Thirsty

Bởi TheQueenMotherHateu

204K 15.2K 16.5K

2Moons / What The Duck fanfiction. Xem Thêm

Preface
1. Eternal Envy
2. Forty-niner Biatch
3. Dance For Me
4. Boy Under You
6. My Suitor's Bestfriend
7. My First Love
8. You're Mine Eternally
9. Sapnu Puas Gone Wrong
10. My Bother, Ego and Pride
11. My Last Night of being Lily-White
12. Darling of the Night
13. Stop, Please.
14. All You Had To Do Was Stay
15. Love and other Drugs
16. Serpent's Grip
17. Why Don't You Love Me?
18. Into the Serpent's Lair
19. The Snake, The Vulture and The Monkey
20. Begin Again
21. Sorry, Bestfriend
22. H.A.T.E.U
23. Musky-Earthy
24. Tangible & Real
25. My Bestfriend's Boyfriend's Bestfriend
26- A Typical Day with My #1 Fan
27. Pancakes and Hollandaise
28. How I Wish You Only Knew (How I Love You Baby)
29. Heady and Sublime
30. Subtle Invitation
31. Who Are You?
32. Pillow Talk
33. Ominously Hovering
34. The Fall
35. Turning Tables
36. Angels Cry (The Prelude)
37. Memoirs of an Imperfect Angel
38. I Only Wanted
39: Vulnerability (Interlude)
40. Thirsty
41. Obsessed
42. Bad Romance
43. Silicone Saline Poison, Inject Me
44. The Color of Blood
45. My King
46. My P and Nong
47. Family Feud
48. Is This The End?
49. No, It's Just The Beginning
50. Against All Odds
51. The Past
52. GTFO
53. Fly Off With a Wink, Bye Bye Baby
54. Scusami, Wayo Will Call You a Valet
55. Sweet Dream or a Beautiful Nightmare?
56. Proceed with Caution
57. A No No
58. Off With Your Head, Now Slither Out the Door
59. I would be like Ginger, You ain't Gulligan Isle.
60. Limitless Without No Rules
61. Still Just A Frail Shook One
62. Snakes In The Grass, It's Time To Cut The Lawn
63. You'll Never Know What I Already Knew
64. Bulldoze My Heart As If You Planned It
65. I'm the Press Conference, You're Just A Conversation
66. The Rise of Wayo Kahn
67. Don't Forget About Us
68. When I'm with him, I am Thinkin' of You
69. The Art of Letting Go
70. Boy, You're Thirsty

5. My Brother, My Lover and My Enemy

3.5K 244 216
Bởi TheQueenMotherHateu

QM's Note: 90 votes / 150 comments for next update. (Bagalan nyo pag vote. Sarap pala sa utak na 'di ko kailangan mag update LOL.)

Wayo's POV

Tingin sa kaliwa.

Walang tao. Clear!

/run!

Next base stopover.

Tingin sa kanan.

Walang tao. Clear!

/run!

"Ahhhhhhhhh!" sigaw ko dahil nadulas ako habang tumatakbo.

Fuck! Basa pala yung tiles.

"Khun(Sir/Mr.) Yo!" mabilis na tumakbo palapit sakin yung katulong namin.

Tutulungan nya sana akong tumayo pero pinigilan ko sya.

Sobrang sakit kasi ng hip area ko dahil sa sama nang bagsak ko.

"Sorry Khun Yo, akala ko kasi ay pumasok na kayong magkakapatid kaya nag-mop na po ako ng sahig." paliwanag ng katulong namin.

"Okay lang P'. Ako po talaga ang may kasalanan dahil tumakbo ako."

Pinilit kong ngumiti sa kanya para wag na syang mag-alala pero mukhang walang effect.

Worried pa rin yung facial expression nya.

"Gusto nyo po bang tumawag na ako sa 911? Baka nabalian kayo ng buto Khun Yo." suggestion nya.

"Naku wag na P', 'di naman siguro ako nabalian. Lilipas din 'tong sakit." todo iling ako sa kanya.

"Sigurado po kayo?"

"Yup. Kuhanan nyo na lang po ako ng ice pack P'." I instructed.

"Sige po." mabilis syang sumunod sa utos ko.

