hindi niya pinansin yung tanong ko kundi nakatingin lang siya sa malayo habang nakangiti.

"Atsaka bakit yung ferris wheel lang ang hindi natin sinakyan?" tanong ko ulit sakanya.

Kaso hindi niya pinapansin ang mga tanong ko.

"Nandito na siya. Dumating nga siya." sambit nito at hindi pa din naalis ang mga ngiti sa labi niya.

"Huh sino?" tanong ko tapos sinundan ko yung mga tingin niya at nalaman ko na kung sino ang tinutukoy niya.

"K-kuya." pabulong na sambit ko sa sarili ko.

Nang makalapit sa amin si Storm. Pinakita niya sa kay Lorraine ang dalawang ticket sa Ferris Wheel.

Kaya naman pala Ferris wheel lang ang hindi namin sinakyan. Ngayon alam ko na.

Kasi hindi ako yung taong gusto niyang makasama para sumakay doon sa ferris wheel.

"Ah. Rain. Bye!" sabi nito tapos iniwan niya sa bench yung libre kong hotdog sandwich ang softdrink sakanya.

"Sige. Bye!" sabi ko dito tapos noong nakalayo na sila sa akin. Naisipan ko nalang lumabas na sa perya.

Kaso may pumukaw sa paningin ko. Nakita ko yung teddy bear na malaki doon sa singing contest booth.

"Sino ang lalaban sa 99 points sa singing contest huh?" sabi nung namamalakad doon sa booth.

"A-AKO!" Sigaw ko at agad agad kong itinaas ang kamay ko. Tumingin sa akin yung naka jersey na babae tapos binigay niya sa akin yung mic. Taga ibang school ko siya at mukha siyang volleyball player.

"Ayan. Sige talunin mo ang 99 kung makakaya mo!" hamon nito sa akin.

"So. Ikaw nakakuha diyan sa points na yan?" tanong ko sakanya tapos tumango naman siya.

"99? Ang basic." sabi ko sakanya tapos nginitian ko siya ng nakakaloko.

Hinanap ko na sa songbook yung ikakanta ko tapos pinlay ko na sa videoke yung kanta.

Nagumpisa na ang intro ng kanta at nagstart na din akong magkanta.

'I love the way it feels when you touch my hand
Don't wanna let you go
I love the way you say that I am your man
Don't understand why we can't go on and go on
Don't understand why
You don't belong in my arms'

'Ohh'

Tapos napatingin ako doon sa ferris wheel. Kahit na medyo malayo sila, kitang kita ko ang saya na nararamdaman nila sa isa't-isa.

'And even if I cried a thousand tears tonight
Would you come back to me
And even if I walked on the water
Would you come out to sea
Now I can't spend my life standing by
Cause even when I miss you
You're still not missing me'

'It's funny how my heart just won't let it go
I just don't understand
It's crazy how the pain seems to overflow
The memories of you here with me by my side
I can't deny that you are the love of my life'

Tapos napatingin ako sa babaeng volleyball player. Natahimik nalang siya at hindi kumikibo.

Gusto kong matawa sa reaction niya kaso lang hindi pwede. Kailangan kong makuha itong teddy bear na ito para kay Lorraine.

'Ohh'

'And even if I cried a thousand tears tonight
Would you come back to me
And even if I walked on the water
Would you come out to sea
Now I can't spend my life standing by
Cause even when I miss you
You're still not missing me'

Hanggang sa natapos na yung kanta at hinintay ko yung score.

97...

98...

99...

100!

"He win!" sabi nung host na namamalakad sa booth tapos binigay niya sa akin yung malaking teddy bear.

Tinignan ko ulit si Volleyball player tapos nakapout lang ito. "Paano ba 'yan? Natalo ka?" sabay ngisi ko sakanya tapos naglakad na papalayo.

Hinanap ko sina Lorraine at noong nahanap ko sila.... May dala dala din itong malaking teddy bear. At mas malaki pa sa teddy bear na ibibigay ko sana.

Akmang tatalikod na sana ako kaso bigla akong nakita ni Lorraine. "Huy! Rain! Nandyan ka pa pala?" sabay lapit nila sa akin.

"Ahh. Oo eh. Hehe."

"Wow, para kanino yan?" tanong nito sa akin tapos napatingin ako sa paligid. Ano ang idadahilan ko?

Biglang nanlaki ang mga mata ko ng makita ko yung volleyball player kanina na naglalakad habang nakatingin sa ilalim. Hindi niya tinitignan ang dinadaanan niya kaya naman noong napadaan siya sa amin, agad agad ko siyang hinablot at inakbayan.

"Para ito sakanya." sabi ko kay Lorraine tapos tinignan ko naman si Volleyball player na sobrang nanlaki yung mata niya at hindi nakapaniwala na binibigay ko sakanya yung Teddy bear.

"Ha?! Di-diba a-ano...."

"Tanggapin mo nalang." sabi ko sakanya tapos no choice na siya kundi tanggapin yung teddy bear.

"Thank you!" Masayang sabi nito tapos yinakap niya ako.

"Ayiee. Sabi na eh mahahanap mo din ang taong mamahalin mo." pang-aasar sa amin ni Lorraine tapos tumawa naman sina Storm.

Sa totoo lang, ikaw yung gusto ko Lorraine.

Ikaw lang. Pero kung hindi mo naman ito ikakasaya. Kaya kitang i-let go.

Cause even If I cry a thousand tears here. You can't love me back.

Bigyan ko naman ng chance ang mga taong nagkakagusto sa akin diba?

The end.

Continue Reading

You'll Also Like

69.5K 164 15
SPG
27.5M 701K 33
Based on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with caution. Highest rank: Consistent #1 both in...
849K 40.6K 60
Dominique Selenophile * Mikaela Rielle
70.8K 135 49
Enjoy