Garnet Academy: School of Eli...

By justcallmecai

28.3M 1M 785K

(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the s... More

Garnet Academy
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Last Chapter (Part 1)
Last Chapter (Part 2)
Epilogue
Book Announcement
Special Chapter
Bonus

Chapter 29

447K 17.4K 14.4K
By justcallmecai

Chapter 29

Nose

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Sa sobrang bilis ay pakiramdam ko, nararamdaman na iyon ni Kai.

Kumalas ako sa yakap dahil gusto ko siyang harapin. "Hi-hindi ka na galit? Bati na tayo?" I asked with full hope and a bit of confusion.

He suddenly smiled and ruffled my hair.

"My Mom said that I should be mature enough to listen and understand whatever the explanation may be." Kairon said as he put both of his hands inside his pockets. "She said that she's been in some kind of a bad situation with my Dad. She didn't listen to his explanation, which made the whole situation worst."

Nakauwang ng kaunti ang bibig ko habang nakatingin lamang sa kanya at mariing nakikinig.

"But that's not only the reason why I'm here." aniya kaya mas namilog pa ang mga mata ko dahil sa pagtataka.

Umayos siya ng tayo at saka hinawakan ang dalawa kong kamay. "Nandito ako kasi hindi ko kayang wala ka sa tabi ko. Nandito ako kasi ayaw kong mawala ka sa'kin. Nandito ako kasi gusto kong kasama ka at gusto kong manatili lagi sa tabi mo. Nandito ako kasi gusto kita."

Pakiramdam ko ay namumula na ang mukha ko ngayon! Pangalawang beses... Pangalawang beses na sinabi niya na gusto niya ako. Parang sasabog ang puso ko.

Did I hear it right? Baka nabingi lang ako? Hallucinations?!

"H-ha?"

"Ang sabi ko... Gusto. Kita." he said slowly that my heart palpitates on each words.

Sa gulat ko ay bigla akong napaangkla sa kanyang leeg. Two of my arms are now dangling on his neck. He then put his arms on my waist for support.

"Gusto rin kita." sabi ko sa kanya habang nakangiti ng malaki.

Ngumiti siya at ilang segundo ay saka lang nag-sink in sa akin ang sinabi ko.

Agad kong itinikom ang aking bibig at pumikit! Anong ginawa ko?! I'm so excited at everything na napaangkla ako sa kanya at agad na umamin pabalik. Saan ako kumuha ng lakas ng loob?! Damn it!

"What are you doing?" he asked softly.

Bago pa ako makasagot ay nakarinig na kami ng fireworks. Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at tumingala sa itaas.

"You know what that means?"

Napatingin ako kay Kai at saka tumango. "It means that there's only one player left alive in the game."

"And it also means that all the cameras inside the maze will be opened for everyone to see who got the flag." saad niya.

Tumango naman ako at nanatiling nakaangkla pa rin sa kanya.

"You got the flag. But I still won. Aren't I?" ani Kairon.

Before I can even react, he suddenly planted a kiss on my nose.

It's not only butterflies that I feel inside my stomach. I can feel the whole zoo in it! Oh my God!

Napatitig na lamang ako sa kanya pagkatapos ng halik na iyon. Dahan-dahan din akong bumitaw sa kanyang leeg.

I suddenly feel awkward, but happy and excited at the same time.

Yumuko ako.

"I'm really sorry." sabi ko. Pakiramdam ko'y dapat na akong magpaliwanag sa kanya ngayon pa lang. "Hindi ko gustong magsinungaling sa'yo-"

Bago ko pa matuloy ang sasabihin ay pinigil niya na ako.

"Okay na. You don't need to explain anything. I know your motive is clear. I know you. Not everything about you, but I still know you."

Agad kong naramdaman ang namumuong tubig sa mga mata ko. How can he manage to be this kind of man? Truly one of a kind. Truly mine!

"I know you by heart." he said ending all of my worries.

Hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming lumakad palabas.

Paglabas naming dalawa sa maze ay agad nagtilian ang mga tao sa labas. Anong meron? Dahil ba sa panalo?

"Nalimutan kong kunin 'yung flag!" nanlaki ang mga mata kong bumaling kay Kairon.

He laughed and pinched my cheek. Mas lalo lamang nagtilian ang mga tao. Hindi ko alam kung masaya sila o nanghihinayang.

Doon ko lang na-realize na maaaring nakita nila ang pag-uusap namin ni Kairon dahil sa pagbubukas ng mga camera sa huling minuto! Hala ka siya!

Saglit kong itinakip ang mga kamay ko sa aking mukha dahil sa kahihiyan. Pero agad ko ring naisip na, anong nakakahiya? I mean, Kairon Pierce Gonzalez kissed me on my nose! I should be so proud! Right??

Nakita ko si Lia na malaki ang ngiti, si Kuya Mac na walang ekspresyon at si Stephanie na biglang nag walk-out. Also, Lancer, is nowhere to be found.

Tumawa naman ang Professor namin at idineklara ang pagkapanalo ng aming grupo kahit hindi ko nakuha ang flag.