Sinubukan kong tumayo sa sarili ko nung nakaalis na si P' pero hindi ko pa rin pala talaga kaya.

Masakit pa rin yung pwet ko.

Hays!

Ngayon tuloy ay nagsisisi na ako kung bakit nag-feeling secret agent ako dito sa loob ng bahay.

Wala eh, gusto ko kasing taguan si Kuya Pent dahil sa nangyari kahapon.

Hindi ko pa sya kayang harapin dahil fresh na fresh pa sa utak ko yung pag-subo nya sa daliri ko.

Siguradong magba-blush ako pag kaharap ko na sya at ayoko namang mangyari yun.

Baka kasi isipin nyang binigyan ko ng malisya yung ginawa nya.

Well, binigyan ko naman talaga.

Pero masisisi nyo ba ako? Medyo nagbago kasi yung tingin ko sa kanya dahil sa comment nya dun sa video ko.

"Bakit nakasalampak ka dyan?" may nagsalita mula sa likod ko.

Ugh!

Si Kuya Nick!

Anong sasabihin ko??

"Naglalampaso po ako hehe..." napangiwi na lang ako sa nasabi ko.

Tangina! Anong alibi yon?!

"Naglalampaso? Nang naka-upo? Pwet na ba ang ginagamit na pang-lampaso ngayon?" sarcastic na yung tono nya.

Mag-a-alibi pa sana ulit ako pero bigla nang dumating yung katulong namin.

"Khun Yo, ito na po yung ice pack na pinakuha mo. Masakit pa rin po ba yang likod nyo?"

There. I'm officially doomed!

Imbis na sumagot ay yumuko na lang ako dahil sa hiya.

"Anong nangyari sa kanya P'?" tanong ni Kuya Nick.

"Nadulas sya kanina Khun Nick. Hindi po nya napansin na basa yung tiles na bagong mop ko." paliwanag ng katulong namin.

"I see. Pinairal pala ang katangahan."

Aray naman. Grabe talaga sya magsalita sakin!

"Bakit po pala kayo bumalik Khun Nick? May naiwan po ba kayo?"

Hindi sinagot si Kuya Nick yung tanong ng katulong namin.

Naglakad lang sya palapit dito at kinuha yung ice pack.

"Kumuha ka pa ng isang ice pack P'." utos pa nya.

"Sige po Khun Nick."

Naglakad na ulit paalis yung katulong namin.

"Kaya mo na bang tumayo?" bumaling sakin si Kuya Nick.

Umiling lang ako.

Hindi ako makapagsalita dahil nahihiya talaga ako sa kasinungalingan ko sa kanya.

"Halika, bubuhatin kita para malagyan natin ng ice pack yang likod mo." yumuko na sya sa harap ko.

Wait. Ano daw?

Ginamit nya yung word na 'natin', tutulungan nya ako?

Nilalagnat ba sya para gawin yun?

"Ahhhh!" sigaw ko.

Binuhat na nya kasi ako kahit wala pa akong consent!

"Kuya wag mo na akong buhatin. Nakakahiya..."

"Shhh.. Wag ka nang maarte, tinutulungan ka na nga." masungit na saway nya sakin.

Ay sorry naman!

Tumahimik na lang ako gaya ng sabi nya hanggang makarating kami sa kwarto nya.

First time kong makapasok dito. -skl

Dahan-dahan akong binaba ni Kuya Nick sa kama nya.

"Maghubo ka na." utos nya sakin nung naihiga na nya ako.

Halos malaglag na yung panga ko dahil sa sinabi nya.

Seryoso ba sya?!

"A-anong sabi mo?" nautal na ako dahil sa kaba.

"Sabi ko maghubo ka na, bingi ka ba?" medyo inis na yung tono nya.

Ang sungit talaga nito eh!

"Narinig ko, ang ibig kong sabihin ay bakit ako maghuhubo?" hindi ako nagpatinag sa kasungitan nya.

Napakunot sya ng noo.

"Malamang para makita natin ang lagay ng likod mo, may iba pa bang dahilan?"

Ay! Oo nga naman.

Medyo advance yung naisip ko! Hehe.

Pero nakakahiya pa rin talaga ang maghubo sa harap ng ibang tao.

"Ano na? Maghuhubo ka ba o ano? May pasok pa ako at alam kong may pasok ka rin. Kung uunahin mo ang kaartehan mo ay pareho tayong male-late." dagdag pa nya.

"Sorry. Nakakahiya kasi..."

"Nakakahiya? Anong nakakahiya eh pareho naman tayong lalaki? Atsaka medical ang course mo 'di ba? Dapat walang malisya sayo ang mga ganito."

Wait. Alam nya yung course ko?

Ni-research ba nya ang personal life ko o sadyang sikat talaga ako sa university namin?

Ay ewan! Bahala na nga.

"Sabi ko nga walang malisya eh..." sumang-ayon na ako sa kanya.

Ayoko na rin mag-inarte dahil nakakahiya naman sa pagmamagandang loob nya.

Inunbutton at unzip ko na yung shorts na suot ko.

"Hindi ko mahubad.. Hindi ko kasi mataas yung balakang ko."

Mukhang na-gets naman nya yung sinabi ko kaya yumuko na sya para tulungan ako.

Dahan-dahan nyang hinila pababa ang shorts ko.

Nakita kong gumalaw yung Adam's apple ni Kuya Nick nung na-expose na ang mga legs ko. Lumunok ba sya?

Anong ibig sabihin non?

Na-amaze ba sya dahil wala akong balahibo? (Nilibre kasi ako ni Kit ng laser hair removal noong nakaraang birthday ko.)

"Kaya mo bang dumapa?" tanong nya sakin nung mahubad na nya ang shorts ko.

Sinubukan kong dumapa pero 'di ko talaga maigalaw ang balakang ko.

Hindi kaya nabalian talaga ako ng buto?

"Hindi ko kaya..."

"Okay." tipid na sagot nya.

Sobrang bilis ng mga sumunod na nangyari.

Na-i-dapa na nya ako ng ganun ganon lang.

Hasty yet gentle moves!

"Wala ka bang ibang briefs?" tanong nya out the blue.

"Meron naman. Bakit mo natanong?" pagtataka ko.

"Butas kasi 'tong briefs mong suot."

Narinig kong natawa pa sya.

Nag-rush naman yung dugo sa pisngi ko.

Tangina! Buti na lang at nakatalikod ako sa kanya ngayon. Hindi ko na kasi alam kung may mukha pa akong maiiharap sa kanya!

Bakit naman kasi yung briefs na butas pa ang nasuot ko ngayon?!

"Namumula 'tong gluteus medius(upper butt) mo, dito ba sa part na 'to masakit?" pagbabago nya sa usapan.

"Hindi ko alam eh, buong balakang ko kasi ang nararamdaman kong masakit."

"I see. Hahawakan ko ha?"

Hindi pa man ako sumasagot ay naramdaman kong humawak na sya sa likod ko.

"Ahhhh!" napasigaw ako dahil sa sakit.

Diniinan nya kasi yung upper butt ko.

"Masakit?" tanong nya ulit.

Obvious ba?!

"Oo..."

"Eh dito?" yung pisngi ng butt ko na ang pinipisil nya.

"Hindi masyado.."

"Dito?" upper legs ko ang pinipisil nya.

"Hindi rin masyado..."

"Eh dito?" sa may bandang spinal area  naman ang pinipisil nya ngayon.

"Medyo lang. Mas masakit pa rin yung sa upper butt."

"Ahh okay. Paano ba yung naging bagsak mo kanina?"

"Hindi ko na matandaan eh pero yung upper butt ko nga ata ang napuruhan.."

"Okay."

Naramdaman kong nilagay na nya yung ice pack sa upper butt ko.

*tok tok tok

"Sir Nick andito na po yung pinakuha nyong extra ice pack." sigaw nung katulong namin mula sa labas.

Naramdaman kong tumayo na si Kuya Nick mula sa pag-upo nya sa gilid ng kama.

Kinuha nya yung ice pack then nilagay na rin nya sa upper butt ko.

Akala ko dun na matatapos yung pagtulong nya sakin pero hindi pa pala!

Naramdaman kong minamasahe nya yung paligid ng upper butt ko.

Ugh.

Ang sarap.

Marunong ba sya ng physical therapy?

Hindi kasi puchu-puchu yung mga galaw nya.

"Kuya Nick, marunong ka ba talaga magmasahe?" kinain na ako ng curiosity ko.