Sabay kaming naglalakad ngayon ni Kairon pabalik sa Flamma Building.

"Why are you smiling?" tanong niya.

"W-wala lang."

"Are you kilig?" Natawa ako sa kanyang sinabi kaya nahampas ko siya sa kanyang braso. "Ouch."

"Ang conyo mo." sabi ko, natatawa pa rin.

"You should really meet my sister. Para mahawaan ka rin niya." ani Kairon.

Napatalon naman ang kung ano sa loob ko dahil doon. Meeting the family agad?

"Speaking of siblings, I should really make amends with your Kuya Beau." aniya. "Magpapakabait na ako sa kanya. Mahirap na..."

I smiled and pinched his nose. "You really should. Para kayong mga bata."

"I don't know. But we really are having small fights whenever we see each other." ani Kairon.

Natatawa akong umiling. "Mabait naman 'yon si Kuya kahit ganoon siya kung minsan."

"Mabait din naman ako. Gwapo pa." banat niya na mas ikinatawa ako.

"Tsk! Hangin."

Sakto at nakarating na rin kami sa mga kwarto namin. Hindi na kami pareho ng kwarto, pero at least magkatapat lang.

"Sige na, magpahinga ka na." sabi ko sa kanya.

Tumango naman siya. "Yeah... Ikaw din. See you tomorrow?"

"See you." sabi ko at pumasok na para itago muli ang kilig. Damn him!

-

Maaga akong gumising para makapag-ayos. Pagkatapos kong maligo at magbihis ng uniporme ay humarap agad ako sa salaminan.

I should look fresh and blooming! Girly and carefree! Sweet and charming! Basta lahat!

I started to put a thin amount of liquid foundation followed by a pressed power to set it. Kaunti lang para natural looking pa rin! Sunod ay kinuha ko ang paborito kong lip tint. One swipe of airy ink velvet on the shade of heart grapefruit and I'm done.

Lumabas na ako ng kwarto at nakitang wala pa roon si Kairon. I took a deep breath. Dapat ay magpractice na lang muna ako! Tama!

Humarap ako at saka kumatok sa aking sariling pintuan bilang pag practice sa gagawin. "Hi, Kai! Sabay na tayong pumasok?"

Umiling ako. "Ang pangit!" I told myself.

Umulit ako sa pagkatakok sa sariling pinto. "Kai, gising ka na ba?"

"Gising na po."

Halos napatalon ako nang marinig ang boses ni Kairon mula sa aking likuran. Mabilis akong humarap. Napatikip na lang ako sa bibig ko dahil hindi makapaniwalang totoong siya nga ang nagsalita!

"Anong ginagawa mo? Ito ang pintuan ko." aniya sabay turo sa pinto niya.

"Ah... Hehe. Wala." giit ko. "Tara, pasok na tayo?"

Nauna na akong lumakad sa kanya. Nakakahiya!

Dahil 'di hamak na mas malaki ang mga hakbak niya ay agad niya rin akong naabutan.

"Let me carry your bag." Kai said.

Ngayon ay nasa gilid ko na siya.

"H-ha? Hindi na, okay lang. Magaan lang naman."

Ngumuso siya at tumango. He's so cute!

"How about your books?" subok pa niya.

"Sige na nga." sabi ko at saka inabot sa kanya ang dalawang libro na hawak ko.

Baka kasi ngusuan na naman niya ako pag tumanggi pa ako!

When we've reached our classroom, he immediately handed me my books.

"Pinapatawag ako ng head mistress. Mauna ka na sa klase." aniya.

Tumango ako at nagpaalam na sa kanya.

Pagpasok na pagpasok ay pinagtitinginan ako ng aming mga kaklase. Binilisan ko na lang ang aking lakad para makapunta na sa upuan ko.

"Oh my oh my! Ayieee!" bungad ni Lia pagkaupo ko sa tabi niya. "Blooming, ah!"

Mabilis kong inilagay ang palad ko sa bibig niya. "Shh!"

Natatawa siyang alisin iyon. "Ano ka ba? I can't help it! Nakakilig lang talaga!"

"N-nakita n'yo ba talaga kaming dalawa? Ano ba ang nakita n'yo?" mahina kong tanong.

"Okay, okay. Wala naman. Nakita ka lang naman namin na nakaangkla kay Kairon tapos hinalikan ka niya sa ilong!" ani Lia tapos ay mahinang tumili. Nagtunog sea lion siya sa parteng iyon. My gads!

Napakamot ulo ako dahil sa nahihiya akong marinig iyon mismo sa kanya.

"Don't tell me nahihiya ka? Kung ako iyon, I'll be so proud!" aniya.

"Hindi naman, Lia. Ang awkward lang kasi na marinig. Conservative kaya ako." saad ko.

"Wow sa conservative. Ikaw ang nakaangkla sa kanya tapos pa-conservative conservative ka dyan ngayon!"

Sakalin ko kaya itong si Lia?

"Ang awkward lang kasi na makita 'yun ng lahat. PDA kasi!" sabi ko pa.

"Public display of affection?! Oh my! Inaamin mo na bang may affection kayo sa isa't-isa?"