Late ko nang naisip na hindi nga pala kami close.

"Wala akong proper training pero may nagturo sakin ng basics."

Sumagot sya.

Akala ko ay aangilan nya ako dahil feeling close ako pero 'di naman pala.

"I see. Bakit mo pala ako tinutulungan Kuya? 'Di ba inis ka sakin?" sinamantala ko na talaga yung pagkakataon na sumasagot sya nang matino.

"Hindi kita gusto bilang kapatid ko pero hindi ibig sabihin nun ay masama na akong tao. Pwede bang wag ka nang matanong?"

Ayun! Bumalik na yung legendary irritated tone nya haha!

"Sorry..." yan na lang ang nasabi ko.

"Tsaka sa susunod nga ay mag-iingat ka na. Baka mamaya pagbintangan pa kami ng Ma mo na sinasaktan ka namin ni Pent. Kagabi nasagutan mo raw ang kamay mo, tapos ngayon yang likod mo naman. Anong susunod? Baka bago pa maka-uwi sila Dad ay bangkay ka na dahil sa ka-clumsy-han mo."

Ay grabe sya oh!

Pero bakit feeling ko ay concern sya sakin?

Or guni-guni ko lang yun?

"Sige po, mag-iingat na ako sa susunod."

Ngumiti na lang ako sa kanya kahit 'di nya nakikita.

••~••~••~••~••

After ng massage session namin ni Kuya Nick ay himalang nawala ang sakit ng likod ko.

Yung upper butt ko na lang talaga ang masakit kapag nadidiinan.

Sabi ni Kuya ang magpapasa raw yun dahil nabugbog sa pagbagsak ko.

*ring ring

Hindi ko na sana sasagutin yung tawag dahil nagbibihis ako ngayon pero nahagip ng mata ko yung caller ID.

Si future husband. Hihi

"Hello." bati ko sa kanya.

"San ka na?"

"Bahay." tipid na sagot ko para pakipot kunwari.

"Alam kong nasa bahay ka pa..."

Hindi ko na sya pinatapos magsalita.

Gigil nya si ako.

"Eh alam mo naman palang nasa bahay ako bakit mo pa tinatanong?"

"Teka naman kasi, patupusin mo muna akong magsalita. Ang gusto kong itanong ay bakit 'di ka pa lumalabas ng bahay nyo? Male-late ka na kaya."

Grabe! Mas saulo nya pa ata sakin yung class schedule ko!

Pero teka, bakit alam nyang hindi pa ako lumalabas ng bahay?

"Hoy Oat, don't tell me na nasa labas ka ng bahay namin?!" sigaw ko sa kanya.

"Naman. Sinusundo kita. Simula ngayon ay ako na ang magsusundo't hatid sayo sa university."

"Nababaliw ka na ba? Hindi naman tayo parehas ng schedule."

"Anu naman? Nakalimutan ata na ako si Super Oat at kaya kong gawin ang lahat."

Argh! Na-imagine ko yung itsura ni Oat ngayon, malamang ay ngising-ngisi sya.

"No. Ayoko. Kapag nalaman nila Ma na may naghahatid-sundo saking lalaki ay iisipin nilang boyfriend kita. 'Di ba sinabi ko naman sayo na pinagbawalan nila akong mag boyfriend?"

"Yo, naisip kong mas maganda kung malalaman nila yung panliligaw ko sayo kesa i-sekreto natin. Atsaka 'di ko hahayaang mapabayaan mo ang pag-aaral mo kapag tayo na. Kakausapin ko sila kapag uwi nila."

WTF?!

Mapapasubo talaga ako sa lalaki na 'to literaly and figuratively.

"Baliw ka! Kakausapin mo sila eh nililigawan mo pa lang ako? Paano kung 'di kita sagutin?"

"Okay lang. Atleast alam nila ang intention ko sayo."

Grabe talaga sya!

Hindi na lang ako nagsalita dahil alam kong final na ang desisyon nya.

"Yo, andyan ka pa ba? Hintayin kita dito sa labas ng gate nyo ha?"

"Bahala ka nga. Magbibihis na ako."

Pinatay ko na yung tawag.

Nagbihis ako nang mabilis.

Syempre ayaw ko naman paghintayin ang future husband ko.

Atsaka sinigurado ko nang hindi butas ang suot kong briefs ngayon.

Baka mamaya kasi ay kung ano nanaman ang mangyari sakin eh.

Naalala ko kasi na butas din ang suot kong briefs kagabi nung masugat ang kamay ko.

Baka mga butas na briefs ko talaga ang may dalang kamalasan.

••~••~••~••

"Sumabay ka na sakin papasok."

May nagsalita sa living room pagkababa ko.

Si Kuya Nick.

Bakit andito pa sya? Akala ko ay pumasok na sya nung natapos ang massage session namin.

Wait. Paano ko sya ire-reject? Naka-oo na kasi ako kay Oat eh.

Mukhang hinintay pa naman ako ni Kuya.

"Kuya..."

Hindi ko na naituloy yung sasabihin ko dahil naglakad na sya palabas ng bahay.

Patay ako!

Sino pipiliin ko sa kanila mamaya?

Sumilip muna ako sa pinto bago lumabas.

Nakita kong palabas na si Kuya Nick sa gate dahil sa labas nakapark yung kotse nya.

Nakita ko na rin yung kotse ni Oat na nakapark sa kabilang side.

What to do?!

"Yo! Halika na!"

Sigaw ni Kuya Nick.

Bahala na nga!

Naglakad na ako palabas.

"Halika na." sabay na sabi ni Kuya Nick at Oat nung makalabas ako ng gate.

Nagkatinginan silang dalawa dahil don.

Magkakilala sila 'di ba? Pero bakit parang stranger ang tinginan nila sa isa't isa ngayon?

"Yo kilala mo ba yan?" tanong ni Kuya Nick.

"Kaibigan ko sya Kuya. Sa kanya sana ako sasabay dahil hindi ko alam na hinintay mo ako." I explained.

"Ganun ba? Okay."

Pumasok na agad si Kuya Nick sa kotse nya at mabilis na nag-drive paalis.

Medyo na-guilty ako para sa kanya pero mas magi-guilty ako kapag si Oat ang ni-reject ko.

"Bakit 'di kayo nagbatian ni Kuya Nick? 'Di ba classmate mo sya sa isang subject noon?"

Tanong ko kay Oat bago pumasok ng kotse nya.

Shrug lang ang sinagot nya sakin.

••~••~••~••

*university

"Bakit na-late ka Yo?" tanong sakin ni Kit nung dumating ako sa room.

"Mahabang kwento Kit." sagot ko sa kanya habang nagfi-fill up ng class card sa subject na 'to.

"Ahh okay. Nga pala may bago tayong classmate."

"Galing sa lower section?" tanong ko.

"Hindi. Galing sa ibang university, physical therapy ang course nya dati."

"Ahh I see. Baka puro bagsak kaya nag shift ng course at lumipat ng university."

"No. Matalino sya Ai'Yo gaya mo."

Napakunot ako ng noo dahil sa sinabi ni Kit.

"Hmmm. New classmate pero alam mo na agad na matalino?"

"Ganun na nga. Kilala ko kasi sya dahil   member din ng elite society ang pamilya nya."

"Ahh okay." walang ganang tono ko.

Tsaka ko na kikilalanin ang mga elites kapag asawa ko na si Oat.

"Ayun sya oh.." turo ni Kit sa lalaking pumasok.

In fairness, cute yung lalaki.

"Pop ang pangalan nya.." dagdag pa ni Kit.

Pop? Hmm.

Bakit parang familiar sakin ang pangalan nya?

[Author's Note:

Ano kayang magiging papel ni Pop sa buhay ni Yo? Hmmm.

Coauthor: SpicySweetPotato ]

The Queen Mother Hateu

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

5.2K 305 31
Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa dahil sa ginawang pakikipagbreak saakin ni Khalil at ng maaksidente ako ay napunta ako dito sa panahong ito...
2.9K 460 59
Original Title: Diary ng Bakla Status: Completed Bata pa lang si Porschia, alam niya nang isa siyang- DARNAAAAAAAA! Pero kahit ganoon, naging wonderf...
26.9K 178 25
When the Sexy surgeon Wandee Ronnakiat becomes involved with boxer Yeo Yak and their relationship develops from friends with benefits to something mo...
108M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...