Bago ko pa masagot si Lia ay bumangad si Stephanie sa harapan ko.

"Are you happy now?" tanong niya habang nakataas ang isang kilay. "You now got what you want. Enjoy it while it last."

Umalis siya at wala akong sinabi na kahit na ano. She likes Kairon. I know it. Everyone knows it! Maybe she's hurt, but what can I do?

"And of course, Stephanie, the mood breaker. Napakapanira." utas ni Lia.

After our first class, binigyan kami ng free time dahil wala ang prof namin for our second class. Lia went back to her room to ger her power bank. Wala pa rin si Kairon kaya napagdesisyunan kong pumunta na lang sa library.

Kinuha ko ang librong Alice's Adventures in Wonderland. Nabasa ko na ito noon. I just wanted to browse on some chapters of it.

Naghahanap ako ng upuan nang makita ko si Kuya Mac na nakaupo roon sa may gilid ng bintana. He's holding an old book which I am not familiar of.

"Hi, Kuya Mac!" bati ko tapos ay umupo ako sa harapan niya.

Aba. Ni hindi manlang niya ibinaba ang libro niya!

"Tsk tsk. Mr. Luke Mackenzee De Guzman, isang lalaking nagsasalita sa loob ng Student Council Office. Pero mala hangin sa labas ng SCO. Magsalita ka naman, please!" pambubuyo ko pa.

Binaba ni Kuya Mac ang kanyang libro at tinaasan ako ng kilay!

"Don't worry. I'll be talkative once your Kuya woke up. I will tell him everything about what happened yesterday." anito.

Umawang ang labi ko at saka ko mahinang idinabog sa aming mesa ang librong hawak ko.

Dali-dali akong tumabi kay Kuya Mac.

"Kuya Mac naman! Alam mo namang hater ni Kairon iyong si Kuya Beau, eh!" sabi ko.

Pag talaga nagising na si Kuya, sasabihin ko kay Daddy na 'wag siyang pagamitin muna ng phone!

Saglit na natawa si Kuya Mac. Bihirang-bihira ito.

"Well, unless you'll be a good girl." ani Kuya Mac.

"Ginawa mo naman akong bata!"

"Aren't you? Bata ka pa pero love life agad." aniya na kala mo ay kay tanda na. As far as I know, isa o dalawang taon lang ang agwat namin!

"Hindi naman! Hindi pa nga kami!" giit ko.

"But you wish to, right?" siya naman ngayon ang nambubuyo. Mali yatang ginulo ko si Kuya Mac. Hindi ko naman akalain na ang tahimik na 'to ay may tinatagong kakengkuyan!

"Ikaw kasi, matanda na pero single pa rin!" biro ko. "Dapat mag-girlfriend ka na para sumaya ka naman."

Tinaasan na naman niya ako ng kilay!

"Masaya ako. Hindi ko kailangan ng love life para sumaya." giit niya.

Ibang-iba rin talaga siya kay Kuya kahit malapit silang magkaibigan. Si Kuya Beau kasi kahit sino atang sexy at magandang babae, papatusin! Napaka toxic ng love life! Nakakastress!

"Hindi ba masaya kung may kasama kang magbasa ng libro? 'Yong may kasama ka to share some good stories with? 'Di ba?"

"Nope. I'm happy reading alone." mabilis niyang sagot sa akin.

"In denial! Baka naman torpe ka lang, Kuya Mac?" sabi ko na lang. Gusto ko lang talaga siyang bawian.

"Paano ako magiging torpe, kung wala naman akong gustong babae?" aniya.

"As in, wala?!" gulat kong tanong. "Bakit naman? Ano bang type mo sa isang babae? Mataas ba ang standards mo, Kuya?"

"Wala akong type. Kung sino ang dumating para sa'kin, eh 'di siya." aniya.

"Paano naman kung dumating na pala... Pero hindi mo namalayan?"

In all fairness, ito ang longest running talking time ni Kuya Mac. Around of applaus!

"Wala pa nga."

In a span of seconds, agad akong may naisip na ideya!

"Eh 'di hahanapan kita." sabi ko at umalis na.

Ibinalik ko muna ang librong kinuha ko at saka lumabas ng library. Pagkalabas na pagkalabas ko ay kinuha ko ang aking cellphone sa bag.

May itinipa akong numero para tawagan. Mabilis naman itong nasagot.

"Lia! Single ka naman, 'di ba?"

Continue Reading

You'll Also Like

618K 38.9K 58
Eight different students with eight different stories. No one told them that entering Royalonda High will be one of the biggest events of their lives...
39.2K 757 41
Second chance was only given to those who deserves it. So what if, someone will be back from your past? Asking for another chance... Will you give it...
178K 6.6K 52
Nang malaman ni Erahlyn Rodriguez ang kanyang tunay na pagkatao, unti-unti niyang naramdaman na siya'y nakukumpleto na. Naramdaman niya na ang tunay...
16K 725 15
Vanessa, a senior-high student, loses her cherished notebook, only to find it in the hands of Mark Tristan Santiago, a popular varsity player. Intrig...